5. Wet Kiss

12.6K 297 24
                                    


Simula nang sabihin ko sa kanyang namatay na ang ex-boyfriend ko ay hindi na niya ulit ako nilapitan. Hindi ko alam kung bakit biglang lumamig ang pakikitungo niya sa akin. Tumigil ako sa pag-iyak at inisip kung ano ang nasabi kong masama sa kanya.

Tumayo ako at sinundan siya sa kanyang kwarto. Doon kasi siya nagpunta kaninang dumating iyong mga maglilinis dapat dito sa condo unit niya. Hindi niya itinuloy ang pagpapaalis sa mga paintings. Ayos lang naman iyon sa akin kung hindi. If those painting were his collection, so be it. Wala ng kaso sa akin iyon.

Nakayuko habang naglalakad patungo sa kwarto niya para hindi ko makita ang mga koleksyon niya diumano. It just feels so awkward.

Akmang kakatok ako ay binuksan naman niya ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko ang puting tuwalya na nakahapit sa kanyang bewang. Wala siyang sapin sa paa at dumadaloy pa ang tubig pababa sa semento. Nag-angat ako ng tingin.

“M-may problema ba?” Tanong ko, pinipilit na hindi tignan ang malapad niyang dibdib.

Huminga siya ng malalim. “I’ll drive you home after I get dress,” Malamig ang boses niya.

“You told me we’ll go clubbing, right?” I bit my lower lip when he smirks. “Am, ‘di ba sinabi mo ‘yon?” Ngumiti ako kahit na parang tinatambol na naman ang dibdib ko.

“And have some fun?” Aniya.

Dahan-dahan akong tumango. “Yes,”

“Are you sure?” Tanong niyang muli,

“Yes?” Sagot ko.

He shrugs his shoulders. “Okay. Magbibihis lang ako. Feel free here, nuod ka muna do’n. Medyo matagal akong magbihis.”

Napasimangot ako sa ipinakita niya. Halos wala akong naintindihan sa kanyang sinabi dahil sa hina ng kanyang boses. Kinagat ko ulit ang aking labi at nagtungo sa living room niya. Spacious and full of high-end appliances it is. Kinuha ko iyong remote na nasa coffee table at pinindot ang power on. Umupo ako sa couch.

“Oh my God!” Napatakip ako ng mata gamit ang isa kong kamay at napasigaw nang makita ko kung ano ang palabas sa TV. Oh my freaking... nanunuod siya ng scandal?

“Anong nangya—“ hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil lumipad agad ang tingin niya sa screen ng LED TV. Kinuha niya sa aking kamay ang remote at may pinindot doon upang mag-off ang TV. “Those fucking bullshits,” Malutong niyang mura na hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy niya.

“Hey, Athena Grace?” Hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa mga mata ko. Inalis ko iyon at nakita kong nakaluhod siya sa harap ko. Wala pa din siyang damit at naka-boxer briefs na naman siya. Napalunok ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

“S-sorry. I-iyong ano kasi...”

“Nagpunta kasi kagabi iyong mga kaibigan ko dito. They visited me and you know... boy’s thinking, they’ve watched porn with their girls,” paliwanag niya, pumaibabaw ang kanyang kamay sa aking hita.

Lumunok ulit ako at pasimpleng itinaboy ang kamay niya. “Um, okay na ‘ko. S-sorry. Nakakabigla lang kasi,” Ngumiti siya sa akin saka siya tumayo. Napaatras ako dahil halos kapantay ko na iyong pagkalalaki niya. Nag-iwas ako ng tingin. “A-ano, ganyan ka ba talaga?” Tanong ko pa,

Umupo siya sa tabi ko, “Anong ganyan?”

“You flaunt your body senseless.” Matapang kong sabi.

Akala ko ay magagalit siya sa tinuran ko pero hindi. Ngumisi ulit siya sa akin. “I have body to show, Athena Grace. That is why,” Tumayo ulit siya. “It’s getting late. I’ll get dress now.” Umalis ulit siya sa aking tabi.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now