Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

By TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 27

52.4K 1.5K 16
By TheLostMemoryOfLove


Regalo

Sa sobrang kahihiyan, ako na naman ang umiiwas kay Troy. Sa tuwing nakakasalubong ko kasi siya, mas lalo niya akong inaasar. Ang dami niyang sinasabi at gusto ko nalang maging bingi at bulag para lang hindi siya makita at marinig.

"Ayos ka lang? Tulala ka na naman." si Kurt sabay sara ng librong binabasa niya.

Nasa library kami ngayon at sinamahan niya lang ako. Napatingin nalang ako sa kanya sabay iling. Ayaw ko namang sabihin na kaya ako nakatulala ay dahil sa pangit niyang kaibigan.

"Baka may pinoproblema ka na naman tapos hindi mo lang sinasabi." aniya at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Wala naman." maikling sagot ko at tiningnan ang blanko kong papel.

Kasalanan talaga 'to ni Troy e. Ginnugulo niya na masyado ang isip ko. Hindi na ako natutuwa sa nangyayari sa'kin. Ang dapat sa kanya balian ng buto, sakalin at bugbugin. Nanggigigil na ako sa kanya sa tuwing nakikita ko siya. Nakakainis siya! Sobra!

Uwian na nang plano ko sanang pumunta sa canteen dahil nando'n sina kuya ng biglang may humawak ng kamay ko sabay hila sa'kin. Nag pumiglas ako pero ang lakas niya at mabilis din ang lakad.

"Bitawan mo nga ako!" 

"Shh! Ang ingay mo masyado."

Natigilan nalang ako ng hinarap ako nito.

"Troy! Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!"

"Manahimik ka nga kasi muna!"

"At bakit ko naman gagawin yun? May balak ka sigurong dukutin ako at pagsamantalahan, 'no? Pinagnanasahan mo ba ako, Troy Mendez?" hindi ko alam kung kailan pa nagsimulang mawalan ng preno itong bibig ko pero bahala na si batman.

"Pinagnanasahan, oo, pero pagsamantalahan medyo lang naman." aniya sabay tawa.

"Hoy! Bitawan mo nga ako! Tulon---" 

"Sige, subukan mong sumigaw, ipagkakalat ko talagang matagal mo na akong pinagpapantasyahan." aniya habang tinatakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.

Agad kong inalis yun at matalim siyang tiningnan. Ano bang trip ng isang 'to? Nababaliw na ba talaga siya?

"Hindi naman totoo yun at walang maniniwala sa'y--"

"Sigurado ka? Baka nakakalimutan mo, Troy Mendez 'to, mabilis akong paniwalaan." mayabang niyang sabi.

"Ano ba kasing kailangan mo? Bitawan mo nalang kaya ako."

"Sasama ka sa'kin ngayon." aniya sabay hila sa'kin papalapit sa sasakyan niya.

Binuksan niya ang pinto ng front seat sabay tingin sa'kin.

"Bakit naman ako sasama sa'yo? Baka ano pa ang gawin mo sa'kin."

"Wala pa akong gagawin sa'yo kaya sumakay ka na."

"Wala pa? So may balak ka? Tumigil ka nga, Troy. Si Trisha nalang ang pagtripan mo, tutal siya naman ang girlfriend mo."

"Hindi ko siya girlfriend. Magkaibigan lang kami--"

"Ayan na naman tayo sa magkaibigan lang e. Ang gara masyado ng mga kaibigan mong babae, kung saan-saan mo nadadala, kung saan-saan mo pa hinahalikan."

"Ang dami mong sinasabi, pinapasakay ka lang naman."

"Ayaw ko nga kasing sumama sa'yo! Hindi ko alam kung anong gagawin mo sa'kin at ayaw rin kitang makasa--"

"Sasakay ka o sasakay ka?" biglang sumeryoso ang tono ng boses niya kaya naman agad akong dinalaw ng kaba.

Hindi ako nakagalaw at nakapagsalita kaya naman siya na mismo ang nag pasok sa'kin sa sasakyan niya. Para akong naubusan ng sasabihin dahil sa biglaang pagbabago ng ekspresyon niya. At dahil nga tulala lang ako, siya na rin ang nagsuot ng seatbelt ko bago niya pinaandar ang sasakyan.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sa sobrang kaba pinisil-pisil ko nalang ang daliri ko habang diretso ang tingin sa daan. Ayaw ko siyang tingnan kahit pa napapansin ko ang mga sulyap niya sa'kin. Nakakatakot siya na ewan.

Nagtaka nalang ako ng biglang tumigil ang sasakyan ni Troy sa isang malaking bahay na may pagkaluma. Nang bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan niya naman ako. Tahimik akong bumaba at sinundan siyang pumasok sa bahay na yun.

Maganda ang loob ng bahay. Pero halata talagang may pagkaluma na. Hindi pa kaya ito irerenovate? Mas gaganda 'to kapag naayusan.

"Sumunod ka sa'kin." aniya sabay akyat sa ikalawang palapag. 

Habang sumusunod sa kanya ay hindi ko maiwasang mamangha habang nakatingin sa paligid ng bahay. Para akong bumalik sa sinaunang panahon. Siguro bahay 'to ng lola at lolo niya? Pero sa laki ng bahay na 'to, bakit parang walang ibang tao kung 'di siya lang?

Nang makapasok kami sa kuwarto niya ay dumiretso siya sa may banyo. Inilibot ko naman ang tingin ko sa kuwarto niyang walang kagamit-gamit at parang hindi naman siya laging nandito. Nang mailapag ko sa kama niya ang gamit ko ay bigla ko nalang napansin ang pamilyar na bagay sa side table niya.

Kunot ang noo ko habang nakatingin sa papel kung saan nakasulat ang pangalan ni Troy na ngayon ay naka picture frame na! Ito yung naisulat ko no'n tapos bigla niyang kinuha. Bakit 'yan nakalagay riyan? Tapos naka picture frame pa. Nang kinuha ko ito ay siya namang pag labas ni Troy sa banyo.

"Bakit naka picture frame 'to? At bakit hindi mo pa 'to tinatapon?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ko naman 'yan itatapon, e, regalo mo 'yan sa'kin."

"Regalo? Wala naman akong binibigay sa'yo ah. At isa pa, bakit naman kita reregaluhan?"

Inirapan niya lang ako sabay bawi sa'kin ng hawak ko at inilapag ulit yun sa side table niya. Hindi ko alam kung bakit ang sungit-sungit niya bigla. Akala mo naman nireregla e.

"Pahinga ka muna saglit, magluluto lang ako." aniya at lumabas na.

"Tss, sungit." bulong ko at inilibot ulit ang tingin sa kuwarto niya.

Bakit niya kaya ako dinala rito? Tapos nakakatakot pa kasi wala masyadong tao. Kanina sa daan habang papunta kami rito, napansin ko ring wala masyadong tao. Para bang pribadong lugar talaga 'to.

Dahil walang masyadong mga gamit sa kuwarto niya, tumingin-tingin nalang ako sa mga laman ng drawer niya. Malikot na kung malikot, wala akong magawa e. Kahit mga drawer ay wala masyadong laman bukod sa mga papel. Napakunot nalang ang noo ko ng makakita ng sulat na nakapangalan kay Trisha. 

Nagsusulatan pala sila ah, tss ang korni. Agad kong kinuha ito at binasa.

"Hello, Troy! Happy birthday nga pala. Hindi ko alam kung bakit hindi ka nagpa-party ngayon gaya ng ginagawa mo palagi, pero sana magustuhan mo ang regalo ko sa'yo. Kung sakaling may free time ka, sana magkaroon tayo ng oras na lumabas ulit. I miss you! - Trisha"

Birthday ng pangit na yun ngayon? Agad akong napatingin sa petsa sa selpon ko at nakumpirma kung anong araw ng nobyembre ngayon. Kaya pala sabi niya regalo ko raw sa kanya yung papel na may pangalan niya. At kaya rin siguro pinapunta niya ako rito. Pero bakit ako lang? Bakit hindi itong si Trisha? Bakit nga ba hindi nalang siya nagpa-party para mas masaya?

Hindi ko na napansing ilang minuto na pala akong nakatulala dahil sa kakaisip. Natauhan nalang ako ng marinig ko ang katok ni Troy sa pinto. Agad kong ibinalik sa drawer niya ang sulat na galing kay Trisha at tumayo para buksan ang pinto.

"Akala ko napahimbing ka na sa tulog." aniya

"A-Ah, hindi naman."

"Tara na, kakain na tayo." aniya at nauna nang maglakad.

Sumunod naman ako sa kanya at hindi maiwasang makonsensya dahil wala pala talaga akong maayos na regalo sa kanya. Alam kong naiinis ako sa kanya, sobrang nabubwesit talaga ako sa pangit na 'to. Pero naging mabuti pa rin naman siya sa'kin. Ngayon ko lang din naalala na birthday niya pala at kahit pagbati lang sa kanya hindi ko nagawa. Ang sama ko na bang tao kung gano'n?

Nang pareho na kaming nasa hapag ay wala pa rin ni isang nag tangkang magsalita. Napatingin nalang ako sa pagkaing nasa harapan namin. Halatang bagong luto ito dahil mainit pa. Adobo saka sinigang yun kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ikaw ang nag luto nito?" 

"Oo." maikling sagot niya at kumuha na ng kanin saka nilagyan ang plato ko.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Imbis na plato niya ang lagyan niya ng kanin, inuna niya ang akin. Siya na rin ang kumuha ng adobo saka sinigang para sa'kin. Pati tubig siya na rin ang nag lagay sa baso ko. Tahimik lang akong nakatingin habang ginagawa niya lahat ng yun.

"Hindi mo naman sinabi na marunong ka palang magluto." 

"Pinagaralan ko lang. Unang beses kong naluto ng maayos 'to ngayon. Kung sakaling hindi mo nagustuhan ang lasa, sabihin mo lang. Magpapadeliver nalang ako ng pagkain." aniya

Tumango ako sa kanya at kumuha na ng kutsara para tikman ang luto niya. Natigilan nalang ako sa sobrang sarap nito. Nakatitig naman siya sa'kin na para bang hinihintay ang sasabihin ko tungkol sa lasa ng niluto niya.

"Hindi mo ba nagustuhan?" 

Hindi ako agad nakasagot kaya naman balak niya sanang kunin yun at ilayo sa'kin pero agad ko siyang pinigilan.

"Masarap! Pasensya na at natagalan ako sa pagsasalita. Pero masarap ang luto mo. Sobrang sarap."

"Talaga?" 

Hindi ko mapigilang ngumiti habang nakatingin sa reaksyon niya. Tumango naman ako sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain. Pansin ko ang paghinga niya ng maluwag, siguro kinabahan siya na baka hindi ko magustuhan ang luto niya.

Pareho kaming tahimik lang sa pagkain hanggang sa maubos namin yun. Pinagpahinga niya ako saglit at siya na rin ang nag hugas ng pinggan. Habang hinihintay siyang matapos sa ginagawa niya ay hindi ko maiwasang alalahanin ang naging reaksyon niya kanina nang sabihin kong masarap ang luto niya. Para kasi siyang bata na nakatanggap ng compliment sa magulang niya.

Nang matapos siya sa paghuhugas ay sinabi niya nang ihahatid niya ako sa bahay. Wala ulit kaming imik sa sasakyan hanggang sa makarating kami sa bahay. Sa tapat ng gate lang naman siya tumigil at wala na siyang balak pa na bumaba kaya naman bago ako bumaba sinabi ko muna ang dapat kong sabihin sa kanya.

"Thank you para sa araw na 'to, Troy. Kahit hindi naman talaga tayo okay, pinakain mo pa rin ako sa bahay niyo."

"Wala lang yun." aniya sabay ngiti.

"Nga pala," saglit akong tumigil at tiningnan muna siya.

"Hmm?" 

"Happy Birthday, Troy."

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya kaya naman agad akong tumalikod at tumakbo para makapasok na sa gate. Hindi ko na siya nilingon ulit sa sobrang kaba. Nang tuluyan na akong makapasok ay naging mabagal din agad ang lakad ko at saka lang nakahinga ng malalim.

Hindi ko na tuloy mapigilan ang sarili sa pag ngiti. Para lang akong nabunutan ng tinik dahil sa mga nangyari ngayong araw. Para ka na talagang tanga, Kyla.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
142K 11.4K 171
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
4.8M 149K 88
Book 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. B...
1M 32.6K 36
BOOK TWO of When Ms. Panget Transforms into Maganda. start: 2017 end: 2018 All Rights Reserved 2017 Written By Bianczx