33. Anong nangyari?

8.6K 199 22
                                    

Hindi ako makahinga dahil sa paninikip ng dibdib ko. Yes, I should have known better but I know it was my fault. Kung sana ay hindi na lang ako naghanap ng sagot sa mga tanong ko ay hindi ko ito matutuklusan. What you don’t know won’t hurt you. True enough.

Lumunok ako at nilingon si Willard. I stayed firm and gathered up my courage not to cry in front of him. Namumula ang kanyang mukha at nagtatagis ang mga bagang. Kunot na kunot ang kanyang noo dahil sa irita. Lalong nadepina ang kagandahan ng kanyang mukha dahil sa galit na ipinapakita.

“I’m sorry.” I said, smiling. “I’m sorry, Willard. You can sue me now for invading your privacy.”

Hinigpitan ko ang hawak sa kumot na nagtatakip sa aking katawan. Nakita ko ang kanyang paglunok habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Ito iyong mga panahon na sana ay nilamon na ako ng lupa. Siguro ay inaakala niyang ang cheap ko dahil pumayag o ginusto ko ang nangyari sa amin ngayon. Well, if that so, I still have no regrets.

Umamo ang kanyang mukha nang pumirimi ang kanyang tingin sa aking ibaba. Napalunok ako at tinignan ang tinitignan niya. My heart clenched at the sight. There was the blood that symbolizes my love for him. Ngumiti ulit ako at sinikop ang kumot.

“Willard, I’m sleepy... and tired.” Mahina kong sinabi.

Dinilaan niya ang kanyang labi at tumingin sa aking mukha. Wala na iyong galit sa kanyang mukha. Napalitan iyon ng pagsisisi. Saan? Sa pag sigaw niya sa akin o sa pagkuha sa akin? I’m confused, Willard. Kanina lang ay galit ka dahil sa aking nakita, hindi ba?

“I’m sorry, Grace.” Mahina niyang sinabi at tumalikod, ang kanyang muscles sa katawan ay umiigting. Umupo siya sa itim na sofa at tiningala ako. He smiled. “Come,” aniya at tinapik ang bakanteng sofa sa kanyang tabi.

Kinagat ko ang aking labi. “I thought you want me out of here?”

“You already saw it anyway... and I want you to meet my angel.”

Hinawakan ko ang aking braso dahil sa pagtayo ng aking balahibo. His voice was crestfallen when he said it. Sobrang lungkot ng kanyang boses na hindi ko mapagkakamalan na sa kanya ang boses na iyon kung hindi ko siya nakikita. Dahan-dahan akong naglakad at dahan dahan din sa pag upo. Nakagat ko ang labi ko nang humapdi na naman ang aking gitna dahil sa pagupo ko. Damn!

“Still sore, babe?” bulong niya at inihilig ang kalahati ng aking katawan sa hubad niyang katawan. Ramdam ko ang mahinang pintig ng kanyang puso habang masuyong hinahaplos ang aking ulo. I suddenly felt sleepy. Napapikit ako. “I’m sorry for shouting at you. Nabigla lang ako kasi wala pa na kahit sino ang nakakapasok dito. Even my mom or Kim or anybody. Ikaw pa lang.”

“I’m sorry.” I mumbled. I mean it.

Naramdaman ko ang labi niya sa aking ulo. Damn! What is he doing?

“I thought you were sore so I didn’t mind you when I enter this room. Akala ko hindi mo ako susundan. Iyon pala ay sumunod pa din. Aren’t you sore enough, ha?” I sensed humor on his voice. Ngumuso ako nang bahagya siyang tumawa. “You’re a special girl to me, Athena Grace.”

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now