Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

By TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 54

47.4K 1.4K 29
By TheLostMemoryOfLove


Pili

Kinabukasan, maagang umalis sina Mommy at Daddy. Hindi rin sila sumabay sa'min kumain ng umagahan. Tahimik naman pareho sina kuya Ryan at kuya Calvin. Hindi ko alam kung anong pinagusapan nina kuya Ryan at Mommy dahil no'ng kumalma na ako, iniwan na ako ni kuya Calvin sa kuwarto at pinahatiran na lang ng pagkain.

Nag bago kaya ang isip nila? O gusto pa rin nilang iwan ko si Troy? Para akong nanlulumo sa tuwing sumasagi 'yon sa isip ko. Ni hindi ko magawang makapag-focus sa klase dahil sa dami ng bumabagabag sa'kin.

Dumaan ang ilang araw, hindi pa rin umuuwi sina Mommy at Daddy. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang silang hindi umuwi. Hindi rin alam nina kuya Ryan kung saan sila pumunta at kung kailan ang balik nila. Pero mas maayos na rin siguro 'yon. Kailangan muna nilang isiping mabuti kung magiging maganda ba ang resulta kapag pinilit nila ako sa kung ano man ang gusto nila. Sana nga lang maisip nilang mali sila, kahit ngayon lang.

"Ayos ka lang? Ilang araw ka ng ganyan." si Troy habang dala ang bag ko.

Sa tuwing nagkakasama naman kami ni Troy sa campus, hindi ko maiwasang matulala minsan. Kapag tinitignan ko siya, naiisip ko kung anong magiging reaksyon niya kapag iniwan ko siya. Iniisip ko pa lang, sobrang nasasaktan na ako.

"Ayos lang naman ako." maikling sagot ko at nag iwas ng tingin.

"Sinasabi mong ayos ka pero iba naman ang nakikita ko sa mga mata mo."

Papunta kami ngayon sa likod ng campus para tumambay saglit. 

"Stress lang ako." palusot ko.

Nang nasa tapat na kami ng lugar kung saan kami madalas pumwesto, pareho na kaming umupo sa damuhan at sumandal sa punong kahoy sa likuran namin.

"Ano ba talagang dahilan kung bakit parang malungkot ka? Ilang araw ka ng ganyan, hindi ako napapanatag kapag alam kong hindi ka okay."

"Wala nga lan--"

"Ilang beses kang magsisinungaling para pagtakpan ang totoong nararamdaman mo?" seryoso niya akong tiningnan.

Saglit akong natahimik at tumingin sa malayo. Bumibigat ang bawat pag hinga ko. Parang may humihila sa puso ko pababa. Huminga ako ng malalim saka tumikhim bago sinubukang mag salita.

"Paano kung..." lumingon ako sa kabilang banda para hindi niya makita ang mukha ko. "kung iwan kita? Anong mangyayari sa'yo?" nakagat ko na lamang ang labi ko habang pinipigilan ang pag tulo ng mga nangingilid kong luha.

"Anong sabi mo?" 

Halata ang gulat sa boses niya. Ramdam ko rin kung paano siya natigilan dahil saglit siyang natahimik. 

"Anong klaseng tanong naman 'yan, Kyla? May balak ka bang iwan ako?"

"W-Wala..." hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko. "Wala akong balak na i-iwan ka. Natanong ko lang naman kasi gusto kong malaman ang reaksyon mo."

Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang hawak ni Troy sa kamay ko. Hinawakan niya rin ang mukha ko at pinaharap ako sa kanya. Bigla ko na lang naramdaman ang panghihina nang matitigan ko ang mga mata niya at kasabay nito ang sunod-sunod na pag tulo ng mga luha ko.

"Bakit ka umiiyak? May balak ka bang iwan ako, Kyla? Hindi mo na ba ako mahal? Anong dahilan? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo, susubukan kong ayusin." kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya habang nakatingin sa'kin.

"Troy, mahal kita. Mahal na mahal. Pero..." hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa mga hikbing hindi ko mapigilan.

"Pero ano? Mahal mo ako pero bakit may 'pero' na kasunod?"

Napayuko na lamang ako dahil hindi ko nakakayang titigan siya ng diretso.

"Ilang a-araw na akong b-binabagabag n-nito. Paulit-ulit kong naiisip kung anong mangyayari kapag iniwan kita." saglit akong tumigil at huminga ng malalim. "No'ng araw na hinatid mo ako sa bahay, nag talo kami ni Mommy. Nagalit siya dahil kasama na naman kita. Gusto niyang iwan kita, Troy. Gusto niyang ipaubaya kita kay Aya. Sobrang hirap tanggapin na mismong mga magulang ko ang maglalayo sa'kin sa taong mahal ko."

Parang tumigil sa pag tibok ang puso ko nang maramdaman ko ang biglaang pag luwag ng hawak niya sa kamay ko. Nakaramdam na lamang ako ng takot dahil baka siya mismo ang lumayo. Baka siya mismo ang mangiwan sa'kin. Paano kung gano'n nga ang mangyari? 

"Kaya ba tinanong mo ako kanina kung anong mangyayari sa'kin kapag iniwan mo ako?" 

Muli ko siyang tiningnan. Seryoso na siya ngayon at siya naman ang nakatingin sa malayo. Ano kayang tumatakbo sa isip niya? Iniisip niya kaya kung paano niya susuportahan ang gusto ng mga magulang ko?

"Ayaw kitang iwan, pero paano kung ipilit ng mga magulang ko ang gusto nila? Anong gagawin ko? Anong gagawin natin?"

Hindi siya nag salita. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil sa pananahimik niya.

"Troy! Ano na? Kapag ba iniwan k-kita, s-sasama ka kay Aya? K-Kapag iniwan ba kita, siya na ang m-mamahalin mo? Magiging masaya ka ba kapag pinaubaya kita sa kanya?"

"Kapag iniwan mo 'ko..." ibinalik niya ang tingin niya sa'kin. "si Calvin o Ryan na lang ang gagawin kong boyfriend."

Napakunot na lang ang noo ko dahil sa sagot niya. Mas lalo akong naiyak nang magsimula siyang tumawa habang nakatingin sa'kin.

"Buwesit ka!" sigaw ko at hindi na napigilang mahila ang buhok niya.

"Mapanakit ka ah! Biro lang naman e."

"Pinakaba mo ako! Hindi magandang biro 'yon! Akala ko 'oo' ang isasagot mo sa tanong ko. Akala ko pipiliin mo si Aya kaysa sa'kin dahil ayaw ng mga magulang ko sa'yo! Nakakainis ka! Buwesit ka talaga e!"

Pagkatapos kong sabihin lang ng 'yon, naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap niya sa'kin.

"Hinding-hindi ako magmamahal ng iba kagaya ng pagmamahal ko sa'yo, Kyla. Gagawin ko ang lahat para mabago ang isip ng mga magulang mo. Hindi ko hahayaang ilayo ka nila sa'kin, okay?" aniya at pinunasan ang luha sa pisnge ko.

"Paano kung hindi mo mabago ang isip nila?" 

Hindi siya nakasagot agad. Tinitigan niya muna ako saka huminga ng malalim.

"Itatanan kita."

Natigilan na lang ako dahil sa sinabi niya.

Tanan? Magpapakalayo-layo kami rito? 

"Sasama ka ba sa'kin kung sakaling umabot sa puntong kailangan kitang itanan para lang hindi nila tayo mapaghiwalay?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko rin alam kung sasama ba ako o hindi. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at kung maganda rin ba ang kalalabasan kung sakaling ginawa namin 'yon. Marami kaming maiiwan dito. Pareho rin kaming nag-aaral at kapag nag tanan kami, mahihirapan lang din kaming dalawa.

"H'wag mo nang sagutin ang tanong ko. Hindi naman siguro aabot sa gano'n." aniya at ngumiti sa'kin. "Tumahan ka na, alisin mo muna sa isip mo ang gusto ng mga magulang mo. Gagawan ko naman ng paraan para makumbinsi silang h'wag ka ng ilayo sa'kin." 

Sinubukan kong alisin sa isip ko 'yon, pero parang mas gumulo lang ang isip ko dahil kay Troy. Kung sakaling umabot sa gano'n, handa ba akong makipag-tanan sa kanya? Handa ba akong mahirapan kasama siya? Susugal ba ako? Sapat na rason ba ang pagmamahal para talikuran ko ang lahat?

Dahil sa rami ng mga iniisip ko, madaling araw na akong nakatulog. Balak ko nga sanang habaan pa ang tulog ko dahil sabado naman, pero bigla na lang akong nakarinig ng mga kalabog sa labas ng kuwarto ko. Kahit masakit ang ulo, pinilit ko ang sarili kong bumangon saka lumabas sa kuwarto.

Pababa pa lang ako ng hagdan, rinig na rinig ko na ang sigawan. Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa sala kung saan nanggagaling ang sigawan na 'yon.

"Kailangan ba talagang umabot sa ganito, Mommy? Bakit hindi niyo na lang hayaan si Kyla na maging masaya?!" sigaw ni kuya Calvin.

"Wala na ba talaga akong respeto sa'min?" galit na sigaw pabalik ni Daddy sa mga kapatid ko.

"May respeto naman sana kami sa inyo, Dad. Pero sa ginagawa niyo ngayon, inaalisan niyo ng karapatan ang kapatid namin na sumaya! Gusto niyo siyang papuntahin sa Spain para lang ilayo kay Troy? Para saan? Para mapasaya niyo naman si Aya na hindi niyo naman anak?" si kuya Ryan naman ngayon ang nag salita.

"Walang kinalaman si Aya rito!" pagtatanggol ni Mommy.

"Talaga? Wala? Hindi kami pinanganak kahapon para hindi mapansin 'yang mga kinikilos niyo. Bago niyo pinuntahan si Kyla sa bahay ni Cara para pauwiin dito, masaya pa kayong kasama si Aya rito sa bahay. At alam namin ni Calvin na sa tuwing wala kayo rito, bukod sa trabaho, kasama niyo si Aya na namamasyal. Ano ba talaga pinakain sa inyo ng babaeng 'yon? Bakit sa kanya umiikot ang mundo niyo imbis sa'min na mga anak niyo?"

Hindi na nakasagot pa sina Mommy at Daddy.

Halos hindi naman ako makagalaw dahil sa mga narinig ko. Spain? Kaba ba ilang araw silang wala rito dahil balak nila akong papuntahin sa Spain para lang ilayo kay Troy?

"Kahit ano pang sabihin niyo, hindi na mababago ang desisyon namin. Pupunta si Kyla sa Spain. Kung gusto niyo siyang samahan, sumunod na lang kayo." seryosong sabi ni Daddy.

"Bakit niyo ako papapuntahin do'n? Bakit kailangang ako 'yong pahirapan niyo para lang mapasaya ang taong hindi niyo naman anak?" 

Napalingon silang lahat sa'kin. 

"Bakit tayo umabot sa ganito? Masaya naman po tayo dati, 'di ba? Ako 'yong malditang prinsesa niyo tapos sina kuya naman ang mga unggoy at pasaway niyong anak. Masaya naman po tayo dati ah? Bakit ganito na ngayon?" mapait akong napangiti nang makita kung paano napaiwas ng tingin ang dalawa kong kapatid. "Alam ko namang hindi si Troy ang problema rito, Mommy, Daddy. Dati, gustong-gusto niyo nga siya, 'di ba? Siguro kung wala si Aya, wala kayong problema kung sakaling maging kami. Kaso, iba ang sitwasyon ngayon e. Nasira 'yong pamilya natin no'ng dumating si Aya. 'Yong kaibigan ko lang dapat, tinuring niyong sarili niyong anak. At ang mas masakit pa, pinalit niyo sa'kin. Sinubukan ko pong tanggapin 'yon, kaya nga po ako umalis no'ng itinakwil niyo na ako, 'di ba?"

Parang sinasaksak ang puso ko nang paulit-ulit habang nagsasalita. Pinigilan ko na lang din ang panginginig ng boses ko para mas maintindihan nila ang mga sasabihin ko.

"Sobrang namiss ko 'yong dating masayang pamilya natin. Kaya no'ng pinuntahan niyo ako sa bahay ni Cara para pauwiin dito, kahit nagdadalawang isip ako, pinakinggan ko sila na sumama sa inyo. Umasa akong magiging maayos na ulit tayo. Pero umasa po pala ako sa wala." hindi ko na napigilan pa ang pag hikbi dahil sa sunod-sunod na pag tulo ng mga luha ko. "Tapos ngayon naman na gusto niyo akong ilayo kay Troy, mas nasasaktan ako. Kasi siya 'yong taong nasa tabi ko no'ng mga panahong nagpapanggap akong malakas kahit sobrang hinang-hina na ako. Siya 'yong taong sinamahan ako kahit paulit-ulit ko siyang pinapalayo. Siya 'yong nakakita sa'kin no'ng mga panahong naiwala ko ang sarili ko."

Napabuntong hininga na lang ako ng mapansin ko ang pasimpleng pagpunas ni Mommy sa luha niya. Nag iwas naman ng tingin si Daddy habang nakaakbay ngayon kay Mommy.

"Ayaw kong pumili. Ayaw kong iwan ang taong mahal ko para lang sa mapasaya ng mga magulang ko 'yong taong sumira sa pamilya namin.. Ayaw kong pumili kasi pareho kayong mahalaga sa'kin. Pero kahit ayaw kong pumili, tinutulak niyo akong gawin 'yon."

"Kyla..." balak sana akong lapitan ni kuya Calvin pero agad naman siyang pinigilan ni kuya Ryan.

"Babalik na lang po ako kapag nakapagisip-isip na kayo ng mabuti. Sana sa oras na bumalik ako, piliin niyo na ako. Sana maalala niyong ako 'yong anak niyo at hindi si Aya."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at mabilis akong nag lakad palabas ng bahay. Gusto ko munang pumunta sa lugar kung saan alam kong ligtas ako. Sa lugar kung saan mapapakalma ako. Sa lugar kung saan mabbawasan 'yong sakit na nararamdaman ko. 

Sa lugar kung saan makakasama ko 'yong taong mahal ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 149K 88
Book 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. B...
1M 32.6K 36
BOOK TWO of When Ms. Panget Transforms into Maganda. start: 2017 end: 2018 All Rights Reserved 2017 Written By Bianczx
142K 2.5K 25
|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginagalawan? Kiligin at kilabutan sa kakaiban...
309K 2.1K 107
TAGALOG STORIES WITH THEIR AUTHORS