Epilogue

11.8K 315 44
                                    

“Fucking shit!” mura ko at hinagis ang hawak kong bote ng Porter sa bintana.

I feel like a fucking idiot. Nagtatampo ako dahil hindi ko masuntok ang mukha ng lalaking naghawak sa kanyang hita.

Inihagis ko din ang hawak kong phone. Handa na sana akong bumaba nang marinig ko ang tunog ng makina ng kotseng tumigil sa tapat ng bahay nila. Umigting ang bagang ko nang itinulak ni Fray ang Kanong nagtangkang buhatin si Grace.

Tumalikod ako at tumungo sa likod ng bahay para kunin ang kotse ko. Fuck the agreement. Fuck respect. Fuck everything. I’m going to get a hold of my baby boy now and no one can fucking stop me.

“Are you sure she still wants you back? Galit siya sa mama niya ngayon. Will your conscience handle this? Magkasama nga kayong dalawa, pero siya nagagalit sa ina niya. That’s not healthy.” Sabi ni Ferlin Van Haughes nang magpunta ako sa kanilang bahay para kausapin si Grace.

“Her mother hides something big and sensitive from us. Hindi ba dapat lang na makaramdam kaming dalawa ng panibugho sa kanya?” rason ko at ikinuyom ang kamao.

Sa totoo lang ay wala naman akong pakialam kung itinago nga ng ina ni Grace ang tungkol sa anak namin. Basta ba ay magkasama kami ngayon, ayos lang sa akin iyon. Ayos lang na bumuhos ang luha ko dahil sa kasinungalingan ng ina niya. Ayos lang na nadurog ako dahil doon. Ayos lang basta ang kapalit ay si Athena Grace. Hihilom ako panigurado.

“Can you hear yourself, Aldeguer?”

Tumuwid ang likod ko nang marinig ang malamig at galit na boses ni Mr. Van Haughes, ang tatay ni Athena Grace. Tumayo ang balahibo ko sa batok at nakaramdam ako ng kaba. Paano kung pati siya ay tumutol?

“You’re even wearing a surname that’s not yours—“

“If that’s the case, then I will change it now. One call to Atty. Tuazon, and it will change.” Putol ko.

Maliit na bagay lang ang apelyido ko kung iyon ang problema. They want it Aldeguer? Then so be it. Just let me see my baby girl.

“I don’t want you for my princess anymore.” Aniya habang naglalakad palapit sa akin.

Narito kami ngayon sa kanilang pool area. Athena Grace is nowhere to be seen.

“You broke my trust by breaking her apart. Is it a big deal for you?” tanong niya na para bang hinahamon niya ang respeto ko sa kanya bilang ama ni Athena Grace.

Nanikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay gusto kong magmura. Gusto kong idaan ang lahat sa pagmumura pero tatay ito ng babaeng mahal ko. Kung hindi dahil sa kanya, wala si Athena Grace.

“It’s a big deal, Sir.” Sabi ko.

Tumikhim siya. Ngumiti si Ferlin Van Haughes na para bang panalo na sila sa diskusyon na ito. “Then, I won’t hide her from you. She’s in Georgia because your sister told her that you are there. See how crazy she was for you? She took the risk to travel million miles away from you just to be with you. I’m giving you the benefit to chase her, follow her and be with her. But that will also means that you, breaking my trust, is not a big deal for you.”

My mind is a mess right now. Paanong naroon ako sa Georgia? Narito ako at pinaglalaban ang karapatan ko sa aming anak at ang pagmamahal ko sa kanya. Malaki ang respeto ko sa tatay ni Athena Grace. Tatay niya iyon at hindi ko kayang baliin ang respeto ko sa kanyang ama dahil sa pagmamahal ko sa kanya.

Tinalikuran ko ang galit ko kay Melissa para harapin ang pagmamahal ko kay Athena Grace. I can give up everything for her now but how can I do that if I can’t be with her?

“I’m sorry, alright?! Hindi ko akalain na pupunta nga siya doon! Good Lord, malayo ang Georgia para lang sundan ka. Hindi ko inakala!” sabi ni Kim at humagulhol.

Nag tiim bagang ako. Gusto kong manakit. Gusto kong sigawan ang kapatid ko pero hindi ko magawa dahil naroon si Mr. Tuazon at si mommy. Galit na galit ako at si Athena Grace lang ang alam kong makakapawi nito.

I know she knew how to calm the monster and beast in me. I need her now. Fuck!

“I want to change my surname to Aldeguer from Almante. Do it now, Mr. Tuazon. I’m going to Georgia by tomorrow. Iyan ang kapalit ng kasinungalingang ginawa ng anak mo.” Malamig kong sinabi sa kay Mr. Tuazon.

“Willard!” saway ni mommy.

Pumikit ako at naramdaman ko na naman ang panibugho sa puso ko. Sa bawat tahip ng oras na hindi ko siya nakikita o nararamdaman man lang ay libong punyal ang tumatarak sa puso ko. Kapag nakita ko siya, tangina! Hindi ko alam ang gagawin ko!

“Your sister did the right thing.”

Nagulat ako sa sinabi ni mommy. “Mom! She’s pregnant! Alam mo kung gaano ka-delikado—“

“I know that, of course! Hindi ko alam ang ikinagagalit mo, John Willard! Ang kasinungalingan ba ng kapatid mo o ang katotohanan na hindi mo siya naabutan. Mas lalong lumayo ang distansya niya sa’yo. Ang katotohanan na iyon ang ikinagagalit mo, hindi ba? Kasi kung hindi siya umalis, hindi ka na naman papa pigil sa pagsunod sa kanya. Ngayong hinarangan ka ng ama niya, para kang asong ulol na sumunod. Ngayon, bakit hindi mo siya sundan? Bakit isinisisi mo ang lahat sa kapatid mo? Sundan mo siya, Willard, magpakita ka sa kanya. Matigas ang ulo mo, di ba? ” tumaas ang kilay ni mommy na para bang hinahamon ako. Ngumisi si Mr. Tuazon at tumigil naman sa pag iyak si Kimberly.

Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa labis na galit. Hindi ko matanggap na sinabi ni mommy iyon. Of course, I can follow her! Anytime I want.

Iyon nga ang ginawa ko. Wala pang isang araw ay maayos na ang apelyido ko. Being close to Mr. Tuazon has its perks. I used our family jet to go there. Wala pang sampung oras ay naroon na ako. Tinignan ko ang cellphone ko pagkababa ko at ikinabisado ang lugar ng apartment na titirhan nila. Gumawa ako ng mensahe at ipinadala iyon kay Fray Arkhim Wadsworth. He’ll be my fucking ace to Athena Grace.

Pagkarating sa apartment nila ay inilabas ko ang spare key na kinuha ko mula sa binayarang driver nila Fray na si Quinton. Siya ang susundo sa pagdating ni Athena Grace. Kinakabahan ako sa isipin na iyon. Dadating siya at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman niya na wala ako dito. Paano kung umalis siya agad? Paano kami?

I love how she handle the news that I am not here. I love how she handles her frustration. I was hiding in the kitchen. Pagkapasok niya ay hindi niya binuksan ang mga ilaw. Ginapangan ako ng kaba. Gusto kong makita niya pero ayaw ko rin. Tangina, Will!

For now, I want to be just lifeless in the corner if this means punishment for what I did to her. I will give myself an ultimatum that after this punishment, I will never ever leave my girl. Mahirap ang hindi ko siya mahawakan o makausap man lang kahit na abot-kamay ko lang siya. Masakit tanggapin iyong akala niya wala akong pakialam sa pagbubuntis niya. Namin. Kahit na ang gusto kong gawin ngayon ay alagaan siya. Dammit!

“That house is 6.5 million dollar. A brand new and furnished one. How do you like the place?”

“Fine. I’ll take that.” Sabi ko agad at pumirma sa contract to buy and sell.

Nang nalaman ko kay Fray na hindi uuwi sa Pilipinas si Athena Grace ay nagpasya akong bumili ng bahay. Good thing, I reserved this house beside their mini-house. I’ll be closer to her... watch her… take care of her… and love her from afar.

I usually prepare her breakfast. Gumigising ako ng maaga para ipaghanda siya noon. Tinutulungan ako ni mommy kung ano ang maganda at malusog na pagkain para sa buntis. And Kim? Tss. I’m still mad at her for what she did. Masyado siyang naging mapapel sa buhay namin ni Athena Grace at hindi ko iyon nagustuhan.

“Her dad wants to put up a flower shop for her. Pero ayaw niya.” Balita ni Fray isang gabi.

He sneaked in to my house because I told him so. May gusto akong malaman tungkol sa kanya.

“What did she say?” tanong ko at tumungga ng Whiskey. Damn. I missed this. But I missed my girl more. Isang halik lamang sa kanya ay lasing akong panigurado.

“She doesn’t like the idea.” Umirap si Fray at tumungga na rin. “She just wants to take care of her baby bump and watch it until it broke—“

Hindi ko nagustuhan ang huling sinabi niya kaya sinapak ko siya. Tumawa siya “Are you falling inlove with her?!” imbes na sitahin ko siya ay iyon ang lumabas sa bibig ko.

Biglang nagseryoso ang mukha ng ungas na ito. Gumapang ang panibugho sa puso ko nang hindi siya umimik. Natulala siya sa kanyang inumin at tinanggap ko iyon bilang oo sa tanong ko. Kumulo ang dugo ko. Athena Grace is mine! Only mine!

“Tangina, Fray! From now on, wa’g na wa’g ka ng papasok sa bahay niya. Umuwi ka na ng Pilipinas, I will take care of her!” sigaw ko.

Tumataas baba na ang dibdib ko dahil sa galit. Nanginginig ang kamao ko sa kagustuhan nitong suntukin ang mukha ni Fray. Tumingin siya sa akin at bumunghalit ng tawa. Kumunot ang noo ko. Binitawan ko ang baso ng whiskey na hawak ko at kinuwelyuhan si Fray.

“Whoa there! Easy, dude!” itinaas ni Fray ang dalawang kamay niya na parang sumusuko.

Nag aalab ako sa galit. This ain’t a joke! Hindi ako natatawa! Nagagalit ako! Ako lang ang pwedeng magmahal sa kanya at wala ng putanginang iba!

Humigpit ang paghawak ko sa kuwelyo niya. “Are you fucking in love with her?” halos hindi bumuka ang bibig ko.

“Fuck no!” iwinaksi niya ang kamay ko at saka lumayo sa akin. “I am not, okay? She’s my cousin, for goodness sake!”

“Then why the hell were you always saying that she’s forbidden—“

“What? Of course, she’s forbidden because she loves someone else! She loves you! You love her! Fuck!” ginulo niya ang kanyang buhok at lumabas ng bahay ko.

Pinanood ko siyang umalis. Umangat ang labi ko at napuno ng munting saya ang puso ko. Dammit! Hearing someone else confirmed that she still loves me is euphoric. Very ecstatic. Very jovial. Oh damn, baby girl. I ain’t letting you go.

“Wait, who the hell are you? You are not allowed inside!” pigil sa akin ng lalaking tumangkang buhatin si Athena Grace kanina.

Hinawi ko ng malakas ang kamay niya at idinuro siya. “Well, who said, huh? I am the father of the baby boy she will deliver now and you have no fucking say if I will enter that goddamn of a room!”

“Will! Fuck! Iyong usapan niyo ni Uncle Phillip—“

Pinutol ko si Fray. “Wala kaming usapan. Sinabi ko lang sa’yo na may usapan kami para makuha ang loob mo. You’re stupid. This is my punishment for all the bad things I did to her. Now, shut the hell up! I’m going to enter—“

Napamura ako nang biglang tumama ang kamao ni Fray sa aking panga.

“Congrats. You won.” Aniya at tumalikod na.

Suminghap ako at tumayo. Tinapunan ko ng masamang tingin ang lalaki na iyon. Hell! He just don’t want to leave. Isinuot ko ang wardrobe bago ko binuksan ang ER at walang pag aalinlangan na pumasok sa loob. Malakas ang kabog ng dibdib ko. After nine months, magpapakita ako sa kanya at natatakot akong ipagtabuyan niya.

Natatakot akong isipin na hindi ko maibigay sa kanya ang rason na mayroon ako noon nang hindi ako nagpakita sa kanya. Na ang ginawa kong hindi pagpapakita ay sakripisyo para sa akin.

Naisip ko na minsan, kailangang magpalaya ng pansamantala para humilom ang lahat ng sugat.

“I wish you dead right now.” Walang kurap niyang sinabi. Pakiramdam ko ay nawawasak ang puso ko dahil sa purong galit sa mga mata niya.

This us so much for a little pain. So much for doing bad things, unacceptable things in my whole fucking life. This is what I did to her. I bring out the bitch and heartless monster of her by breaking her apart. Kinalma niya ang demonyo sa pagkatao ko pero inilabas ko naman ang kasamaan niya. Who’s at fault? Syempre ako.

Gusto niya akong mamatay? Ayoko. I’m sorry, baby girl, but I don’t want to die just yet. I want to be with you. I want to taste heaven with you.

“Almante?”

Napatigil ako sa paglalakad nang mabosesan ang nanay ni Athena Grace sa aking likod. I was lamely toying my car keys in my hand. Nagulat ako ng bigla niya akong itinulak. Napamura at napapikit ako ng maramdaman ko ang kirot sa aking binti. Natulala ako sandali pero ang ingay ng tao at busina ng sasakyan ang nagpagising sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nanay ni Athena Grace na nakahiga at walang malay sa daan.

What the fuck happened?!

“I told you so many times not to follow her when you’re in fucking alcohol! Iyan ang nakukuha mo. Ano? Gusto mong ibigay ang kahilingan niyang mamatay ka na kaya ka nagpasagasa?” sigaw ni Kim.

Gusto ko siyang patulan pero masakit ang buong katawan ko. Masakit ang ulo ko. Fuck!

“Mom, you see? That girl will never be good for her!”

“Shut up, Kimberly!” sabay naming sinabi ni mommy.

“What?! Dahil nanay niya ang nagligtas sa kanya, okay na? Hindi naman niya siya niligtas. Kuya’s still hit by a car. Her mother being a superhero here doesn’t make sense—“

Sa sobrang galit at irita ko sa sinabi ng kapatid ko ay inalis ko ang lahat ng naka-swero sa akin. Buong lakas kong itinulak ang bedside table at itinumba ito. Malakas ang kabog ng puso ko at gusto kong magmura ulit.

“Willard!”

“Fuck you, Kimberly! You don’t say those things to her mom! Kung wala kang respeto para sa nanay niya, magkaroon ka ng respeto sa akin! I love her daughter and you, saying those nasty things makes me want to slap your face. And I’m not kidding.”

“Almante, you’re crossing some lines!” sigaw ni Mr. Tuazon.

Umiling ako at itinikom ang bibig ko. Hinawi ko ang kumot sa akin at nagtangkang bumangon pero kumirot bigka ang binti ko. Kumuyom ang kamao ko.

“Fuck! I’m a useless shit!”

Nagpagaling ako ng ilang linggo bago siya ulit hinarap ang pamilya niya. Nakatanggap ako ng suntok kay Fray at masakit na salita galing sa ina niya pero hindi ko pa din tinanggap iyon bilang pagkatalo. Hindi pa tapos ang laban.

Hanggang humihinga pa ako, hindi pa ako tapos ipaglaban siya. Ipaglaban ang sa amin.

Nilunok ko ang bumibikig sa aking lalamunan at lumapit muli sa kamang hinihigaan niya. Natatakpan ng likod ng doktor ang katawan ko kaya hindi niya ako makita. May hands were shaking.

“Shiiiiiit!” impit ang kanyang pagsigaw. Naninikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay nagiinit ang sulok ng aking mata.

Suminghap ako at kinalabit ang doktor. He looked at me as if I’m an intruder.

“I… I love her. I was the one who… I am her husband.” Nahirapan ako sa pagbuo ng salita dahil napatingin na sa direksyon namin si Athena Grace.

“Okay…” umalis ang doktor sa harapan ko.

Kinagat ko ang labi ko at buong lakas na tumingin kay Athena Grace. Her nose gets redder along with her big brown eyes. Damn. I am so in love with her.

“Alright, Miss, push…”

She didn’t push. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala. Wala akong mabasa sa mga mata niya. Parang sinasaksak ang dibdib ko. Fuck!

“Hi…” I said. Lumapit ako kahit na nanghihina ako.

I held her hand. She let me. Fuck! Gusto kong magwala. Hinayaan niyang hawakan ko siya sa kanyang kamay. Halos matumba ako nang humigpit ang hawak niya dito at mariing pumikit. She groaned in pain as she pushed. May tumakas na luha sa kanyang mata at agad ko iyong pinunasan.

I dipped my head down and brushed her hair. I wiped her sweat and kissed her forehead as I close my eyes. Sa bawat tahip ng puso ko ay may kalakip na sakit pero nangibabaw ang saya.


“Push, baby girl, I love you. Please…” I whispered.

Humigpit pa lalo ang hawak niya sa kamay ko hanggang sa makarinig kaming dalawa ng iyak ng sanggol. Oh damn! I felt my world stopped when Athena Grace slipped off of my hand. Mabilis ang kanyang paghinga at nakapikit ang mata. I panicked.

“What happened to her?” binalingan ko ang mga doktor at nurse.

Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit lalong binundol ang puso ko nang makita ko ang isang doktor na nasa paanan ni Athena Grace na may hawak na sanggol. I watched her as she clean the baby. Kinukurot ang puso ko. Fuck! Fuck! What now? Tinignan ko si Athena Grace at nakita ko ang ngiti sa kanyang labi. Kita ko rin ang pagod sa kanyang mata.

“You’re here…” she mumbled. “Finally. Thank you.”

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now