His Broken-hearted Girl

By athreena

629K 15.5K 1.7K

Buong pusong tinanggap ni Grace ang lahat ng masasamang opinyon tungkol sa kanya ng ina ng kanyang boyfriend... More

His Broken-hearted Girl
Prologue
1. Matitigas
2. Paintings
3. Athena Grace
4. Sobra
5. Wet Kiss
6. Talk about age
7. Inhibitions, Control and Consequence
8. Your man
9. Where to kiss
10. Wounded
12. The broken-hearted girl
13. Cause
14. Hug
15. The boy
16. Multiple
17. Disappointing
18. So bad
19. Three years
20. Which is which
21. Difference
22. Decision
23. Blurred and Impossible
24. Filthy pretty mouth
25. Unang Gabi
26. Aangkinin
27. Blue Balls
28. V neck
29. Okay
30. Stop chasing
31. More and more
32. Piece of
33. Anong nangyari?
34. I'm aware
35. Mama
36. Double Kill
37. Marry
38. Realization
39. We both are
40. Take me
41. F up
42. F u, too
43. Au Naturel
44. You know that
45. Wish You
46. Don't tell me...
47. Stay away
48. Dapat
49. The casualty
50. Not Again
51. His Thoughts
52. Masterpiece
53. Deference
54. Surreal
55. Most Painful
56. Unforgivable
57. Georgia
58. Maria
59. Wait
60. Done
Epilogue
Final Epilogue

11. Ibang tao

10.4K 260 21
By athreena

AN: Thank you po sa lahat ng mga nagcomment kanina. Maraming mas gusto ang Athena Grace so Athena Grace will remain. Sorry po sa kaartehan ko. Patawad! Enjoy reading. Mua ;)

 

 

Sa huli ay pumayag na din akong magpahatid kay Raf. Ayaw ko namang may madamay pang ibang tao sa galit ko kay Will. That forsaken man has his ways of controlling me. Isinusumpa kong iyon na ang huling pagkakataon na kakausapin ko siya. Hindi na ako makikipagkita sa kanya kahit kailan.

“Ma’am, pera niyo po.” Ani Raf nang makasakay ako sa passenger’s seat ng sasakyan. Iniabot niya sa akin ang sobreng may laman na pera.

“Sa’yo na ‘yan,” I said emotionless. I will never accept that. That just so degrading.

“Pero, ma’am, tatanggalin po ako sa trabaho ni Sir kapag hindi niyo ito tinanggap,”

“That’s why I’m giving it to you. ‘Di ba may anak kang may sakit, gamitin mo ‘yan para gumaling siya.” Walang-emosyon ko pa ding sabi.

Hindi na din naman nagsalita si Raf. Nag-drive na lang siya paalis sa building na iyon. Sinabi ko sa kanya kung saan niya ako ibababa. Kung iniisip ni Willard Almante na hahayaan kong malaman ng alagad niya ang mismong bahay namin nagkakamali siya. Ayaw kong magkaroon ng koneksyon sa kanya. Ayaw kong malaman niya kung saan ako nakatira. Hangga’t maaari.

“Dito na ‘ko,” Sabi ko kay Raf nang makita ko ang kalye kung saan ako napulot ni Will kahapon.

Nagpalinga-linga si Raf sa paligid at tumingin sa akin. Nagulat ako nang iabot niya sa akin ang cellphone niya. “Tatawag pa po si Sir,”

Huminga ako ng malalim. Gusto kong sumigaw sa inis kay Will. Nagsisisi akong nakilala ko pa siya. Yes, I am regretting the day I met him. Iyong saya na ibinigay niya sa akin ay may kapalit. Iyong katawan ko ang kapalit. Naiinis ako sa kanya dahil do’n. Pero higit sa lahat, sinira niya ang tiwala ko.

Kinuha ko ang cellphone para matapos na ito. Pagod na akong makipagtalo sa kahit na kanino. Gusto ko na lang talagang umuwi.

Wala pang isang segundo sa kamay ko ang cellphone ay tumawag na siya. Sinagot ko iyon.

“Ako naman ang pakinggan mo ngayon, Shitty ka!” Madiin kong bigkas, nanginginig ang kamay ko. Konti na lang ay sasabog na naman ako sa inis.

“Wait there, sweetie. Nandiyan pa ba si Raf?” He said in a cool voice. I looked at Raf and he suddenly got out. Napailing ako. Isang tingin lang sumusunod na. Iyon ba ang epekto ni Will sa kanila? Ganu’n siya ka-bossy?

“B-bumaba na. Will, makinig ka sa akin!” Sigaw ko na. Bumukal na naman ang luha ko. “Kung ano man ang nangyari kagabi, kalimutan nating pareho ‘yon. Ayaw ko ng makipagkita sa ‘yo kahit kailan at wala kang magagawa do’n kundi hayaan ako.” Inilayo ko ang mouthpiece ng phone at suminghap. “Sumaya ako kagabi pero kung alam ko lang na may kapalit ‘yon, hindi na sana ako pumayag.” My voice was trembling. Sumisikip ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan. Naiinis ako kay Will.

Wala akong ibang naririnig sa kabilang linya kung hindi ang marahang paghampas niya sa kung ano. Malutong siyang nagmura bago nagsalita. “Is that your way of cutting all our connections? Ayaw mo ng makipagkita sa akin?” He asked. I can sense hope in his voice.

“What makes you think na makikipagkita pa ako sa ‘yo! I told you not to ruin my trust, Will. You know that I have trust issues, right? Wala kang kwenta. Ang kapal ng mukha mo. Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko—“

“Fuck this traffic!” Inis niyang sigaw at may hinampas na naman na sa tingin ko ay manibela ng sasakyan. “Hintayin mo ako diyan, Athena Grace. Please, let me explain.” Singhap niya.

“No. You don’t have to explain...” Dumiin ang hawak ko sa cell phone. “Dapat nung una pa lang sinunod ko na ang instinct ko. I should’ve known better. That you are a fucking douche bag who just like to bang weak women! Na mapagsamantala ka. Na masama ka!”

“Fuck, Athena Grace! No. Fuck fuck. Let me ex—“

Ibinato ko ang cellphone. Ayaw ko na siyang marinig. Ginugulo niya ang normal na kabog ng dibdib ko. Tinulak ko ang pintuan ng sasakyan at lumabas. Hindi ko pinansin ang pag-tawag ni Raf sa pangalan ko. Tumakbo ako palayo sa sasakyan na iyon. Nang makalayo na ako ay naglakad na lang ako. Pinunasan ko ang luha ko at hinawakan ang dibdib ko. Ang lakas ng kabog nito. At hindi dahil sa pag-takbo ko. May isa pang dahilan.

Parang may kumikirot sa aking dibdib. Parang may... iniling-iling ko ang ulo ko. Ayaw kong aminin sa sarili ko na gusto kong pakinggan kung ano ang sasabihin niya. What is he going to explain anyway? That he didn’t touch me? That he didn’t ruin my trust? Hindi ako maniniwala sa kung ano ang sasabihin niya.

Bakit ba kasi hindi ko binigyan ng pansin ang mga ngising ibinigay niya sa akin kagabi nung may isip pa ako? Iyong mga ngisi na may binabalak na masama.

Nang makapasok ako sa street namin ay nararamdaman ko na naman ang mga matang nakatingin sa akin. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. Hindi ko na din alam kung ano ba talaga ang iniiyak ko. Kung iyong pagkawala ba ng pagkabirhen ko o ang malayo na kay Will. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Agad akong pumasok sa bahay namin at nadatnan ko si mama na naghahanda ng pagkain. It’s past 12pm. Hindi na naman ako makakapasok sa trabaho.

“Ma,” Tawag ko kay sa kanya at agad kong niyakap ang likod niya. I rest my chin on my mom’s shoulder. Nagulat siya sa biglaan kong pag-yakap. “Sorry po pinag-alala ko kayo kahapon,”

Hinarap ako ni mama. Pinunasan niya ang luha ko at niyakap ulit. “Masaya akong nakauwi ka na, Grace.” Humiwalay siya sa yakap. “Tama na ‘yang iyak. Alam kong padating ka na kaya ako naghanda ng pagkain. Kain na tayo,”

Nang maamoy ko ang kare-kare at alamang ay kumalam ang sikmura ko. Sabay kaming kumain ni Mama. Hinahayaan niya akong hindi na magsalita muna. Knowing her, pipilitin din niya ako mamaya na ikwento ang mga nangyari nung wala ako dito sa bahay namin. Kung saan ako nagpunta at kung anong ginawa ko. O sinong kasama ko.

“Pumunta dito si Hannah kahapon,” Ani Mama, inaayos ang mga pinagkainan namin. Nakaupo pa din ako sa mesa at nakatingin sa kawalan. Si Hannah ay kasamahan ko sa trabaho. “Hinahanap ka niya. Tinatanong kung bakit hindi ka daw nakapasok. Sinabi ko sa kanya ang nangyari.”

Tumango lang ako at hindi nagsalita. Hindi mawala sa isip ko si Will. Kahit isang segundo man lang sana ay tumigil siya sa pagtakbo sa isip ko pero hindi.

“May pinaaabot din siyang sobre. Nasa kwarto mo na, ‘nak.”

Iniisip ko kung nasaan na siya. Anong ginagawa niya. Paulit kong iniling-iling ang ulo ko para mawala na siya do’n pero ando’n pa din siya. Inis na inis na ako sa kanya dahil sa ginagawa niya sa sistema ko.

“Grace!”

Halos mapatalon ako sa gulat sa pagsigaw ni Mama sa pangalan ko. Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo at nakapameywang sa akin. Iyong damit niyang puti ay may talsik ng tubig. Iyong palda niyang mahaba ay basa din dahil ginamit niya iyon para punasan ang kanyang kamay. Pumikit ako. Nasaan ba ako kanina? Halos wala ako sa sarili ko. Inis na inis ako kay Will.

“Grace, hindi ko gusto ‘yang pananahimik mo. Anong nangyari kagabi? Saan ka nagpunta? Sinong kasama mo at anong ginawa niyo?”

Here comes the inquisition.

I reopened my eyes and stood up. Nilapitan ko si Mama at hinalikan ang kanyang noo. “Nahimatay po ako sa gilid ng daan kahapon. Nagising po ako sa isang kwarto ng isang lalaki—“

“Ano?!” I am expecting this reaction from her.

Ipinagpatuloy ko lang ang kwento ko. “Pinakain niya po ako. Hinugasan niya ang pinagkainan namin. Pagkatapos po noon, naligo ako at pinagbihis niya ako ng mamahaling damit. Binilhan niya po ako ng sapatos at nakilala ko ang kapatid niya na nagtatrabaho para sa kanya. Pagkatapos no’n, lumabas kami sa condo unit niya. Pumunta sa bar. Nag-inuman kami kasi iyon ang paraan niya para daw makalimutan ko ang problema ko.” Tumingin ako sa itaas para pigilan ang pagluha. Sumisikip ang dibdib ko sa bawat salitang binibitawan ko. “Tapos po, idinala niya ako sa mataas na lugar. Sinabi niyang ilabas ko daw ang lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman ko sa pagsigaw. Ginawa ko po iyon. Isinigaw ko lahat. Ang pagkawala ni P-paul...”

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at pinisil iyon. That’s her way of comforting me.

“...ang pagtaboy sa akin ni Mildred Villegas. At ang pag-iwan sa atin ni Papa nung nineteen ako. Pagkatapos noon...” Bumuhos ang panibagong luha. “Niyakap niya po ako ng mahigpit at ipinaramdam sa akin na hindi ako  nag-iisa. Na hindi niya po ako iiwan o papabayaan. Ma, sumaya po ako sa tabi niya.”

Pinunasan ni Mama ang luha ko. “Tama na, ‘nak.”

“T-tapos po, umuwi ulit kami sa condo niya. Naglaro at...” Niyakap ko si Mama. “Ginalaw niya po ako.”

Humagulhol ako. Nanigas si Mama sa huling sinabi ko. Kaming dalawa na lang ni Mama ang magkasama kaya sinasabi ko sa kanya ang lahat. At totoo naman ang sinabi ko, Willard touches me. He took advantage of me.

“Grace,” Hinawakan ni Mama ang balikat ko. “Ipapapulis natin ‘yang lalaki na ‘yan.” Namumula ang mga mata ni Mama.

Suminghap ako sa sinabi ni Mama. “Ma, hindi po. Huwag po. Nakausap ko siya kanina. Sabi kong hindi na ako makikipagkita sa kanya. Okay na po,”

“Hindi ako papaya, Grace. Pinagsamantalahan niya ang kahinaan mo at hindi ko iyon matatanggap!” Mariin niyang sigaw.

Paulit-ulit kong sinabi kay Mama na ako na ang bahala doon hanggang sa hinayaan na lang niya ako. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga. Niyakap ko ang unan ko at umiyak na naman. Hindi ko na alam kung ano ang dahilan ng pag-iyak. May masakit sa parte ng dibdib ko.

Hindi ko mahanap ang galit sa sistema ko sa ginawa ni Will sa akin. Naiinis lang ako dahil hindi siya mawala sa isip ko. Iyong pag-aalaga niya at mga ngiting ibinigay niya sa akin. Hindi ko alam kung anong totoo sa mga ipinakita niya sa akin. O kung may totoo ba do’n.

Hindi ko na din makumbinsi ang sarili ko kung totoo bang pangalan niya ang John Willard Almante at may nanay siya na ang pangalan ay Hazel Grace. Hindi ko na alam. Pumikit ako at pilit na itinaboy siya sa aking isip.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para sa trabaho. Kasabay ng pagtulog ko kagabi ay winakasan ko ang pag-iisip kay Will.

“Grace, ayos ka na ba?” Unang lumabas sa bibig ni Hannah nang makita akong naglalakad papunta sa mesa ko. Ngumiti ako sa kanya. “Nabasa mo na ba ‘yong sulat sa itaas na binigay ko kay Tita Anna kahapon?”

Umupo ako sa pwesto ko at ibinaba ang bag ko. “Yep.” Tipid kong sagot.

Buong mag-hapon kong ni-review ang lahat ng mga seminars na in-attend-an ko sa nakalipas na linggo. Working was my escape of pain when Paul died without me in his side. Nagtrabaho ako para ipakita sa nanay niya na may ibubuga ako. But sadly, wala na si Paul. Hindi ko na maipapakita sa kanya ang pinaghirapan ko para matanggap ako ng nanay niya.

Nang kinahapunan ay binuklat ko ang lumang libro ko. Libro kung paano palaguin ang pera sa kamay mo. Kung paano mag-negosyo. Gusto kong magkaroon ng negosyo. At iyon ang aatupagin ko kapag makaalis ako dito sa United Life. I wanna end my job here. Hindi na maganda ang kita ko dito kaya kailangan kong gamitin ang utak ko para may makain kami ni Mama sa mga susunod na taon.

Walang matinong lalaki.

Napailing na naman ako nang mahagip ng mata ko ang isinulat noon ni Mama dito sa first page ng libro. Iyang salitang ‘yan ang nagging kasabihan na ni Mama simula nang iwan kami ni Papa. Iyon ang basehan niya na wala na ngang matinong lalaki.

Pero kung ako ang tatanungin.

Gusto ko pang maniwala na merong matinong lalaki. Na katulad ni Paul. Naniniwala akong meron pa at iyong lalaking iyon ang para sa akin.

According to Ecclesiastes, there is a time of everything and a season for every activity under the heavens. Doon ako kumakapit. I just need a perfect timing to meet this perfect man God will send to me because He knows that I am weeping in Paul’s loss. Hindi ko sinasara ang puso ko.

“Oh my god!”

Napakunot ang noo ko nang marinig ang parang kinikilig na tili ng kasamahan ko dito sa trabaho. Ginuhitan ko ang Section 4 ng libro bago ito itiniklop at ipinuwesto sa gilid ng mesa ko. Tumayo ako at tinignan kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

They are watching a video on YouTube and I peek at the title says, ‘Well-known Bachelor proposed to his friend’s left-away bride’. Matagal nang nangyari ang ang proposal na ito ng isang sikat na bachelor dito sa siyudad pero paulit ulit lang na pinapanood ito ng mga kasamahan ko. Nakakakilig daw kasi ang effort ni Mark Kevin Hortaleza – the bachelor – at nakaka-touch ang klase ng pag-ibig niya kay Trina Joyce Acilles – the left away bride. Kaunti lang alam ko sa kwento ng pag-ibig nila pero aaminin ko, nakakaramdam ako ng inggit kay Trina dahil kahit na hindi si Mark ang una niyang minahal at pinag-alayan ng sarili niya, minahal pa din siya ni Mark. Kahit na maraming may ayaw kay Trina, pinili pa din siya ni Mark at papakasalan. I want that kind of love too but I don’t. I want extraordinary love – iyong magpapatunay sa akin na may forever at eternity. Iyong ako lang. Iyong ibibigay ni God sa akin na kumpleto at walang komplikasyon. After my relationship wth my ex? Gusto ko pa din maniwala. Alam kong meron pa.

“Grabe ito! Ang swerte swerte niya!” Kinikilig na sigaw ni Ren, kapwa ko supervisor din.

“Hoy, Athena Grace! Bakit nakatulala ka na naman diyan? Iniisip mo na naman ang talapandas mong boyfriend na iniwan ka?”

 “Tumigil.” Ngiwi ko kay Hannah ng marinig ang komento niya sa akin. “Call me Grace,” Pahabol ko pa.

Ibang tao kasi ang pumapasok sa isip ko kapag naririnig ko ang buong pangalan ko.

“Fine, Grace.” She rolled her eyes.

Continue Reading

You'll Also Like

16.3K 882 24
They were each other's first love. Then one gave up, the other was left grieving. After five years, they met again. Now older and wiser. Will their m...
204K 4.8K 54
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
27.1K 3.7K 20
"Энэ ертөнцөд мөнхийн гэж хэлж болох бүх зүйлээс хайр дурлал хамгийн богино настай нь." started:200217 end:200316
289K 20.4K 152
Tác phẩm: Toàn thế giới đều đang đợi người động tâm. Tác giả: Tố Tây Người gõ: Mia của bạn nè Beta: Hoa Hoa của bạn đây Ý là truyện này gõ nhanh quá...