Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

By TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 46

48.6K 1.3K 30
By TheLostMemoryOfLove


Sayaw

"Anong ginagawa natin dito, Troy? At paano mo napapayag ang guard na makapasok tayo rito ng ganitong oras at araw?"

"Basta!" aniya sabay hila sa'kin.

"Akala ko ba surprise? Bakit nandito tayo sa campus? Mag eenroll ka ba?"

"Hindi."

"E, ano nga?"

Hindi niya akong sinagot hanggang sa nakarating kami sa likod ng campus. Natigilan na lang ako ng makita ang magagandang lights na naroon, may lamesa na rin at iba pang kakailanganin. Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay may hawak ng bulaklak.

"Hindi ko alam kung maganda ba ang pagkaka-ayos ko rito pero sa tingin ko naman pasado na. Bulaklak nga pala para sa'yo." 

"Ikaw ang nag ayos nang lahat ng 'to?"

"Oo. Siguro napapaisip ka kung bakit dito kita dinala kung puwede namang sa mamahaling restaurant o kung saan na mas maganda. Pero gusto ko lang kasi na mangyari ang first date natin sa lugar kung saan una nating napansin ang isa't-isa. Nag dadalawang isip pa nga ako no'ng una, pero nag baka sakali pa rin ako na magustuhan mo lahat ng 'to."

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya. Kakaiba rin mag effort ang isang 'to ah. Ginawa niya rin kaya 'to sa iba?

"Umupo ka na, paparating na rin yung inutusan ko para sa pagkain natin." aniya at inalalayan ako papunta sa lamesa namin.

"Grabe yata effort mo rito ah?" sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo na rin siya sa upuan niya.

"Syempre naman, sayang ang kapogian ko kung hindi ako marunong magpasaya ng babae."

"Bakit? Sigurado ka bang masaya ako?"

"Hindi ka ba masaya sa ginawa ko?" saglit siyang tumigil at tinitigan akong mabuti. "Kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko, lipat na lang tayo. Saan mo ba gusto?"

"Baliw, biro lang! Ang seryoso mo naman masyado."

"Ang pangit mo naman mag biro." aniya sabay irap.

"Aba, sungit mo ah. Joke nga lang kasi yun. Syempre nagustuhan ko yung ginawa mo. Maganda naman e, hindi ko nga akalain na gagawin mo 'to. Parang wala kasi sa ugali mo ang gumawa ng ganitong klaseng effort para sa isang babae."

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko para sa isang babae?"

"Hindi ko alam. Baka kinakama mo lang agad? Nilalandi sa bar? Dinadala sa lang--"

"Hep! H'wag mo nang ituloy ang sasabihin mo."

"Bakit? Totoo 'no?"

"Bakit ba ito ang pinag-uusapan natin? Iba na nga lang!"

"Aysus, linayahan  ng mga guilty." tinaasan ko siya ng kilay sabay sandal sa upuan ko.

"Hindi ako guilty."

"Sige, sabi mo e.

Pareho kaming natahimik habang nakatitig sa isa't-isa. Nang bigla siyang ngumiti sa'kin ay napalunok naman ako. Iba talaga kasi ang dating ng ngiti niya sa'kin. Para akong aatakihin sa puso! 

Nang dumating ang inutusan niya para sa pagkain namin ay siya na mismo ang nag lagay no'n sa mesa namin. Nang amuyin ko yun ay agad akong napatingin sa kanya.

"Lutong bahay ba 'to?"

"Oo, pa'no mo nalaman?"

"Ikaw ang nag luto?"

"Bakit? Ayaw mo ba? Sayang, pinag-aralan ko pa namang mabuti kung paano lutuin lahat ng 'to kanina lang."

Kumuha ako ng kutsara at tinikman ang isa sa mga niluto niya. Nakatitig naman siya sa'kin habang ginagawa ko yun.

"Hindi ka ba nasasarapan? Magpapabili na lang ak--"

"Lagi kang nagluluto kapag magkasama tayo pero lagi mo rin akong tinatanong kung hindi ba ako nasasarapan. Wala ka ba talagang tiwala sa sarili mong luto?"

"Natatakot lang kasi ako na baka mas masarap siya mag luto kesa sa'kin."

"Ha?" hindi ko alam kung bakit ako napapangisi nang marinig ko ang sinabi niya.

"Bakit ka nakangisi riyan? Sabihin mo na nga lang kung gusto mo ba yung niluto ko para mapalitan na agad natin."

"Takot ka nga ba talagang mas masarap siya mag luto sa'yo o sadyang nagseselos ka lang."

"Selos? Ako? Hindi ah!" aniya sabay iwas ng tingin.

"Ayun oh! Halatang nagsisinungaling kasi umiiwas ng tingin!"

"Hindi naman talaga ako nagseselos kay Art. Mas guwapo ako sa kanya, mas marami rin akong kayang gawin kesa sa kanya, kaya bakit ako magseselos?"

"Kayang gawin? Tulad ng ano?"

"Kaya kong..."

"Kaya mong?"

"Kaya kitang pakasalan ngayon din."

Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko na rin ang pag init ng pisnge ko at agad na nag iwas ng tingin sa kanya.

"Troy! Parang baliw naman e."

"Oh, bakit? Totoo yun ah! Kaya kitang pakasalan kahit anong oras pa 'yan."

"May kaya rin ako." tumikhim ako at ibinalik ang tingin sa kanya.

"Anong kaya mo?"

"Kaya kong bumasted ng isang Troy Mendez kasi ayaw pang tumigil kakadaldal. Ang galing ko 'no? Gusto mo gawin ko yun ngayon din?"

"Kyla naman, hindi ka naman mabiro e. Ito na nga, titigil na po. Kumain na lang tayo kasi baka lumamig na yung pagkain." aniya at nilagyan na ng pagkain ang pinggan ko.

Tahimik ko lang siyang pinagmasdan hanggang sa magsimula na kaming kumain. Habang  tumatagal mas nagiging komportable akong kasama ang isang 'to. Parang hindi ko na kailangang problemahin ang mga bagay-bagay. Parang masaya na ako sa simpleng ganito lang. Parang kuntento na ako sa ganito kesa ang bumalik sa dati kong buhay.

Hindi ko alam kung ilang babae na ang dumating sa buhay ni Troy. Hindi ko rin sigurado kung ako lang ba yung babaeng sineryoso at minahal niya. Pero ang mahalaga sa'kin ngayon, ako yung ngayon niya. Ako yung babaeng nasa harapan niya. Ako yung pinapasaya at pinoprotektahan niya. Sana nga lang wala ng epal na sisingit sa'min kagaya ni Aya.

"Ehem! Binibini!" bigla na lang tumayo si Troy sa gilid ko at inilahad ang kamay niya sa'kin.

"Anong ginagawa mo?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Maaari ba kitang isayaw, binibini?" 

"Napakamaginoo mo yata?"

"Sabayan mo na lang ako!" aniya at mas lalo pang inilapit sa'kin ang nakalahad niyang kamay.

"Ito na nga!" tumikhim muna ako bago tinanggap ang kamay niya bago tumayo. "Paano mo ako isasayaw kung wala namang tugtog?"

"Kakanta ako." sabay lagay niya ng mga kamay ko sa balikat niya.

"Baka pangit boses mo, h'wag na lang."

Halos pigilan ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang mga kamay niya sa baywang ko. Nang magsimula siyang gumalaw ay sumabay na lang ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa'kin na para bang binabasa niya ang kung ano mang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na 'to.

"And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now..."

Napatitig ako lalo sa kanya ng marinig ko ang pamilyar na kantang kinanta niya.

"And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
And sooner or later, it's over
I just don't wanna miss you tonight.."

Habang nagsasayaw kami at kumakanta siya, niyakap ko siya ng mahigpit saka pumikit. Ang gaan sa pakiramdam. Para akong nakalutang. Parang ayaw ko nang matapos pa ang araw na 'to.

"And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am..."

Nang tingnan ko ulit siya sa mata ay nagtaka na lang ako dahil para siyang nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit, pero iba kasi talaga ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon.

"Ayos ka lang?" 

Tumango siya sa'kin saka tipid na ngumiti. Mas lalo tuloy kumot ang noo ko dahil hindi ako kumbinsidong ayos lang siya.

"Puwede kayang hilingin na h'wag na lang matapos ang araw na 'to? Puwede kayang dito na lang tayo? Malayo sa mga tao, walang istorbo, walang makikialam." aniya sabay tingin sa malayo.

"Pareho pala tayo ng iniisip e."

Bumalik naman ang tingin niya sa'kin na para bang hinihintay yung karugtong nang sinabi ko.

"Dito, tahimik. Walang problema, walang sakit, walang taong magpaparamdam sa'kin na hindi ako karapatdapat piliin. Dito, kasama kita. Kapag kasama kita, pakiramdam ko lagi akong ligtas. Pakiramdam ko walang mananakit sa'kin. Pakiramdam ko, worth it akong piliin. Sana araw-araw ganito. Sana laging ganito kagaan ang pakiramdam ko kasi kasama kita."

"Palagi mo akong makakasama, kasi gusto ko masaya ka. Gusto kong mapasaya pa kita."

Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang halik niya sa noo ko. Nang dumilat ako ay sakto namang ilong ko naman ang hinalikan niya kaya mas lalo akong napangiti.

"Gagawin ko lahat para sa'yo, Kyla. Wala akong pakialam kung mawala sa'kin ang lahat, basta nasa tabi kita." 

Parang tumigil sa pag tibok ang puso ko nang maramdaman ko ang labi ni Troy sa labi ko. Hindi siya ang first kiss ko pero bakit parang gano'n yung pakiramdam? Napapikit na lang ako at dinama ang matamis niyang halik sa gabing 'to.



Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 6.7K 9
Is it possible na mag-click ang Love story ng isang nerd slash manang at isang arrogant, famous, mayabang at, ehem gwapong hari ng Park University? C...
42K 631 111
Highest ranking- #1 in 100 Tula (September 27, 2018 - October 29, 2018) #1 in 100 Tula (March 3, 2019 - March 15, 2019) Other Rankings: #2 in Prose (...
277K 19.1K 89
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 12.1K 11
Tomboy si Girl.. Bakla si Boy.. Isang gabi nakalimot silang dalawa.. Ang kwentong 'di mo inakala.. Hahaha! XD