31. More and more

8.6K 215 24
                                    

Natakot ako. Nasindak ako sa sinabi niya. I lost the chance of knowing the details about my father but I felt relief when Willard stayed with me. Yes it was true, kinailangan pang isampal sa akin ang katotohanan na titigil siya at doon lang ako matatauhan.

"Stop crying, please." Masuyo niyang sinabi at pinunasan ang aking pisngi. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa kotse niya. Basta nang mahimasmasan ako ay nandito na ako.

"Don't stop, please." Sabi ko at hinawakan ang kamay niyang nasa aking pisngi. A smile cracked on his lips. I took that as a yes. He won't leave me. Pumikit ako nang maramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. It was the best feeling ever. Pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko.

"Where do you wanna go, gorgeous?" He then asked.

I mentally asked myself, too. Ayaw ko pang umuwi sa bahay. Gusto ko siyang kasama. So... "S-sa condo mo..." bulong ko at yumuko.

Kita ko sa gilid ng aking mata ang kanyang pagkagulat. Tinagilid niya ang kanyang ulo para tignan ng maigi ang aking mukhang natuyuan na ng luha. "Y-you want me to bring you there?" Bahagya siyang nautal, kinakabahan.

Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Nang paandarin niya ang kanyang kotse ay huminga naman ako ng malalim. I need to cleanse my brain before I'll go home. Hindi ko alam kung alam ba ni Mama na related si Fray at si Papa. Paano silang magkamag anak? Ang daddy ba ni Fray at ni Papa ay magkapatid? Magpinsan? I don't know. I need to know that. Time will come for that. This time ay si Will ang mahalaga. Hindi siya umalis at titigil. Pinagpapasalamat ko iyon.

"What is it about that man, Athena Grace? I hope it was not some other guy who's hitting on you." Bulong niya sa hangin nang pagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Sa aming daan patungo sa kanyang condo ay hindi siya nagsasalita, alam kong interesado siya kung ano ang nasa isip ko pero nanatili siyang tahimik, nirerespeto ang hindi ko pagsasalita.

"He's Fray. Pinsan nila Jervis. Related daw siya sa Papa ko. And no, he's not hitting on me."

Tumango tango siya at ngumisi. Kinuha niya ang kamay ko para hawakan ito. Sabay kaming pumasok sa pamilyar na condominium building. Binati kami ng valet attendant at agad ibinato ni Will ang susi ng sasakyan niya dito. Suminghap ako nang mag ring ang phone ko. Binitawan ko ang kanyang kamay at sinagot ang tawag ni Mama.

"Ma," malamig kong sabi, sinenyasan ko si Willard na tumahimik. He smirked and held my hand. Pumasok kami sa elevator.

"Bukas ang dating ni Jervis. May party sa kanilang bahay. Pupunta tayo." Malamig din ang boses ni Mama, utos iyon.

"Sige." Pagpayag ko. Uminit bigla ang sulok ng aking mata, dismayado dahil hindi man lang nag sorry si Mama.

"Anak..." sa pagtawag sa akin ni Mama ng 'anak' ay muling bumuhos ng luha ko. Hinigpitan ni Will ang hawak sa kamay ko na para bang pinapaalala na kasama ko siya ngayon. Kinagat ko ang labi ko at pinakinggan si Mama. "Ginagawa ko lang ito para sa 'yo. Ayaw kong magaya ka sa akin. Alam mo kung gaano ako kawasak nang iwan ako ng Papa mo, 'di ba? Grace, ayaw kong mangyari iyon sa 'yo. Si Jervis ang piliin mo, please. Para sa akin. Para sa Mama, anak." Ani Mama at humagulhol.

Nanginginig ang mga kamay ko na pinatay ang tawag niya. I lost it again. I broke down on Willard's arms. Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa akin ngayon. I feel so broken again. Ngayon ay umiiyak na ako dahil kay Mama. Umiiyak ako dahil mahal ko si Will. I feel so trapped between my mother and Willard Almante.

"Hush, gorgeous." he purred as he carried me, his hands on my legs. Isiniksik ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at ngumawa. Nakahanap ako ng masasandalan at pakiramdam ko ay may makakapitan na ako.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now