Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

By TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 51

48.2K 1.3K 24
By TheLostMemoryOfLove


Balik

"Ikaw ba si Kyla?" tanong ng lolo ni Troy sa'kin.

Ngumiti naman ako sa kanya saka tumango. Pagkatapos ng pag uusap namin kanina sa balkonahe, dumiretso kami rito para makilala ko ang lolo at lola niya. Kinakabahan pa nga ako dahil baka hindi nila ako magustuhan para sa nag iisang apo nila.

"Ang ganda naman pala talaga ng girlfriend mo, hijo!" natutuwang sambit niyo at niyakap ako.

Gano'n din ang ginawa ng lola niya sa'kin na kanina pa nakatitig.

"Ngayon, alam ko na kung bakit palaging tumatanggi itong si Troy na umuwi rito." sambit ng lola niya.

"Sorry na nga, lola. Nakauwi na nga ako ngayon oh." si Troy saka niyakap ang lola niya.

Napatitig naman ako sa lolo ni Troy na ngayon ay nakaakbay sa asawa niya. Parang pamilyar kasi talaga siya sa'kin pero hindi ko alam kung saan at kailan ko siya nakita.

"Para sa'yo nga pala 'to, Kyla."

Bigla na lang akong inabutan ng bulaklak ni lola Ressa. Hula ko ay bagong pitas lang ito. Napangiti naman ako sa kanya.

"Salamat po."

"Ang hinhin naman ng dalagang 'to." aniya sabay tingin kay Troy.

"Naku, Lola, mahinhin lang 'yan sa inyo pero parang nangangain 'yan ng tao kapag sa iba lalo na sa'kin."

Agad ko naman siyang siniko dahil sa mga pinagsasasabi niya. Kahit kailan talaga panira 'to e.

Maganda ang bahay ng Lolo at Lola ni Troy rito. Gaya ito no'ng bahay na inuuwian niya sa siyudad, ang pinagkaiba lang talaga ay halatang mas naaalagaan ito at narenovate na rin. Nang makapasok kami sa loob ng bahay, una kong napansin ang mga picture frame na nakadisplay.

"Bakit wala kang picture no'ng bata ka pa?" tanong ko sa kanya dahil napansin kong puro picture niya lang 'yon no'ng binata na siya.

"Ah, mayro'n naman, 'yun nga lang mukhang naitapon na dahil sa kalumaan."

"Sayang naman." tumingin-tingin pa ako sa iba hanggang sa makita ko ang isang family picture. "Ito ba 'yung mga magulang mo?" tanong ko at kinuha ang picture frame.

Pareho silang nakangiti sa litrato habang hawak-hawak ng babae ang isang sanggol at nakaakbay naman sa kanya ang lalaki. Makikita mo talagang masaya silang mag asawa dahil kasama nila ang anak nila.

"Ang ganda ni Mama riyan, 'no? Ang laki pa ng ngiti nilang dalawa." si Troy at nakangiting nakatingin sa picture.

"Oo nga, kaso 'yung baby na hawak nila, nakabusangot." sabay turo ko sa sanggol na alam ko namang siya.

"Nakabusangot pero guwapo."

"Hindi 'yan guwapo. Pakiramdam ko nga ampon 'tong sanggol na 'to e. Ang ganda ng Mama at guwapo naman ang Papa, pero mukhang unggoy 'yung anak. Lalo na ngayon, mukha na talagang bakulaw."

Hindi ko mapigilan ang tawa ko nang makitang bumusangot na siya. Habang tumatawa ako sa reaksyon niya, tumikhim naman siya at umayos ng tayo.

"Kahit bakulaw ako sa paningin mo, mahal mo pa rin naman ako. Nakakaguwapo pa rin kaya 'yon." aniya at kumindat na naman.

"Che! Bakulaw!" inirapan ko siya at ibinalik na ang picture frame sa kinalalagyan nito kanina.

Dito na kami kumain ng umagahan dahil nga wala rin naman kaming maluluto ro'n sa bahay ng mga magulang ni Troy. Maganda ang pakikitungo ng lolo at lola ni Troy sa'kin, nawala tuloy yung kaba ko kanina. Nang matapos naman kaming kumain, nag kape si Troy at ang lolo niya saka nag usap tungkol sa negosyo. Habang kami naman ni lola Ressa, naglakad-lakad sa flower farm nila.

Maganda ang mga bulaklak, nakakagaan din lalo sa pakiramdam dahil maganda ang panahon. Natigil na lang ako sa paglalakad nang harapin ako ni lola Ressa habang nakangiti.

"Delos Reyes ka, 'no?" biglang tanong niya sa'kin.

"Po? Paano niyo po nalaman?" gulat kong tanong.

Wala naman kasi akong nabanggit na apilyedo kanina. First name ko lang ang alam nila kaya paano niya nalamang Delos Reyes ako?

"Kilala ko si Lourey Delos Reyes, ang lola mo." 

Magkakilala sila ni lola? Paano? Alam ko namang nasa iisang lugar lang sila pero wala naman kasing nababanggit si lola na kaibigan niya. Isa pa, kung magkakilala sila, bakit kaya hindi nag tagpo ang landas namin noon ni Troy? Sigurado akong kilala rin ang pamilya nila rito kagaya ng sa'min.

May kalayuan 'to sa bahay nina lola pero hindi naman ganoon karami ang mga tao rito para hindi magtagpo ang mga landas namin. Baka nagkita na kami ni Troy dati pero hindi ko lang matandaan?

Natigilan na lang ako ng maalala ko ang kaibigan ko dati rito. Napatingin naman ako sa burol na nasa likuran lang namin ngayon. Sa burol na 'yan dapat kami pupunta no'n nang biglang nagkagulo. Huli ko siyang nakita riyan. Ang liit talaga yata ng mundo. Nasaan na kaya si Vince ngayon? Dito pa rin ba siya nakatira? O umalis na sila rito?

"Alam mo bang first love ni Addel and lola Lourey mo?" biglang nagsalita si lola Ressa.

Gulat akong tumingin ulit sa kanya. First love ni lolo Addel si lola? Totoo ba 'to?

"No'ng kabataan namin, sikat si Lourey dito. Maraming nagkakagusto sa kanya, kahit ang mga taga siyudad pumupunta rito para sa kanya. Si Addel naman, simple lang. May kaya rin naman ang pamilya nina Addel, pero hindi niya ginagamit ang karangyaan nila para makuha ang mga gusto niya. Isa siya sa mga manliligaw ng lola mo dati, handa niyang ibigay lahat para sa kanya." aniya saka tumingin sa malayo.

Ang dami palang ganap dito dati? Hindi kasi nagkukwento si lola tungkol sa mga nangyari sa buhay niya bago sila nagkakilala ni lolo. Parang gusto ko tuloy malaman lahat.

"Pero sa lahat ng mga manliligaw ng lola mo, ni isa sa kanila walang nag tangkang harapin ang mga magulang ni Lourey. Masyado silang mahigpit kay Lourey kaya takot ang lahat sa kanila. Pero maparaan si Addel, tinutulungan niyang tumakas si Lourey sa bahay nila para magkaroon siya ng kalayaan kahit saglit lang. Nagkakamabutihan na silang dalawa noon nang pumasok si Barrie, and lolo mo, sa buhay ni Lourey. Mahirap si Barrie, pero siya ang pinili ng lola mo. Alam mo ba kung bakit?" tumingin siya sa'kin. "Kasi nagawa ni Barrie ang tumungtong sa teritoryo ng mga Alsiero para lang ligawan ang babaeng gusto niya. Alam niyang puwede niyang ikapahamak ang gagawin niya pero nag lakas loob siyang harapin ang mga magulang ng lola mo."

Napakurap-kurap naman ako habang nakikinig sa kuwento ni lola Ressa. Ang galing pala ni lolo! Pinaglaban niya si lola kahit alam niyang walang-wala siya sa mga manliligaw nito!

"Hindi mahirap magustuhan si Barrie. Mahirap siya noon pero maraming siyang kayang gawin. No'ng una ayaw sa kanya ni Lourey, pero nang tumagal, nakita niya kung gaano siya kamahal ni Barrie. Nag tapos si Barrie ng pag aaral at nag hanap ng trabaho para makaahon sa kahirapan. No'ng hinarap niya ulit ang mga magulang ni Lourey, sigurado na siyang kaya niya na itong buhayin. Strikto ang mga magulang ng lola mo pero pag dating kay Barrie? Wala silang pag dadalawang isip na ipakasal ang dalawa. Naging masaya si Lourey at Barrie lalo na no'ng dumating na sa kanila ng papa mo."

Napaiwas naman ako ng tingin nang maalala ko si Papa. Siguro namana niya ang ugali ng mga magulang ni lola? Strikto rin siya sa'kin pero ngayon hindi na. Wala e, si Aya na yung tinuturing nilang anak.

"Nasaktan si Addel no'n, pero hinayaan niyang sumaya ang dalawa. Nakalimutan lang niya si Lourey no'ng nagkakilala kami dahil nagtatrabaho ako sa pamilya nila. Matagal ko ng kilala si Addel pero ni minsan hindi ko naisipang magugustuhan ko siya. Akala ko nga tatanda siyang binata dahil yung babaeng gusto niya, kasal na sa iba. Matagal bago ko napagtantong seryoso pala talaga siya sa'kin at mahal niya ako." ngumiti ulit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Alam mo ba no'ng unang beses na dinala ng anak namin ang Mama ni Troy dito? Kung paano ako tignan ni Addel, gano'n din ang tingin ng anak ko sa pinakamamahal niya. At ngayon na ikaw ang dinala ni Troy dito, kagaya ng lolo at papa niya, tinitingnan ka rin niya ng puno ng pagmamahal. Ikaw ang kauna-unahang babaeng dinala niya rito, at alam kong ikaw ang una at magiging huli. Mahal na mahal ka ng apo ko, Kyla. Nakikita ko ring gano'n ka sa kanya. Ano man ang mangyari, h'wag niyo sanang bitawan ang isa't isa."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pagkatapos magsalita ni lola Ressa. Makikita mo na lang sa mga mata niyang naiiyak siya habang nagkukuwento. Siguro naaalala niya ang papa ni Troy. Yung pagmamahal nila sa anak nilang nawala, binuhos nila lahat kay Troy.

Nang may maramdaman akong humawak sa baywang ko ay agad akong lumingon sa likuran ko. Hindi ko na pala napansin ang pag lapit nina Troy at lolo Addel dahil namamangha pa rin ako sa mga naikuwento ni lola Ressa.

"Napasarap yata ang kuwentuhan niyo?" nakangiting tumingin sa'kin si lolo Addel.

"Masyado nga yata akong naging madaldal kaya natahimik itong si Kyla e." si lola Ressa at ngumiti ulit sa'kin ng matamis.

"Naku, hindi naman po. Namamangha lang po ako sa inyo."

"Aba, kung gano'n, bukas na lang kayo umuwi! Para makapagkuwentuhan pa tayo." si lolo Addel sabay tingin kay Troy.

"Hindi puwede, Lolo. May trabaho pa si Kyla bukas at kailangan din naming maghanda para sa pasukan sa susunod na linggo."

"Hayaan mo na sila, Addel. Babalik naman sila rito kung sakaling hindi na sila abala. Tama ba, Apo?" sabay tingin ni lola Ressa kay Troy.

"Opo, Lola."

Hapon na nang umalis kami sa bahay ng lolo at lola ni Troy. Bumalik kami sa bahay ng mga magulang niya para makapaghanda sa pag alis namin. Habang abala si Troy sa paglolock ng bahay, napatingin naman ako sa punong kahoy na nasa tabi lang nito. 

Lumapit ako rito at tiningnang mabuti ang puno. Sa katawan niyo ay may nakaukit na pangalan ng dalawang tao.  

"Zen and Tala." hinawakan ko ito pagkatapos basahin.

"Gusto mo rin bang ilagay riyan ang pangalan natin?" si Troy na ngayon ay nasa likuran ko na.

"Hindi na, puno 'to ng mga magulang mo e." sambit ko at nilingon siya.

"Puno na rin naman natin 'yan ngayon. Tayo na ang mag-ari ng bahay na 'to."

"Kahit na, sa kanila pa rin 'to. Alaala nila ang nakabaon dito." sabay lingon ko ulit sa puno.

"Siguro kung nandito lang sila, natuwa rin sila sa'yo kagaya nina lolo at lola."

"Malulungkot ka na naman ba dahil naalala mo na naman ang mga magulang mo?"

"Hindi, nandito ka e. Kapag nasa tabi kita, hindi ako malulungkot. Kaya h'wag mo akong iiwan ha?" aniya sabay yakap sa'kin.

"Pa'no kung ayaw ko?"

"Hindi ka puwedeng tumanggi."

Napairap na lang ako at ngumuso para pigilan ang sariling ngumiti. Kahit hindi naman niya sabihing h'wag ko siyang iwan, hindi ako aalis sa tabi niya. Masyado siyang mahalaga para bitawan lang ng basta-basta.

Tahimik lang ako habang nagmamaneho siya. Nang tumunog naman ang selpon niya ay agad niya itong sinagot. Kumunot na lang ang noo ko ng inabot niya bigla sa'kin ang selpon. Inilapit ko naman ito sa tainga ko at pinakinggan kung sino man ang nagsasalita sa kabilang linya.

"Kyla? Ikaw na ba 'to?"

Si Cara 'yon.

"Ah, oo. Bakit?" napatingin naman ako kay Troy na pasulyap-sulyap lang sa'kin.

"Bilisan niyo ng umuwi, may naghahanap sa'yo."

"Sino?"

"Basta! Umuwi na kayo agad. Mag ingat kayo, okay?"

Bago pa man ako makapagtanong ulit, binabaan niya na ako. Napabuntong hininga na lang ako at diretso na lang ang tingin sa daan. Hindi ko alam kung bakit biglang hindi naging maganda ang pakiramdam ko.

"Madadaanan nga pala natin ang bahay ng lolo at lola mo, gusto mo bang tumigil muna tayo ro'n para makausap mo sila?" 

Lumingon ako sa kanya at umiling.

"Hindi na muna siguro. Kapag binisita ko sila, mas dadami ang tanong nila sa'kin kung bakit ako nandito ng hindi kasama ang pamilya ko. Baka kapag nangyari 'yon at nalaman nila ang mga nangyari, baka mas lalong magkagulo."

"O sige, umidlip ka na lang muna riyan habang nasa biyahe tayo. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo." aniya at ngumiti sa'kin.

Tumango na lang ako sa kanya bago huminga ng malalim. Bakit kaya biglaang hindi naging maganda ang pakiramdam ko? Maayos naman ako kanina no'ng gumising ako e. Magaan din naman ang pakiramdam ko no'ng nasa bahay ako nina lolo Addel. Parang masama lang talaga ang kutob ko ngayon na hindi ko maintindihan.

Sa dami nang pumapasok sa isip ko, hindi ko na namalayang nakaidlip nga ako. Ginising na lang ako ni Troy ng saktong tumigil na kami sa tapat ng bahay ni Cara. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago bumaba ng kotse kasabay si Troy. 

Nakaramdam ako bigla ng kaba ng may makita akong pamilyar na kotse na nakaparada sa hindi kalayuan. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad palapit sa pinto. Nang binuksan ko na ito ay bumungad sa'kin ang hindi inaasahang mga tao.

"Kyla, mabuti naman at nakauwi ka na." si Mommy saka tumayo.

Kunot ang noo ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Daddy. Bakit sila nandito? Ano na naman bang gagawin nila? Hindi ko naman inaway si Aya kaya bakit sila pupunta rito ng biglaan?

"B-Bakit kayo nandito?" kinakabahan kong tanong.

"Nandito kami para sunduin ka. Babalik ka na sa bahay. Do'n ka na ulit titira." si Mommy at nakangiting tumingin sa'kin.

"Ano? Saglit nga lang, bakit biglaang nag bago ang isip niyo? Hindi ba tinaboy niya na ako? Si Aya na nga ang anak niyo, 'di ba? Bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin?"

"Anak, hindi na sa bahay nakatira si Aya. Bumalik na siya sa pamilya niya. Isa pa, anak ka naman namin. Dapat sa bahay ka nakatira dahil mas magiging magaan ang buhay mo ro'n. Sumama ka na sa'min, umuwi na tayo. Babalik na tayo sa dati, Kyla." lalapit na sana si Mommy sa'kin pero agad akong napaatras.

"Gano'n na lang po ba yun? Pagkatapos niyo akong itaboy? Pagbuhatan ng kamay? Ipagpalit sa hindi niyo naman anak? Ang dali-dali sa inyong gawin yung mga bagay na ikakasakit ko tapos pababalikin niyo ako na parang walang nangyari?" naramdaman ko na lang ang pangingilid ng mga luha ko habang nakatingin sa kanila.

"Anak, sorry na. Nagkamali ang Mommy. Baby, umuwi ka na sa bahay, please?"

Napatingin na lang ako kay daddy na ngayon ay hindi makatingin sa'kin. Mapakla akong natawa at mabilisang pinalis ang luhang pumatak. Hindi na ako muling nag salita pa at yumuko na lang. Parang nanghihina ako. Bakit parang may hindi tama?

Sinaktan nila ako ng sobra tapos hindi ko sila magawang tiisin. Parang hindi nila ako anak no'ng itinakwil nila ako para lang kay Aya. Tapos ngayon biglang pababalikin na ako kasi wala na raw si Aya sa bahay? Paano kung bumalik siya? Aalis na naman ba ako? Gano'n ba yun? Parang ako yung nagiging pansamantalang pamalit ni Aya habang wala siya kahit ako naman yung totoong anak. 

"Umuwi ka na sa inyo, para maayos niyo na ang pamilya niyo." bulong ni Troy sa'kin.

Nang hindi ko na napigilan pa ang pag buhos ng mga luha ko ay agad ko na siyang niyakap ng mahigpit. Wala akong pakialam kung nakatingin sa amin sina Mommy at Daddy. Sa ngayon, bukod kay Cara, si Troy na lang yung maaasahan ko. Siya yung lakas ko. Siya yung pahinga ko.

"Tahan na, magiging maayos din ang lahat."

Continue Reading

You'll Also Like

146K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
4.8M 149K 88
Book 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. B...
1.5M 6.7K 9
Is it possible na mag-click ang Love story ng isang nerd slash manang at isang arrogant, famous, mayabang at, ehem gwapong hari ng Park University? C...
139K 3.4K 54
(Book 3) Trending in the Year of 2017 - #24 in Short Story as of June 2020. -Inakala ng lahat na tapos na ang problema. Muling pinaubaya ni Sophia si...