30. Stop chasing

8.4K 219 26
                                    

"Ate Grace, si Sir Almante po ulit." Ngiti ni Karen sa akin.

Sumimangot ako at umiling sa kanya. Ngumiti siya pabalik at alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin. I've been avoiding Willard Almante for almost one week now. Matapos kong timbangin ang nararamdaman ko sa pagitan nila ni Jervis ay nalaman kong mahal ko na siya. Si Will ay hindi lang mas matimbang sa puso ko kundi mahal ko na siya. I freaking love him without prior notice! How silly could I be?

"E, kasi nga, Grace, love comes unexpectedly! Hindi iyan nangangailangan ng password para makapasok. It's like a monthly period, alam mong dadatnan ka pero hindi mo alam kung ano ang eksaktong araw kasi nga, irregular ka! Minsan it comes when you least expected it pa! 'Yang si Will, alam mong mamahalin mo siya, iyon nga lang ay hindi mo alam kung kailan kasi nga wala kang pakialam. Nag ingat ka pero kulang." Irap ni Hannah sa akin nang sabihin ko sa kanya iyon.

"What should I do now?" Ito ang tanong na bumabagabag sa akin simula ng gabi ng aking birthday.

"Edi sabihin mo!" Alertong sagot ni Jen at walang buhay na nginuya ang chips sa coffee table ng condo unit nila ni Andrew.

"No!" Sigaw ni Hannah. Jen and I looked back at her, creasing eyebrows. "Grace, you've been through a heartbreak. Namatay si Paul. Broken-hearted ka nung nakilala mo si Sir. And we all know here that brokenhearted woman is the most vulnerable woman! Hindi kaya phase lang iyan kasi si Sir ang nandiyan nung mga panahon na nag-gi grieve ka kay Paul?"

"Hannah, it's been five months!" Sigaw din ni Jen. "Naka move on si Grace nang wala ang Almante na iyan. Nito lang nalaman ni Grace na mahal na niya ang lalaking iyon, you think a brokenhearted woman can love again with her broken heart? Absurd, right?"

Huminga ng malalim si Hannah at hindi na nagsalita.

Matapos kong sabihin sa mga kaibigan ko ang sitwasyon ay nag pasya akong hindi na muna kausapin o kitain si Will. I need to know if it's just a phase or whatsoever. Isa pa ay hindi ko pa ito nasasabi kay Mama. I feel that I've been a bad daughter since I haven't told him about my feelings for Will.

"Grace, nakikipagkita si Mildred sa isang mall ngayon, nag-aayang kumain. Sama ka?"

Sa tuwing inaaya ako ni Mama tuwing gabi para kumain ay sumasama ako. I have this feeling na kapag mag isa na lang ako sa aming bahay ay bigla na lang akong puntahan ni Will. Wala akong takas kapag nangyari iyon.

"Sa makalawa na ang dating ni Jervis, Grace. Nagbabalak akong magpaparty!" Masayang anunsyo ni Tita Mildred. She's wearing an elegant red and black dress. Her diamond earrings were shining bright.

"Ganoon po ba, tita?" Tanging nasabi ko, wala sa sarili.

"Grace, may problema ka ba?" Tinagilid ni Mama ang kanyang ulo at kinunot ang noo. I smiled, I hoped it reaches my eyes. Naka-bun ang buhok ni Mama. Nakasuot siya ng long sleeve silver dress. Maganda ang mama ko. Gumaganda lalo kapag naaayusan.

"Wala, ma. Iniisip ko lang iyong flower shop."

"Balita ko ay nangunguna ang flower shop mo sa lugar niyo, ah? Two months pa lang ang shop pero sumisikat na. Good job, Grace! Nakikinita ko ang masayang mukha ni Paul sa iyong ginagawa." Ani Tita at sumubo ng pagkain.

"Salamat, tita." Sabi ko at lumunok. Ilang araw ko na bang hindi binibisita si Paul sa kanyang puntod? It's been a week! "Tita, do you mind if I fall in love again?" Naisatinig ko ang biglaang tanong sa aking isip. Hindi ko na mababawi ang aking sinabi dahil biglang nabitawan ni Tita ang kanyang kubyertos, si Mama naman ay siningkitan ako ng mata. I suddenly felt edgy. Damn! Wrong choice of words!

"Do you love someone else now, Grace?" Pino ang boses ni Tita. Walang bahid ng saya ang kanyang mukha ngunit wala ding bahid ng galit. Lungkot ang nahinuha ko sa kanyang itim na mata.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now