28. V neck

8.9K 227 27
                                    

Bukas ay birthday ko na. Ika-pitong beses na na wala si Papa sa aking kaarawan. Ngumisi ako. Bakit ko naman binibilang ang kawalan ng ama ko sa aking birthday? Because I was hoping that someday, just hoping, that he'll go home with us. But that was just a hope for it was no percent guarantee that it will happen.

"Grace, ano'ng gusto mong gawin bukas? May pera ako dito, gusto mo bang mag Hong Kong?" Si Mama, she was braiding my hair.

Nakaupo si Mama sa sofa habang ako ay sa sahig, nakapagitna sa kanyang hita ang aking likod, naka indian seat habang hawak ang di-kalakihang salamin na pabilog. Linggo ngayon at hindi ako pumasok sa shop.

"Sa'n ka kumuha ng pera mo, Ma?" Naitanong ko habang tinitignan ko ang imahe ko sa salamin. I smiled bitterly. The color of my eyes, the well-upturn of my nose and the color of my skin remind me of my father.

"Sa 'yo. Iniipon ko para sa birthday mo bukas,"

"Ayoko, Ma. Basta ay ipunin mo lang 'yan. Buy all you want." Ngisi ko at kumuha ng chips sa center table at isinubo kay Mama. Kumuha din ako ng para sa akin.

"Kailan daw ang dating ni Jervis? Missed ko na ang batang iyon." Tinignan ako ni Mama sa salamin.

"Ewan po. Two weeks pa ata siya do'n," balewala kong sabi.

"Di ba ay nililigawan ka na niya?"

Kinagat ko ang labi ko. Nang matapos si Mama sa pag braid sa buhok ko ay tumabi ako ng upo sa kanya. I looked at her. Mama's wearing a red blouse with lacy part on the upper part and a pair of white fitted pants. Kagagaling lang namin sa simbahan at hindi pa nagbibihis. I wanted to tell her that I gave Jervis a chance but... I don't know. Gusto ko ding sabihin na si Will ang gusto ko pero hindi ko alam kung matatanggap niya iyon. Given the fact that she disliked him at hand.

"Ang gulo, Ma, e." Sabi ko. "Gusto kong si Jervis ang magustuhan ko pero sa iba naman po ang nagkagusto."

Tumaas ang kilay ni Mama. "Si Will Almante ba ang nagustuhan mo?"

Huminga ako ng malalim at humiga, ginawang unan ang kandungan ni Mama. "Opo,"

"Paano mong nagustuhan ang demonyong iyon, Grace? Nakikinita kong katulad siya ng ama mo, walang maidudulot na maganda," kalmado ang boses ni Mama pero alam kong nagagalit na siya.

Madaming beses ko na ding tinanong sa isip ko kung bakit ko gusto si Almante. He was an actual opposite of the deserving man I once knew. I know what world he was in. I know how he handles girls, kahit na hindi ko pa nakikita kung paano talaga siya makihalubilo sa mga babae. But based on what he said, he paints girls. Meaning... he had a bunch of girls in the past. I snorted. How come do I like that man? Hindi ko alam kung bakit.

"Kaya po ba ayaw mo kay Will dahil katulad siya ni Papa, ma?" Tiningala ko si Mama.

Nakita ko ang mariing paglunok ni Mama. "Hindi. Oo. Ayaw ko lang na matulad ka sa akin noon." Ani Mama at nakita kong kumislap ang kanyang mata dahil sa nagbabadyang luha. "Si Philip ay katulad ng ibang mga lalaki diyan. Sa una ay sweet, ipaparamdam sa 'yo na ikaw ang gusto, ikaw ang babaeng huling iibigin at ikaw ay kakaiba, pero habang tumatagal, ipaparamdam nila sa 'yo ang kabaligtaran ng una nilang ipinakita sa 'yo. Ngayon, Grace, gamitin mo ang utak mo. Nasaktan ka sa pagkawala ni Paul, alam kong nakakaahon ka na, wa'g mo na sanang ilubog pang muli ang iyong sarili dahil sa pansamantalang saya na dulot ng lalaki na iyan."

Kinagabihan no'n, habang nakahiga at nakatitig sa kisame, ay naglalaro sa aking isip ang sinabi ni Mama. Does my mother really knows what will happen because she experienced it on herself? Dapat ko bang layuan si Will? I groaned. No way! Mag iingat lang ako pero hindi ko siya lalayuan. Hindi ko kaya.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now