Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

Door TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... Meer

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 39

49.2K 1.4K 50
Door TheLostMemoryOfLove


Rason

"Kyla, hindi ka ba masayang nandito na ako gaya ng pangako ko sa'yo? Malapit ko nang maayos laha--"

"Bakit ka nandito Miko? Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa'kin pagkatapos mo akong lokohin?"

"Kyl--"

"Bakit ka ba bumalik? Hindi ba masaya ka na kasama si Leika? Bakit nandito ka na naman? Plano mo bang pikutin na naman ako? Magsisinungaling ka na naman ba? Sasaktan mo na naman ba ako?"

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya nang magsimula akong umiyak. Akala ko okay na ako kay Miko. Pero bakit may sakit pa rin? Ang dami ko ng dapat isipin tapos dumagdag pa siya. Palagi nalang ba talaga akong pahihirapan?

"Kyla, bumalik ako rito kasi malapit na naming makumbinsi ang mga magulang namin na hindi talaga namin gusto ang isa't-isa. Nangako ako sa'yo, 'di ba? Na kapag maayos na lahat, babalik ako rito para sa'yo."

"Nangako? Kailan ka nangako sa'kin, Miko? Wala akong natatandaan na nangako ka sa'kin. Ang natatandaan ko lang pinaghintay mo ako, iniwan ng hindi man lang nagsasabi kung ano yung totoong rason kung bakit mo ako hiniwalayan. Umalis ka pagkatapos mo ako dinurog. Sobrang galit ako sa'yo. Sobrang galit ako sa ginawa mo sa'kin!"

"Per--"

"Ano? Susubukan mong paikutin na naman ako? Naniwala ako sa'yo e. Naniwala ako sa inyo ni Leika. Akala ko magkababata lang kayo tapos biglang malalaman ko sa ibang tao na ikakasal na pala kayo no'n? Akala ko kilala na kita, Miko. Pero hindi pa pala talaga. Ang daming mong tinago sa'kin. Nag sinungaling ka sa'kin at pinagsabay mo pa talaga kami ni Leika. Manloloko ka."

"Pinaliwanag ko na sa'yo ang sitwasyon k--"

"Pinaliwanag? Sino bang inuuto mo, Miko? Kahit kailan hindi ka nagpaliwanag sa'kin. Hindi ka nangako sa'kin. Hindi ka nag sabi ng totoo sa'kin. Iniwan mo ako ng biglaan tapos babalik ka na parang walang nangyari? Na parang hindi mo ako sinaktan?"

"Binasa mo ba talaga ang sulat na pinabigay ko sa'yo?" kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya ngayon.

"Sulat? Alin do'n? Yung mga sulat na binigay mo sa'kin dati? Tinapon ko na! Basura nalang yun para sa'kin. Wala na yung kuwenta dahil hindi rin naman ako pinahalagahan ng taong nag bigay no'n sa'kin."

"Hindi yun ang tinutukoy ko."

Natigilan nalang ako dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko puro kasinungalingan lang ang lumalabas sa bibig niya. Na kapag naniwala ako sa kanya ngayon, ang tanga ko na naman. 

"Bago ako umalis may pinabigay akong sulat sa'yo. Ngayon kung hindi mo yun binasa, sasabihin ko nalang para naman maintindihan mo na ako."

"Ayaw ko nang makinig pa sa'yo, Miko. Kasi puro kasinungali--"

"Totoong magkababata kami ni Leika. Hindi ko siya gusto at hindi niya rin ako gusto. Maayos kami noon hanggang sa mag desisyon ang pamilya namin na ipakasal kami. Kumontra kami, ilang beses naming binalak na makaalis sa sitwasyon na yun. Pero no'ng nakaraang taon inipit nila kami lalo. Pareho kaming walang ibang magawa kung 'di ang sumunod nalang at humanap ng tamang oras para sa susunod na plano namin."

"Miko, umalis ka na. Hindi ako interesadong makinig sa mga kasinungalingan mo. Umalis ka--"

"No'ng araw na tumawag ako sa'yo para makipag-hiwalay, pinilit ako ni mama no'n. Kaya hindi ko magawang maipaliwanag sa'yo kasi nag-iisip ako ng ibang paraan para maintindihan mo lahat. Bago kami umalis dito, may sulat akong inabot kay Aya para ibigay sa'yo. Do'n nangako ako na babalik ako sa oras na maayos ko na lahat. Babalikan kita kapag nasigurado ko ng wala ng kokontra sa'kin. Hirap na hirap ako no'n pero wala akong magawa. Sobrang nasaktan kita pero nasaktan din naman ako. Nagpakasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal. Araw-araw iniisip ko nalang na ikaw yung kasama ko. Na ikaw yung kasabay ko sa pagkain. Sobrang miss na kita, Kyla. Tiniis ko yung lungkot para pagbalik ko, maibigay ko na lahat sa'yo."

Sulat? Kay Aya? Mas lalo akong nakaramdam ng galit sa babaeng yun. Hindi ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi ni Miko sa'kin. Pero paano kung totoo nga? Paano kung may binigay nga siyang sulat kay Aya na para sa'kin pero hindi niya inabot sa'kin? 

"Kyla, malaki ang kasalanan ko sa'yo. Nag sinungaling ako. Pero mahal kita. Sobrang mahal kita, Kyla."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya ngayon. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. May problema ako sa pamilya ko, sa sarili ko, at kay Miko. Ano bang dapat kong unahin? Saan ba ako dapat mag simula?

"Sana mapatawad mo 'ko, Kyla. Sana paniwalaan mo ako ulit. Bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan sa'yo lahat."

"Miko, naguguluhan na ako. Umalis ka muna, please? Gulong-gulo na ang isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hayaan mo muna ako makapag-isip."

"Mahal mo pa ba ako?"

Halos pigilan ko ang hininga ko nang marinig ko ang tanong niya. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang isasagot ko. Mahal ko pa ba siya? Paano kung oo? O paano kung hindi? 

"Miko, please? Bigyan mo ako ng oras makapag-isip."

Napayuko naman siya at tumango bago umatras. Agad kong sinara ang pinto at niyakap ang sarili habang hinahayaan ang pagbuhos ng mga luha ko. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hirap na hirap na ako!

Kasalanan 'to ni Aya. Siya ang dahilan kung bakit naging magulo ang buhay ko. Maayos naman lahat bago siya dumating. Dapat siyang managot.

Mabilis akong nag lakad papunta sa kuwarto ni Cara at kumuha ng pera para pamasahe ko papunta sa bahay namin. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang komprontahin. Ang dami niya nang atraso sa'kin at hindi ko na yun kayang palampasin ngayon. 

Umiiyak pa rin ako hanggang sa makasakay ako sa taxi. Nanginginig na rin sa galit ang buong katawan ko habang iniisip kung anong gagawin ko sa babaeng yun. Nang makarating ako sa bahay ay diretso lang ang lakad ko papasok. Nakita ko pa sa sala sina kuya Ryan at kuya Calvin na kausap si Troy. Gulat sila nang makita ako pero hindi ko na sila pinansin pa at hinanap na si Aya sa buong bahay.

"Kyla, anong ginagawa mo rito?" tanong ni kuya Ryan.

Wala siya sa unang palapag kaya naman aakyat na sana ako sa ikalawang palapag nang marinig ko ang boses niya na papasok sa bahay ngayon. Galit akong lumingon kung saan siya nakatayo. Gulat din siya nang makita ako. Mabilis ang lakad ko at nang makalapit sa kanya ay sinalubong siya ng malakas na sampal.

"Kyla!" napasigaw nalang si kuya Calvin dahil sa ginawa ko.

"Nasaan ang sulat na binigay ni Miko sa'yo?" 

Gulat pa siya sa sampal ko at hindi agad nakapag-salita. Nang makabawi ay tiningnan niya ulit ako na para bang nagmamakaawa.

"Nasaan ang sulat!" sigaw ko sa kanya.

Nilapitan na ako ng mga kapatid ko habang si Troy naman ay nasa likod ni Aya at nagtataka rin sa inaasal ko.

"Anong sulat ba ang tinutuk--" hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang sampalin ko ulit siya.

"H'wag kang mag kunwaring hindi mo alam kung ano ang tinutukoy ko, Aya! Punong-puno na ako sa'yo. Sinira mo na yung pamilya ko, sinira mo na ako, tapos ngayon malalaman kong ikaw rin pala ang dahilan kung bakit sirang-sira sa paningin ko si Miko? Putangina! Saan ka humugot ng kakapalan ng mukha para harapin ako sa araw-araw!"

"Kyla, huminahon k--" matalim ang tingin ko ngayon kay Troy.

"Huminahon? Sinira ng babaeng 'yan ang buhay ko! Kinuha niya yung mga taong nagpapasaya sa'kin! Nawala sa'kin lahat!" sigaw ko habang umiiyak.

"May rason naman kung bakit ko ginawa yun!" umiiyak niyang sabi.

"At anong klaseng rason 'yan, Aya? Sa tingin mo maniniwala pa ako sa mga putanginang kasinungalingan mo? Hindi ako pinanganak kahapon para maging tanga katulad mo!"

"Kyla, ano ba?!" si Troy at pumagitna na sa amin.

"Ano, Troy? Kakampihan mo 'yang babaeng 'yan? Kayo, kuya? Maniniwala kayo sa kanya? Nag tagumpay na rin ba siyang paikutin kayo?" sabay tingin ko sa kanila.

"Sabihin na nating mali ang ginawa ni Aya na hindi niya ibinigay sa'yo ang sulat na galing kay Miko. Pero tapos na rin naman yun, 'di ba? Mag iisang taon na rin naman, Kyla! Maliban nalang kung mahal mo pa ang gagong yun?" si Troy na para bang hindi niya nagugustuhan ang nangyayari sa'kin ngayon.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Troy? Pinagkaitan ako ng babaeng 'yan na malaman ang side ni Miko! Kung hindi pa ako pinuntahan ni Miko, hindi ko malalaman lahat ng 'to!"

"Pinuntahan ka niya? Tapos anong susunod? Magkakabalikan kayo ng isang yun? Tss, babalikan mo pa talaga ang taong nang iwan sa'yo." aniya at biglang umalis.

Napalunok nalang ako habang nakatingin kay Troy na naglalakad palabas ng bahay. Parang yung galit ko kanina napalitan ng lungkot. Gusto ko siyang habulin at sundan pero parang may pumipigil sa'kin.

Napabuntong hinga nalang ang dalawa kong kapatid na nasa likuran ko. 

"Sorry, Kyla, sana mapatawa--"

"Ang kapal ng mukha mo para hingin ang kapatawaran ko. Kulang pa yata ang dalawang sampal ko sa'yo para matauhan ka. H'wag kang mag alala Aya, sa susunod na dadapo 'tong kamay ko sa mukha mo, sisisguraduhin kong may pako na para naman dama mo yung sakit." sambit ko at diretso na rin ang lakad palabas ng bahay.

Nang tuluyan akong makalabas sa gate ay hindi ko na naabutan pa ang sasakyan ni Troy. Para akong nabigo. Nawala yung galit ko kasi napalitan ng sakit no'ng makita ko si Troy na naglalakad palayo. Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung mahal ko pa ba si Miko. At hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ko para kay Troy.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

42K 631 111
Highest ranking- #1 in 100 Tula (September 27, 2018 - October 29, 2018) #1 in 100 Tula (March 3, 2019 - March 15, 2019) Other Rankings: #2 in Prose (...
667K 14.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.1M 12.1K 11
Tomboy si Girl.. Bakla si Boy.. Isang gabi nakalimot silang dalawa.. Ang kwentong 'di mo inakala.. Hahaha! XD
266K 18.2K 86
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...