Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

By TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 10

62.1K 1.8K 36
By TheLostMemoryOfLove


Tawag

"Kyla, sinong hinihintay mo?" biglang sulpot ni Aya sa gilid ko.

"Ah, si Miko. Hindi kasi siya pumasok sa klase, hindi ko rin siya makita kaya hinihintay ko nalang rito." 

"Si Miko? Nakita ko siya kaninang umalis. Magkasama sila ng Papa niyang umalis e. Hindi ba siya nakapag-paalam sa'yo?" 

Napatingin naman ako sa selpon ko dahil wala naman akong natanggap na text mula kay Miko. Umiling ako kay Aya at inayos nalang ang bag ko na nakasabit sa balikat ko.

"Anong oras na ah, hindi ka pa ba uuwi?"

"Hihintayin ko nalang sina kuya Ryan at kuya Calvin para sa kanila nalang ako sumabay ngayon."

"Gano'n ba? Sige, mauna na ako. Ingat ka!" aniya sabay kaway sa'kin.

Kumaway naman ako pabalik sa kanya bago huminga ng malalim. Dahil nga sasabay ako sa mga kapatid ko ay agad akong dumiretso sa canteen kung saan sila tumatambay lagi. Magkakasama ulit silang magkakabarkada at kumakain.

"Oh, Kyla? Bakit hindi ka pa umuuwi?" si kuya Calvin habang kumakain ng donut.

"Sasabay na ako sa inyo." 

"Sasabay? Hindi ba si Miko ang naghahatid-sundo sa'yo? Nasaan na ba yun?" si kuya Ryan naman ngayon.

"Nauna na siya, may importante yatang gagawin."

"Baka may ibang inaasikaso." singit ni Art at makahulugang tumingin sa'kin.

"Anong ibig mong sabihin?" baling ko sa kanya.

"H'wag mo nang isipin pa ang sinabi niya, sabayan mo nalang muna kami sa pagkain." si kuya Ryan at inabot sa'kin ang box ng donut.

Kunot noo naman akong tumingin sa kanilang lahat bago umupo at kumain. Nagkukwentuhan sila habang ako ay tahimik lang na nakikinig ng biglang dumating si Troy at may kausap sa selpon.

"Hindi nga po ako makakauwi sa susunod na linggo, masyadong marami ang ginagawa ko rito para isingit ko pa ang pag punta ko riyan. Babawi nalang ako sa pasko." aniya at seryosong nakikinig sa nagsasalita sa kabilang linya.

Nang ibaba niya na ang tawag ay bigla naman siyang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko at kumuha rin ng donut sa box.

"Bakit ka nandito? Hindi ba dapat nakauwi ka na kasi hinatid ka na ni Miko sa inyo?" tanong niya.

"Bakit mo tinatanong? Close tayo?" 

"Ang taray mo na naman, nagtatanong lang e." aniya at inubos ang isang donut saka kumuha ulit.

"Bumili ka nga ng iyo, binigay sa'kin to ni kuya Ryan." sabay kuha ko ng box.

"Ang damot mo naman, may tatlo pa riyan oh, kala mo naman mauubos mo lahat." 

"Mauubos ko naman talaga 'to, anong akala mo sa'kin mahina?"

"Mahina ka naman talagang nilalang." 

Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Bigla naman akong inabutan ni Kurt ng juice.

"Baka mabulunan ka." aniya at habang kumakain din ngayon.

"Thank you." 

Kukunin ko na sana ang juice ng inunahan ako ni Troy at siya ang uminom nito. Gulat ko naman siyang tiningnan ng ubusin niya ito.

"Salamat, Kurt." aniya sa kaibigan.

"Akin yun!" reklamo ko habang matalim ang tingin sa kanya.

"Sa'yo ba? Pasensya na, nauhaw kasi ako. Bili ka nalang do'n." aniya sabay ngiti sa'kin.

"Alam mo, pambubwesit lang talaga ang naidudulot mo sa araw ko." 

"Talaga ba, Kyla?"

"Lumayo ka nga sa'kin, naiinis ako lalo riyan sa pagmumukha mo."

"Ang guwapo ko kaya para kainisan mo lang." sabay kindat nito sa'kin.

Inirapan ko na lamang siya at tahimik na kumain sa gilid. Biglang tumunog ang selpon ni Troy dahil sa isang tawag, nang sagutin niya ito ay bigla nalang akong natigilan.

"Sino 'to?" seryosong tanong ni Troy sa taong nasa kabilang linya.

Napalingon nalang ako sa kanya dahil parang may kapareho siya ng boses kapag nagiging seryoso. 

Napatingin si Troy sa'kin bago tumayo at dali-daling umalis. Napakunot nalang ang noo ko habang nakatingin sa kanyang naglalakad palayo. May kapareho talaga siya ng boses pero hindi ko maalala kung sino.

"Ayos ka lang?" si Kurt at inabutan ako ng panibagong juice.

"Ah, oo. Salamat dito." sambit ko at uminom na.

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi na bumalik pa si Troy kaya naman nagdesisyon nalang silang tawagan ito.

"Nasaan ka ba?" si JB habang seryosong nakikinig kay Troy na nasa kabilang linya ngayon.

Nakatingin naman ang lahat sa kanya habang ako ay nakatingin sa sariling selpon at pasimpleng nakikinig sa usapan nila.

"Bakit hindi mo sinabi sa'min? Paulit-ulit ka nalang sinusundan ng mga 'yan, ano bang kailangan nila sa'yo?"

Agad namang binawi ni kuya Ryan ang selpon kay JB at siya na mismo ang nakipag-usap kay Troy.

"Nakasunod pa rin ba sila sa'yo ngayon?" si kuya Ryan.

Napatingin naman ako sa kapatid ko na ngayon ay kunot ang noo habang nakikinig sa sinasabi ni Troy sa kabilang linya. Bigla nalang dumapo ang tingin nito sa'kin sabay tango na para bang sumasangayon sa kung ano mang sinabi ng kaibigan niya.

"Sige, tawagan mo agad kami kapag nailigaw mo na sila." si kuya Ryan at ibinaba ang tawag saka lumapit sa'kin.

"Anong mayro'n?" tanong ko ng bigla niyang kinuha ang bag ko at pinapatayo na ako.

"Uuwi na tayo." aniya at agad na sumenyas sa mga kaibigan niya.

"Ha? Bakit? May nangyari ba?" 

Imbis na sagutin ako ay hinila na nila ako paalis do'n. Nagmamadali namang pumasok sa kani-kanilang sasakyan ang mga kaibigan nina kuya. Halos itulak pa ako ni kuya Ryan para lang makapasok agad sa sasakyan namin.

"Ano bang problema? Bakit nagmamadali kayo?" naguguluhan kong tanong.

"Kyla, h'wag ka nalang magtanong. Iuuwi ka na namin dahil may gagawin pa kaming importante." si kuya Calvin na ngayon ay parang problemado.

"May pinasok na naman ba kayong gulo? Hindi ko talaga alam kung bakit niyo ginagawa 'yang mga 'yan. Lagi kayong nakakahanap ng gulo tapos wala namang 'yang magandang naidudulot sa inyo--"

"Manahimik ka nalang, Kyla. Wala kang alam, at mas mabuting wala kang alam. Kapag hindi ka pa tumahimik diyan, iiwan ka talaga namin sa gitna ng daan at umuwi ka nalang magisa." banta ni kuya Ryan.

Wala naman akong ibang nagawa kung 'di ang manahimik nalang dahil ayaw ko namang umuwi magisa at baka mapano pa ako sa daan lalo na't malapit ng gumabi. 

Nang makarating kami sa bahay ay agad na dumiretso ang mga kapatid ko sa kuwarto nila para magbihis. Pumasok naman ako sa sarili kong kuwarto at tatawagan na sana si Miko para makumusta pero sumulpot bigla si kuya Calvin.

"Anong ginagawa mo rito?" 

"Kapag tinanong ni Mommy kung nasaan kami, sabihin mo may ginagawa kaming project." 

"Bakit ko naman gagawin yun? Ano yun, pagtatakpan ko kayo?"

"Gawin mo nalang." seryosong sabi niya.

"Paano kung ayaw ko?" humalukipkip ako sa harap niya.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin namin sa boyfriend mo." 

Hindi naman ako nakapag salita agad dahil sa sinabi niya. Ngumisi naman siya dahil sa reaksyon ko bago umalis at nagmamadali na silang lumabas ng bahay. 

"Kuya Calvin! Malilintikan talaga kayo sa'kin!" hindi ko na napigilan pang mapasigaw sa sobrang inis.

Padabog kong sinara ang pinto ng kuwarto ko at hindi pa rin maitago ang inis. Gamitin ba naman si Miko para mapagtakpan ko lang sila? Kaya minsan ang sarap manakal ng kapatid e. May araw rin kayong dalawa sa'kin, hintayin niyo lang.


Continue Reading

You'll Also Like

139K 3.4K 54
(Book 3) Trending in the Year of 2017 - #24 in Short Story as of June 2020. -Inakala ng lahat na tapos na ang problema. Muling pinaubaya ni Sophia si...
42K 631 111
Highest ranking- #1 in 100 Tula (September 27, 2018 - October 29, 2018) #1 in 100 Tula (March 3, 2019 - March 15, 2019) Other Rankings: #2 in Prose (...
142K 11.4K 171
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.