25. Unang Gabi

10.1K 205 28
                                    

Nakakalasing ang bawat hagod ng labi ni Willard sa akin. He was harsh and yet he can make the kiss so freaking sweet. Ang pagkakahigit ko sa kanyang damit ay lalong dumiin nang humina ang ritmo ng kanyang labi. Nanunuya at nanunukso.

"W-will," Anas ko at iginalaw ang aking labi, inaabot ang labi niya dahil inilalayo niya ito.

"You're fond of cussing me." He accused, caressing my left ear down to my neck and shoulder blades. Tumaas ang mga balahibo ko, waring nagugustuhan ang panunuyang ginagawa ni Will sa akin.

"Because you're cussing, too." Sagot ko nang mahuli ang aking tinig.

"I'm cussing but I'm not cussing you,"

Naramdaman ko ulit ang labi niyang hinalikan ang akin. Sinuklian ko ang kanyang halik at naramdaman ko ang kanyang labing umarko ng ngisi. Doon ay itinulak ko siya. Nag-init ang pisngi ko. How can this man can make me out of my mind? Dahil sa ano? Sa halik at sa paghawak niya sa akin? Damn. Hinawi ko ang kamay niyang nakapaibabaw sa balikat ko.

"Don't you dare me kiss me again?!" Inis kong sabi at umupo ng ayos. Nagtataas-baba ang dibdib ko dahil sa halik na iyon.

"You kissed me back," He said with pride. "You fucking kissed me back. Damn, babe. Do you know what does that to me?"

Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero ngiti lang ang ibinalik niya sa akin. Napanguso ako, pinipigilan ang pag-ngisi. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Pero isa lang ang sigurado ako. Gusto ko si Willard Almante. Gusto ko siya pero natatakot ako. Binigyan ko si Jervis ng pag-asa. Ngayon ay haharapin ko ang consequence nito.

Nang itigil niya ang sasakyan sa harap ng hotel ay agad siyang bumaba. Pinagbuksan niya ako. Lumabas ako at naglakad na papasok ng hotel nang hindi siya tinitignan. Naiinis ako dahil hindi maalis ang ngising nakapaskil sa kanyang labi. Lalong naghuhuramentado ang basag kong puso dahil doon.

"Anong oras ka uuwi bukas, Athena Grace?" Tanong niya at sinundan ang paglalakad ko. Nilalaro niya sa kanyang kamay ang susi ng kanyang sasakyan at nakatagilid ang ulo para makita ang mukha kong nakasimangot.

"Uuwi na ako ngayon," Balewala kong sagot.

"Akala ko ay bukas pa?" Iyong accent niya sa pagtatagalog ay iba. It makes him more hot.

Ipinilig ko ang ulo ko. "Change of plans,"

"Okay, then. Ngayon na din ang uwi ko,"

Tinignan ko siya. "Paano mong nalaman na pupunta ako dito? Kimberly is freaking out when she called me earlier."

"I have ways, babe. Don't mind my PA, she's gonna be okay." Ngisi niya at umere ang balikat para akbayan ako.

"Don't, please." Hinawakan ko ang kanyang kamay at inalis ang pagkakaakbay sa akin.

"Why? Athena Grace, get to know me, please." I can sense frustration on his voice. I just shook my head.

"Goodafternoon, Sir!" Rinig kong bati sa kanya ng pang-walong personnel na bumati sa kanya ngayong araw. Kahit isa sa walong iyon ay hindi niya pinapansin. Pumasok ako sa elevator. Sumunod naman siya.

"I don't want to know you," Sabi ko at pinindot sa panel ang 43.

"Because you're afraid that you might fall in love with me?"

Nagkibit lang ako ng balikat sa kanyang tanong. Ayaw kong sumagot dahil ayaw kong bigyan siya ng idea. Hindi ako natatakot na mahulog sa kanya. Natatakot lang akong hindi siya ang sinasabi ni Paul sa kanyang sulat na 'deserving' para sa akin. I am a girl and I want a man who can be man enough to stand by me forever. Cliche, yes, but that's what I want. After what happened to Paul? I prefer everlasting man now. Ayoko ng panandaliang sarap at saya pagkatapos ay walang katapusang sakit at lungkot na ang kasunod. Ayoko ng masaktan. Ayoko ng bumalik doon sa pakiramdam na umiiyak dahil sa nabasag na puso. Slowly, my heart gets whole again. And I don't want to be back at that nightmare again where I am broken, weak and screwed. Konting ingat, Grace.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now