36. Double Kill

6.8K 189 44
                                    

Alas singko nang matapos kami ni Mama sa aming pag uusap. Hinatid ko muna siya sa bahay bago ulit ako nag abang ng taxi paalis. Unlike before, nakakahinga na ako ng maluwag ngayon. Alam ni Mama kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung gusto ba niya ang ideyang iyon pero nanatili siyang tahimik. What's important now is that I now have her blessing to go and date Will. Masaya na ako doon.


Suot ang knee length lacy dress at Loboutin shoes ay bumaba ako ng taxi. Sa mall muna ako ngayon dahil binalak kong makipagkita kay Fray habang hinihintay ang oras na pagtatagpo dapat namin ni Will. Gusto ko ding makausap na si Fray tungkol sa tunay nilang relasyon ni Papa. I want this issue done para na din hindi ako kinakalabit ng aking konsensya kahit na galit dapat ang nararamdaman ko ngayon. Diretso ang lakad ko hanggang sa makita ko si Fray na nakaupo at pa linga linga sa loob ng coffee shop, nginingisihan ang mga babaeng tumitingin sa kanya.


Ngumisi ako at tumigil sa paglalakad. Inaral ko ang mukha ni Fray. Nagkukulay asul ang kanyang mata katulad ng mata ni Papa kapag tinititigan mo, fair white ang skin complexion katulad ng akin, ang ilong na matulis ay halatang sa ibang bansa nagmula, ang nadepinang panga ay may pagkakahalintulad kay Papa, ang kulay pula at manipis na labi ay masyadong mapang akit para sa iba. I don't feel weird admiration towards him kahit na gaano siya ka gandang lalaki. I wonder why. Dahil ba iyon sa magkamag anak talaga kami?

Umiling ako at pumasok na doon. Umupo ako agad sa kaharap niyang upuan at mukha pa siyang nagulat nang makita ako sa kanyang pag lingon.

"Having fun flirting with Filipinas?" I arched a brow at him.

Napansin kong mahaba din ang kanyang pilikmata at makapal ng tama ang itim niyang kilay. Bumagay iyon, lalong tumingkad ang kanyang asul na mata. He also have light freckles on his cheeks, just like Papa. Still, no weird admiration found.

"Magaganda sila." Ngisi niya at inayos ang kwelyo ng kanyang damit. Ang kanyang biceps ay gumalaw. Lumawak ang kanyang ngisi nang mapansin niya ang pagdako ng aking mata sa kanyang braso. "If you had a crush on me, that would boost my ego. But sorry to say, dear cousin, that would also be incest."

I made a face. "How in the big world you are my cousin?"

Kinagat niya ang kanyang labi at lumingon sa counter. Tumango siya doon and minutes later, our food was served. Fray motioned me to eat. Hindi ako gumalaw. Pinapanood ko lang ang kanyang mga galaw na pamilyar para sa akin. Ang pag inom ng kape, ang pagtingin ng mata na puno ng pagkakakilala at ang labing ngumunguso dahil sa pagpigil ng ngiti. Ang lahat ng iyon ay pamilyar. Parang si Papa lang.

"Can you see your father now?" Tanong ni Fray, pinupunasan ang labi gamit ang table napkin.

Tumango ako. "How? I want to know."

"My mother is Ferlin Van Haughes Wadsworth, eldest sister of Philip Van Haughes. I am Fray Arkhim Van Haughes Wadsworth, you are Athena Grace Quijano Van Haughes and that makes you my cousin. We're cousins."

Hindi ko nilubayan ng pagtitig si Fray habang tumatakbo ang mga bagay bagay sa isip ko. First cousin ko si si Fray, second cousin niya sila Paul at Jervis. Uncle niya ang Papa ko. Auntie ko ang kanyang ina. Ibig sabihin ba noon ay alam ng mommy niya kung nasaan ngayon si Papa at ng kanyang pamilya? I sighed. His family. My father's own family. Hindi kami ni mama ang pamilya niya.

"So, how is he? And his family?" Hindi ko naiwasan ang tabang sa boses ko. Kahit ilang taon na ang lumipas, ang isipin na iniwan kami ni Papa para sa iba niyang pamilya ay masakit pa din.

"He's oka--"

"Never mind, Fray. D-don't answer it. Masakit pa din." Sabi ko at huminga ng malalim. Umayos ng pagkakaupo si Fray at pinapanood ang aking reaksyon. "Kilala ka ba ni Mama? Does she know about this?"

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now