38. Realization

7.2K 188 57
                                    


Ang makita si Jen habang humahagulhol sa bisig ng kanyang magulang ay sobrang sakit. Mas gugustuhin ko pang manood na lang sa telebisyon ng babaeng iniwanan ng mapapangasawa kaysa ang panoorin si Jen ngayon. Hindi ko kaya. Nadudurog ang puso ko para sa aking kabigan.


"Ma... Pa! No! Hanapin ninyo siya!" Sigaw niya at humagulhol ulit. Malakas ang kanyang kapit sa braso ng ama na parang doon siya kumukuha ng lakas. Magulo na ang kanyang buhok at tunaw na din ng kanyang make up sa kakaiyak. Napailing ako at yumuko. Hindi ko siya kayang makita ng ganoon ang istado.


Natagpuan ako ng mga mata ni Hannah kaya lumapit siya sa akin. Suot niya ang dress na katulad ng akin ngunit iba ang disenyo noon sa waistline. Nakalugay ang kinulot niyang buhok at bumagay iyon sa kanyang mukha. Bigla siyang napatigil nang makita ang tao sa aking likod, si Will.


"Grace..." alangan niyang sinabi.

Tiningala ko si Will at nakita ko ang seryoso niyang tingin sa umiiyak na Jen. Kumunot ang noo ko at binalingan si Hannah. "What is it?"

Tumikhim si Hannah. "Kinausap ako ni Andrew kanina. He's in Tagaytay. Sasabihin ko ba iyon kay Jen?"


Kinagat ko ang aking labi at hinanap ang kamay ni Will. Tiningala ko siya ulit at nakita ko ang kanyabg tingin sa aming kamay na magkahugpong. He was looking at it with such doubt. Mabilis ang kanyang hininga dahil sa pag taas baba ng kanyang balikat. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip. Para siyang naguguluhan. Pagod na tumingin sa akin ang kanyang mga mata at pilit na ngumiti. I smiled back. Tinignan ko si Hannah.


"Hindi niya kailangang malaman na nasa Tagaytay si Andrew ngayon kasama nung... nung Amerikano niyang boyfriend."

"What the..." anas ni Will.

"Tanginang Andrew!" Galit na bulong ni Hannah at saka umalis.


Huminga ako ng malalim dahil sa sikip ng aking dibdib. Hindi ko kasi matanggap. Sinabi sa akin ni Andrew na hindi niya pwedeng pakasalan si Jen dahil bigla daw nagbago ang takbo ng kanyang puso at isip nang ma diskubre niyang hindi na niya mahal si Jen dahil sa Amerikanong nagpabago ng kanyang pananaw bilang lalaki.


"Bakit kailangang umabot sa araw na ito ang kagaguhan mo, Andrew?! You have just cancelled the wedding at hand!" Galit kong isinigaw kay Andrew dahil sa irita at poot.

"I can't do that! Magtatanong sila mommy at daddy kung bakit at hindi ko kayang..." umigting ang kanyang panga at sa aking gulat ay bigla niyang sinuntok ang pinto ng CR. "I'm a selfish being, Grace! I know. Sana mapatawad niya ako. Sana mapatawad niyo ak--"

"So, paano si Jen? Aalis ka? Iiwanan mo siya? Paano siya? She loves you and this woud be fucking hard for her!" Ikinuyom ko ang aking kamao dahil sa pagpipigil na padapuin ito sa mukha ni Andrew.

"I'm sorry..." his tears fell. "Kapag nasa posisyon mo ako at ang tanging gusto mo lang ay mapanatili ang taong mas mahal mo sa tabi mo, kahit na nakakasakit ka na ay gagawin mo pa rin, maiintindihan mo ako. I love Winston. I don't know how, when and why. I just love him. This may be disgusting to the eyes and ears of others, but for me, this is the love that keeps me whole and molds me as a fine being. Iyon ang hindi ko mahanap kay Jennylyn nitong nakaraang taon."

"And Jennylyn is just a casualty now?" I gritted my teeth. Andrew nodded his head. Doon ay sumabog ako. Sinampal ko siya, umigting ang kanyang panga kasabay ng pag kuyom niya ng kamao. "You will never be happy, Andrew. Mark my word."

Ang huling mga pangungusap na binitawan ko kay Andrew ay bumalik sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako magiging masaya hanggang sa hindi mawala sa aking isip ang nakikita ko ngayon.


Parang naulit na itong nangyari, ang kaibahan lang ay ibang babae naman ang kasama ni Will. Si Jen naman ngayon. What is it with Will? Bakit siya ganoon? I wanted so much to intrude his game. Gusto kong itanong kung bakit inisa isa niya kaming tatlo nila Hannah. Did he planned it? We are broken and yet he managed to broke our hearts brutally. He is evil. He is heartless. But he is the man I love.


Kung mayroon man akong naalisa ngayong gabi, iyon ay ang isipin na gusto ni Will ang mga babaeng marurupok at wasak na. Gusto niya iyong walang laban sa kanya. Is he even a man? I want to hate him so bad but I can't. Ayaw ko itong maramdaman. Iyong wala akong pakialam kahit sinasaktan na ako.


"I HATE EVERY MAN IN THE WORLD. TANGINANG MGA LALAKI NA 'YAN! MANLOLOKO. MANGGAGAMIT. BWISIT SA LIPUNAN! MAMATAY NA KAYONG LAHAT!" Sigaw ni Jen, sa kanyang tabi ay si Willard na ngumingisi.


Alam kong lasing si Jen. Marami siyang nainom kanina. I was with her a while ago, at the bar. Umalis lang ako sandali para sana magtawag ng taxi at iuwi na si Jen ngunit iba na ang kasama niya pagbalik ko. Si Willard na. Or should I say, does she know na si Will iyon? Jen was wasted. Wala siyang kilala. Basta ang iniinda niya ay iyong sakit na ibinigay ni Andrew. Ginamit siya ni Andrew para makasama pa lalo ang Amerikano niyang boyfriend at para makatakas sa kanyang magulang.


"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito sa tabi ko? Wawasakin mo pa akong lalo? Tangina mo po!" Sigaw ulit ni Jen at nakita ko ang pag singkit ng mga mata ni Willard.

Willard then flashed his boyish smirk. "I can mend you, miel."


Halos mapapikit ako ng mata nang makita ko ang agarang pagyakap ni Jen sa kanya. Akala ko wala ng tatalo sa sakit na nararamdaman ko noong gabing nakita ko sila ni Hannah. Meron pa pala. Tumalikod agad ako at naglakad palayo kung nasaan sila. My heart was aching. Iyon lang ang alam ko at wala ng iba. How could he do this for me? Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa paligid.


Dito. Dito sa lugar niya ako dinala noon. Dito niya ako hinayaan na isigaw ang lahat ng sakit na nararamdaman ko noong unang araw ko siyang nakilala. I feel so special that time. Ang akala ko ay ako lang ang idinala niya dito dahil concern siya sa nararamdaman ko. Hindi pala. He just did that to get into my broken life and make it whole. And then break it again for his own benefit. I was so fool to believe him. I was so stupid to get into him that night. I was so fucking dumb to fall in love with him. Nag ingat ako pero kulang. Walang kwenta ang pag iingat kapag ang lalaki ay seryosong paibigin ka at wasakin ka ng pino kapag nahulog ka na.


Sumakay muli ako sa taxi'ng pinagsakyan ko para sundan si Will at si Jen. Ngumisi ako at pinunasan ang luha ko. Will at Jen. Anong gagawin ni Will pagkatapos makapunta dito? Ipupunta niya si Jen sa condo niya at maglalaro ng "Where to kiss"? Fuck! I can't take my imagination. I just wanna sleep and stop thinking about Willard, his games and deception.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now