Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

By TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 13

59.2K 1.7K 52
By TheLostMemoryOfLove


Picture

Ilang araw pagkatapos no'n ay ilang ulit pang sinubukan ni Miko na kausapin ako hanggang sa naging maayos na kami. Akala ko kapag maayos na kami hahayaan niya na akong malaman ang mga bagay-bagay sa buhay niya pero hindi pa rin pala.

Pakiramdam ko tuloy araw-araw may tinatago siya sa'kin. Araw-araw may hindi ako alam sa kanya. Lalo na kapag bigla-bigla siyang nawawala, lagi niya nalang sinasabi na emergency pero parakiramdam ko may iba pang dahilan kung bakit siya biglaang umaalis.

"Kyla, hindi ka ba sasama?" biglang sulpot ni kuya Calvin sa kuwarto ko.

Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanila at sa mga dala nilang regalo.

"Saan kayo pupunta?" 

"Akala ba namin inimbitahan ka ni Troy sa birthday niya?"

Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya at napatingin agad sa maliit na kalendaryo sa mesa ko. Ngayon nga pala ang birthday ng isang yun. Tumingin naman ako sa kapatid ko at umiling.

"Hindi ako makakapunta, may mga tatapusin pa ako ngayon e. Pakisabi nalang sa kanya happy birthday." 

"O sige, sabi mo e." aniya at sinarado na ang pinto ng kuwarto ko.

Bumalik naman ang tingin ko sa maliit na kalendaryo ko sabay buntong hininga. 

Sa bawat araw na lumilipas mas lalong nagiging malungkot. Hindi ko na namamalayan yung takbo ng oras, ni hindi ko namamalayan na umaga na pala dahil hindi ko na magawang makatulog ng maayos.

Habang tumutagal din parang mas lumalayo ang loob ni Miko sa'kin. Nang nag christmas break akala ko mas magkakaroon siya ng oras para sa'kin dahil lagi nalang siyang nagmamadali sa tuwing magkasama kami, pero hindi pa rin. Mas lumala lang. Gabi nalang kami nagkakausap at parang lagi pa siyang pagod.

Minsan niya pang sinabi na sabay naming sasalubungin ang bagong taon ng magkasama. Kaso kakahintay ko sa kanya na pumunta rito sa bahay, hindi ako nakasabay sa pagsalubong ng bagong taon. Walang Miko na dumating.

Nag tampo ako sa kanya, pero sabi niya hindi raw siya nakapunta dahil sa dumating ang lola at lolo niya sa kanila at hiniling na h'wag muna siyang umalis kaya wala siyang nagawa. Wala akong nagawa kaya pinalampas ko nalang yun. 

Nakabawi naman siya sa mga sumunod na araw, pagkatapos ng klase namin namamasyal kaming dalawa. Pero wala ring araw na walang tumatawag sa kanya. Kahit magkasama kami laging may tumatawag at minsan pa inaaya na ako ni Miko umuwi agad dahil daw may importante siyang gagawin. Minsan sinusubukan ko siyang tanungin tungkol do'n pero lagi siyang humahanap ng paraan para maiwasan ang bawat tanong ko.

"Happy valentine's day, babe." aniya sabay halik sa noo ko.

"Happy valentine's day--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil tumunog na naman ang selpon niya dahil sa isang tawag.

"Teka lang, sagutin ko muna 'to." aniya at lumayo muna saka sinagot ang tawag.

Naiinis ko namang nilapag sa mesa ang bulaklak na binigay niya sa'kin at tumingin sa malayo. Nandito kasi kami ngayon sa resort kung saan kami laging pumupunta. Nang tiningnan ko si Miko na nasa malayo at may kausap pa rin sa selpon ay mas lumala ang inis ko.

Tumayo ako para sana lapitan siya pero nang madaanan ko ang upuan niya kung nasaan ang bag niya ay napansin kong nakabukas ito. Nilapitan ko agad ito para sana isara pero may napansin akong picture sa loob. Agad ko itong kinuha at tiningnan. Picture yun ni Miko at ng isang babae na maikli ang buhok. 

"Kyla, anong ginagawa mo?" si Miko at agad na binawi sa'kin ang picture na nakuha ko sa bag niya.

"Ah, isasarado ko lang sana yung bag mo kaso nakita ko 'yan." 

"Hindi mo na dapat pinakialaman ang gamit ko." malamig na sabi ni Miko.

Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanya na natatarantang sinarado ang bag at itinabi.

"Miko, may tinatago ka ba sa'kin?" 

Gulat naman siyang tumingin sa'kin saka umiling.

"Wala. Bakit mo naman natanong 'yan?

"Parang may mali na kasi e. Para kang dumidistansya sa'kin. Parang ang dami mong tinatago sa'kin." 

"Parang lang yun, Kyla. Wala akong tinatago sa'yo, okay?"

Gusto ko pa sanang magsalita pero dumating na ang inorder naming pagkain kaya wala akong ibang nagawa kung 'di ang palampasin nalang yun. May sinasabi siya sa'kin habang kumakain kami pero hindi ko siya inimik dahil sa inis ko.

"Babe, kanina ka pa tahimik. May problema ba?"

"Wala."

"Babe naman, kung iniisip mo na may tinatago ako sa'yo--"

"Binibigyan mo ako ng dahilan para mag isip na may tinatago ka sa'kin. Sa tingin mo ba papasok nalang ng basta-basta sa isip ko na may hindi ka sinasabi sa'kin?"

"Babe, wala nga kasi--"

"Araw-araw may tumatawag sa'yo at hindi ko alam kung sino yun. Kapag tumatawag yung taong yun sa'yo lagi kang nagmamadaling umalis. Ni hindi ko nga alam kung ako ba talaga yung girlfriend mo o 'yang tumatawag sa'yo. Tapos kanina lang na nakita ko yung picture sa bag mo parang mali pa na nakita ko yun. May hindi ka sinasabi sa'kin, Miko. Ramdam ko yun."

Hindi siya umimik kaya naman agad na akong tumayo at kinuha ang bag ko. 

"Saan ka pupunta?" 

"Uuwi na ako. Kung gusto mo mag celebrate ng valentine's day, tawagan mo yung taong laging tumatawag sa'yo at kayo ang mag celebrate." sambit ko at umalis na.

 Tinawag pa ako ni Miko pero hindi ko na siya nilingon pa. Mabilis ang lakad ko hanggang sa hindi ko na namalayan na malayo na pala ang narating ko. Tumigil ako saglit sa gilid ng daan at nag hintay ng masasakyan.

Sa ilang minuto kong paghihintay ay wala pa rin akong taxi na nakikita. Naramdaman ko nalang sakit sa paa ko dahil sa kakatayo kaya naman umupo ako sa malaking bato na nasa gilid at hinilot saglit ang paa ko.

"Nasaan na naman ba ang mga taxi rito?" naiirita kong sabi habang hinihilot pa rin ang paa.

"Tumayo ka na riyan." 

Natigilan nalang ako ng may biglang nasalita sa harapan ko. Nang iangat ko ang tingin ko ay bumungad na naman sa'kin ang mukha ni Troy.

Bakit sa tuwing nasa ganitong sitwasyon ako lagi siyang sumusulpot? 

"Alam kong guwapo ako kaya ka nakatitig sa'kin pero tumayo ka na riyan dahil gabi na, ihahatid na kita sa inyo." aniya at inabot sa'kin ang kamay niya.

Napairap nalang ako sa kanya.

"Ang hangin mo na naman. Hindi na, maghihintay nalang ako ng taxi."

"Ang tigas pa rin ng ulo mo." aniya at agad akong hinila papunta sa sasakyan niya na nasa harapan lang namin.

"Ano ba! Maghihintay nga ako ng taxi."

"Gusto mo bang mapahamak dahil diyan ka naghihintay sa madilim na sulok?" aniya sabay tingin sa pinanggalingan ko kanina.

"Lilipat ako kung saan may ilaw! Hinihilot ko lang naman paa ko kaya ako pumunta roon." 

"Sumakay ka na nga, ihahatid na kita sa inyo. Masakit na paa mo, 'di ba? Kaya sakay na." aniya at pinagbuksan na ako.

"Ayaw ko nga--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sapilitan niya na akong pinapasok sa loob.

"Ang kulit mo ah." aniya 

Dali-dali siyang umikot at pumasok sa driver's seat. Lalabas pa sana ako pero hindi na ako makalabas.

"Troy, buksan mo nga 'to!"

"Ayaw ko, mag seatbelt ka na." aniya at pinaandar na ang sasakyan.

"Nakakainis ka talaga." sambit ko at sinunod nalang ang sinabi niya.

Pareho kaming tahimik sa biyahe hanggang sa bigla nalang tumunog ang selpon ko dahil sa tawag ni Miko. Napatingin naman si Troy sa selpon ko kaya agad kong pinatay at itinago ito.

"Bakit ka nga pala naghihintay ng taxi ro'n? Hindi ba kayo magkasama ni Miko?" tanong niya sa'kin.

"Magkasama naman."

"Pero bakit ka magisa kanina? Nasaan ba siya?"

"Iniwan ko sa resort." 

"Bakit? Nag away ba kayo?"

Kunot noo ko siyang nilingon. "Ang chismoso mo."

"Nagtatanong lang ako. Paano kung hindi kita nakita kanina? Baka mas nag tagal ka pa ro'n o 'di kaya hindi ka na talaga nakauwi sa inyo." 

Umirap nalang ako sa kanya at hindi na nagsalita pa ulit. Nang makarating kami sa tapat ng gate ay agad na akong bumaba. 

"Salamat." 

"Ayun, marunong naman palang magpasalamat ang mataray." aniya

"Tss, pangit!" sigaw ko at dali-dali ng pumasok sa loob.

Dumiretso naman ako sa kuwarto ko at tiningnan ulit ang selpon ko. Isang beses lang tumawag si Miko tapos wala na. Pinatay ko ulit ang selpon ko at humiga nalang sa kama kahit hindi pa nagbibihis.

"Bakit parang hindi ka nag aalala sa'kin? Ni hindi mo man lang ako sinundan. Bakit lagi mo nalang akong binibigyan ng sama ng loob, Miko?" 


Continue Reading

You'll Also Like

20.5M 410K 94
What if mapunta ka sa 'worst section' ng bagong school mo, at ang malupit .. IKAW LANG ang BABAE sa section mo! At hindi lang basta-basta ordinary...
79.5K 1.9K 13
"When heart skips a beat, it only means that you have found the one." -Dayle (Published and Released in Buqo.ph and soon in NBS!
14.6K 543 90
Hope you like it:> Date Re-Started-07-02-19 Date Ended:08-02-20
139K 3.4K 54
(Book 3) Trending in the Year of 2017 - #24 in Short Story as of June 2020. -Inakala ng lahat na tapos na ang problema. Muling pinaubaya ni Sophia si...