7. Inhibitions, Control and Consequence

12.3K 312 17
                                    

“Don’t think of your inhibitions for tonight, Athena Grace. Just think of pure fun. Nandito lang ako sa likod mo. Remember what I’ve said? I’ll make you happy. I’ll make you forget your problems. And I assure you that tomorrow, you’ll wake up with a smile on your lips.”

Mahabang bulong sa akin ni Willard Almante habang naglalakad kaming papasok dito sa loob ng bar. Maraming tao. Sumasabay sa tugtog ng trance music ang mga disco lights. Inililibot ko ang paningin ko sa paligid. May mga nakita na akong kilalang celebrity, mga politiko at iba pang mayayaman na negosyante dito sa siyudad. Iyong iba pa sa kanila ay naging kliyente ko na. Hindi naman sana masama ang ginagawa nila kung hindi ko alam na may pamilya na din sila.

“Throw the inhibitions, Athena Grace.” Muling sigaw ni Will dahil habang palapit kami ng palapit sa mismong puso ng bar ay lumalakas naman ang music.  Hinawakan niya ang aking siko. “I rented a VIP lounge. Tayong dalawa lang muna and then we’ll dance there later,” Aniya at itinuro ang pinaka-sentro ng bar—iyong dancefloor. Maraming mga nagsasayawan doon. Halos mabingi ako sa sigawan nila to think na malakas na ang volume ng music. Party animal, it is.

“Hey, dude. What’s up?”

Sabay kaming napalingon ni Will sa tumapik sa kanyang balikat. Hinarap iyon ni Will kaya napaharap din ako, hawak niya kasi ang aking siko.

“Fuck off, dude. Hindi ko pa nakakalimutan ang panunuod mo ng porn sa condo ko kasama si Amanda,” Nangingising sabi ni Will sa lalaking nakasuot ng itim na tshirt at maong. Gwapo ang kanyang itsura kahit na napakasimple ng kanyang kasuotan. Iyong kaakbay naman niyang babae ay sobrang fit na tube dress ang suot. Kulang na lang ay makita ko na ang dibdib niya.

Tinakpan ng lalaki ang tainga ng babaeng kaakbay niya. “Hush, dude. Hindi si Amanda ‘tong kasama ko kaya manahimik ka.” Tumingin sa akin ang lalaki at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. He smirked. “Bagong pasyente, dok?” Tanong niya kay Will pero batid ko ang sarkasmo sa kanyang boses.

Pasyente? Doctor ba si Will?

Nag-angat ako ng tingin kay Will. Napasinghap ako ng hapitin niya ako sa aking bewang. “Wala ka na do’n,” Wika niya sa lalaki.

“Ipakilala mo naman ako, dude.” Hirit ulit ng lalaki.

“Let’s go, Zeke.” Aya ng babaeng kaakbay niya at inalis ang kamay ng lalaki sa kanyang tenga. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang halikan ng babae iyong lalaki.

Tumawa si Will. “This is Athena Grace, Zeke. Athena Grace, that bastard is Zeke Alexander Chua, a fucking horndog friend of mine,”

Tumingin sa akin ang lalaking nagngangalang Zeke Alexander habang kahalikan niya iyong babae. Inilahad pa niya ang kanyang kamay sa akin. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko iyon. Nandidiri ako dahil kitang kita ko ang dila nilang dalawa na nageespadahan.

“Come on, Athena Grace,” Usal niya, patuloy pa din ang pakikipaghalikan sa babae. Namula ang aking mukha. Mabilisan kong tinanggap ang kanyang kamay. “She’s Amelia, Grace.” Pakilala niya sa kanyang kasama nang mag-hiwalay ang kanilang labi. Tumingin sa akin si Amelia ngunit inirapan lang ako.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now