Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

Bởi TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... Xem Thêm

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 5

66.3K 2.1K 69
Bởi TheLostMemoryOfLove


Bulaklak

"Ano ba kasing nangyari? Nagulat nalang ako bigla ka nang nahulog sa pool kanina tapos nagtalo na kayo ng mga kapatid mo." si Kurt habang tumatabi sa'kin ngayon sa sofa.

"Naglalakad lang naman kasi ako sa gilid ng pool tapos biglang may humawak sa paa ko saka ako hinila. Muntikan pa akong malunod." galit kong sabi.

"Sino naman sa tingin mo ang humila sa'yo?"

"Sino pa nga ba? Malamang yung bruhang Lane na 'yon! May araw rin sa akin ang babaeng yun, anong akala niya? Aatrasan ko siya?"

"Kumalma ka nga, kapag galit ka ng ingay mo masyado." 

"E, sino ba ang lumapit sa'kin at nag tanong? Hindi ba ikaw? Hindi ko na kasalanan kung naiingayan ka sa'kin." inirapan ko nalang siya at ininom ang juice ko.

"Hindi rin naman kasi ako makasabay sa kanila. Masyado silang masaya para makisali ako sa usapan." aniya sabay tingin kina kuya na nasa swimming pool pa rin at nagkakatuwaan.

"Ibig mo bang sabihin, e, kaya ka nandito sa'kin kasi mukhang malungkot ang buhay ko? Mukha akong miserable gano'n?"

"Hindi, baliw." aniya at mahinang tumawa.

Napataas naman ang kilay ko habang nakatingin sa kanyang nakangiti. Bihira ko lang talaga siyang makitang nakangiti. Pero kahit medyo magkalapit na kami, wala pa rin akong alam sa buhay niya.

"Bakit nga pala bihira ka lang ngumiti? Tapos ang hilig mo rin umiwas sa mga tao. Kahit sa mga kabarkada mo hindi ka masyadong sumasabay. Ano ba talagang mayro'n sa buhay mo?" 

Natigilan siya dahil sa tanong ko. Tinitigan niya lang ako na para bang binabasa niya ang kung ano mang iniisip ko ngayon. Tinitigan ko naman siya pabalik pero wala akong kahit anong emosyon na nakikita sa mga mata niya.

"Masyadong magulo ang buhay ko para pasukin ng isang katulad mo." aniya at umiwas na ng tingin.

Magtatanong pa sana ako ulit ng bigla na namang sumulpot si ate Yan sa harap namin.

"Ma'am, may bisita po kayo."

"Sino?"

"Miko raw po. Nasa labas po siya ngayon." 

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil muntikan ko ng makalimutan na pupunta pala rito si Miko. Agad akong tumayo at dumiretso sa labas ng bahay para salubungin si Miko.

"Hi!" bati niya sa'kin ng makita niya na ako.

"Pasensya na, muntikan ko na kasing makalimutan na pupunta ka pala rito ngayon." 

"Ayos lang, ako nga dapat ang humingi ng pasensya kasi inaabala pa kita ngayon."

Dumapo naman ang tingin ko sa mga dala niya. Sa kaliwang kamay niya ay dala niya ang libro ko habang sa kanan naman ay bulaklak. 

Bulaklak? Para sa'kin ba 'yan?

"Ah, ito nga pala yung libro mo na nasa akin." aniya sabay abot sa'kin nito.

"Salamat."

"Tapos ito rin." sunod niyang inabot sakin ang dala niyang mga bulaklak.

"Para sa'kin?" nakangiti kong tanong habang tinatanggap ito.

"Ah, oo. Gusto ko lang sanang magpalaam na--" 

Hindi niya na natapos pa ang sasabihin ng biglang sumulpot ang mga kapatid ko at nagtatakang nakatingin kay Miko.

"Anong mayro'n dito? Bakit may bulaklak?" si kuya Ryan habang nakatingin sa bulaklak na hawak ko.

"Kuya, puwede ba? Nakikisawsaw na naman kayo." naiiritang sabi ko.

"Anong nakikisawsaw? Kapatid mo kami, Kyla. Dapat lang alam namin kung anong mga nangyayari sa'yo." si kuya Calvin at nakataas kilay na nakatingin kay Miko.

"Pasensya na sa abala, may gusto lang sana akong ipaalam kay Kyla at sa inyo na rin."

"Ano yun?" si kuya Ryan ulit at humakbang na palapit kay Miko.

"Gusto ko sanang ligawan ang kapatid niyo." si Miko at seryosong nakatingin sa'kin.

Nanlaki naman ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. 

Ano raw? Ligaw? Ako? Liligawan ni Miko?

"Paano kung hindi kami pumayag?" 

Napalitan agad ng inis ang kaninang gulat na reaksyon ko dahil sa umeepal kong mga kapatid. 

"Kuya!" inis kong hinarap ang mga kapatid ko. "Pumasok na nga lang kayo sa loob, nakikialam na naman kayo e!" 

"Nagpapaalam lang naman ako sa inyo na liligawan ko ang kapatid niyo. Hindi ibig sabihin no'n na kapag hindi kayo pumayag, e, hindi ko na itutuloy. Sa ayaw o gusto  niyo, liligawan ko si Kyla." 

Napalingon naman ako kay Miko na nakatingin na ngayon sa mga kapatid ko ng walang kahit anong takot na ipinapakita. Hindi naman nakapagsalita ang mga kapatid ko kaya hinarap ko nalang si Miko.

"Sigurado ka na ba riyan sa sinasabi mo?" hindi ko na mapigilan pa ang mapangiti.

"Siguradong-sigurado na ako." aniya at biglang may kinuhang kahon sa kotse niya saka inabot sa'kin.

Nang tingnan ko ito ay puro mga sulat ang nasa loob. 

"Tatlong taon at dalawang buwan no'ng sinimulan kong isulat ang mga 'yan. Araw-araw gumagawa ako ng sulat para sa'yo kasi hindi kita magawang malapitan kahit gustuhin ko man. 1,156 letters para sa'yo, at ngayon gusto na kitang ligawan para hindi ko lang sa sulat nabubuhos yung pagmamahal ko para sa'yo." 

Hindi na ako makapagsalita pa dahil sa mga sinabi niya. Tatlong taon? Hindi ko akalain na gano'n na pala katagal no'ng nagustuhan niya ako. Napatingin nalang ako sa kahon at sa mga sulat na nakalagay rito.

"Ang korni." si kuya Calvin at umalis.

Sumunod naman sa kanya si kuya Ryan at lumayo naman kaunti si ate Yan kaya naiwan nalang kami ni Miko ngayon.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon. Akala ko ako lang yung may gusto sa'yo kasi hindi ko naman akalain na magkakagusto ka sa katulad ko. Kasi 'di ba mabait ka, matalino, kahit sino magkakagusto sa'yo. At yung mga babaeng nababagay sa katulad mo, e, dapat mabait din at hindi gaya kong masama ang ugali."

"Saka mo lang malalaman ang dahilan kung bakit kita nagustuhan kapag nabasa mo na ang mga sulat ko sa'yo. Masyado 'yang marami para basahin mo pero nasa sa'yo naman kung babasahin mo talaga lahat."

"Thank you." nakangiting sabi ko.

Hindi na nagtagal pa si Miko kaya nang makaalis na siya ay agad akong tumakbo papasok ng kuwarto ko at binuksan ang kahon para basahin ang unang sulat niya sa'kin. Maayos kasi ang pagkakasunod-sunod nito kaya hindi na ako mahihirapan pa.

"Hi! Hindi ko pa alam ang pangalan mo pero kung sakaling malaman ko 'yon, hindi ko na 'yon makakalimutan. Nakita ko kung paano mo inakyat yung puno para tulungan yung pusang hindi makababa. Simpleng bagay lang yun pero hindi ko alam kung bakit ang laki ng epekto no'n sa'kin. At isa pa , yung pusang niligtas mo kinuha ko. Ako na ang mag aalaga sa kanya para sa'yo. Hindi ko siya pababayaan para kapag dumating yung panahon na mapalapit ako sa'yo, makita mo ulit yung pusang niligtas mo. Sana dumating yung araw na yun. Sana makilala at makita kita ulit."

Napangiti nalang ako nang maalala ko ang pangyayaring 'yon tatlong taon na ang nakakalipas. Nasa labas ako ng campus no'n ng makita ko ang puting pusa na nasa itaas ng puno at hindi makababa. Wala naman sana akong planong akyatin pa yun pero hindi ko maiwasang maawa kaya ginawa ko na.

Binigay ko na rin sa kanya yung baon kong pagkain kasi halatang gutom bago ko siya iniwan sa may gilid para hindi siya mapano. Hindi ko akalain na dahil pala sa pangyayaring 'yon ay mapapansin ako ni Miko.

Pero kumusta na kaya yung pusa? Sa susunod na magkikita kami ni Miko sana makita ko na rin yung pusang yun.

Itinabi ko muna ang sulat na 'yon at binasa pa ang iba para mas malaman ko pa ang mga nangyari dati. Dahil sa mga sulat na 'to ay naalala ko yung mga nangyari dati na kinalimutan ko na.

"Nakita ulit kita kanina, Kyla. Gusto sana kitang lapitan pero napansin kong may lalaking nakasunod sa'yo. Siguro bantay mo 'yon, 'no? Ilang ulit ko ng gustong makausap at malapitan ka pero lagi akong pinanghihinaan ng loob. Ang ganda-ganda mo sa suot mong bestida. Siguro kung magisa ka habang namamasyal kanina, nalapitan pa kita. Pero dahil may bantay ka naman, sa susunod nalang siguro. Sana may susunod pa."

Napakunot naman ang noo ko nang mabasa ko ito. Nakasunod? Kahit kailan wala namang inutusan sina Mommy at Daddy na bantayan ako habang lumalabas ako maliban kina kuya.

"Baka mali lang ang akala niya? Imposible namang may sumusunod sa'kin dati pa?"

Habang iniisip ko ng mabuti ang nasa sulat ay biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok si Troy.

"Selpon mo." aniya at inabot sa'kin ang selpon ko.

Napansin ko kung paano dumapo ang tingin niya sa mga sulat na nasa kahon at tumitig sa'kin. Hindi ko naman maiwasang isipin na may kakaiba sa kanya ngayon kumpara kaninang umaga. Bakit parang ibang Troy ang kaharap ko? Bakit parang nakakapanibago ulit?


Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

309K 2.1K 107
TAGALOG STORIES WITH THEIR AUTHORS
25.4K 417 41
"Sayang, sana tayo pa din...". Marami na siguro sa inyo ang minsan na nasabi yan.. Mga salitang puno ng panghihinayang,. Isa ka ba sa kanila? This is...
682K 15K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1M 32.6K 36
BOOK TWO of When Ms. Panget Transforms into Maganda. start: 2017 end: 2018 All Rights Reserved 2017 Written By Bianczx