Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

由 TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... 更多

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 48

47.7K 1.3K 22
由 TheLostMemoryOfLove


Away

Nang makauwi ako no'ng araw na 'yon, wala pa si cara sa bahay. Laking pasasalamat ko na rin na walang tao dahil baka iba pa ang maisip niya kapag nakita niyang hinatid ako ni Miko pauwi. Hindi ko rin sinabi kay Troy na nakahanap na ako ng trabaho no'ng tumawag siya. Baka kasi magreklamo na naman siya dahil bigla-bigla na lang akong nagdedesisyon ng hindi man lang siya kinakausap.

Sa tuwing inaaya niya naman akong lumabas at saktong may trabaho ako, nagpapalusot na lang ako na may gagawin kami ni Cara. Sasabihin ko naman sa kanyang may trabaho na ako e, pero hindi nga lang ngayon. Natatakot ako na baka sa oras na malaman niya, ihatid sundo niya pa ako sa restaurant. Ang wierd lang kaya no'n. Isang waitress hinahatid ng guwapong lalaki gamit ang mamahaling sasakyan.

"Ma'am, Sir, ito na po ang order niyo." nakangiting sabi ko habang nilalapag sa mesa nila ang pagkain.

Sa unang linggo ko sa trabaho, lagi akong nagkakamali. Lagi rin akong napapagalitan ni ma'am Cherie sa mga kapalpakan ko. Mabuti nga at hindi niya pa ako sinisisante e. Pero sa mga sumunod na linggo naman, naging maayos na. Kahit nakakapagod, kailangan kong kumita ng pera para hindi ako maging pabigat kay cara.

"Kyla, nasaan ka na ba? Nandito na ako sa campus." si Cara sa kabilang linya.

"Saglit lang, papunta na ako." sambit ko habang inaayos ang gamit ko.

"Sige, hintayin kita rito ah. Dalian mo riyan." aniya bago ako binabaan ng linya.

Nang matapos ako sa pagaayos ay agad akong naglakad palabas. Kayang-kaya namang lakarin mula rito papunta sa eskwelahan kaya hindi na nga kailangan pang sumakay ng jeep. Tatawid na sana ako sa kalsada nang biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko. 

"Oy, Kyla! Saan ang punta mo?" si JB nang dumungaw ito sa bintana ng kotse niya.

"Ah, sa campus--"

"Sabay ka na sa'kin! Do'n din ang punta ko." nakangising sabi niya.

"Hindi na, JB. Puwede ko namang lakarin na la--"

"Hali ka na!" bigla siyang bumaba sa kotse niya para alalayan ako papunta sa passenger's seat.

"Per--"

"Wala ng pero-pero. Sumakay ka na at sabay na tayong pumunta sa campus."

Wala akong ibang nagawa kung 'di ang sumabay na lang sa kanya hanggang sa makarating kami sa campus. Marami ng mga studyante nang makarating kami. 'Yung iba tapos na sa pagpapaenroll at naglilibot na lang, ang iba naman ay hindi pa. 

Nang makababa na ako sa kotse ni JB, agad kong kinuha ang selpon ko para tawagan si Cara.

"Nandito na ako, nasaan ka ba?" bungad ko sa kanya.

"Nasa canteen kami ngayon. Dalian mo na, nandito sina Calvin at Ryan!"

"Okay." pagkatapos ibaba ang linya, nilingon ko naman si JB na nakatingin lang din sa'kin at naghihintay sa sasabihin ko. "Nasa canteen daw sila, kasama sina kuya."

Tumango naman siya sa'kin at nauna nang maglakad. Habang papunta kami sa canteen, pansin ko ang mga tingin sa amin ng ibang studyante. Siguro dahil yun kay JB, dati pa naman silang kilala sa campus kaya hindi nakakapagtaka.

Nang makapasok kami sa canteen, sinalubong agad ako ni Cara. Nakangiti pa siya habang nakahawak sa braso ko.

"Mabuti naman at hindi ka natagalan! Kanina pa kita pinagtatakpan sa kanila. Panay ang tanong nila kung nasaan ka, pasalamat ka na lang at magaling akong magpalusot." bulong niya sa'kin.

"Pasensya na."

"Bakit nga pala kayo magkasama ni JB?"

"Ah, nakita niya ako sa kalsada e. Hindi nga sana ako sasabay sa kanya papunta rito pero nagpumilit siya kaya hindi na ako nakatanggi."

Tumango-tango naman siya at hindi na muling nang usisa pa dahil nasa tapat na kami ng lamesa nila. Kompleto na silang magbabarkada ngayon, natahimik din sila nang makalapit na kami ni Cara. 

"Hi, Kyla!" nakangiting kumaway sa'kin si Peter.

Tipid na lang akong ngumiti sa kanya dahil biglang hindi na ako naging komportable sa pananahimik ng iba. Nang dumapo ang tingin ko sa mga kapatid ko, seryoso lang silang nakatingin sa'kin. 

"Ang payat-payat na ng malditang prinsesa namin ah?" si kuya Calvin sabay lapit at yakap sa'kin.

"Payat naman talaga 'yan dati pa." si kuya Ryan at lumapit din sa'kin para guluhin ang buhok ko.

"Ang papangit niyo pa rin hanggang ngayon." pabirong sabi ko para itago ang lungkot na nararamdaman ko.

Nakakamiss rin palang awayin sila araw-araw. Kahit lagi ko silang sinusumbong noon kina Mommy at Daddy dahil sa mga kalokohan nila, prinsesa pa rin ang tingin ng mga unggoy na 'to sa'kin. Nakakalungkot lang na ngayon, hindi na kami gaya ng dati. Ngayon, dito ko na lang sila sa campus makakasama kasi hindi na ako sa bahay nakatira. 

"Mamaya hihiwalay muna kami ni Calvin sa inyo, baka kasi makita tayo ni Aya at kung ano pa ang sabihin no'n kina Mommy at Daddy." si kuya Ryan habang seryosong nakatingin sa'kin.

Tahimik naman akong tumango at tiningnan na lang ang pagkaing binigay nila sa'kin. 

"Maayos naman ang lagay mo sa bahay ni Cara, 'di ba? Hindi ka naman pinapabayaan nito?" tanong sa'kin ni kuya Ryan sabay tingin kay Cara.

"Aba, syempre naman! Alagang-alaga ko kaya si Kyla sa bahay. Anong tingin niyo sa'kin, pabaya?" si Cara at matalim na nakatingin sa mga kapatid ko.

"Malay ba naming matino ka pala." si kuya Calvin naman.

"Maayos naman ang pakikitungo sa'kin ni Cara sa bahay niya e. Tinuturuan niya pa ako sa mga gawaing bahay. Lagi siyang nandiyan para sa'kin." 

Bigla naman silang natahimik dahil sa biglaan kong pagsasalita. Tipid naman akong ngumiti sa kanila at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Nabasag na lang ang katahimik ng biglang siniko ni Grey si Calvin dahil nakita nito si Aya. Dali-daling tumayo sina kuya Ryan at kuya Calvin para umalis. Nang makaalis ang mga kapatid ko ay saka ko lang napansin si Troy na nakatitig sa'kin. Tahimik lang siya at para bang binabantayan niya ang bawat kilos ko ngayon.

"Nga pala Kyla, saan ka ba talaga galing kanina?" biglang tanong ni Art sa'kin.

Napatingin naman ako kay Cara ngayon na nasa tabi ko.

"Hindi ba sinabi ko na sa inyong may pinapuntahan nga lang ako sa kanya kanina. Bakit ba paulit-ulit ang tanong mo?" masungit na sabi ni Cara kay Art.

"Nagtataka lang naman kasi ako kung bakit magksabay sila ni JB sa pagpunta rito."

"Ano namang pakialam mo kung magkasabay sila? Nagseselos ka ba?"

Nag iwas naman ng tingin si Art at hindi na sinagot pa si Cara.

"Basted na nga, magseselos pa." pagpaparinig ni JB at makahulugang tiningnan si Art.

"Isang beses pa lang naman akong nabasted."

"Isang beses pa lang? Ibig sabihin, may balak ka pang manligaw ulit kay Kyla?" hindi makapaniwalang tanong ni Dale sa kanya.

"Ano naman kung may balak nga ako?"

"Ginagawa mo lang naman 'yan dahil kulang ka sa pansin." biglang singit ni Kurt.

"Anong sinabi mo?"

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang tumayo bigla si Art at muntikan nang sugurin si Kurt kung hindi lang sila inawat nina Peter.

"Alam mo, epal ka talaga, 'no? Palibhasa wala kang lakas ng loob para ligawan si Kyla. Duwag ka nga, 'di ba?" si Art na matalim pa rin ang tingin kay Kurt.

"Duwag na kung duwag, at least hindi ko pinagsisiksikan ang sarili ko kay Kyla. Kaya nga tayo binasted kasi hindi pa siya handang pumasok sa relasyon. Hindi ka kasi marunong umintindi, puo kayabangan lang ang alam mo." sagot naman ni Kurt.

Balak na sanang sugurin ulit ni Art si Kurt nang biglang bumalik sina kuya Ryan at kuya Calvin. Napatingin naman ako kay Troy na nakatingin pa rin sa'kin at hindi man lang nabahala sa mga kaibigan niyang nag aaway na.

"Tama ba ang narinig namin? Niligawan niyo si Kyla?" si kuya Ryan at tiningnan ang mga kaibigan niya.

"Oy, hindi ako kasali riyan ah." si JB sabay atras.

Gano'n din ang ginawa nina Duke hanggang sa sina Kurt, Troy, Dale, at Art na lang ang natira sa gitna. Dinalaw naman ako ng kaba habang nakatayo lang at nakatingin sa kanila. 

Bakit hindi umaatras si Troy? Gusto niya bang malaman ng lahat na kami na? Balak niya bang magpabugbog sa mga kapatid ko? 

"Niligawan niyo nga ang kapatid namin?" seryosong tanong ulit ni kuya Ryan kina Art.

"Magpapaalam naman sana ako sa'y--" hindi na natapos pa ni Art ang sasabihin niya ng bigla siyang kinuwelyuhan ni kuya Ryan.

"Kuya!" lalapit na sana ako sa kanila pero agad na humarang si Troy sa harapan ko.

"May usapan tayo! Hinding-hindi kayo magkakagusto sa kapatid ko at wala kayong ibang gagawin kung 'di ang protektahan siya! Tangina naman! Hindi kayo sumusunod sa usapan!" galit na sigaw ni kuya Ryan.

"Kuya, kumalma ka nga!" lalapit ulit sana ako pero pinigilan na naman ako ni Troy.

Bakit niya ba ako pinipigilan? Hindi ba siya nag aalala sa puwedeng gawin ni kuya Ryan kina Art? Isa pa, dapat mas takot siya dahil boyfriend ko siya! Hindi alam nina kuya Ryan na kami na kaya mas lalong magkakagulo kung sakaling malaman nila!

Para akong nabunutan ng tinik nang makitang binitawan na ni kuya Ryan si Art. 

"Mag uusap tayo mamaya." si kuya Ryan at umalis na kasama si kuya Calvin.

Dali-dali ko namang nilapitan si Art nang makalayo na ang mga kapatid ko.

"Ayos ka lang ba? Pasensya ka na kung--"

"Wala kang kasalanan, Kyla." seryosong sabi ni Dale.

"Per--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang may pumalakpak.

"Wow! Grabe!" 

Napakunot na lang ang noo ko habang nakatingin sa papalapit na si Lane. Nandito na naman ang bruhang babaeng 'to. Ano na naman ba ang gusto niya?

"Tama ba ang mga narinig ko? Niligawan niyo si Kyla? Nagustuhan niyo ang babaeng 'to?" sabay tingin niya sa'kin mula ulo hanggang paa.

"Puwede ba Lane, huwag kang chismosa." agad siyang hinarangan ni Cara.

"Anong klaseng gayuma ba ang binibigay mo sa mga taong nakapaligid sa'yo Kyla? Bakit parang nagiging bulag sila sa totoong katauhan mo? No'ng nakaraan lang, si Miko ang kasama mo sa isang restaurant. Tapos ngayon, malalaman kong niligawan ka ng mga kaibigan ng mga kapatid mo. Mauubos na lang yata ang mga lalaki sa mundo, hindi pa rin nawawala ang kati riyan sa katawan mo."

"Lane! Umalis ka na nga!" saway ni Grey sa kanya.

"Bakit? Totoo naman ah? Kung sino-sinong lalaki na lang ang nakakasama niya. Malandi siya! Malandi ang babaeng 'yan!" 

"Tanga ka ba?" dahan-dahan akong nag lakad papalapit sa kanya. "Una sa lahat, hindi ko kasalanang habulin ako ng lalaki. Pangalawa, hindi ko rin kasalanang mas maganda ako kesa sa'yo. Pangatlo, sa'ting dalawa, mas nagmumukha kang uhaw sa lalaki kesa sa'kin. Wala akong ginagawa pero nagugustuhan nila ako, habang ikaw, laging umaaligid sa kanila pero hindi man lang sila nagkaroon ng interest sa'yo. Kawawa ka, 'di ba?"

Napupuno na ako sa kanya. Kung hindi lang ako marunong mag timpi, baka matagal ko na siyang nilibing ng buhay. 

"Nagkita kayo ni Miko?"

Parang nawala lahat ng tapang ko kanina nang marinig ko ang tanong ni Troy. Kunot noo siyang nakatingin sa'kin at hinihintay ang sagot ko pero naunahan ako nang bida-bidang si Lane.

"Oo! Nagkita silang dalawa. Siguro nga pagkatapos ng date nila, pumunta na sila sa lugar kung saan silang dalawa na lang. Alam naman niyang may Leika na si Miko pero nakikikabit pa siya. Maland--"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at agad nang dumapo ang palad ko sa pisnge ni Lane.

"Wala kang alam sa nangyari no'ng araw na yun!" sigaw ko sa kanya.

Gulat silang lahat sa ginawa ko pero mas nagulat nang umalis si Troy. Parang dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa kanyang naglalakad palayo. 

Naniniwala ba siya sa mga sinasabi ni Lane? Oo, mali na hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa pagkikita namin ni Miko. Pero dapat hinintay niya akong makapagpaliwanag! Dapat hindi muna siya umalis! Dapat hinintay niya ako. Pero bakit parang naniniwala siya kay Lane? 

Imbis na makipagaway pa lalo kay Lane, sinundan ko na lang si Troy. Ang bilis niyang mag lakad kaya nang lumiko siya hallway, hindi ko na siya naabutan. Agad kong kinuha ang selpon ko at sinubukan siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

Baka pumunta siya sa likod ng campus? Baka naro'n siya para magpahangin? Mabilis ang lakad ko para makarating do'n. Kahit hinihingal na ako, tiniis ko yun para lang makausap ko siya at makapagpaliwanag ako. Gaya ng inaasahan ko, naro'n nga siya. 'Yun nga lang, may kasama siya.

"Nag away ba kayo?" tanong ni Aya kay Troy.

Ang landi talaga ng babaeng 'to! Hindi niya talaga titigilan si Troy? At sinundan niya pa talaga si Troy papunta rito para lang magpapansin?

Balak ko na sanang sugurin siya para ipaalalang lumalagpas na naman siya sa linya pero natigilan na lang ako sa mga sumunod na sinabi niya.

"Huwag kang mag alala, nandito naman ako e. Isa pa, nandito tayo sa lugar kung saan walang ibang nakakaalam kung 'di tayo lang. Gaya ng dati, sasamahan kita rito at hihintaying maging maayos ang pakiramdam mo." aniya sabay yakap kay Troy.

Gaya ng dati? Lugar kung saan sila lang ang nakakaalam? Ibig sabihin ba no'n, dinala na ni Troy si Aya rito? Gaya ng sa'min ni Troy, dito rin sila nagpapalipas ng oras? Pero bakit wala rin siya sinabi sa'kin? Ito ba ang dahilan kung bakit nagustuhan siya ni Aya?

繼續閱讀

You'll Also Like

142K 2.5K 25
|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginagalawan? Kiligin at kilabutan sa kakaiban...
326K 8.5K 42
(Book 1) Trending in the year of 2017 - #3 in Short Story -Darren Min and Sophia Zamora are live-in partners while Zyren and Ehdrey Mae are married...
1.5M 6.7K 9
Is it possible na mag-click ang Love story ng isang nerd slash manang at isang arrogant, famous, mayabang at, ehem gwapong hari ng Park University? C...
1.1M 12.1K 11
Tomboy si Girl.. Bakla si Boy.. Isang gabi nakalimot silang dalawa.. Ang kwentong 'di mo inakala.. Hahaha! XD