16. Multiple

10.1K 254 20
                                    

Kinabukasan ay tanghali na akong nakasakay ng taxi papunta sa shop. Dinalaw ko kasi si Paul dahil may pakiramdam akong hindi ko na siya madadalaw mamayang hapon. Napapangisi pa din ako kapag naaalala ko si Jervis. Kahapon ko lang siya nakitang nag-uwi ng babae sa kanila. Siguro ay hind pa alam iyon ng mama niya.

Huminga ako ng malalim at bumaba sa taxi. I was wearing my skater skirts and tucked in my lacy blouse. Naka-heels ako dahil alam kong may bagong kliyente ulit. Tinawagan ako ni Aira kagabi, she told me that I will be having a meeting with a certain client. Opening daw ng coffee shop iyon at nangangailangan sila ng bulaklak.

Nakita ko ang nakaparadang blue SUV sa harap ng shop, hindi ko iyon pinansin, baka iyon na ang kliyente ko. Pumasok ako sa loob habang isinusukbit ang aking bag sa balikat ko.

“Good morning, ate! You’re late. Nasa opisina mo na iyong bagong kliyente.” Nangingislap ang matang tugon ni Romina. I rolled my eyes at her. “Ateee! Grabe, ang guwapo na naman ng kliyente natin! Una si Mr. Hortaleza pero taken na kaya ‘di bale na lang. Pero ito, grabe! Malaman. Bakat na bakat ang hindi dapat bumakat sa kanyang damit. Putsa!” At kinikilig na inamoy ang bulaklak na hawak.

Natatawa akong umiling at tinalikuran si Romina. Maluwang ang shop. Sa loob namin ginagawa ang pag-aarrange ng bulaklak para kapag idinisplay namin iyon sa labas ay fresh pa. Hindi naman nalalanta ang mga iyon dahil agad din itong nabibili. Itong BFF lang kasi ang flower shop dito kaya hindi masyadong stiff ang competition.

Pinalagyan ko ng sarili kong opisina ang shop para may lugar ako para sa pag-gawa ng ads para makilala pa ang shop. Doon ko na din inaalisa kung gumagana ba ang  planning na ginawa ko nung isang araw. Sa loob ng shop ay may counter, doon nagbabayad ang mga bumibili ng mga bouquets lang o pira-pirasong bulaklak. Ang mga malalaking kliyente ay sa opisina ang diretso para mapagusapan ang dapat na gawin pati na din ang pakikipag-deal.

“Ate Grace, magdadala na ba ako ng meryenda sa opisina mo?” Tanong ni Karen. Nginitian ko siya, tumatango. “Ay, ate! Pinapasabi po pala ni Aira na hindi siya makakapasok ngayon. May date daw sila ng boyfriend niya. Pero natapos na po iyong ginagawa niya.” Magalang niyang sinabi. Bigla ay naalala ko si Hannah, balita ko nagkakalabuan na sila nung boyfriend niya. Tatawagan ko na lang siya mamaya.

“Naku! Ang Aira na iyon, magbebreak din naman sila ng boyfriend niya, pinag-aaksayahan pa ng oras ang boyfriend niya.” Iiling-iling na sabat ni Romina.

“Wa’g kang bitter, Rome!” Sabi ko pa, inaasar siya. Ngumuso siya at hindi na nagsalita.

I got in to my office. Nadatnan ko iyong lalaki na tinititigan ang purple na tulips sa mesa ko. Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya naman hindi ko makita ang mukha niya. He was wearing black fitted shirt and classic jeans. Tumaas ang kilay ko. He doesn’t look like a businessman.

I cleared my throat. I got his attention. Naglakad ako palapit sa upuan ko at doon ko nakita ang mukha niya. Halos mapanganga ako.

“Will?!”

He cut his hair again. Clean cut iyon kaya naman nakikita ko ng mabuti ang kulay abo niyang mga mata. He was wearing an impish smirk.

“Good morning, Athena Grace.” Pormal niyang wika. Tumayo siya sa kanyang inuupuan. He walked near me. Nagulat ako nang hapitin niya ang bewang ko.

“Will, ano ba!” Ang hilig niyang lumalapit sa akin. Itinulak ko siya pero mas lalo niyang idinidiin ang kanyang katawan. Naaamoy ko na naman ang pabango niya. Nararamdaman ko na naman ang tigas ng kanyang katawan.

“I missed you, babe.” He cooed and kissed my cheeks. Itinulak ko siya. “What?! Why so uptight, babe?” inis niyang tanong.

“Gago ka ba? Bakit bigla-bigla kang nanghahalik?” itinulak ko siya ng malakas. Pinunasan ko ang pisngi ko. “Nakakadiri ka! You’re fond of giving my cheeks a wet kiss. Akala mo kung sino ka!” sigaw ko sa kanya. Biglang nag-init ang ulo ko sa inaasta niya.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now