Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

De TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... Mais

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 52

48.2K 1.4K 25
De TheLostMemoryOfLove


Angkin

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa desisyon kong sumama kina Mommy pauwi. Ayaw ko nga sana kanina, kaso si Cara at Troy na ang nag tulak sa'kin na bumalik dito. Hindi ko mapigilang mulungkot habang nakitingin sa kuwarto kong wala namang pinagbago. 

Napatingin naman ako sa cellphone kong nasa side table nakapatong kasama ang panyong hindi ko pa naisasauli kay Troy. Ang bilis pala talaga ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis, ramdam ko ng sobrang daming nag bago.

"Ma'am Kyla, ito na po ang tubig niyo." si ate Yan nang makapasok na sa kuwarto ko.

Ngumiti naman ako sa kanya at tinanggap na ang baso ng tubig. Kitang-kita ko sa mukha niya ang saya habang natayo sa harapan ko.

"Ma'am, totoo pala talagang uuwi na kayo rito!" nakangiting sabi niya.

"Bakit parang ang saya mo naman, ate Yan?"

"Kasi naman po, no'ng wala kayo, ang lungkot ng bahay."

"Paanong malungkot?" nagtatakang tanong ko.

"Dati po kasi, walang araw na hindi kayo nag aasaran nina sir Ryan at sir Calvin. Kayo kaya 'yung nagpapaingay rito. Kaso no'ng umalis at pumalit si ma'am Aya, lagi na pong nagkukulong sa kuwarto ang mga kapatid mo. Sina  sir Anden at ma'am Eavine nga lang ang kumakausap kay ma'am Aya rito e. Dinadalaw naman po siya minsan ng mga magulang niya rito, pero makikita po talagang hindi siya masaya rito. Kaya siguro umalis na siya." kuwento niyo.

'Yun lang ba talaga ang dahilan kaya siya biglang umalis? Dati pa naman siyang hindi gusto nina kuya Ryan at kuya Calvin kaya hindi na bago 'yon sa kanya. Pakiramdam ko talaga may ibang dahilan kung bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin e.

"Kaya masayang-masaya po kami ni manang Beth no'ng nalaman naming uuwi ka na, Ma'am. Umaasa kaming babalik na po lahat sa dati."

Tipid naman akong ngumiti sa kanya at tumingin na lang sa basong hawak ko. Parang imposible namang manyari 'yon. Bumalik sa dati? E, no'ng pabalik pa nga lang kami rito kanina, hindi na nila ako kinibo ulit. Para bang kinausap lang nila ako no'ng ayaw ko pang sumama sa kanila pero no'ng sumama na talaga ako, wala na ulit kibo.

Nang naiwan ulit ako sa kuwarto ay agad kong kinuha ang selpon na bigay sa'kin ni Cara saka tinawagan si Troy. Mamaya ko na lang gagamitin ang sarili kong selpon, ang mahalaga matawagan ko na si Troy.

"Nakauwi na ba kayo?" tanong niya sa'kin pagkatapos niyang sagutin ang tawag.

"Ah, oo. Ikaw? Nakauwi ka na ba?"

"Kakauwi ko lang din. Magluluto na nga sana ako para sa hapunan ko kaso tumawag ka kaya sinagot ko na agad."

"Gano'n ba? Ibababa ko na lang, tatawag na lang ulit ako mamay--"

"Hindi na. Puwede naman akong maluto habang kausap ka."

"Sigurado ka?"

"Oo naman."

Napabuntong hinga na lang ako saka umupo sa kama. 

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Oo naman, ayos lang ako." tipid akong ngumiti kahit alam ko namang hindi niya iyon makikita.

"Nagsisinungaling ka na naman."

Siguro kung magkaharap lang kaming dalawa, nakahalukipkip na siya ngayon sa harap ko at seryoso akong tinitingnan.

"Ayos nga lang ako!" giit ko.

"Sa tingin mo ba talaga maniniwala ako sa sinasabi mo?"

"Kung ayaw mong maniwala, edi h'wag!"

"Hindi mo ako madadala riyan sa pagtataray mo, Kyla. Ano ba kasing problema? Hindi ka ba masayang nakauwi ka na sa inyo?"

Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya. Hindi ko rin naman alam kung masaya ba ako o hindi. Isang oras pa lang naman ako rito pero parang naliligaw ako. Parang hindi ito 'yung lugar kung saan mararamdaman kong ligtas ako.

"Kailan tayo ulit babalik sa bahay niyo sa bukidnon?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? Gusto mo na bang tumira do'n?"

"Paano kung oo?"

Mas ramdam kong ligtas ako ro'n. Isang beses pa lang akong nakapunta ro'n pero pakiramdam ko and tagal ko ng nakatira do'n. 

"Kung gusto mo ng tumira do'n, magpakasal na tayo."

Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Troy.

"Ha? Nababaliw ka na ba?"

"Oh, bakit? Sabi mo gusto mo ng tumira do'n, 'di ba? Edi magpakasal na tayo. Tapos do'n na tayo titira at bubuo ng masayang pamilya."

"Baliw! Nag aaral pa tayo. May isang taon ka pa sa kolehiyo habang ako naman, dalawang taon pa. Kailangan nating mag tapos para masiguradong maganda ang kinabukasan nating dalawa."

"Puwede naman tayong mag tapos ng pag aaral kahit kasal na tayo ah? Isang taon na lang ako sa kolehiyo, kapag nakapagtapos ako, susubukan kong palakihin ulit ang kompanya ni Lolo. Ipagpapatuloy ko ang nasimulan ni Papa para mabigyan ka ng magandang buhay. Isang Furniture Company para mapangako ko sa'yong hindi ka maghihirap kapag ako ang pinakasalan mo."

"Tumigil ka nga! Hindi pa tayo magpapakasal. Tinanong ko lang naman kung kailan ulit tayo babalik sa bahay niyo sa bukidnon pero kung ano-ano na ang mga naiisip mo."

"Ayaw mo no'n? Advance mag isip ang future husband mo."

"Ewan ko talaga sa'yo, Troy Mendez."

"I love you, future Mrs. Mendez." mabagal niyang sabi.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili sa pag ngiti nang marinig ko 'yon. Parang nakampante saglit ang puso ko dahil sa kanya. 

"I love yo--"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at iniluwa no'n si Mommy na seryoso ang mukha habang nakatingin sa'kin.

"Pasensya na at hindi na ako kumatok. Maghahapunan na tayo, Kyla. Magpaalam ka na riyan sa kausap mo." aniya

Napalunok naman ako at natatarantang tinapos ang tawag namin ni Troy. Hindi ko na nagawa pang magpaalam sa kanya sa sobrang kaba dahil sa presensya ni Mommy. 

"Susunod na po ako, Mommy."

Tumango naman siya sa'kin at umalis na. Para naman akong nabunutan ng tinik bago huminga ng malalim at lumabas na ng kuwarto. Sina kuya Ryan at kuya Calvin lang ang kumausap sa'kin no'ng gabing 'yon. Hindi ko alam kung bakit ang tahimik ni Mommy at Daddy habang nag uusap kami ng mga kapatid ko.

Ang laki na ba talaga ng pinagbago ng lahat para maging malamig ang pakikitungo nila sa'kin? Sinundo-sundo pa nila ako sa bahay ni Cara pero ganito rin naman pala ang pakikitungo nila sa'kin. 

"Pasensya na kung binabaan kita bigla kanina. Tinawag na kasi ako para sa hapunan." pagpapaliwanag ko kay Troy.

"Ayos lang, ang mahalaga kumain kayo ng pamilya mo ng kompleto."

"Kompleto nga, malamig naman ang pakikitungo nina Mommy at Daddy sa'kin." 

Bumuntong hininga na naman ako at lumapit sa bintana para tignan ang maliwanag na buwan sa malayo.

"'Yan ba ang dahilan kung bakit mukhang hindi ka maayos kanina?"

"Siguro?"

"Baka naman pagod lang sila. Hayaan mo, bukas maayos na ulit ang pakikitungo nila sa'yo."

"Paano kung hindi 'yan mangyari?"

"Kung hindi 'yan mangyayari bukas, edi sa susunod na araw na lang. Malay mo problemado lang sila sa negosyo."

"Kakampihan mo talaga ang mga magulang ko kahit anong mangyari, 'no?"

"Hindi naman sa kinakampihan ko sila. Ayaw ko lang na isipin mong hindi ka mahalaga sa kanila dahil malamig ang pakikitungo nila sa'yo ngayon. Magiging maayos din kayo, okay?"

"Oo na po." nakangiting sagot ko.

Naging magaan ulit ang loob ko habang nakikipag-usap kay Troy. Ni hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pakikipag-usap sa kanya. Natigilan na lang ako nang may biglang kumatok sa pinto ng kuwarto ko. 

Nang lingunin ko ito ay sakto namang bumukas ang pinto. Nanlaki na lang ang mga mata ko ng makita ko si Mommy at Daddy na seryosong nakatingin sa'kin.

"Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Mommy.

"Ah, may kausap lang po ak--"

"Akin na 'yang selpon mo. Kailangan mo ng matulog, Kyla." 

"Hindi na po, Mommy. Matutulog na po ako." sambit ko at agad na tinago sa likuran ko ang selpon.

"Matulog ka na, kapag naabutan ka pa naming gising mamaya, kukunin na talaga namin 'yang selpon mo."

Tumango naman ako sa kanila at hinintay munang maisara nila ang pinto. Nang masigurado ko ng wala na sila sa tapat ng pinto ko, itinapat ko ulit sa tainga ko ang selpon.

"Troy, matutulog na ako ha? Baka kasi mapagalitan pa ako nina Mommy e."

"Okay, Goodnight, Kyla."

Hindi ko alam kung bakit bigla silang naging strict lalo sa'kin. Dati, hindi naman sila palaging pumupunta rito sa kuwarto ko para tignan ako. Hinahayaan lang nila ako sa kung anong ginagawa ko rito tapos pinapatawag lang ako sa kasambahay kapag kakain na. Pero ngayon sila na mismo ang gumagawa no'n, tapos kahit malalim na ang gabi, pinuntahan pa talaga nila ako rito para patulugin. 

Kahit puno na ako ng pagdududa sa mga kinikilos ng mga magulang ko, binaliwala ko na lang lahat dahil gaya ng sabi ni Troy, baka problemado lang sila. Kinabukasan, nalaman ko na lang na tumawag sina Mommy at Daddy sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho. Hindi na raw ako magtatrabaho ro'n, binayaran na rin nila ang mga nabasag ko dahil hindi pa naman ako nag iisang buwan do'n at wala pa akong sahod kaya may utang talaga ako.

Binayaran din nila si Cara sa lahat ng nagastos nito sa'kin. Hindi nga sana tatanggapin ni Cara kaso nagpumilit daw sina Mommy kaya wala siyang ibang nagawa. Umasa akong pagkatapos ng mga ginawa nila, susunod naman nilang pagtutuonan ng pansin ang relasyon nila sa'kin. Kaso nagkamali ako.

Araw-araw silang wala sa bahay, gabi na rin sila umuuwi. Mas nag taka rin ako no'ng pinagbawalan nila akong lumabas. Bilin nila sa guard, h'wag akong papalabasin at lagi akong bantayan. Hindi naman ganito kahigpit dati ah? Bakit ngayon ganito na? Sina kuya Calvin, ayos lang kung saan pumunta. Pero ako, kahit kina Cara lang, bawal.

Para akong nakakulong sa bahay. Patago ko pa kung tawagan si Troy at Cara dahil bawal din daw akong makipag-usap kahit kanino. Gustuhin ko mang kausapin si Mommy at Daddy, palagi naman silang wala. Nakakasakal ang ganito.

Buong linggo akong nakakulong sa bahay. Laking pasasalamat ko na lang talaga dahil sa sumunod na linggo, pasukan na. Makakalabas na ulit ako at wala ng makakapigil sa kung anong gagawin ko sa eskwelahan. 

"Kyla!" tawag ni Cara sa'kin.

Sinalubong niya ako agad ng yakap nang makalapit ako sa kanya.

"Sa wakas, nakalabas ka rin sa bahay niyo!" 

"Buti nga pasukan na e. Naiinip na talaga ako sa bahay."

"Nagkita na ba kayo ni Troy?" tanong niya at sinabayan na ako sa paglalakad.

"Hindi pa nga e. Hindi ko siya mahanap."

"Baka na sa canteen?"

"Pumunta na ako ro'n kanina, kaso wala siya."

"Hali ka, puntahan natin sa classroom nila."

Hihilahin na sana ako ni Cara pero sabay kaming natigilan ng biglang humarang sa daan namin si Lane at Trisha.

"Nagbabalik na pala ang prinsesa." nakangising sabi ni Lane.

"Lane, maaga pa para mambuwesit ka." si Cara sabay irap dito.

"H'wag ka ngang nakikisali, Tuazon." biglang nagsalita si Trisha.

"Ano bang kailangan niyo sa'kin?" tinaasan ko sila ng kilay.

"Totoo bang kayo na ni Troy?" seryosong tanong ni Trisha sa'kin.

"Kanino niyo naman nalaman 'yan?"

"Edi totoo nga? Kayo na ni Troy?"

"Ano naman sa'yo kung kami na ni Troy?"

Mapaklang tumawa si Trisha habang nakatingin sa'kin. 

"Talaga lang ha? Ngayon, naniniwala na ako sa sinasabi ni Lane na malandi ka!"

"Hoy, babae! H'wag mong tinatawag na malandi si Kyla. Wala kang alam!" sigaw ni Cara sa kanya.

"Tumahimik ka nga!" sapilitang hinila ni Lane si Cara palayo sa'min.

Susundan ko sana sila pero bigla naman akong pinigilan ni Trisha. Kitang-kita sa mga mata niya ngayon ang galit habang nakatingin sa'kin.

"Ano pa bang kailangan mo? Bakit dinadamay niyo pati si Cara?" 

"Anong kailangan ko? Gusto kong layuan mo si Troy!"

"At bakit ko naman gagawin 'yon? Sino ka ba sa buhay niya? Wala ka lang naman sa kanya, 'di ba?"

"Mahal ko si Troy! Akin siya! Wala kang karapatan sa kanya!" sigaw niya.

Dahil sa mga sigaw niya, napapatingin na sa amin ang ibang mga estudyante. Hindi talaga siya nahihiya sa ginagawa niya? 

"Mahal mo si Troy, pero mahal ka ba niya? Sa ating dalawa, ikaw ang walang karapatan sa boyfriend ko. H'wag kang nang aangkin ng taong hindi naman sa'yo. Kagaya ni Lane, tanga at desperada ka rin pala. Kailan kaya kayo mawawala sa eskwelahang 'to, 'no? Dumarami na naman kasi ang tatanga-tanga, dapat ng mag bawas."

"Nauna ako kay Troy! Inagaw mo lang siya! Malandi ka!"

"Nauna ka nga, ako naman ang pinili. Kahit naman siguro hindi ako dumating sa buhay ni Troy, hindi ka pa rin niya magugustuhan. Ilang taon na kayong magkakilala, kung saan-saan na kayo naghalikan at gumawa ng milagro, pero no'ng dumating ako, baliwala ka na."

"Hindi totoo 'yan! Inagaw mo lang siya sa'kin. Akin na dapat siya kung hindi ka lang malandi."

"Inaangkin mo pa rin talaga ang hindi sa'yo, 'no?" umiling-iling ako sa kanya na para bang nadidismaya. "Masyado kang tanga, nasasayang ang oras ko sa'yo."

Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niyang hinila ang buhok ko.

"Aray! Bitawan mo nga ang buhok ko, gaga!" sigaw ko sa kanya.

"Ahas ka!" sigaw niya.

Sasabunutan pa sana niya ako lalo ng may pumigil sa kanya. Napabitaw siya agad sa'kin at naiiyak na tumingin kay Troy.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa'kin at inayos ang buhok ko. "Ano bang problema mo, Trisha?" galit niya namang nilingon si Trisha.

"Troy, akala ko ba ako lang?" umiiyak nitong tanong.

"Wala akong sinabing ganyan sa'yo, Trisha."

"Oh, kita mo na? Wala naman palang sinabing ganyan sa'yo si Troy pero kung makaasta ka parang naging sa'yo siya." inirapan ko siya habang patuloy na inaayos ang buhok kong ginulo niya.

"Troy, ang daya mo naman e. Akala ko tayo ang magkakatuluyan. Bakit pinatulan mo siya?"

"Pasensya na, Trisha. Kung ano man 'yung namamagitan sa'tin dati, wala lang 'yon. Kaibigan lang naman talaga ang turing ko sa'yo, ikaw lang 'tong lumalagpas sa linya."

"Pero kas--"

"Hep!" hindi ko na siya hinayaan pang mag salita. "Nasasayang na ang oras namin ng boyfriend ko sa'yo. Palalagpasin ko ang ginawa mo sa'kin kanina, pero sa susunod na dumapo 'yang kamay mo sa'kin, sisiguraduhin kong putol na 'yan. Mag drama ka na lang kung gusto mo, labas na kami riyan, okay? Bye, Trisha!" peke akong ngumiti sa kanya bago hinila si Troy palayo ro'n.

Alam kong maraming babaeng aaligid kay Troy, pero hindi ko hahayaang may umagaw sa kanya. Ano sila, sinuswerte? Masyado akong palaban para hayaan silang lumapit sa boyfriend ko. Ang akin, ay akin. Ako lang ang dapat umangkin sa kanya dahil ako ang girlfriend niya.

Continue lendo

Você também vai gostar

279K 19.3K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
13.9M 430K 72
Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katangian ng 16 years old na si Check. She has...
146K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
1.1M 12.1K 11
Tomboy si Girl.. Bakla si Boy.. Isang gabi nakalimot silang dalawa.. Ang kwentong 'di mo inakala.. Hahaha! XD