29. Okay

8.6K 208 28
                                    


Marami ang mga nakahaing pagkain sa kanilang dining table. Ang dalawang katulong sa aming gilid ay naghihintay lang na utusan. Sa tabi ni Mr. Tuazon ay ang kanyang asawa na kanina pa naka-ngiting aso habang pinapanood niya si Willard na naglalagay ng dalawang klase ng ulam at kanin sa aking plato.

“Anak, hindi mo ako pinagsilbihan ng ganyan.” Aniya kay Willard sa nanunuksong tinig.

“Mom, stop.” Tikhim ni Willard at inginuso sa akin ang plato ko. “Eat, Athena Grace.”

Nag-atubili ako dahil naamoy ng aking ilong ang ulam na hindi ko alam ang pangalan. Tahimik na kumakain si Kim sa kabisera ng mesa ngunit hindi maitatago ang mala-demonyita niyang ngisi sa labi at pilyang tingin sa akin.

“Who’s the girl, Will?” Seryoso ang boses ni Mr. Tuazon kaya naging mahinay ang pagnguya ko sa pagkaing nasa aking bibig.

“He’s my girl, Sir.” Atubiling sagot ni Willard at ipinatong ang kamay sa aking hita.

“Your girl? Fine. Her name then?”

Huminga si Willard ng malalim na para bang hirap siya sa kayang isasagot. “Grace, Sir.”

“So... Grace?” Tingin sa akin ng kanilang padre de pamilya. Uminom siya ng tubig at pinakatitigan ang aking mukha. “Taga saan ka, hija?”

Nilingon ko si Willard, hinihingi ang permiso kung sasagutin ko ba ang tanong na iyon. He slowly nodded his head, twice thinking. Ngumisi ako at binalingan ang kagalang-galang na Mr. Tuazon.

“Sa may QC lang, Sir. Nangungupahan kami ni Mama ng isang apartment sa isang subdibisyon at...” Napatigil ako sa aking sasabihin nang dumiin ang hawak ni Willard sa aking hita, parang pinapatigil ako sa pagsasalita.

“Too much information, gorgeous.” Iling niya at sumubo ng karne.

“Let her do the talking, Almante.” Irap ni Mr. Tuazon na sinuklian ni Willard ng iling. Si Mrs. Tuazon at Kim ay tahimik na kumakain ngunit tinatalasan ang pakiramdam. Para bang sanay na sila sa usapan sa pagitan ng dalawa. Nilingon ulit ako ni Mr. Tuazon. “Anong trabaho mo?”

“Um... Self-employed po ak—“

“She owned a flower shop, Sir. But soon, I’ll burn that flower shop so she’ll stop working for money. I will finance her needs para hindi na niya kailangang magtrabaho.” Tuloy tuloy na sabi ni Willard at kumain ulit na parang walang sinabi.

“Um... I won’t let him rule me though,” pagbawi ko sa sinabi ni Willard. Napatingin sa akin si Kim, itinaas niya ang kanyang kilay. Ngumisi naman ang mag-asawa. Si Willard ay hinigpitan ang pagkakahawak sa aking hita. Inirapan ko siya. “Walang babaeng gusto’ng maging pabigat sa kung kanino man, kung sakaling kami ni Willard sa huli, gusto kong pagtulungan namin ang buhay para gumaan ito. ‘Di ba, babe?” Ngumisi kay Willard. Umiling siya at ngumisi. Too early for this Willard but yeah, I won’t let you rule me.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now