57. Georgia

7.5K 210 26
                                    

Hawak ko ang cellphone ko habang kagat ko ang aking labi at nakasandal sa BMW ni Fray. I was twice thinking if I’ll call Willard or not. He needs to know about this. Para saan? Para maging kami ulit? Would it be easy? Damn, I sounded like a desperate bitch after my ears.

“What are you thinking?” Fray snapped at me.

I glared at him. “Ang tagal mo.”

Ngumuso siya at umikot patungo sa driver’s seat. Ang halimuyak ng pabango ni Fray ay ikinagulat ko. My nostrils didn’t reacted. Ngumisi na lang ako at pumasok.

“You’re acting strange.” Fray looked at me as he started the ignition.

Nawala ang ngisi ko at tumingin sa buong bahay. Kinukurot ang puso ko sa isipin na itinago nilang lahat ang tungkol sa anak ko. Sa anak namin ni Willard. Naging malupit silang lahat kay Willard at hindi ko iyon matanggap. Sila na nga ang naglihim, sila pa ang nagalit. Hindi ko matanggap. It was so unfair with him.

“Grace…” tawag ni Fray sa nag aalangang tinig.

“Fray,” I looked at him.

Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang paglunok niya. He’s wearing that white v-neck shirt and classic jeans. Ang bawat himaymay ng kanyang muscles ay humubog ng perpekto sa kanyang damit. Nag init ang pisngi ko. I am craving for someone. No. Hindi kay Fray kung hindi kay Willard. Fray’s clothing reminds me of him.

What the fuck?

“Oh damn! Don’t look at me like that. Fuck!” sabi ni Fray at hinampas ang steering wheel. Umigting ang kanyang panga at namula pa ang mukha.

Kumunot ang noo ko. Palabas na kami ng subdivision noon.

“Fray, do you know something?” Tanong kong may halong pagdududa. Inaaral ko ng mabuti ang kanyang ekspresyon.

“What… something?” Tumingin siya saglit sa akin at nag iwas din agad nang makitang tinititigan ko siya. “You fuckin’ creep me up, girl. Wa’g mo akong titigan.” Aniya, may bahid ng kaba.

“My baby’s not dead.” Sabi ko at dinama ang kagandahan ng salita sa aking bibig. “Either you knew it or—“

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang magpreno. “What the hell?!”

“So, hindi mo alam.” I concluded. Base sa kanyang reaksyon ay mukhang hindi nga niya alam.

Ang mga wirdong ekspresyon sa kanyang mukha ay biglang nawala at napalitan ng pagkagulat.

“What? The baby’s dead, I know. Tita Anna ordered me to get his remains on the hospital’s… oh damn! Don’t tell me…” umigting ang kanyang panga at nakita ko ang dumaang galit sa kanyang mukha. Humigpit ang kapit niya sa manibela at makaraan ang ilang sandali, hinampas niya iyon. “Damn! I was a fucking idiot! The baby I got from the infirmary was about four to five months big already! Fuck! Hindi ko naisip na… Fuck! I’m sorry, Grace…”

Parang pinipiga ang puso ko sa nagsisising si Fray. Kumuyom ang mga kamao ko at galit para kay mama at papa ang bumalot sa aking kalooban.

They made us believe that my baby was dead! It was a well-made plot. May sangkot na ibang bata, walang muwang na bata. Binayaran nila ang doktor na magsinungaling at inutusan si Fray para gawin ang kabaliwang iyon. Para saan? Para sa sinasabi nilang proteksyon ko kay Willard?

The man was wounded when I shot him awful words and he was again shattered when they made him believe that his baby was dead! Ang bata na iniyakan niya nung burial ay hindi kanya. Nasa aking sinapupunan ang kanyang anak at buhay pa. Masakit iyon para sa kanya! Hindi ko matatanggap ang kahibangang ito nila mama. No way.

“I hate them. I hate my mom.” sabi ko bigla at pumatak ang luha ko.

Hinawakan ni Fray ang kamay ko at piniga ito. “I’m on your side this time, Grace. I’ll support you whatever it is on your head right now.” Aniya. “I will support you kahit na… uh, balikan mo si Willard.” Mahina niyang dugtong.

Kumunot ang noo ko. I admired Fray for being rational. Kahit na ayaw niya kay Will ay susuportahan niya pa din ako. Binitawan niya ang kamay ko at nagmaneho na siya ulit.

Lumunok ako at pinunasan ang luha ko. Nakatingin ako sa labas ng bintana at iniisip kung ano ang susunod kong gagawin. Isa lang ang malinaw sa akin ngayon. Iyon ay ang sabihin ito kay Willard. He needs to know. Hindi dahil gusto ko na mangyari ulit kami kung hindi karapatan niya itong malaman.

Our baby will save him from his distress. Our baby fixed me this time and I know he can fix his father as well. I have faith on this.

Dumaan muna kami ni Fray sa isang flower shop upang makabili ng bulaklak para kay Paul. Nang makarating kami sa Memorial Park ay bahagya ko munang itinaboy ang isiping iyon. Binalot ako ng kaba nang makita ang hindi kalakihang canopy doon. May higit sa limang tao ang naroon at nagkukwentuhan sa harap ng puntod ni Paul.

Nakatayo si tita Mildred suot ang puting dress na may itim na belt sa bewang, kausap niya ang kanyang hipag at iba pa niyang kaibigan. She’s wearing an aviator shades. Si Jervis naman ay naka puting polo at itim na pants habang nakikipag usap sa dalawang lalaki na nakilala ko bilang pinsan nila. Hindi ko na ikinagulat na naroon din si Kimberly sa kanyang gilid at naka abrisyete sa kanya. Kim’s white asymmetrical chiffon dress makes her more sophisticated and classy. Naka aviator shades din siya at pula ang kanyang lipstick. Kimberly is so gorgeous and I need to talk to her.

“Let’s go.” Ani Fray at hinawakan ang aking siko. He’s holding the bouquet of white lilies.

Nagpatianod ako at habang palapit kami sa tent na iyon ay lumalaki ang imahe nila sa aking paningin. Napalingon si Jervis sa aming direksyon. Kumaway si Fray at ngumiti naman ako. Lumawak ang ngisi ni Jervis at bumusangot naman si Kimberly nang makita ako. I really wonder why she hated me so much. She’s being an over-protective bitch for his brother.

Napatigin na din sa amin ang lahat ng kasama nila.

“Whoa, Grace. Looking so stunning, as always, huh?” sabi ni Ari, isa sa mga pinsan nila Jervis na kausap niya kanina. Ngumisi ako pabalik.

Tumingin ako kay Jervis at nginisihan siya. Nakita ko ang paghigpit ng hawak ni Kim sa siko ni Jervis na para bang makakawala si Jervis kapag luluwangan ang paghawak dito.

“That girl is damn clingy…” bulong ni Fray.

“Hi, Jervis!” bati ko at binalingan si Kim. “Hi, Kimberly.”

Lalapit sana sa akin si Jervis ngunit hindi siya nakagalaw nang humigpit ang kapit ni Kim sa kanya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag angat nito. She’s possessive, too.

“Kim, loosen up…” bulong ni Jervis pero narinig ko.

“Fine.” Masungit na sabi ni Kim. Naramdaman ko ang pag irap niya sa akin sa likod ng makapal niyang aviator shades.

“Glad you came, Gracie.” Sabi ni Jervis. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso para mahalikan sa pisngi.

Bahagya ko siyang itinulak at narinig ko ang pagngisihan ng mga lalaki niyang pinsan kasama na si Fray.

“Pag iinitan na naman ako ni Kim, e.” ngumisi din ako.

Nagkamot ng batok si Jervis at ngumuso. Nilapitan na lang niya ulit si Kim na nakasimangot pa din. Hinapit niya ang maliit na bewang ni Kim at itinagilid ang ulo para bumulong sa kanya. Humagikgik si Kim sa bulong ni Jervis. Napangiti na lang ako at tinignan si Tita Mildred. Nakita ko ang pag iwas niya ng tingin sa akin. Kinurot ang puso ko. Alam kong hindi naging maganda ang huli naming pag uusap at balak ko iyong ayusin ngayon.

Kinuha ko sa kamay ni Fray ng lilies at hinayaan na muna siyang makipag usap sa mga pinsan ni Jervis. Lumapit ako sa puntod ni Paul at nag squat. Inilagay ko ang white lilies doon kasama ng iba pang bulaklak. Hinaplos ko ang kanyang lapida at pumikit ng mariin.

Hey, Paul Villegas. How are you? I know you’re in safe haven now. Thank you so much for the wonderful years you’ve shared to me when you’re still here. I love you and you will forever be special to me. I am pregnant, Paul! Please, be happy for me. Happy birthday!

Idinilat ko ang mga mata ko at ngumiti. Tumayo ako at nasalubong ko ang namumulang mga mata ni Tita Mildred. Inalis na niya ang kanyang shades at batid kong kagagaling na naman niya sa pag iyak. Binati ko ang kanyang mga kaibigan pati na din ang isa pa niyang hipag. Matapos niyon ay nagpaalam sila kay tita Mildred. Siguro ay nakuha nila ang mensaheng kailangan naming mapag isa.

Tumikhim ako at lumapit sa kanya. I kissed her cheeks but she remained impassive.

“How are you, tita?” tanong ko.

“I’m fine.” Malamig niyang sagot.

Hinawakan ko ang kamay ni Tita Mildred at tumingin sa kanyang namumugtong mata.  “Tita, I’m sorry.”

“No, Grace. I should be sorry kasi hindi ko matanggap na nagmahal ka ng iba pagkatapos ng nangyari kay Paul. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit nawala ang pag ibig mo kay Paul—“

“Tita, hindi po…” putol ko. “Mahal ko pa din si Paul. Totoo iyon. Espesyal siya sa akin at kailanman, hindi magbabago iyon. It’s just that… I loved this new man with no prior notice. With no reason at all. Minahal ko na lang siya bigla ngunit hindi ibig sabihin no’n na nakalimutan ko si Paul. Nagmahal ako ng iba dahil kailangan, tita.” Paliwanag ko.

Because it’s true, I love Willard because it’s necessary. My heart was beating for him and I can’t set aside that.

Ngumiti si tita Mildred sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Nabunutan ako ng tinik sa kanyang pag ngiti. “Ikaw ang kamusta, anak? Nakikibalita ako kay Jervis…”

Kinagat ko ang labi ko at hinila si tita Mildred sa isang puno ng acacia sa malapit. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin ng mga tao sa canopy sa amin. Hindi naman umimik si tita Mildred.

“Tita, hindi nalaglag ang baby ko.” Sabi ko nang makalayo kami sa kanila.

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ito kay tita Mildred. Pakiramdam ko kasi ay sasabog ako kapag itinago ko ito. I want everybody will know that I’m still bearing a child. Isang bagay iyon na dapat ikatuwa at ipagmalaki.

I’ve been devastated when my mother told me that I lost my child. Naiwala ko ang sarili ko pati na din ang lalaking mahal ko. Ngunit ngayong nalaman ko na buhay pa ang baby ko at kumakapit pa din sa akin, pakiramdam ko ay nabuo agad ako. Nahanap ko agad ang sarili ko. At alam ko na ganito din ang mararamdaman ni Willard.

Lumipad ang palad ni Tita sa kanyang bibig. Mukhang hindi siya makapaniwala. “Pero sabi ni Anna… inilihim niya ito sa ‘yo? Paanong…” she’s having a hard time expressing herself because of shock.

“Gusto kong sabihin kay Willard pero hindi ko po alam kung paano.” Sumisikip ang dibdib ko. Dammit! I am dying to tell him this.

“Then go! Ano pa ang ginagawa mo dito?” sigaw ni tita sa akin. May bahid ng kasiyahan ang kanyang mukha.

Yumakap ako sa kanya at lumapit ulit sa canopy. Kay Kim. Tumaas ang kilay niya nang makitang sa kanya ako lalapit. Napatingin din si Fray sa akin.

“Where the hell is your brother, Maria Kimberly?” I asked with full of authority. My voice demands for an answer.

“Why would I tell you, huh? Hindi ba ay gusto mo na siyang mamatay—“

“Shut up and tell me where he is!” sigaw ko. Nilapitan ako ni Fray ngunit itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.

Mariing tumikom ang bibig ni Kim. I know she knew where his brother was. Ayaw niya lang sabihin dahil ayaw niya ako para sa kanyang kapatid pero wala akong pakialam.

“Kim, this is important.” Sabi ko pa.

“No. I won’t tell you.” Pagmamatigas niya.

“Grace?” naguguluhang tawag ni Jervis. Inirapan ko siya. Ngumuso siya at tumingin kay Kim. “Tell her, Maria.” Utos ni Jervis ngunit nagmatigas pa din si Kim.

“Still a no, Jervis. You see? Hindi niya iniisip na nasasaktan din si Willard sa kanyang ginagawa. Ngayon, hahanapin niya para—“

“Just tell her where the man is, woman.” Pagputol ni tita Mildred kay Kim.

Tinignan ko si tita Mildred at ngumiti siya sa akin na para bang sinasabi niya sa akin na ‘I got your back’. Binalingan ko ulit si Kim at nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Yumuko siya at kinagat ang labi. Tumaas ang kilay ko. She looked tamed and powerless. Para siyang naintimidate kay tita Mildred.

“H-he’s in… uh, Georgia, USA. He’s gone for five days now. He said he needs to go away dahil iyon ang sinabi ni Grace.” Sagot ni Kim.

Parang may dumagan na mabigat na bagay sa aking dibdib dahil bumigat ang pag hinga ko. Nag iinit ang sulok ng mata ko at hindi ko na naman maiwasang sisihin ang sarili ko. He’s gone! And it’s because of me.

“So what’s your plan now, Grace?” tanong sa akin ni Jervis.

Nasa driver’s seat siya. Si Fray naman ay nasa front seat at ako ay nasa backseat at nag iisip na naman. I feel like drowning in my own thoughts.

Ihahatid kami ni Jervis dahil tumirik ang makina ng BMW ni Fray sa Ayala Bridge kanina. He called Jervis and he picked us there. Hindi niya kasama si Kim dahil kahahatid lang daw niya ito sa kanila.

“Yeah, what will you do now? And we’re going home, Grace. You’ll face your mom or nah?” matigas na ingles ni Fray at tinignan ako sa rearview mirror.

Umirap ako at tumingin sa labas. “I don’t wanna talk to them yet. And I want… to fly to Georgia.” Sabi ko.

“What?!” gulat na tanong ni Jervis. “You’re not going somewhere far like that, Gracie, to follow the man. If he’s really in love with you, he’ll watch for you. Hindi siya aalis dahil lang sa sinabi mo.”

“Yeah…” segunda ni Fray.

Humalikipkip ako at ngumuso. Hindi ako papatinag. Gusto kong magtungo sa Georgia para sundan siya. Ako naman ngayon ang magbubuhos ng effort para sa aming dalawa. Hindi pwedeng siya lang.

“Funny, guys, to show your support.” Sarcastic kong sinabi. “I love the man, alright? And… he’s the father of my baby. He has the every bits of right to know about this. Knowing how broken he was…” may bumikig sa lalamunan ko at pinilit ko iyong lunukin. Kahit anong paraan ay gagawin ko makausap ko lang siya ngayon.

“Yeah… and I punched him.” Sabi ni Fray at ngumisi na para bang proud siya sa kanyang ginawa.

Hinampas ko ang braso niya. “How dare you!”

Tumawa silang dalawa na para bang lahat ay nakakatawa. Hindi na lang ako umimik hanggang sa makarating kami sa amin. Inihimpil ni Jervis ang kotse sa harap ng bahay namin. Lumabas si Fray at nakita kong napatingin siya sa kanyang kaliwa. Kumunot ang noo niya. Nang itulak ko ang pinto ng kotse ay doon lang ako binalingan ni Fray. He helped me out at tumingin ulit siya sa tinitignan niya kanina.

Kumunot ang noo ko nang makita ang dark blue na Accent na nakaparada malapit sa guardhouse. That was two blocks away from our house.

“Creepy. I think that was Willard, watching over you.” Bulong ni Fray sa akin. Kumalabog ang puso ko. “That’s his car.”

Pinakatitigan ko ang kotse. Hindi iyan familiar sa akin. I know he has black Lambo and Mustang and blue SUV. Pero itong Accent na ito ay hindi ko pa nakikitang gamit niya noon. Pero may kurot sa puso kong umaasa na sana siya nga ito.

Umiling ako. “That's not his car, Fray! He told me na aalis na siya ng bansa after our night with each other kaya hindi siya 'yan.” Besides, sabi ni Kim ay nasa US ang kanyang kapatid.

“No, Grace, I know the man. Hindi iyon basta susuko sa 'yo...” pilit ni Fray.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko siya maintndihan. Ayaw nilang pumunta ako sa US para sundan si Will ngunit ipinipilit niya ngayon na sa kanya ang kotseng ito at siya ang nasa loob. Heavy tinted ang salamin ng kotse tapos ay madilim pa banda doon kaya hindi ko maaninag.

“Well, he just gave up.” Malungkot kong sinabi. “Pasok na nga tayo sa loob. Thank you sa paghatid, Jervis!” kumaway ako kay Jervis sa loob. Ngumisi siya sa akin at umalis na siya.

Umiling naman si Fray at nauna ng pumasok sa loob ng bahay. Sinulyapa  ko pa ng isang beses ang dark blue Accent na iyon. Malungkot aking ngumiti at kinukurot muli ang puso ko. Sana nga ay siya iyon. Sana nga ay pinapanood lang niya ako sa malayo. Sana ay hindi siya umalis para lumayo dahil kailangan niya pang malaman ang tungkol sa baby namin.


Pumasok ako sa loob ng bahay. Naabutan ko sila Tita Ferlin, mama at papa sa living room na nakaupo sa sofa. Para bang hinihintay nila ang pagpasok ko. Si Fray naman ay nakatayo sa gilid ng kanyang ina.

Tumikhim ako. “Akyat na ako sa kwarto ko. Good night!” sabi ko at akmang tatalikod na nang narinig ko ang tikhim ni papa.

“Grace, we need to talk.” Utos iyon ni dad gamit ang matigas niyang ingles.

Humarap muli ako sa kanila. Pinipiga ang puso ko. All this time I believed that I am living with the people who were so genuine and kind to me but then they all lied to me for the sake of my so-called protection from the man I love. Kaya ko naman ang sarili ko. Oo, nangangailangan ako ng pag aaruga ng magulang at kamag anak ngunit hindi ko maatim na tikman ang ganito kabigat na kasinungalingan.

I straightened my face and looked at mama. Nagyuko siya ng ulo. Guilt was all over her beautiful face. I pity her, though, but I am so mad. So mad of what she did.

“I-I… already knew. Please, dad, respect my baby. Respect his father. Respect my hatred for all of you. You all lied to m-me…” nabasag ang boses ko. Nilapitan ako ni Fray at pumwesto sa aking likuran. Nakita ko ang pag patak ng luha ni mama ngunit wala akong maramdaman kung hindi pagtatampo at galit. “Excuse me.” Sabi ko at tumalikod na.

“Grace!” tawag ni Tita Ferlin ngunit hindi ko siya nilingon.

Nagmadali akong umakyat. Sumusunod si Fray. “Grace, please, tell me what’s on your mind so I can help you!” he seemed frustrated.

Hinarap ko siya nang nasa tapat na ako ng kwarto ko. “Just leave me alone for now, Fray Arkhim. I’m fine. Thank you.” Pinunasan ko ang lumandas kong luha at binuksan ang pintuan ko.

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko iyon at agad na hinanap ang kanyang numero. Nanghihina akong umupo sa kama nang out of service na ang kanyang cellphone number.

I’m going to Georgia tomorrow. No one can stop me now.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now