Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

By TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 11

60.9K 1.8K 88
By TheLostMemoryOfLove


Text

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ng mga kapatid ko. Nagmamadali pa akong pumunta sa classroom dahil akala ko nakarating na rin si Miko pero wala. Akala ko nga late lang siya pero umabot nalang ang lunch time kahit anino niya hindi ko nakita.

"Kyla!" 

Napalingon nalang ako sa likuran ko ng marinig ko ang tawag ni Aya.

"Mag-isa ka yata? Nasaan si Miko?" tanong niya habang sinasabayan akong maglakad papunta sa canteen.

"Ah, hindi siya pumasok e." walang gana kong sagot.

"Hindi pumasok? Bakit?"

Napayuko nalang ako at malungkot na ngumiti sa kanya.

"Hindi ko rin alam. Kahapon pa ako naghihintay na tumawag o kahit mag text man lang siya pero wala ni isa."

"Hala? Bakit naman kaya? Hindi mo ba pinuntahan sa kanila?"

Umiling ako sa kanya kaya naman pati siya ay napaisip din kung ano ang puwedeng dahilan kung bakit wala si Miko ngayon.

Nang makabili na kami ng kakainin namin ay agad naman kaming humanap ng mauupuan. Mabilis kumain si Aya pero ako halos hindi ko man lang nagalaw ang pagkain ko.

"H'wag ka na ngang malungkot diyan! Baka abala lang talaga si Miko kaya hindi nakapag text sa'yo o kahit tawag. Malay mo mamaya tumawag na yun sa'yo tapos mag explain." aniya

"Hindi lang kasi ako sanay. Kahit gaano kasi siya kaabala dati, hahanap pa rin siya ng paraan para makausap ako. Nitong nakaraang araw lang talaga nagsimula na parang lagi siyang busy at hindi nakakatawag."

"Sa tingin mo, anong dahilan?"

"Hindi ko rin alam, wala naman kasi akong alam tungkol sa mga nangyayari sa kanya."

"Hanggang ngayon ba hindi niya pa rin nasasabi sa mga magulang niya na kayo na?"

"Oo e, lagi rin kasing wala ang Mama niya dahil may inaasikasong negosyo. Siguro sa pasko puwede na niya akong maipakilala. Dalawang buwan bago ang pasko, makakapaghintay naman ako."

Tumango-tango naman siya at nagpatuloy na sa pagkain. Bumuntong hininga naman ako at susubo na sana ng pagkain ko ng bigla may tumabi sa'kin at umakbay.

"Kyla!" si Peter at may malaking ngiti sa labi.

Kunot naman ang noo ko habang inaalis ang kamay niyang nakaakbay sa'kin. 

"Ano ba naman 'yan, Peter. Umalis ka nga, dikit ka nang dikit sa'kin." naiirita kong sabi at inusog na ang upuan ko para makalayo sa kanya.

Babaliwalain ko na sana siya ng mapansin kong nakatitig siya ngayon kay Aya. Nang tiningnan ko naman si Aya ay natataranta itong tumayo at kinuha ang mga gamit niya.

"Oh, Aya, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"Ah, Kyla, may kailangan kasi akong gawin ngayon. Pasensya na ha, mauuna na ako. Kain ka lang diyan. Puntahan nalang kita sa classroom mo mamayang uwian." aniya at nagmamadaling umalis.

Napatingin naman ako kay Peter na ngayon ay tulala na. Bakit parang may kakaibang nangyayari rito? 

"Anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang?" tanong ko kay Peter.

Nang matauhan na siya ay ngumiti ulit ito at tumango sa'kin.

"Oo naman!"

"Bakit parang  iba yung tingin mo sa kaibigan ko?"

"Ah, ngayon ko lang kasi siya nakita." aniya sabay iwas ng tingin.

"Ngayon lang? Sa bilis mong makabingwit ng mga babae, ngayon mo lang talaga napansin si Aya?"

"Anong bingwit 'yang pinagsasasabi mo? Ang bait ko kaya."

"Mabait? E, kung ano-ano ngang gulo 'yang pinapasok niyo. Paiba-iba rin ang mga babaeng nakakasama niyo araw-araw."

"Sila lang yun! Mabait ako." depensa niya.

"Sige, sabi mo e." sambit ko at tinapos nalang ang kinakain.

Walang gana akong pumunta sa classroom. Wala rin akong naintindihan sa kung ano mang itinuro ng Professor namin. Nang uwian na oy panay tingin din ako sa selpon ko at umaasang may kahit isang mensahe na galing kay Miko pero wala pa rin.

"Wala pa rin bang text si Miko sa'yo?" tanong ni Aya sa'kin.

Umiling naman ako sa kanya at bumuntong hininga na lamang.

"Puntahan kaya natin sa kanila?"

"Hindi puwede, hindi pa nga alam ng mga magulang niya na kami na, 'di ba?"

"Hindi naman natin sasabihin na girlfriend ka niya! Kunwari nalang may project tayong gagawin tapos hinahanap natin siya."

Napatingin naman ako kay Aya at hindi pa rin makapag desisyon ng bigla niya akong hinila.

"Tara na!"

"Teka lang--"

"H'wag ka nang umangal." aniya

Wala naman akong nagawa kung 'di ang sumama sa kanya. Nang makalabas kami sa gate ay agad naman siyang pumara ng taxi.

"Ikaw mag bayad ah? Nagtitipid ako kaya sagot mo na yung pamasahe." aniya nang makasakay na kami.

Tumango nalang ako sa kanya at sinabi na sa driver kung saan ang punta namin. Mabilis lang kaming nakarating sa subdivision nina Miko. Pinaghintay naman namin saglit ang taxi na sinakyan namin dahil 'yon ang sasakyan namin pauwi.

"Mag tanong ka na." si Aya sabay tulak sa'kin palapit sa gate.

"Saglit lang, paano kung walang tao?"

"May kasambahay naman siguro sina Miko, kaya mayro'n 'yan!"

"Natatakot ako." sambit ko at lumayo sa gate.

"H'wag kang matakot. Hindi ba nga gusto mong malaman kung anong nangyari kay Miko? Kaya dali na." aniya at hinila na naman ako.

"Aya, ikaw nalang."

"Anong ako? Wala naman akong kailangan kay Miko."

"Sige na--" hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko dahil may babaeng lumabas sa gate nina Miko.

"Ano pong kailangan nila?" tanong nito habang may bitbit na mga basura.

"Ah, dito po ba nakatira si Miko Laviero?" si Aya na mismo ang lumapit sa babae.

"Opo, ano pong kailangan nila?"

"Nandito po ba siya ngayon? May gagawin po kasi kaming project tapos hindi siya pumasok kaya pinuntahan nalang po namin."

Napatingin naman sa'kin ang babaeng yun kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"Wala po sila rito e. Biglaan po ang alis nila kahapon papuntang Cebu."

"Cebu? Ano pong gagawin nila ro'n?" 

"Hindi ko rin po alam, ang sabi lang sa'kin ni Sir Mike, baka sa susunod na linggo pa sila makabalik."

Napatingin naman si Aya sa'kin bago nagsalita ulit.

"Ah, sige po. Salamat po! Pasensya na rin po sa abala." aniya at hinila na ako palayo roon.

Nang makasakay na ulit kami sa taxi ay saka niya ako hinarap.

"Pa'no 'yan? Sa susunod na linggo mo pa yata siya makikita. Hindi rin sigurado kung habang nasa Cebu siya, e, makakatawag at makakapag text siya sa'yo."

"Wala rin naman akong magagawa." mahinang sabi ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong mag tampo kay Miko dahil hindi niya man lang sinabing pupunta pala sila sa Cebu. Kahit biglaan yun hindi ba puwedeng tumawag siya kahit saglit? Mag text lang kahit isang beses?

Hindi kasi maganda sa pakiramdam na biglaang hindi mo na makakausap o makikita yung taong mahal mo. Ngayon parang alam ko na kung gaano ako ka walang alam sa buhay ni Miko. Wala akong alam sa mga nangyayari sa kanya. Wala akong alam sa mga ginagawa niya. 

Parang ang lapit namin sa isa't-isa pero parang ang layo rin. Parang kilala ko siya pero hindi. Kilala ko yung Miko na kilala rin ng iba, pero hindi ko alam kung saan ba talaga siya nanggaling. Kung anong pamilya ba ang mayro'n siya.

"Pumunta ka nalang sa Cebu."

"Ano namang gagawin ko ro'n? Wala akong kilala ro'n at hindi rin ako papayagang pumunta."

"Pero ano kayang dahilan kung bakit biglaan silang pumunta ro'n? Wala bang nakuwento si Miko sa'yo tungkol sa kung anong mayro'n sa Cebu?"

Umiling naman ako sa kanya.

"Ang dami mo yatang hindi alam kay Miko? Hindi ba siya nagku-kuwento sa'yo?"

"Nagku-kuwento naman siya pero hindi sa mga personal na nangyayari sa buhay niya."

Napabuntong hininga nalang ulit ako at hindi na nagsalita pa ulit. 

Hindi pala sa lahat ng oras masaya, 'no? Akala ko no'ng kakasimula palang namin ni Miko, nakapasok na ako sa buhay niya. Pero akala ko lang pala yun. Sarado pa pala yung pinto niya para sa'kin. Hindi ko pa puwedeng pasukin yung buhay niya kasi hindi niya pa gustong magpapasok.

Akala ko ang dami ko ng alam tungkol sa kanya, na kilalang-kilala ko na siya. Pero hindi e, ang dami ko pang hindi alam. Kapag kaya sinabi kong gusto kong malaman lahat ng bagay na tungkol sa kanya, hahayaan niya kaya ako? Kapag ba pinasok ko yung buhay niya, hindi niya ako pipigilan?

Hinatid ko muna si Aya sa kanila bago ako umuwi. Binayaran ko na rin ang taxi at diretsong pumanta sa kuwarto ko. Matamlay akong umupo sa kama ko at itinabi na muna ang selpon. Saglit akong tumunganga bago nag desisyon na magbihis. 

Kakatayo ko pa lang ng biglang tumunog ang selpon ko dahil sa isang text. Nang tingnan ko ito ay text ito galing kay Miko.

Miko:

Babe, sorry kung ngayon lang ako nakapag text. Biglaan kasi kaming umalis ni Papa kahapon, kinailangan naming pumunta ng Cebu dahil may emergency. Ngayon lang din ako makakapag text dahil mahina ang signal sa lugar kung nasaan kami ngayon. Mag iingat ka ha? Kapag nakahanap ako ng mas malakas na signal tatawagan agad kita. I love you.

Huminga muna ako ng malalim at itinabi na ulit ang selpon ko saka kumuha ng damit ko para makapag bihis na. Saka ko nalang siguro siya rereplyan kapag hindi na masama ang loob.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 55K 59
[Unedited Version] A love story that started with a kiss, challenged by obstacles and sealed with love. Who will you choose: The Bad Boy who makes yo...
13.9M 430K 72
Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katangian ng 16 years old na si Check. She has...
283K 5.4K 33
PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS The Wattys 2018 Winner - The Revisionist NO Series #1 (COMPLETED) He's no ordinary playboy. Hindi siya tinaguriang playboy...
682K 15K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...