60. Done

8.4K 250 36
                                    

Salamat sa’yo dahil nakaabot ka dito! Till my next story… Mwa!

----

Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang pagsipa ng baby ko. Masakit ng kaunti ang pakiramdam na iyon pero hindi ko din maiwasang matuwa. Senyales lang iyon na buhay na buhay ang baby ko. Suminghap ako nang papatak na naman ang luha ko.


“He kicked again?” tanong ni Fray at nilingon ako habang nagdadrive siya.

Tumango ako at ngumisi. “Sa tingin mo, Fray, would it be better if Will’s here?”

Umigting ang kanyang panga. “Of course.” Mahinang sabi niya.


Of course it would be best if he’s here. Kaso ay hindi ko naman alam kung nasaan siya. Si Fray lagi ang kasama ko sa tuwing bibisita kami sa doctor. Tulad ngayong araw. The doctor said that my baby was doing fine and he’s healthy. Nang sabihin ng doktor na lalaki ang dinadala ko ay sobrang tuwa ni Fray. Iniisip ko din kung ano kaya magiging reaksyon ni Willard tungkol dito. Gusto ko ding pakiramdaman kung ano ang pakiramdam kapag siya naman ang kasama ko. Paano kaya iyon? I sighed. Sa tuwing naiisip ko siya ay bumibigat ang dibdib ko.


Ayaw ko na siyang isipin pero hindi ko naman maiwasan.


Sa paglabas ko ng kotse ni Fray ay nakita ko ang isang lalaki at isang babaeng lumabas sa bahay na katabi ng sa amin. Batid ko ay mag asawa ang mga iyon dahil sa ngiti nila sa isa’t isa. Oh, they must be the owner of the house.


“Shit!” narinig kong mura ni Fray nang lumabas din siya.

“Sila ang may ari ng bahay na ‘yan, Fray? They looked like Filipinos. Let’s make some friends!” aya ko at lumapit sa mag asawa.

“Grace!” tawag ni Fray pero lumapit pa din ako.


Hell, ngayon ko lang makikita ang may ari ng bahay na iyon tapos pakiramdam ko ay Pilipino pa kaya makikipagkaibigan na lang ako. There’s nothing wrong about that.


“Hi!” ngiti ko sa kanila. Napatingin sila sa akin at kumunot ang noo ko nang  makitang pamilyar ang babae sa akin. Maputi siya at mahaba ang buhok. She’s wearing a maxi dress.

Nawala ang ngisi ng lalaki pero ang babae ay ngumiti sa akin. “Hi, Grace! Oh my God, you’re looking gorgeous dahil sa pagbubuntis mo—”

“Vanessa!” mariing bulong ng lalaki.


Kinagat ni Vanessa ang labi niya na para bang pagkakamali niya ang pagbati sa akin at pagpuna sa pagbubuntis ko.


Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat na kilala niya ako. “You knew me?”

The man looked blankly at me. “Neighborhood. We have to go.”

“Y-yeah. Bye, Grace! Nice talking to you. Let’s go, Lance.” At hinila ang lalaki sa kanilang kotse.


Napanganga ako doon at hindi pa rin makagalaw sa nangyari. Pilit kong kinakalkal sa aking isip kung bakit pamilyar sa akin ang babae.


“Sa kasal ni Trina! I bumped on her before.” Doon ay tinigilan ko na ang pag iisip. The man called Lance was weird. Para siyang nakakita ng multo nang makita ako. Well…


Nang magpasko ay hindi na nakabyahe sila mama at papa dito kaya si Tita Ferlin na lang ang nagpunta. We invited Dick and Sylvia dahil sila lang naman ang nakakausap namin dito. Minsan ay bumibisita sila sa akin kapag may lakad si Fray at kailangan ko ng makakasama. They’ve been so good to me so as  pay, I invited them here.


Hindi ko na ulit nakita pa iyong mag asawang Pilipino na umuwi sa kanilang bahay ngunit naroon daw ang caretaker sabi ni Fray.


“Grace! Merry Christmas!” bati nila mama at papa sa screen nang magFacetime kami.

I cried. “I miss you po.”


Ito ang unang pasko na hindi ko kasama si mama at unang pasko rin na bumalik sa amin si Papa ngunit hindi ko pa nakasama.


Sa likod nila mama ay nakita ko si tita Mildred at Jervis. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jervis! Nagulat ako doon at sumikdo ang kakaibang panibugho sa aking puso.


“Ma, please give the phone to Jervis!” sabi ko.


Tumawa si mama at narinig kong tinawag niya si Jervis. Nakita ko ang pagtanggi ni Jervis na kausapin ako kaya minura ko siya. Natatawa siyang humarap sa akin sa screen.


“Fudging butthole! Pati ba naman ikaw ay iniiwasan ako? What the hell, Jervis? You’re always off for the past six months!” nanggagalaiti kong sinabi.

Ngumuso siya at nakita ko ang mapupula niyang labi. “Missing me, huh?”

“Prepare your butt when we meet again! I missed you, boy! Merry Christmas!” bati ko at ngumiti.


Naramdaman ko ang luha sa gilid ng aking mata. My emotions were too much to take in. Pakiramdam ko ay sasabog ako. Hindi ko maintindihan ng nararamdaman ko. Namimis ko na sila Jervis pero pakiramdam ko ay may mali.


“I missed you, too, sweet lips.” Aniya at kumindat.


Bahagya akong natulala sa mata ni Jervis sa screen. Nakikita ko ang pag aalinlangan doon at kaunting awa. Naninikip ang dibdib ko. Alam ba niya kung nasaan si Willard?


“K-kamusta na kayo ni Kim?” nanginig ang boses ko.

Lalong lumalim ang mata ni Jervis. “Grace, uuwi na kami ni Mama. Bigay ko na ito kay tita Anna?”

Nanikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay tinutusok ito. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko ay mayroong silang tinatago sa akin. “Jervis… please…” suminghap ako.


Bumukas ang kwarto ko at kahit na hindi ko iyon lingunin ay alam kong si Fray iyon.


“I don’t know, Gracie… I’m sorry.” At naputol ang linya.


Binitawan ko ang aking cellphone at tumayo. Kagat ko ang labi ko at pinipigilan ang paghagulhol. Alam kong masama sa akin ang stress at sakit pero hindi ko maiwasan. I am longing for him. I terribly missed Willard Almante and I have a gut feel na may itinatago silang lahat sa akin. I don’t know if I’m just paranoid or what.


“Grace… baby, I’m sorry.” Ani Fray.

Umiling ako. “G-get out, Fray.”


Hindi ko maintindihan kung bakit sila nagsosorry. I showered my whole life here waiting for him and the theory of them knowing what the hell is happening or where the heck was Willard is like a taste of betrayal for me.


“You’re thinking too much.” Saway ni Fray nang natulala na naman ako isang araw sa bulaklak sa aming garden.


It’s been what? Two weeks had gone again and I feel so dreadful.


“Where are you going?” I asked him instead. He’s wearing a button down long sleeves and dark blue pants.

“Out. Saglit lang. May kakausapin lang.” sabi niya at hinalikan ang noo ko.

“Fray, wa’g ka ng umalis. You see, my water can broke anytime. Sabi ng doktor ko.” Ngumuso ako.

Ngumiti si Fray. “I’ll be back as soon as I can, baby. Damn.” Pumikit siya ng mariin na oara bang nagtitimpi.


Tumalikod na siya upang pumunta sa kotse niya. Pinanood ko ang kotse niya hanggang sa umalis ito.


I was wearing a maternity dress now and according to the doctor I last visited, anytime of this month of January, I’ll give birth to my baby boy. HIS baby boy. Nakakaramdam ako ng sakit at panibugho dahil si Fray lang ang kasama ko noong mga panahong iyon. Noong mga panahon na dumadalaw ako sa doktor. I want him here. I will give everything I have now just to be with him now.


Nanlaki ang mga mata ko nang unti unti kong naramdaman ang paglabas ng malamig na likido sa aking gitna. Nabitawan ko ang bulaklak na pinitas ko at hinawakan ng mabuti ang aking tiyan.


“Oh my God! Fraaaay!” sigaw ko.


Natataranta na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Napapatingin sa akin ang mga Amerikano’ng dumadaan ngunit wala ni isa sa kanila ang nagtangkang lumapit sa akin para tumulong.


Ilang mura ang pinakawalan ko habang pilit na naglalakad papasok sa bahay para kunin ang cellphone ko. Narinig ko ang tunog ng makina ng kotseng tumigil at hindi ko na kayang lumingon pa.


“Baby… wait…” malakas ang kabog ng dibdib ko at pagsubok para sa akin ang humakbang man lang.

“Miss, are you… damn, you’re giving birth!” sabi nang malalim na tinig sa aking likuran. His American accent is pure and hot. Really, Grace? Hot? Where the heck was that came from?

“Help…” kinagat ko ang labi ko. Hindi ko na kaya pati ang magsalita.

Pumunta sa aking harapan ang lalaki at namangha ako ng bahagya sa kanyang mukha. Lalo na sa malalim at kayumanggi niyang mga mata. Napaawang ang bibig ko. Umamba siyang bubuhatin ako nang makarinig ako ng pagbagsak ng kung ano sa kabilang bahay. Parang salamin na nabasag. Hindi ko iyon nabigyan ng pansin masyado dahil narinig ko pa ang tunog ng makina’ng tumigil sa harap ng aming apartment.


“Grace! Fuck! Get off your filthy hands off of my cousin!” sigaw ni Fray at itinulak ang lalaking nagtangka ng tulong sa akin.

“Easy, dude. I was just trying to help—“

“Fuck off!” ani Fray at binuhat ako at nagmamadaling isinakay sa kanyang kotse.


Puro na ako iling at pikit dahil sa sakit na dumadaloy sa akin. Mahigpit ang pagkuyom ng aking kamao at pakiramdam ko sugat sugat na ang labi ko dahil sa pagkagat dito. I feel like being ripped literally. Nagmura si Fray nang sumakay din ang Kano sa backseat ng kotse niya.


“Get out!” sigaw ni Fray.

“I can help, dude! I’m a doctor!”

“Fray…” tinignan ko si Fray at sinenyasan siyang mag drive na.


Padabog niyang isinara ang kotse at umikot patungo sa driver’s seat habang ang lalaki naman sa aking tabi ay hinahaplos ang tiyan ko. Napaliyad ako sa sobrang sakit. Kinagat ko ang labi ko at mariing pumikit.


“Just relax. Breathe in and breathe out, sweetheart.” Masuyong bulong ng lalaki sa akin.


Nagmura si Fray ng malutong. Natataranta din siya ngunit hindi niya maipagkaila ang irita niya sa lalaking katabi ko.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now