12. The broken-hearted girl

11.6K 260 25
                                    

Damn! I was running late. Kung bakit naman kasi hindi ko namalayan ang oras kagabi. I was jotting down all the notes from the seminar I have attended in Makati and it happened to be the most influential company who sponsored it kaya ako pumunta kahit alam kong may trabaho ako kinabukasan. Minsan lang kasi ang ganoon kaya sulong na agad ako. Marami akong natutunan, mula sa simpleng business planning hanggang sa pag-manage ng isang negosyo. Though it was worth it, I can’t just set aside United Life.

Late akong nagising. Nawalan pa ng tubig sa bahay. Now, I’m all messed up running with my pencil cut skirt and blouse and four-inched high heels. Yeah, great! Tinignan ko ang suot kong relo at nakitang fifteen minutes late na ako.

“Gracie!”

Napatigil ako mula sa mabilis na paglalakad nang marinig ko iyon. Hindi ko na sana iyon papansinin pero pamilyar sa akin ang tinig.

“Running late, huh?” Ngumisi siya at nakapamulsang lumapit sa akin.

Umirap ako sa kanya kahit na gusto ko na siyang yakapin. “Anong kailangan mo? Late na ako. Twenty minutes.” Nagmamadali kong sabi.

“Yeah, twenty minutes. Papagalitan ka lang no’ng manager mong masungit. Better to come with me, Gracie. I missed you.” Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag na nakasabit sa balikat ko. Napangiti ako ng pilit. That’s his way of inviting me para daw hindi ko siya matanggihan.

“No, Jervis.” Sabi ko at binawi ang bag ko. “Kailangan kong pumasok, ano ka ba! One month na lang naman ako diyan kaya matitiis ko pa ang ugali ni Manager.” Nginisihan ko siya.

Inginuso niya ang kanyang mala-rosas na labi at sumimangot. He’s wearing a folded v-neck shirt, faded jeans and Nike shoes. Iyong buhok niya ay halatang sinuklay lang niya gamit ang kanyang kamay. Napailing ako nang nakita ko sa likod niya ang kulay asul niyang sasakyan. Inaabangan niya talaga ako.

“What if I’ll wait for you until lunch and then let’s eat outside?” He wiggled his eyebrows. I glared at him.

Huminga ako ng malalim bago tumango. “Fine!” Alam ko naman na hindi ko talaga siya matatanggihan.

Mula sa pagkakasimangot ay ngumiti siya ng malapad. Sinamahan na din niya akong maglakad papunta sa building ng United Life na along the highway lang din. Sinabi ni Jervis na hihintayin niya ako sa loob ng kanyang kotse. Tumango na lang din ako dahil sa pagmamadali.

“Grace!” tawag sa akin ni Hannah nang sa wakas ay makapasok ako sa opisina nang hindi sinisita ng manager. Lukot ang mukha ni Hannah at gulo-gulo ang mahaba at itim niyang buhok. “Kainis! Ako na naman ang pinagbuntungan ni Manager ng ka-late-an mo.” Aniya at ginulo ang buhok, mannerism niya iyon kapag naiinis siya.

Ngumuso lang ako at umupo na sa pwesto ko. Magkatabi kami ni Hannah ng cubicle kaya siya lagi ang pinagtatanungan ng manager kung nasaan na ako at kung bakit ako late.

Kumunot ang noo ko nang ilapag ni Hannah ang isang sobre sa mesa ko. “Galing na naman sa itaas?” tanong ko at nag-taas ng kilay, ibinababa ang bag sa mesa.

“’Yan ang dapat mong ma-reach na quota para tuluyan kang makaalis dito.” Iniikot ni Hannah ang kanyang itim na itim na mata dahil sa irita.

Kaya hindi din agad ako makaalis sa trabaho ay dahil may quota silang ibinigay and we have one month to reach it. Okay na din naman sa akin iyon basta makaalis ako dito as soon as the soonest.

“’Pag nakaalis lang ako, sisiraan ko ‘tong kumpanyang ito.” Pahabol ni Hannah na tinawanan ko lang.

Alam ko lang naman na sinasabi lang niya iyon kapag naiinis siya. I know she doesn’t mean it. Minsan kasi sa sobrang inis natin sa isang bagay, nakakapagsalita tayo ng masasama. And later on, we’re sorry about it. It’s just a spur of the moment act na hindi na maii-undo but in the good side of it, we will learn how to watch our words next time.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now