Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

By TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 9

64K 1.9K 31
By TheLostMemoryOfLove


Imbita

"Pasensya na kung hindi na kita natawagan ulit no'ng sabado tapos kahapon na rin. Marami lang talaga akong kinailangan gawin." si Miko habang nilalapag yung pagkain namin sa mesa.

Tumango nalang ako sa kanya at hindi na nagsalita. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung nakita ko sa bintana. Kahapon halos hindi ako makatulog ng maayos sa sobrang takot na baka bigla akong pasukin sa kuwarto habang tulog ako.

"Babe, ayos ka lang ba talaga? Kanina ka pa tahimik ah. May nangyari ba? O galit ka ba sa'kin?" 

"Ah, hindi. Wala naman. Kulang lang yata ako sa tulog, ang dami ko kasing tinapos kahapon kaya napuyat ako." palusot ko at tipid na ngumiti sa kanya.

"Mamayang alas dos hanggang alas tres wala tayong pasok, gusto mo samahan kita sa library para maka-idlip ka man lang? Tahimik do'n kaya mas makakapag pahinga ka." 

Tumango ulit ako sa kanya at ngumiti. "Sige."

Nang matapos ang klase namin ay dumiretso kami sa library. Kumuha si Miko ng mga librong babasahin niya habang ako ay ginamit ang dalawang brasong nakapatong sa lamesa para gawing unan. Sinubukan kong umidlip habang tahimik na nagbabasa si Miko pero hindi ko magawa.

"Hindi ako makaidlip." sambit ko at umupo ng maayos sa upuan ko.

"Hindi ka ba komportable sa posisyon mo kaya hindi ka makaidlip?" si Miko at itinabi muna ang librong binabasa niya.

"Hindi naman. Siguro hindi lang talaga ako inaantok. Kukuha nalang ako ng babasahin ko para pareho na tayong may binabasa." sambit ko saka tumayo at tumingin-tingin ng mga libro sa bookshelves.

Habang kinukuha ko ang librong gusto kong basahin ay bigla na lang akong nakarinig ng kung anong bulungan sa isang sulok. Dahan-dahan akong pumunta roon at bigla nalang bumungad sa'kin si Troy at Trisha na naghahalikan.

Hindi ako nakakilos agad habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nang mapansin ako ni Troy ay agad niyang tinulak si Trisha palayo at umiwas ng tingin. Tumikhim naman ako at agad na tumalikod sa kanila. Nag kunwari akong may hinahanap na libro para sana ituloy nalang nila ang ginagawa nila pero biglang may humila sa braso ko dahilan para mabitawan ko ang dala kong libro.

"Kyla," 

Napakurap-kurap nalang ako sa sobrang lapit ng mukha ni Troy sa'kin. Agad kong binawi ang braso ko sa kanya at umatras para makalayo.

"Ano 'yon?"

"Tungkol do'n sa nakita mo--"

"Pasensya na kung nakaabala ako sa ginagawa niyo. H'wag mo nalang isipin na nakita ko yun. Ituloy niyo nalang kung gusto niyo." sambit ko at tatalikod na sana sa kanya pero hinawakan na naman niya ang braso ko.

"Pero kasi--"

"Ano ba, Troy? Wala nga akong pake sa ginagawa niyo ng babaeng yun. Kahit ituloy niyo pa yun at gumawa kayo ng milagro rito sa library, ayos lang." nang binawi ko ulit ang braso ko sa kanya ay agad kong pinulot ang mga nahulog kong libro saka dali-daling bumalik sa puwesto namin ni Miko.

"Ayos ka lang?" tanong niya no'ng umupo na ako sa tabi niya.

"Ah, oo." sambit ko at nagsimula nang magbasa.

Habang sinusubukan kong intindihin ang binabasa ko ay bigla nalang nahagip ng mata ko si Troy na dumaan sa harapan namin. Nakatingin lang siya sa'kin kaya naman iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at nagbasa ulit.

Paulit-ulit ko nang binasa ang isang page pero wala pa rin akong maintindihan. Napabuntong hininga na lamang ako at itinabi na ang librong binabasa.

"Tapos ka nang magbasa?" si Miko habang nakatingin sa'kin.

"Ah, tinamad ako e." sambit ko at nahihiyang ngumiti.

"Ano bang gusto mong gawin ngayon?" sabay tabi niya sa librong binabasa.

"Ha? Nagbabasa ka pa, 'di ba?"

"Puwede ko namang hiramin 'yang libro at sa bahay nalang magbasa. Sa ngayon gawin muna natin kung anong gusto mo." aniya at ngumiti sa'kin.

"Sigurado ka?"

Tumango naman siya sa'kin at naghintay sa isasagot ko sa kanya. 

"Ano bang magandang gawin?" tanong ko at sinubukang magisip ng puwedeng gawin naming dalawa.

Bigla namang sumagi sa isip ko ang ginawa nina Troy at Trisha kanina. Napatingin ako ng diretso kay Miko na ngayon ay nakatitig lang din sa'kin. Uminit naman ang pisnge ko dahil sa biglang naisip.

"Ayos ka lang?" tanong niya ng mapansing natataranta ako.

"Ah, ano, oo. Ayos lang ako. Tama, ayos lang ako." kinakabahan kong sagot at agad na umiwas ng tingin sa kanya.

Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko habang sinusubukang alisin sa isip ko ang nakita ko kanina.

"May naisip ka na bang gusto mong gawin natin?" tanong niya sa'kin.

"Meron! Ay mali, wala pala. Wala akong naisip. Wala tayong gagawin. Uupo lang tayo. Tama, upo lang dapat, okay?" parang lulubayan na ako ng kaluluwa ko sa sobrang kahihiyan.

Alam kong lagpas na kami ng isang buwan ni Miko, pero hindi pa naman namin yun nagagawa. Kasalanan kasi 'to ng Troy na yun e, kung sana pumili sila ng lugar kung saan walang makakakita sa kanila, e, 'di sana hindi ito yung naiisip ko ngayon.

"Bakit parang kinakabahan ka?" 

"Ako? Kinakabahan? Hindi! Ano ka ba, kung ano-ano 'yang naiisip mo." sambit ko sabay pekeng tumawa.

Magsasalita pa sana si Miko ng biglang may lumapit sa'ming estudyante. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ko na kailangan pang magisip ng palusot para hindi niya malaman kung ano yung naisip ko kanina.

"Ngayon na?" tanong ni Miko sa lalaki.

"Oo raw." sagot naman nito.

Bumalik ang tingin ni Miko sa'kin at may pahabol na sinabi roon sa lalaki bago ito umalis.

"Anong sabi?" tanong ko sa kanya.

"Pinapatawag daw ako ni Papa."

"Pumunta ka na, baka may importante siyang sasabihin sa'yo."

"Pa'no ka?" halata sa mukha niya ang pagdadalawang isip kaya naman ngumiti ako sa kanya para makumbinsing ayos lang ako.

"H'wag mo na akong alalahanin, ayos lang naman ako rito. Pumunta ka na sa Papa mo para makapag-usap na kayo bago pa magsimula ang susunod nating klase. Dito nalang muna ako at mamaya na ako pupunta sa classroom. Magkita nalang tayo roon."

"Sigurado ka?"

Tumango ako sa kanya kaya naman agad na niyang kinuha ang bag at hinalikan ako sa noo bago nagpaalam. 

Nang maiwan akong magisa ay bumuntong hininga na muna ako at kinuha ang mga librong binasa namin para ibalik sa kinalalagyan nito. Habang isa-isang binabalik ang mga libro ay napansin kong nawawala ang bracelet ko na bigay ni Aya sa'kin.

"Nasaan na yun?" tanong ko sa sarili at binalik muna lahat ng libro bago ako bumalik sa lamesa kung nasaan ang gamit ko para sana tingnan kung nahulog ko ba roon ang bracelet.

Wala akong nakita kahit sa bag ko kaya naman binalikan ko ang mga dinaanan ko kanina para hanapin. Sigurado akong nandito lang yun sa library dahil suot ko pa yun no'ng pumasok kami rito ni Miko.

Halos gumapang na ako para lang mahanap yun pero wala talaga akong makita. Kagat-kagat ko na ang kuko ko habang pilit na inaalala kung saan ko ba puwedeng naihulog yun.

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Agad akong napalingon sa likuran ko ng marinig ko yun. 

"Bakit nasa sa'yo 'yan?" tanong ko kay Troy at kukunin na sana sa kamay niya ang bracelet pero agad niyang inilayo yun sa'kin.

"Napulot ko kanina no'ng nagmamadali kang umalis." aniya

"Akin na 'yan." sabay lahad ko ng kamay ko sa kanya.

"Ayaw ko nga."

Napataas naman ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Akin na nga kasi 'yan, hindi mo naman magagamit 'yan e." sinubukan kong hablutin ito sa kamay niya pero mabilis niya itong iniwas ulit.

"Ayaw ko nga muna. Dapat may gawin ka muna bilang pasasalamat dahil nakita ko 'tong bracelet mo na bigay ng boyfriend mo."

"Hindi si Miko ang nagbigay sa'kin niyan."

"Ahh, galing ba 'to sa ibang lalaki?" 

"Hindi. Galing 'yan sa kaibigan ko, kay Aya." aabutin ko na sana yung bracelet pero itinaas niya na naman.

Pasalamat talaga ang unggoy na 'to at mas matangkad siya sa'kin, sarap sakalin e.

"Ah, gano'n ba?" aniya at tumango-tango pa.

"Kaya akin na 'yan."

"Hindi nga muna puwede. Dapat may reward muna ako dahil ako ang nakakita nito."

"Ano ba kasing reward 'yan? Naiirita na ako sa'yo ah."

"Kalma, simple lang naman ang gusto ko."

"Ano nga kasi yun?" pinipigilan ko nalang talaga ang sarili ko dahil sa oras na mapuno ako sasaksakin ko ng ballpen ang isang 'to.

"Halikan mo 'ko."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Nababaliw ka na ba?" 

"Biro lang! Ang seryoso mo naman masyado. Pero kung gusto mo puwede mo namang totohanin. Masarap naman ako e."

"Ang kapal mo masyado. Akin na nga 'yan, hindi ka matinong kausap."

"Ito na nga, seryoso na 'to."

"Ano ba yun? Dalian mo kasi naiinip na ako."

"Pumunta ka sa birthday ko." 

"Mukha bang alam ko kung kailan ang birthday mo? At isa pa, bakit ko naman gagawin yun? Hindi tayo close para imbitahin mo ako."

"Sa november 24 na ang birthday ko. Kapag pumunta ka, saka ko ibibigay sa'yo ang bracelet mo." 

"Ano? Sa susunod na buwan pa yun ah? Bakit hindi mo nalang ibigay sa'kin 'yan ngayon?"

"Baka hindi ka sumipot. Kailangan kong manigurado." aniya at umalis na.

Anong akala niya? Pupunta talaga ako sa birthday niya? Puwede ko namang sabihin kay Aya na naiwala ko ko yung bracelet at bumili nalang kami ng bago para palitan yun. Hinding-hindi ako pupunta sa birthday ng unggoy na yun, masyado akong maganda para makisama sa pangit na yun.


Continue Reading

You'll Also Like

25.4K 417 41
"Sayang, sana tayo pa din...". Marami na siguro sa inyo ang minsan na nasabi yan.. Mga salitang puno ng panghihinayang,. Isa ka ba sa kanila? This is...
685K 15.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
42K 631 111
Highest ranking- #1 in 100 Tula (September 27, 2018 - October 29, 2018) #1 in 100 Tula (March 3, 2019 - March 15, 2019) Other Rankings: #2 in Prose (...
13.9M 430K 72
Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katangian ng 16 years old na si Check. She has...