50. Not Again

6.4K 221 34
                                    

"Grace, hindi ito ang daan papunta sa atin."

Ipinatong ko ang aking ulo sa balikat ni mama at hinawakan ang kanyang kamay. Kasalukuyan kaming nandito sa kotse nila papa at binabagtas ang daan patungo sa bahay namin. Yes, the house belong to ours as mentioned by papa. Tanggap na tanggap ko na na bumalik na sa amin si papa. Maybe this just needs some worthy and honest explanations to mend our broken family.

"Grace, saan tayo pupunta?" Tanong ulit ni mama, nangangailangan ng sagot.

"We're going home, mama." Makahulugan kong sinabi.

"Finally, tita Anna." Singit naman ni Fray, makahulugan din.

Si Fray ang nasa front seat katabi ni Mang Ronnie, ang family driver nila tita Ferlin. Ako naman ay nasa tabi ni mama dito sa backseat.

"Bakit parang kinakabahan ako, Grace? I feel something is about to happen. Something that will change my life." Umiling si mama na para bang bnabalewala ang pakiramdam na iyon. Hinawakan niya ang kanyang dibdib.

Ngumiti ako at inilagay din ang isa kong kamay sa tapat ng dibdib ni mama. Natuwa ako nang maramdaman nga ang mabilis na pintig ng kanyang puso. Para bang nararamdaman na niya ang malapit nilang pagkikita muli ni papa. I'm now convinced that a mother's third eye was located in their hearts. Hindi nila nakikita ang posibleng mangyari ngunit nararamdaman nila ito. Just like when she told me that Willard is a trouble to my heart. He is, indeed, a trouble. He's still messing my mind after almost three weeks after the incident.

I shook my head, shooing the thoughts away. Narating namin ang mansyon ni papa at dumiretso agad ang driver sa tapat ng bahay. He stopped in front of the lively fountain. The different color of lights emitted in the water were dancing gracefully through the water coming from the mouth of the statue of Athena, the goddess of wisdom. Tama nga si Fray, mas maganda ang fountain na ito tuwing gabi.

Nang lingunin ko si mama ay nakita kong pinupunasan na niya ang kanyang luha habang tinitignan sa labas ang statue na iyon. Nanikip ang dibdib ko.

"Matagal ng pinapangarap ni Phillip ang patayuan ka ng estatwa ni Athena. Dapat ay noong 16th birthday mo ngunit wala siyang pera noon para gawin iyon. Ngayon..." hindi naituloy ni mama ang kanyang sinabi dahil naluha ulit siya.

Ngumiti ako sa kabila ng pagpatak ng aking luha. Ramdam ko din ang hindi makapaniwalang reaksyon ni mama. Kung bibilangin, mula nang umalis si papa sa poder namin ay ipinatayo na niya itong estatwa ni Athena. Hindi umalis si papa. Kami ang lumimot sa kanya habang siya ay nanatili pa din kaming minamahal.

Bumaba si Fray at si Mang Ronnie para buhatin si mama sa paglabas. Hanggang ngayon kasi ay naka-cast pa din ang pareho niyang binti. Lumabas na din ako sa kotse at inihanda ang wheelchair na gagamitin ni mama.

"Nililigawan mo ba ang anak ko, Fray?" Biglang tanong ni mama nang isabit niya ang kanyang kamay sa leeg ni Fray para sa suporta.

Nanlaki ang mata ko ngunit natawa din nang ngumisi si Fray.

"Ma, pinsan ko siya." Sabi ko, natatawa pa din.

Tumingin si Fray sa akin at nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Marahil siguro sa pagbuhat kay mama. Nang ibaba ni Fray si mama sa wheelchair ay sumuporta naman agad si Mang Ronnie.

"If it isn't incest, tita, I will court her though." Mahina ang boses ni Fray ngunit klaro iyon sa pandinig ko.

I playfully slapped his arm. He groaned. "Ha ha, Fray." I faked a laugh.

Umigting ang kanyang panga at inirapan ako. He looked pissed but then he looked at mama with softened eyes.

"Ferlin Van Haughes is my mom, tita Anna." Aniya kay mama.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now