34. I'm aware

8.1K 236 23
                                    

Dinaluhan ako ni Mama at hinawakan sa braso. Agad kong pinunasan ang luha ko nang maramdaman ko ang init ng kamay ni Mama. Katulad ng dati ay kumakalma ako kapag nahahawakan o hinahaplos ako ni Mama at hanggang ngayon na hindi kami masyadong ayos ay ganoon pa din ang epekto ng Nanay ko sa akin.

"Okay ka lang ba, Grace? Naitulak ka ba nila?" Tanong ni Mama, nag aalala.

Nilingon ko sina Willard at Jervis na patuloy pa din sa pagsusuntukan. Pareho silang basag na ang labi, basag ang kilay at pinagpapawisan. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa nyerbos at galit. Nyerbos sa takot na magpatayan sila. Galit dahil sa pinapangalagaan nilang ego. Damn their egos! Sila ang dahilan kaya sila nagsusuntukan at hindi ako.

Napapalibutan na sila ng mga kapitbahay namin. Hinahayaan nila ang dalawa at hindi inaawat na parang boxing ang nagaganap. Naikuyom ko ang mga kamao ko.

Tinignan ni Mama ang tinitignan ko at humigpit ang hawak niya sa akin.

"Pasok, Grace." Maawtoridad ang boses ni Mama. Nag init ulit ang sulok ng aking mata. Nang hindi ako gumalaw ay hinila niya ang kamay ko. Magpapatianod na sana ako at hahayaan ang dalawang magpatayan ngunit napatigil ako nang may kotseng tumigil sa kalayuan. Dali daling lumabas ang naka-khaki shorts at plain white v neck shirt na si Fray at tumakbo patungo sa dalawa. Kita ko kung paano itinulak ng malakas ni Fray ang mga taong nakapalibot, mapa babae man o lalaki. Nagmura ang mga naitulak at napatingin ang lahat kay Fray na parang isa siyang aparisyon. Who wouldn't? He's like a model from nowhere that landed in this stinky, hot and crowded place.

Tumigil din si Mama sa paghila sa akin.

"Damn stupid people! Why watch? It isn't a boxing. If these two men died, you are responsible!" Matigas na ingles ang ibinato niya sa mga tao na napanganga lang sa kanyang sinabi. Napanganga ako nang sipain niya si Jervis na nakapaibabaw kay Willard at sinusuntok sa mukha. Tumilapon si Jervis at minura ang pinsan. "Stupid! That's not a proper way to kill a man, mate! Get a gun and shoot 'em in his dick. He won't die but soon he'll die out of frustration coz he can't have sex with his fractured dick!"

"Fuck!" Will muttered as he stood up. His heavy breathing and seething eyes makes me tremble in fear. Kakaiba ang kanyang mata at inaakto kapag nagagalit. This Will's devil side is his side I never wanted to see. Nanlilisik ang kanyang mata nang duruin niya si Jervis gamit ang hintuturo. "You... you have no idea what you're getting into!"

"Oh, I have a fucking idea!" Jervis scowled. Tumayo siya at susugod pa sana kay Will nang pumagitna si Fray.

"Fucking stop, you two--"

"Fuck! This is utterly bullshit!" Aniya na parang sinasabi ng walang halaga ang pagpunta niya dito. Na walang kwenta ang pakikipagsuntukan niya kay Jervis. Nagtatagis ang mga bagang niyang iwinaksi ang kamay ni Fray sa kanyang dibdib.

Nalaglag ang panga ko nang tumalikod agad siya at naglakad papunta sa kanyang kotse. Kusang umalis sa kanyang daraanan ang mga tao na parang takot na takot sa kanya. Sinundan ko siya ng tingin. Sa bawat paglakad niya na hindi ako nililingon ay naninikip ang aking dibdib. I want him to glance back at me... he opened his car's door. Glance back, Willard... I am hoping... he clambers to his car... started the ignition and drove away. My hope vanishes. He didn't glance back at me. Hindi man lang niya ako binigyan ng tingin kahit saglit. I want to shout at him and tell him that I'm here. That it's not utterly bullshit because I'm here. I want him to fight for me and not to for his ego. If he'll ask me to go with him, I'll go. But he didn't and I feel disappointed. Ganu'n na lang iyon?

Nabalik lang ako sa ulirat nang maramdaman ko ang paghila ni Mama sa akin. Napaupo agad ako sa sofa at sinalo ang aking mukha gamit ng aking palad nang makapasok kami sa bahay. I bursted into tears. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Hindi mag sink in sa utak ko ang nangyari. I didn't know why I feel disappointed. Para akong iniwan ni Willard si ere. Ni ang paglingon pabalik sa akin ay hindi niya nagawa. Why making it a big deal, Grace? It's no big deal! But hell it's bigger than life itself!

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now