Therese's Forlorn Love (TFL S...

By daddios

2.3K 73 0

Will their strangers with benefits relationship turn into a real love? Or everything is just a forlorn love f... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 14

37 1 0
By daddios

Posted on: 12/27/2019
Chapter 14


Pagkapasok ko sa school kinabukasan, hindi ko alam kung paanong pagtago at pag-iwas ang gagawin ko. Hindi ako sa pantry kumain at palinga-linga ako sa paligid. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon? Pero hindi ba sabi ko walang sisihan?


"Therese, okay ka lang?" Tanong ni Lexus.


Si Lexus ang tanging naisip ko na makakapagligtas sa akin sa kahihiyan. Hindi ko alam kung OA lang ba ako o hindi. Mas maganda kung wala lang kay Hunter at Brix ang mga ginawa ko kagabi. Sana ay lasing na lang kagabi si Hunter at wala sa huwisyo nang ibigay ang number ni Brix. At sana hindi na narinig ni Brix ang mga sinabi ko kagabi.


"Okay lang. Hehehe."


Kumunot ang noo niya. "You are weird. Did something happen?"


"H-Ha? Wala nga!" Tumawa ako na parang baliw.


Hindi nawala ang pagkakunot ng noo niya. Pero kahit ganun ay inabot na lang niya ang hotdog sandwich na inorder namin kanina. Weird nga siguro dahil hindi ako umaalis sa tabi niya. Kahit pa dumating sina Clyde kanina, ang lakas ng loob ko pang paalisin siya. Nasa fields kami ngayon at wala naman mga naglalaro kaya okay lang dito kumain. Nagrereview naman si Lexus kaya mas okay sa kanya na nandito siya at walang nanggugulo sa kanya.


"Hindi ka na nagpupunta sa High Soc ah?" Aniya habang nagbabasa ng kanyang libro.


Pinagmasdan ko si Lexus. Gwapo rin itong kaibigan ko at masasabi kong marami rin nagkakagusto sa kanya dahil ngayon pa lang, napapatingin na ang mga estudyanteng naglalakad. Tapos sabihin pang seryoso siya sa pagbabasa. Ideal guy.


"Busy e." Sabi ko na lang. "Kumusta 'yung project ninyo sa hotel?"


Saglit siyang lumingon sa akin. "They'll start the construction next month."


Tumango ako. "Bakit ba ang busy mo? Nakikita mo ba ang mga babaeng napapahinto sa paglakakad para lang titigan kang seryoso diyan?"


Bigla siyang tumawa. "Do they find me sexy?"


Natawa rin ako. "Baliw!"


Kumain na lang ako at ganun din siya. Mahaba-haba ang break namin bago ang next subject. Aniya'y may quiz daw sila at major subject pa kaya okay na rin na napaalis ko si Clyde kanina.


Habang busy siya sa pagbabasa at ako naman ay sa paglamon ng hotdog sandwich, halos mabilaukan ako nang makita ang mga tingin na iyon. Mabuti na lang at hindi ako napansin ni Lexus. Busy pa rin siya sa pagbabasa. Inayos ko ang upo ko at nag-iwas ng tingin kay Brix. Nasa 'di kalayuan siya, nakasilong sa malaking puno at nakahalukipkip na nagmamasid dito. Sa akin ba talaga siya nakatingin? Shit! Ayan ka na naman, Brix Simon!


Muli ko siyang nilingon at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakatingin pa rin siya sa direksyon ko. Hindi niya inalis ang kanyang tingin sa akin habang kinuha ang kanyang phone sa bulsa. May kung ano siyang pinindot doon tapos ay nag-vibrate ang phone ko. Shit! Tama ba ang hinala ko? Nagtext ba siya sa akin?


Tiningnan ko si Lexus na wala pa ring ideya sa nangyayari. Muli akong lumingon sa pwesto ni Brix pero naglakad na siya palayo. Nakahinga ako ng maluwag. Kinuha ko ang phone ko at chineck kung sino ang nagtext. Siya nga!


Brix:

Meet me at Natividad Building rooftop. Now.


Napairap ako. Hindi. Ayoko. Sigurado ako, 'yung kagabi ang pag-uusapan namin. Ayokong mapahiya. Alam ko mapanganib na hindi ako sisipot sa kanya pero mas mapanganib kung ipapahiya ko lang ulit ang sarili ko. Kung kaya kong makaiwas sa kanya hanggang pagtapos ng subjects ko, gagawin ko.


Pinatay ko ang phone ko. Hindi naman siguro niya ako kukulitin. Pero tangina oh! Kung wala lang akong ginawang kahihiyan kagabi at gusto niyang makipagkita sa akin ngayon, iisipin ko ng makikipag-ayos siya at bibigyan ako ng chance! Baka nanginginig pa akong nagpunta doon.


Nang oras na para sa next subject namin, nagpahatid ako kay Lexus. Nagtataka pa rin siya pero nginingitian ko na lang. Para na nga akong baliw sa kakangiti sa kanya.


"Thank you! Goodluck sa quiz mo!"


"Thanks!" Aniya saka umalis na.


Umupo na ako at masasamang tingin agad ni Deanna ang nakita ko. Kasama niya ang mga kaibigan niya na masama rin ang tingin sa akin.


"Akala ko ba si Brix ang nilalandi niya, Deanna? Bakit magkasama sila ni Lexus?" Tanong ng isa sa mga kasama niya.


"Hindi ko alam! Baka gusto niyang landiin ang dalawa para mag-away ulit ang Alpha at Sigma." Maarteng sagot ni Deanna.


Gusto kong matawa. Akala niya ay hindi ko naririnig, inirapan ko na lang sila. Wala siyang ideya. Gustong-gusto ko pa siyang sapakin dahil inunahan niya ako sa paglapit kay Brix kagabi sa bar. Saka bakit siya nandun?


"Therese! Ang gwapo talaga ni Lexus no? Bakit hindi mo siya bigyan ng chance?" Tanong ng isang kaklase ko.


Ngumiti ako. "Magkaibigan lang talaga kami." Medyo nilakasan ko ang boses ko at lumingon sa grupo nina Deanna. Bitch!


Dumating na ang prof namin saka nagklase. Habang nagsusulat sa board ang prof, napalingon ako sa labas ng classroom. Nakapangalumbaba ako habang nakikinig sa klase dahil inaantok na rin ako. Nalaglag ang kamay kong nasa baba nang makita ang lalakeng nasa labas ng room. Mukhang napansin ni Deanna na nakatingin ako sa labas kaya tumingin din siya doon. Alam kong nagulat siya sa nakita niya kahit pa nakatalikod na siya sa akin. Sino ba ang pinunta ni Brix dito? Si Deanna?


Hindi nga ako nagkamali dahil dahan dahan at tahimik na tumayo si Deanna. Lumabas siya ng room saka nakipag-usap kay Brix. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Nakakainis ka, Brix! Na-wrong send ka ba kanina sa akin dahil si Deanna talaga ang gusto mong makausap? Argh!


Humarap na ulit ang prof saka nagsalita. Wala akong maintindihan. Walang pumapasok sa utak ko. Ano bang pinagsasabi niya?


"Okay, get a whole sheet of yellow paper." Sabi ng prof saka tumalikod ulit para magsulat sa board.


Kukuha na sana ako ng papel sa bag ko nang may kamay ang humigit sa braso ko. Napalingon ako sa taong iyon. Nalaglag ang panga ko. Dahil nasa likod ako naka-pwesto, iilang kaklase lang ang nakapansin at sa sobrang bilis ng paghila niya sa akin, hindi na napansin ng karamihan kahit ang prof ko. Isa lang ang sigurado kong nakita ko. Deanna's silently crying outside. Wtf?


Dinala ako ni Brix sa likod ng building namin. Walang mga estudyanteng dumadaan dito. Bakit niya ginawa 'yon? May quiz pa kami! Saka alam ba niyang may nakakita pa rin sa ginawa niya? Hindi ba ayaw niyang may makaalam na magkakilala kami?


Hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko kahit na hingal na hingal ako sa paghila niya. Tinitigan ko siyang parang hindi man lang napagod sa paglalakad ng mabilis. Unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko lalo na nung magkatitigan na kami. Shit, Brix! Nalaglag 'yung panty ko!


"A-Anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong.


"Ikaw? Anong ginagawa mo? Pinaghintay mo ako sa rooftop!"


Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ka na-wrong send?"


Ginulo niya ang kanyang buhok. "Damn, Therese! Inisip mo bang na-wrong send ako kaya hindi ka sumipot?"


Dahan dahan akong tumango. Are we really having a conversation right now? Damn! Gusto kong kiligin ng sobra sobra. Hindi pala. Kinikilig na pala ako.


"B-Bakit gusto mo akong makausap?"


"Are you drunk last night when you called?"


"H-Ha?" Hakdog, Therese!


Tangina! Kinikilig talaga ako! Hindi ba dapat nahihiya na ako dahil binanggit niya 'yung pagtawag ko kagabi? Ibig bang sabihin narinig niya ang mga sinabi ko? Fck. Dapat talaga nahihiya na ako pero bakit kilig na kilig ako?


"T-Those words..." Aniya saka nag-iwas ng tingin. Binitawan na rin niya ang braso ko. "Fck, Therese! Sabi mo nasasaktan ka kapag may kasama akong ibang babae. Bakit ikaw may kasamang ibang lalake?"


Nalaglag ang panga ko. Nagseselos ka ba, Brix? Tangina sabihin mo lang kakalimutan ko lahat ng nangyari at nasabi natin sa isa't isa! Shet! Sabihin mo lang nagseselos ka, hinding hindi na kita susukuan pa!


"B-Brix..."


Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi para iharap siya sa akin. Mabibigat ang mga titig niya sa akin. Hinila niya ako ng tuluyan saka hinalikan sa labi. Mabagal ang kanyang mga halik. Nanunuyo at maingat. We never kissed like this. Laging sabik ang mga halik niya sa akin. What's the meaning of this, Brix?


Ginantihan ko ang mga halik niya. Kumapit na ako sa kanyang batok. Damn! Wala na akong pakialam kung sakaling may cctv dito o wala, o may mga estudyante mang maligaw.


"Tangina, binabaliw mo ako, Therese!" Bulong ni Brix sa gitna ng panghahalik niya sa akin.


Napangisi na lang ako. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito. Hindi ko mapigilan ang kilig na nararamdaman ko. Nilasing ko na lang ang sarili ko sa mga halik niya.


We kissed for about 3 minutes. Oo, binilang ko talaga. That was the best 3 minutes of my life. Pakiramdam ko totoo ang halikan namin ni Brix. Para bang hindi iyon halik ng pagnanasa. Umaasa na naman ako, alam ko, pero wala na akong pakialam. Mabilis akong mahulog sa mga kilos niya.


"Ayokong may ibang lalaking humalik sayo ng ganito, Therese." Aniya na mabibigat pa rin ang mga tingin sa akin. "Ako lang. Gusto ko ako lang."


Hindi ko mapigilan ang pagngisi ko. "Ikaw lang naman ang lalaki sa buhay ko."


Ngumisi rin siya. "Then, who's Lexus? Who's that fcking asshole who picked you up?"


Kumunot ang noo ko saka natawa. Kung ganun, totoong nandun siya sa hotel nung Sabado? "Lander?"


"Whatever. Damn, Therese, I want you fcking mine alone."


Gusto kong sabihin niya ang nararamdaman niya. Gusto kong sabihin niyang gusto niya ako o mahal niya ako. Pero hihiling pa ba ako ng sobra sobra? Hindi ba dapat okay na sakin ito? Gusto niya akong masolo. Okay na sa akin iyon. Sa kanya lang naman ako. Hinding hindi naman ako maaagaw ng ibang lalake sa kanya.


Hinalikan niya ulit ako sa labi. It's a sweet and calm kiss. Kung alam ko lang na ganito ang gagawin namin kanina sa rooftop, pumunta na ako. Wala akong pakialam kung ilang subject pa ang mamissed ko ngayon, masayang masaya lang ako na kasama ko si Brix. Shet! Are we on the next level?


Naputol ang paghahalikan namin nang tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya iyon saka lumayo ng konti. Hindi ko pinakinggan ang pinag-uusapan nila ng taong nasa kabilang linya. Am I dreaming? Pakiramdam ko lumilipad ako sa sobrang kilig ko. Totoo ba ang nangyayari? Talaga bang magkasama kami ni Brix ngayon?


"I have to go." Sabi ni Brix habang busy ako nagdadaydream. "I'll see you in your place tonight." Hinalikan niya ulit ako sa labi bago umalis.


Wtf? Was that a goodbye kiss? Para bang magjowa na kami at nagpaalam na ang boyfriend ko dahil hinahanap na siya ng frat niya o kung sino. Shet! Gusto kong sumigaw sa kilig!


Hindi matanggal ang ngiti ko habang pabalik ng room. Habang nakatalikod ang prof, pumasok na ako. Hindi pa naman niya kabisado ang mga estudyante niya sa klaseng ito kaya hindi niya mapapansin na wala ako kanina. Tangina! Wala akong pakialam kung hindi ko man natake 'yung quiz kanina.


Naalala kong tingnan si Deanna sa pwesto niya. Masama ang tingin niya sa akin at halatang galing sa pag-iyak. Dahil hindi mawala ang ngisi ko, nginitian ko na lang siya. Magkahalong pang-aasar at sarcastic na ngiti ang binigay ko sa kanya. Bitch!


I decided to turn on my phone. Nagulat ako nung makita kong ilang missed calls at texts ang pumasok galing kay Brix. Ibig sabihin hinintay talaga niya ako sa rooftop? Kinikilig na naman ako!


Masaya pa rin akong lumabas ng room. Hindi matanggal ang saya ko sa lahat ng subjects ko ngayong araw. Naglalakad na ako sa parking lot nang makita ko si Shey. Para bang may hinihintay siya habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Si Brix ba ang hinihintay niya? Paano kung siya nga? Pero pupuntahan ako ni Brix sa penthouse mamayang gabi diba?


Dahan dahan akong naglakad papunta sa sasakyan ko. Pagkapasok ko sa loob, hindi ko agad iyon pinaandar. Naghihintay ako at nakamasid sa babaeng naghihintay. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang ibang lalake ang lumapit sa kanya. Nag-drive na ako pauwi.


Tumawag ako sa front desk para magpahatid ng pagkain at wine mamayang gabi. Nagtawag din ako ng housekeeping at pinamadali ko ang paglilinis nila. Shit! Masyado akong naeexcite dahil pupunta ulit si Brix.


Nag-shave rin ako bago maligo. Natatawa ako. Parang kailan lang nung huli akong magshave. Shet!


Kinagabihan, dumating nga si Brix. Tinanong ko siya kung kumain na ba siya pero hindi man lang niya ako sinagot. Inatake niya agad ako ng halik. This time, sabik na sabik na naman siya. Mabilis niyang hinubad ang kanyang polo at ang dress ko. Binuhat niya ako habang hindi pinuputol ang halik. Binagsak niya ako sa kama ko at hinalikan ang dibdib ko pababa sa tiyan. Damn, Brix! Lasing na agad ako sa mga halik niya.


"Brix..." I moaned.


He stopped kissing me and stared at me. Nakakulong ang ulo ko sa magkabila niyang braso saka nakatingin sa akin. "What?"


"About last night-"


"I heard everything, Therese. Hindi mo na mabubura sa akin iyon."


Kinagat ko ang labi ko. "Kung ganun, kayo pa rin ba ni Deanna? O kaya ni Shey?"


He smirked. "How did you know Shey?"


Napairap ako bigla. "Nagcheck-in kayo sa hotel ko!"


Tumawa siya. Damn! This is my first time hearing him chuckle. It was so sweet and surreal. Ano bang ginawa mo sa akin, Brix?


"Hinintay mo ba kaming magcheck-in dito?"


"Oo!" Sabi ko.


Tumawa ulit siya. "Damn, girl!" Aniya saka nilagay ang takas na buhok sa likod ng tainga ko. Hinalikan niya ulit ako sa labi.


Nagpatianod na lang ako sa mga halik niya. We had sex again that night. Kung siguro sa kanya, sex iyon. For me, we made love. Lahat naman ng ginagawa namin ni Brix, para sa akin make love dahil may nararamdaman ako para sa kanya. I put my feelings when we do it. I exert my love when we do it. Masaya ako kapag ginagawa namin. Hindi lang laro para sa akin.


Pinagmasdan ko ang tulog niyang mukha. Mahaba ang kanyang pilikmata pero hindi naka-curl. Manipis ang kanyang labi and I can still remember his tongue piercing while we kissed. He's half naked at hindi ko talaga inaangat ang blanket para mapagmasdan ko pa rin ang kanyang abs hanggang sa kanyang v line.


Inisa-isa ko ang mga tats niya sa katawan. Sa kanyang kaliwang balikat may nakagay na sex/commitment. Halata naman sa ginagawa namin. Sa kabila naman, sa kanyang kanang balikat, ang nakalagay ay mind/heart. When will you ever choose your heart first, Brix? Choose your heart and commitment as well as choose me. Let's be public. Love me publicly.


Hinawakan ko ang kanyang brasong may anchor na tats. Sa kamay na 'to, inner forearm, may nakalagay na ❯❯ −··· ·−· ·· −··− ▹. It's a morse code for his name Brix. Pinicturan ko pa ito dati para lang makuha ko ang meaning. Sa right inner forearm naman niya ay barcode na may numerong 11 25 1994. That's his birthdate. Hindi mahirap malaman ang mga birthday nila dahil nakapost iyon sa fanpage nila at every year, may celebration sila.


Muli ko siyang pinicturan. I just want to treasure this moment. Pagkatapos ko siyang kuhanan, kinuha ko ang kanyang kamay para gawing unan. Niyakap ko siya at nilagay ang kabila niyang braso para ipatong sa katawan ko. Para bang niyayakap niya ako. Akala ko ay tulog na tulog siya pero nabigla ako nang higpitan niya ang pagkakayakap sa akin. PUTANGINA BESH! Nawalan ako ng dugo sa kilig!


Hinding-hindi na talaga ako makakahon sayo, Brix. Ikaw ang may kasalanan nito. Hindi mo na rin ako pwedeng iwan dahil mula noon, hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Ngayon pa na ganito ang pinaparamdam mo sa akin. Mababaliw ako ng tuluyan kapag iniwan mo ako.


Hindi ako magtatanong kung anong status natin ngayon. Hindi kita papansinin sa school hangga't hindi ikaw ang unang pumansin sa akin. Ayokong pangunahan ka dahil baka ayaw mo pa ring may makaalam ng tungkol sa atin. Ang importante sa akin ay ayos tayo. Ako na ang bahala sa sarili ko kung aasa man ako na gusto mo rin ako. Ako na ang bahala sa sarili ko kung masaktan man ako in the end. Ang importante sa akin, may maitatago akong ganitong memories kasama ka.


Kinabukasan, wala na siya sa tabi ko. Expected ko na rin naman iyon saka kailangan pa niyang magpalit ng damit dahil may pasok pa. Nag-ayos na ako at kumain ng almusal bago pumasok sa school.


May nakasabay akong kaklase at pinuri ang pagiging blooming ko. Ganun na ba kahalata kapag in love ka? Bakit noon? In love na rin naman ako kay Brix ah? Iba ba talaga kapag pinansin ka na ng taong mahal mo?


Pumasok ako sa unang klase ko na inspired na inspired. Pagkatapos ay nagpunta ako sa pantry para kumain. Buo ang AGP sa table nila at ganun din ang Sigma Kappa Epsilon. Napalingon ako kay Lexus na nginitian ako. Sinuklian ko ang ngiti niya. Bago ako umupo sa nahanap kong pwesto ay lumingon naman ako kay Brix. Nag-init ang pisngi ko dahil nakatingin pala siya sa akin. Nakataas ang kanyang isang kilay. Nakita ba niya ang pagngiti ko kay Lexus? Nagseselos ba siya?


Tahimik akong kumain mag-isa. Nabigla ako nang dumating si Lexus. Akala ko ay para inisin ako pero may dala siyang book.


"May exam ba kayo ulit?" Tanong ko.


"Oo. Si Clyde at Ryko ayaw akong tantanan."


Natawa na lang ako. I guess, it's my time to pay him back for accompanying me yesterday. Palapit na sina Clyde at Ryko sa table namin.


"Sorry, he's busy." Sabi ko.


"Busy-busyhan lang 'yan, Therese. Gusto ka lang niya makasama." Sabi ni Clyde.


"Fck off, Clyde!" Sabi ni Lexus.


Tumawa si Ryko. "Bro, wala naman tayong exam ah?"


"Meron gago! Hindi ka kasi nakikinig!"


Natawa ako sa kanila. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko habang nag-aasaran sila. Nakita ko ang text ni Brix. Nag-init ang pisngi ko.


Brix:

Enjoying your time with them?


Napalingon ako sa table nila. Nakataas pa rin ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Mukhang napansin naman ni Hunter kaya napangisi siya nang makitang nakatingin ako sa kanila. Yumuko ako at tinago na lang ang phone ko. Shiiiiiit!


"Umalis na nga kayo! Hindi makakain ng maayos si Therese oh!" Sigaw ni Lexus sa mga kaibigan.


"Iwan na natin ang lovebirds, Clyde!" Ani Ryko saka inakbayan si Clyde palayo sa table namin.


Hindi na ako nakakain ng maayos. Damn! Nagseselos ba siya? Pero naalala ko ang sinabi niya kahapon.


"Damn, Therese, I want you fcking mine alone."


What does that mean, Brix?

Continue Reading

You'll Also Like

134K 3K 37
Zara Nicole Bermudez - Thompson. Certified Bratinella. Whatever she wants, she gets. Designer clothes, bags, shoes, the most expensive jewelries,cars...
70.2K 2.4K 61
( C O M P L E T E D ) Synopsis Sa hindi inaasahang pangyayari , dala ng kapusukan , kalokohan at kalasingan ay bigla nalang magbabago ang buhay ni Ya...
37.6K 996 36
What if Ms. Every thing fall inlove with Mr. Eye glasses/Nobody? Will she let this Nobody ruin her life? Pano kung yung mahal mo gusto pala ng kaibig...