42. F u, too

7.9K 225 42
                                    

“Trina, hindi ko alam kung hanggang kailan kita mamahalin. But I assure you, hangga’t humihinga ako, mamahalin kita... aalagaan... mamahalin ulit at aalagaan. Mahal na mahal kita – na kahit ang mga salitang iyon ay hindi sapat para ipakita at iparamdam kung gaano kita ka-mahal. You are my end and my beginning, honey. This is it! Hortaleza ka na, Trina. Nakakulong ka na sa akin. You are trapped with my love forever and there’s no turning back. No exit...”


“Damn Hortaleza!” Bulong ko sa hangin at agad na humingi ng tawad sa Panginoon dahil sa aking pagmumura sa Kanyang pamamahay.


Hindi ko na mapigilan ang mapa-luha nang gumaralgal ang boses ni Mr. Hortaleza habang binibigkas ang kanyang vow. I was so overwhelmed by his love for Trina and I can’t help envying her. Today is Hortaleza-Acilles nuptial and I am here, witnessing the start of their unending love for each other. Ang bawat sulok ng simbahan ay nababalutan ng asul na rosas. Puti at itim naman ang pangunahing kulay ng damit ng mga taong dumalo sa kanilang kasal, kasama na ako.


“You know him?”


Pinunasan ko agad ang aking luha nang lingunin ako ng babaeng nakaupo sa kaharap kong pew. For a moment there, I thought she was Trina’s sister because of the same curly hair she has just like Trina. Pero na realize ko agad na hindi dahil mukhang mas sopistikada at maputi ito. Not that Trina isn’t sophisticated but this woman here is different. Parang may pagka mataray ito at pagka bratinella.



Also, I feel like I saw her before. I just can’t pinpoint when and where. She’s completely familiar. Kulot na kulot ang mahaba niyang buhok katulad nang buhok ni Trina. Porselanang puti ang kulay ng kanyang balat hindi katulad ng akin na maputi lang dahil sa aking ama, ang kanyang kutis ay para bang alagang alaga dahil sa kakutisan nito. Matingkad ang pagka-kayumanggi ng kanyang mata hindi katulad ng akin na nagiging kayumanggi lang kapag tinitigang mabuti o di kaya ay nasisikatan ng araw. Hugis puso ang mapupula niyang labi at sobrang tangos ng kanyang ilong. I can see diamond and silver sequins on his white American dress. Napakaganda niya. I swear, nakita ko na talaga siya! And I needed to think the details of it. Asap!



“Napanuod ko siya sa Youtube nung nag propose siya.” Ngumiti ako sa kanya. “Sinama lang ako dito ni Willard Shitty Almante.” At iniwan din dahil isa siya sa mga best man. Napangiwi ako. Best man his ass!

“Will?” patanong niyang bigkas.

Umirap ako sa kawalan. “Yes, he is.”


Hindi ko talaga pinlano ang pagdalo na sa kanilang kasal dahil alam ko na maiinggit lang ako. Kaso ay hindi ako nakatanggi kay Will Almante nang sabihin niyang matutuwa si Trina kapag nakita ako. So I attended. Wedding ceremonies felt dreadful for me. It freshens the wound of the past. Andu’n na e, I was walking down the aisle, he’s waiting for me at the altar and then bam, lahat ay naglaho dahil lang sa... kinagat ko ang labi ko. Ayaw kong umiyak dito!


Nang matapos ang seremonyas ay agad kong hinanap si Willard. I needed to get home now.


“Grace!”


Lumingon ako sa kay Trina nang marinig ko ang boses niya. He was carrying a child on her arms. Sa gilid niya ay ang asawa niyang may kausap na dalawang lalaki, they are in their mid 50’s, I guess. Panay din ang bati sa kanila ng mga businessmen at pinapayuhan naman sila ng mag asawa na pumunta sa kanilang reception.


Nang makita ako ni Mr. Hortaleza ay agad niya akong kinawayan. I smiled. “Congratulations! Mr. Hortaleza, I like your wedding vow for Trina. Very sincere and heartfelt.” Sabi ko, lumalapit.


“Mahal ko, e.” aniya at hinalikan sa sentido si Trina. Humagikgik naman ang sanggol na karga ni Trina. Para bang tuwa tuwa sa ginawa ni Mr. Hortaleza.


“I am so glad you came!” malapad naman ang ngiti ni Trina sa akin. Namumula ang mga pisngi niya, marahil ay sa tuwa. I really admire her. She’s such a beaute! Hinalikan niya ang aking pisngi at tumingin sa batang karga niya. The toddler is so cute, too! “So, this is my third. Kevin Lawrence is his name, KL for short.”



Lumundag ang puso ko sa galak nang iwagayway ni KL ang maliit niyang kamay at humagikgik sa akin. It’s like acknowledging me. His tiny red lips are wet dahil sa laway. Napangiti ako at hinaplos ang bata sa kanyang pisngi. My eyes widened when he made a cute sound.  “Aw. He’s so cute!”

Humagikgik si Trina. “2 months old na siya. Tapos may kambal pa kami. Kaso nauna na sila sa reception. You better go na din sa hotel. Kwentuhan tayo after?”

“Ah. Um…” I can’t turn down her offer so I nodded my head. She’s just too kind to be rejected. “Alright.”


Matapos pa nila akong ipakilala sa kanilang magulang ay napagpasyahan ko na ulit na hanapin si Willard. I am wondering. Bakit parang hindi niya ako hinahanap?


Nang hindi ko siya mahanap sa loob at harap ng simbahan ay tinungo ko na ang parking lot. He’s starting to make my blood boil again! I really hate it. I really really hate this feeling. Iyong pakiramdam na kahit ilang beses ka ng dinidisappoint ng tao ay patuloy ka pa din sa pagsama at pagpapatawad sa kanila dahil lang sa ayaw mo silang mawala.


I want this to end but I can’t find the way on how to stop this feeling.


Napairap ako sa hangin nang makita ko nga siya sa parking lot. He was standing behind a car. Nakatingin sa malayo, nakakuyom ang mga panga. His eyes were bloodlust. Kumunot ang noo ko at nilapitan siya.


“Where have you been? Kanina pa kita hinahanap, ah.” Napalayo agad siya sa akin dahil sa gulat nang marinig ang boses ko. Seriously, there is something wrong with him. Para bang may bumabagabag sa kanya. “Are you okay?”


Naglaho ang galit sa kanyang mga mata at nanlambot ang ekspresyon ng kanyang mukha nang tanungin ko siya no’n. Lumunok siya at nginitian ako, malungkot na ngiti. Naghuhuramentado ang dibdib ko.


“I loved… once.” He said. My mouth fell open. “And I was rejected… because of being me.”

“Why are you saying this?” Humalikipkip ako.

“Grace, I don’t want to lose you just because of being me.” Halos magmaka awa ang kanyang boses. “Nagsimula ang lahat dahil sa kagustuhan kong maglaro ng mga babaeng mahihina, iyong mga wasak. I love playing with them because of their vulnerability. And at the same time, I’m afraid of them.”

Tumaas ang sulok ng bibig ko. Lumayo ako sa kanya. “Are you even a man, Willard? Tell me, nagdadalawang isip na kasi ako.”

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now