53. Deference

6.2K 185 17
                                    


Madilim ang mga mata ni Willard nang pagbuksan niya ako ng kotse. Ang mga pasa sa kanyang mukha ay parang hindi niya iniinda. I don't know what's running on his mind right now. I just know that I gave in in his two conditions. Napailing ako at lumabas sa kotse niya at tiningala ang matayog na condominium building kung nasaan ang unit niya. The unit where we made it the first time, I guess?

"I'm hungry." I said to him.

Umigting ang kanyang panga at nilingon ako. "I'll call for delivery."

"No. I want you to cook for me." Ngumuso ako at hindi na hinintay ang kanyang sagot.

Tutal ay maggagamitan lang namin kami ngayong gabi ay lulubusin ko na. Gusto kong sulitin ang lahat sa gabing ito. I know and I'm aware that this would be the last. Kailangan kong tanggapin na hindi kami para sa isa't isa. Kailangan kong tanggapin na kahit mahal namin ang isa't isa ay hindi pa din pwede dahil hindi kami para sa isa't isa.

We both bring changes into our lives. We both bring the monster and angel out of our being. We both lost a child.

Alam ko na buntis ako. Napakiramdaman ko na buntis ako ngunit hindi ko tinanggap ang pakiramdam na iyon dahil sa sakit na pinagdaanan ko mula kay Willard hanggang sa pagkakaaksidente ni mama. Tanggap ko na hindi siguro para sa amin si Peter. I hate myself for admitting that. Tama si Kim, I'm an awful lover. I don't deserve to be called a woman. I don't know the essence of it. I lost it when I got hurt and I'm blaming no one but myself because I let myself drown in pain.

Agad kong itinakwil ang isiping iyon nang tumigil ang lift sa tamang palapag. Naunang lumabas si Willard kaya nasinghap ko ang kanyang pabango. I wanted to scrunch my nose because of it.

Nang lingunin niya ako ay kumunot ang kanyang noo. "Problem?"

Umiling ako at lumabas na din sa lift. "What will you cook for me?"

Binuksan niya ang kaisa isang unit sa floor na ito at agad siyang pumasok. I welcomed myself in and the memory of that first night with him concocted in my head.

"What do you want to eat? Athena Grace, we need to do this fast." Masungit niyang sinabi at ibinato ang mga susi niya sa coffee table. Para bang gusto na agad niya akong paalisin din sa buhay niya. Maybe he got tired in begging me to be with him.

"I want to make this fast either but I'm hungry." Sabi ko pa habang pinapanood siyang tanggalin ang kanyang leather jacket.

Ang puti niyang damit ay may bahid ng dugo mula sa putok niyang kilay, pisngi at labi.

Umamba akong hahawakan ang kanyang panga ngunit itinagilid niya ang kanyang ulo. "I-iyong sugat mo, Will."

Bumuntong hininga siya. "Don't mind this. Ilang araw ka ng hindi kumakain?" Aniya at tinalikuran ako, marahil ay pupunta sa kusina o ano.

"Since..." napalunok ako at pinag isipang mabuti ang sagot ko. "Uh, nung lumabas kami ni Jervis."

Nilingon niyang muli ako, marahas at pagalit. "When was that?"

"Kanina." Nagkibit ako ng balikat at yumuko upang tanggalin ang aking flat shoes. "Will, you need to at least clean the wound kung ayaw mong ako ang gumawa no'n. Please, be considerate."

Nang mag angat ako ng tingin ay nahuli ko siyang nakatingin sa aking paa. Kumabog ang dibdib ko nang lumapit siya sa akin. Hindi ko mabasa ang kanyang iniisip dahil ayaw niyang malaman ko kung ano ang naiisip niya.

"Stay still." Aniya at hinawakan ang mga balikat ko. Marahan niya akong itinulak hanggang sa maramdaman ko ang kanyang couch sa aking likod. "Seat." He told me.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now