22. Decision

8.7K 218 50
                                    

Almost two hours in the road—Willard sleeps, Jervis drives and I was just talking to keep Jervis a company—and we reached Tagaytay City. At exactly 7:30 pm, Jervis stopped the car in front of Hotel Kimberly. Doon lang nagising si Willard Almante. At ang nakakainis pa, nakangisi siya. Para bang ang saya niya na makita si Jervis na napagod sa pagda-drive. Arsehole!

“You drive well, boy. I got a heavy sleep.” Ani Willard na may halong pang-aasar sa kanyang boses.

Umirap ako. “Bitbitin mo ‘yang travelling bag ko nang may pakinabang ka naman.”

“Sure, babe. Gusto mo pati ikaw ay buhatin ko?” Kinagat niya ang kanyang labi, pinipigilan ang pagngisi.

Tumingin ako kay Jervis na humihikab. He must be tired in the one two-hour drive. “Jervis, magpahinga ka na.” Sabi ko sa kanya, hindi pinansin ang sinabi ni Willard.

“Yeah.” He yawned, playing the car key on his hand. Hindi ako nagreklamo nang hawakan niya ang kamay ko papasok sa hotel. “Bring the travelling bag, old man. We’re tired.” Aniya pa kay Willard na mura lang ang isinagot.

“Good evening, Sir and Ma’am! Welcome to Hotel Kimberly!” Masayang bati ng babae sa front desk na tinanguan lang namin ni Jervis. “Ilang rooms po?” Tanong niya.

Si Jervis ang nagsalita. “Two rooms.” Sagot niya at nilingon si Willard na nakatuon ang tingin sa akin. Nakakunot ang kanyang noo. Gusto kong matawa dahil hawak niya ang purple kong travelling bag. Hindi bagay para sa maskulado niyang katawan.

“Good evening, Sir Willard! Kasama niyo po ba sila?” Kumunot ang aking noo nang sabihin iyon ng babae. Kilala niya si Will?

“Yes, Pan. Is the penthouse ready?” Itinagilid ni Will ang kanyang ulo at bumaling sa babae.

Humagikgik ang babae at inipit ang takas na buhok sa kanyang tainga. The nerve of this lady! “Yes, Sir. Naitawag po ni Miracle kanina na pupunta kayo dito. Hindi nga lang po niya sinabi—“

“Enough said. Pakidala ito sa penthouse.” Ani Will sa dumaang bellboy. Binalingan niya si Jervis. “You rent a room, boy. Athena Grace will stay on my room.” Walang abog niyang wika.

Nanlaki ang mata ko. Bago pa ako makasagot ay nagsalita si Jervis. Kalmante ang kanyang mukha. “Doon ka sa penthouse mo. Gago! Magrerent kaming dalawa ng kwarto.” Ani Jervis at hinawakang mabuti ang aking kamay na parang ayaw akong pakawalan. “You hear me? Two rooms!” Pagsusungit niya sa babaeng nasa front desk tsaka niya ibinigay ang kanyang gold card.

“Yes, Sir! Yes, Sir!” Nataranta ang babae.

“And that travelling bag,” Kinuha ni Jervis sa kamay ng bellboy ang bag ko.

“Room 4302 and room 4303, Sir. Here’s your key cards.”

Agad nang kinuha ni Jervis ang dalawang key cards at hinila na niya ulit ako papuntang elevator. Tahimik naman na sumunod si Willard na ipinagtataka ko. Tahimik lang siyang nakamasid sa metallic door ng elevator. Siya na mismo ang pumindot ng 43rd floor sa panel.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now