26. Aangkinin

10.7K 277 29
                                    

"Wala atang nude paintings na nagkalat?" Humagikgik ako habang inililibot ang tingin sa loob ng tinutuluyan niya. Maluwang ang kwarto. Hula ko ay dalawang regular rooms ang katapat nito. Ang mga paintings na nakasabit sa dingding ay wholesome sa paningin.

"This is not mine so there is none," I heard him said.

I just shook my head. Mayroon pa din pala siyang itinatagong nude paintings sa buhay? Sinundan ko siya nang maglakad siya papunta sa kitchen area. Nakita kong kumuha siya ng isang bote ng white wine sa wine rack na may laman pang ibang mga mamahaling alak. Tinignan niya ako, ngumuso siya at nagkamot ng batok. He looks cute by doing that.

"You look like a kid by doing that," Asar ko sa kanya.

He made a face. "Wa'g mo akong itulad sa totoy na iyon,"

"Jervis is his name, Willard." I said to him.

Sinundan ko na naman siya sa paglalakad. Pumasok siya sa isang kwarto na naman. Kita ko ang queen size na mattress sa gitna ng kwarto, maayos iyon. Nagtuloy siyang pumasok sa walk in closet. Nakita kong may glass door na naman siyang binuksan doon. Hinarap niya ako.

"I don't care about his name. All I know is that, he's a boy who was confused about his feelings," at pumasok na naman sa loob.

Sumunod ako. Naabutan ko si Will na tinatahak ang anim na baitan ng hagdan doon na gawa din sa salamin. Napanganga ako. Wow! Secret passage ba ito pataas sa roof top? Madilim ang parteng ito ng kwarto pero lumiwanag iyon nang itulak ni Will ang isa pang pintuan. The glimmer of the full moon above lights the vicinity. I was amazed. Napaka romantic ng lugar.

Umakyat na din ako. Kinuha ni Will ang kamay ko para alalayan akong umakyat. He can be gentleman at times, alright.

"Welcome to Hotel Kimberly's roof," he chuckled as he guided me somewhere.

Sa bawat hampas ng hangin sa aking mukha ay napapapikit ako ng panandalian. Malamig ang simoy ng hangin. Nilalamig ako dahil iyong cotton dress na sleeveless pa din ang suot ko. Idagdag pa na wala pa akong sapin sa paa.

"Nilalamig ako," utas ko at tumigil sa paglakad. Naninigas ang mga panga ko dahil sa lamig!

Willard faced me. He grinned and grabbed my hand again. Nagpatianod ako. Tinanaw ko ang open space ng roof top. Kita ko ang kislap ng tubig mula sa Taal Lake sa ibaba, ang mga makukulay na ilaw sa buong Tagaytay. Maganda sana kaso ay hindi ko masyadong ma-appreciate dahil nilalamig talaga ako.

Habang naglalakad kami ni Willard papunta sa puso ng rooftop ay natanaw ko ang maliit na round table doon. May isang long stem ng gerbera sa mesa, dalawang plato na may pagkain na hindi ko alam kung ano, sa gilid no'n ay mga kubyertos, dalawang wine glass at sa gitna noon ay maliit na lampara. Hinila ni Will ang isang upuan nang makalapit kami doon. I sat where he guided me.

"Flower, miss." He sweetly smiled at me as he handed me the cerise gerbera afterwards, I gladly took it. It was very unusual that I received this kind of flower. Kadalasan kasi ay rosas ang natatanggap ng mga kababaihan, e.

"Thanks. So, what is this for?" I asked, putting the flower down.

Hindi siya kumibo. Kinuha niya ang itim na leather jacket na nakasabit sa kanyang upuan at ipinatong sa balikat ko. Nasamyo na naman ng aking ilong ang pabango niya. Damn! Gusto ko ang pabango niyang iyon.

"Anong pabango mo?" Hindi ko na maiwasan ang pagtanong.

I heard him grinned. "Secret,"

Sumimangot ako. Siya naman ay umupo sa upuang kaharap ko. He opened the wine bottle and it creates a loud sound. I giggled. Tumingin siya sa akin, tumaas ang kanyang kilay.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now