10. Wounded

10.7K 284 29
                                    

I woke up with a throbbing pain in the head, sore legs and painful down there. I opened my eyes and was blinded with the sun rays. I rose from the bed, adjusting my eyes from the light coming from the glass window.

Nasapo ko ang ulo ko at napaungol dahil sa sakit nito. Damn! It was throbbing. Nang imulat ko na ulit ang mga mata ko ay biglang nagising ang aking kaluluwa nang mapagtantong wala akong damit na pang-itaas. Inalis ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan. Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko nang makitang wala din akong saplot sa ibaba. For shit’s sake! I was naked under the white duvet!

Suminghap ako nang mapansin ko ang nakadikit na papel sa dibdib ko. Kinuha ko iyon.

It was a freaking sticky note! My face reddened on the thought that Willard Almante already saw my everything. The sensitive and holy parts of my body! Nanginig ako sa sobrang inis.

“Good morning, sleepyhead! :)”
–Will

Iyon ang nakalagay sa sticky note. Inilukot ko iyon sa inis na gumuhit sa aking dibdib at ibinato sa kung saan. Wala siyang karapatang batiin ako ng may smiley face sa kabila ng ginawa niya.

“Shit! Shit! Shit!” Paulit-ulit kong mura nang maalala ang lahat ng nangyari kagabi. I was so drunk. He brought me somewhere in highlands. We played ‘Where to kiss’, he carried me and brought me in his room and he... “Oh my freaking!” I screamed indignantly when the memory of last night flashed on my head. He was... “Oh my God!” Ayoko ng isipin.

Isa lang naman ang ibig sabihin no’n, he broke my trust. Willard Almante broke my trust. Yes, given that I was drunk and wasted last night but if he truly cares for my trust, he wouldn’t take advantage of me! Pinagkatiwalaan ko siya. Pinagkatiwala ko sa kanya pati ang kaluluwa ko. Pero ginalaw niya pa din ako!

I stomped on my feet on the carpeted floor with the duvet wrapped on my body. I didn’t mind the tears that were squirting on my eyes. I was fuming mad at him. Kahit gaano pa ako ka-lasing kagabi, hindi niya ako pagsasamantalahan kung talagang gusto niya akong tulungan para sumaya o para makalimutan ang problema ko. I should’ve followed my instinct. I should’ve... wala na! Wala na akong magagawa. Tapos na.

Pinunasan ko ang luha ko nang makakita na naman ako ng panibagong sticky note na nakadikit sa vanity mirror niya.

 “Take a bath. Your clothes were on my closet. Feel free to rummage, baby. ;)”
–Will

Katulad ng ginawa ko sa unang sticky note ay itinapon ko din iyon. Ang kapal ng mukha niya! Dali-dali akong lumabas sa kwarto niya para hanapin siya. Hindi ko ininda ang sakit sa aking gitna dahil naaalala ko lang iyong maaari niyang ginawa sa akin kagabi.

He really took advantage of me and the soreness of my body is the evidence.

Una kong napansin nang tuluyan akong makalabas sa kwarto niya ay ang malinis na sala. Napatigil ako sa paglalakad. The nude paintings on his unit were gone. Pinaalis na niya? Pinatapon na niya ang mga paintings?

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now