Ms. Mataray meets Mr. Mahangi...

By TheLostMemoryOfLove

4.2M 104K 4.4K

May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buha... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 4

73.4K 2.2K 52
By TheLostMemoryOfLove


Hila

Mabilis ang takbo ng oras at mas naging malapit kami ni Miko sa isa't-isa. Napapadalas din ang pag sabay ko kay Kurt sa tuwing wala si Miko para samahan ako. Habang ang mga kapatid ko naman at iba pa nilang kaibigan e hindi ko masyadong nakakasalubong sa campus.

Sabado ng umaga ay nabulabog nalang ang mahimbing kong tulog dahil sa sobrang ingay. Nakabusangot akong lumabas ng kuwarto ko at hindi na inisip pang mag-ayos. 

"Ate Yan! Manang Beth!" tawag ko sa mga kasambahay namin.

"Po?" agad akong sinalubong ni ate Yan ng makababa na ako ng hagdan.

"Bakit ang ingay? Anong mayro'n?" tanong ko at inilibot ang tingin ko sa sala.

Sa sofa ay may mga nakalagay na gamit kaya naman mas nagtaka ako. Bago pa ako masagot ni ate Yan ay dumiretso ako sa may swimming pool namin at bumungad sa'kin ang mga kaibigan nina kuya Ryan at kuya Calvin, may kasama pang mga babae.

"Oy! Nagising na ang prinsesa!" si Art na kakaahon lang at nakita agad ako.

"Ano ba naman 'yan, Kyla. Lalabas ka na nga lang may panis na laway ka pa." si kuya Calvin at agad na hinagis sa'kin ang tuwalya niyang hindi pa naman basa.

Tinakpan ko naman ang bibig ko at matalim na nakatingin sa kanila.

"Bakit kayo nandito? Ang aga-aga tapos ang iingay niyo. Nakakaistorbo kayo ng tulog." 

"Bisita namin sila, matulog ka nalang ulit kung gusto mo." si kuya Ryan.

Tatalikod na sana ako para pumasok ulit sa loob ng matagpuan ng mga mata ko si Lane na nasa gilid at nakikipag-kuwentuhan sa iba pang mga babae na kasama nila.

"Pati 'yang babae 'yan bisita niyo?" tanong ko sa kapatid ko.

"Oo, bakit? May problema ba?"

"Alam niyo namang hindi ko nakakasundo 'yang babaeng 'yan tapos pinapasok niyo pa rito sa bahay. Inggetera 'yan e!" reklamo ko.

"Pumasok ka na nga lang sa loob, nagsasaya kami rito tapos umiiral na naman 'yan katarayan mo." si kuya Calvin at tinawag si ate Yan para papasukin na ako.

"Nasaan po ba si Mommy?" 

"E, maaga pong umalis. Binilin niya nalang sa'min na asikasuhin ang mga bisita nina sir Ryan at sir Calvin." sagot ni ate Yan habang sinasamahan ako sa pag-akyat papuntang kuwarto.

"Anong oras po ba aalis 'yang mga 'yan? Bakit parang madami silang dalang gamit?"

"Hanggang bukas po yata sila rito, Ma'am."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Hanggang bukas? Anong akala nila sa bahay namin, resort? May pa over night?

"Sige na po, maligo na po kayo. Saan niyo po pala gustong kumain at ihahanda ko na po ang umagahan niyo?"

"Sa tapat ng swimming pool ako kakain." 

"Pero ma'am, nando'n po sa patio table kumakain ang mga bisita nina sir."

"Sabihin mo ako ang nag-utos. Puwesto ko 'yon."

"Sige po."

Agad na akong pumasok sa kuwarto ko at nag ayos bago bumaba at dumiretso sa may swimming pool. Nando'n pa rin sa patio table naka-upo sina Lane at mga kasama niya kaya naman agad akong lumapit sa kanila.

"Alis, kakain ako rito." utos ko.

"Ang laki ng mesa niyo sa loob, bakit ka kakain dito?" si Lane.

"Pakialam mo? Gusto ko rito kaya alis." inilapag ko sa mesa ang selpon ko at hinintay silang tumayo.

"Ma'am, ito na po ang breakfast niyo." si ate Yan at inilapag na ro'n ang pagkain ko.

"Salamat po, ate Yan." tiningnan ko ulit sina Lane na nakataas na ngayon ang kilay sa'kin. "Ano? Hindi ba kayo aalis?"

Padabog na tumayo si Lane at umalis kasama ang mga babaeng kausap niya. Umupo naman ako sa upuan at nagsimula nang kumain. 

"Bakit dito ka kumakain?" biglang sulpot ni Troy sa harapan ko.

"Kasi gusto ko?"

"Gusto nga ba talaga o sinasadya mo lang ito para makita mo ang kaguwapuhan ko?" aniya at umupo pa talaga sa tapat ko.

"Ang aga-aga nambubwesit ka. Close ba tayo para umupo ka riyan?"

"Hindi ako nambu-bwesit, okay? Totoo naman talagang guwapo ako at alam kong pansin mo rin yun."

"Anong nakain mo? Bakit mo ako kinakausap ngayon e hindi mo naman ako kinakausap dati? Kung nagpapa-pansin ka sa'kin, itigil mo na. Kasi sinisira mo yung araw ko."

"Ayun nga e, hindi kita kinakausap dati kasi wala akong pake sa'yo. Pero ngayon puwede naman na siguro. Ayaw mo no'n? Nakakausap mo yung pinaka-guwapo sa campus. Sigurado akong maraming maiingit sa'yo."

"Guwapo? Ikaw? Nilunok mo yata yung hanging habagat? Mas gugustuhin kong hindi ka makausap kasi kapag nakikita kita nagiging kasing pangit mo yung araw ko." inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Ikaw lang yata ang nag sabi sa'kin na pangit ako. Malabo siguro mata mo, 'no?"

"Hindi yung akin ang malabo, kung sino man ang nag sabi sa'yong guwapo ka? Sila yung may malabong mga mata. Kaya puwede ba? Gusto kong kumain ng  payapa--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng biglang tumakbo si ate Yan papunta sa akin habang hawak ang selpon ko.

"Ma'am, may tumatawag po. Miko raw po." aniya at inabot sa'kin ang selpon ko.

Napatingin naman ako kay Troy na nakataas na ngayon ang kilay habang nakatingin sa selpon ko. Agad ko itong kinuha at tumayo para sagutin ang tawag.

"Goodmorning! Pasensya na kung naka-istorbo ako. Gusto ko lang sana tanungin kung sa'yo ba 'tong isang libro na napasama sa gamit ko." si Miko sa kabilang linya.

"Ah, oo yata. Napansin ko rin kasing nawawala 'yan kahapon no'ng nakauwi na ako."

"Ayos lang ba kung ihatid ko 'to sa inyo mamaya? May gusto rin sana akong ibigay sa'yo maliban sa libro."

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya at dumapo pa ang tingin ko kay Troy na nakatingin pa rin sa'kin ngayon.

"Pero kung ayaw mo naman, ipapadala ko nalang kasama yung gusto kong ibigay sa'yo." 

"Ah, ayos lang. Text mo nalang ako kung anong oras ka pupunta rito para makapag-handa man lang ako." 

Nang matapos ang tawag ko ay agad akong bumalik sa mesa at tahimik na kumain.

"Alam ba ni Ryan at Calvin na nagkaka-mabutihan na kayo ni Miko?" pang-uusisa nito.

"Alam mo? Napaka chismoso mo."

"Nagtatanong lang naman ako ah? Oo o hindi lang ang isasagot mo."

"Paano kung oo ang sagot ko? Ano namang gagawin mo? Isusumbong mo ako kina kuya?"

"No'ng una wala sana akong plano, pero dahil ikaw na rin mismo nag sabi, sige." aniya at biglang tumaya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at nataranta dahilan para hawakan ko agad ang kamay niya at hilahin siya palapit sa'kin.

"Baliw ka ba?!" bulong ko sa kanya.

Nakatitig lang siya sa'kin habang malapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Hanggat maari h'wag ka nalang makialam, puwede ba? Ipapahamak mo lang si Miko sa gagawin mo." seryosong sabi ko.

"Chansing ka sa'kin ha. Hindi mo lang hinawakan ang kamay ko, nilapit mo pa ako sa'yo. Gusto mo siguro ako?" aniya sabay ngisi.

Agad ko naman siyang naitulak palayo at umiwas ng tingin.

"H'wag ka ngang feeling, hindi kita type." sambit ko at kumain na ulit.

"Hindi ka nga makatingin sa'kin ng diretso ngayon e." aniya at yumuko saka inilapit ulit ang mukha niya sa'kin.

"Lalayo ka o tutusukin ko ng tinidor 'yang mata mo?" sabay tutok ko sa kanya ng tinidor ko.

"Hindi ka lang pala mataray, may pagka brutal ka pa." aniya sabay tawa.

Inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin pa hanggang sa naligo nalang siya ulit sa swimming pool. Nang matapos ako sa pagkain ay tinawag ko na si ate Yan para iligpit ang pinagkainan ko. Dumaan ako sa gilid ng pool habang nakatingin sa selpon ko ng biglang may naramdaman akong hawak sa paa ko sabay hila nito.

Huli na para umiwas dahil agad na akong bumagsak at lumubog sa tubig.

"Kyla!" rinig kong sigaw ni kuya Calvin.

Nainom ko na ang tubig ng swimming pool at hirap na iahon ang sarili ko nang may biglang humawak nang baywang ko at inangat ako.

Ubo lang ako nang ubo at nahihirapan pang huminga nang makaahon na ako. 

"Ayos ka lang?" 

Nang imulat ko ang mata ko ay si Troy ang bumungad sa'kin.

"Ang tanga naman, Kyla! Bakit ka kasi nagseselpon habang naglalakad." galit na sabi ni kuya Calvin.

"May humila sa'kin!" galit ko ring sigaw habang umuubo pa rin.

"Sino naman ang hihila sa'yo? Multo?" si kuya Ryan at hinagis sa'kin ang tuyong tuwalya.

"Siya!" sabay turo ko kay Lane na nasa hindi kalayuan at nakatingin lang din sa'kin.

"H'wag ka ngang nambibintang, Kyla. Pumasok ka na nga sa loob." sabay hila sa'kin ni kuya Ryan.

"Totoo naman kasi!" habol ko pa pero agad na niyang inutusan ulit si ate Yan na iakyat ako.

Nang makarating kami sa kuwarto ko ay saka ko lang napansin ang luhang tumakas sa mga mata ko.

"Totoo naman kasi ang sinasabi ko ate Yan, hindi ba? Yung Lane na yun ang humila sa'kin kaya ako nahulog sa swimming pool!"

"Totoo nga--"

"Pero bakit hindi ako pinaniniwalaan nina kuya Ryan at kuya Calvin? Ako yung kapatid nila! Ako dapat yung pinaniniwalaan hindi yung babaeng yun!" reklamo ko habang hindi na mapigilan ang mga hikbi.

"Tahan na po, Ma'am. Magbihis ka po muna kasi basang-basa ka po." aniya at kinuha ang tuwalya sa balikat ko.

Wala akong nagawa kung 'di ang pumasok ng banyo at mag bihis nalang ulit. Hindi ko talaga alam kung bakit yung babaeng 'yon ang kinakampihan nila. Ako na nga yung muntikan malunod tapos sasabihan pa akong tanga. 

May araw ka rin sa'kin, Lane.


Continue Reading

You'll Also Like

13.9M 430K 72
Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katangian ng 16 years old na si Check. She has...
4.8M 149K 88
Book 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. B...
326K 8.5K 42
(Book 1) Trending in the year of 2017 - #3 in Short Story -Darren Min and Sophia Zamora are live-in partners while Zyren and Ehdrey Mae are married...
30.1K 1.8K 44
Season 3 of IHYBILY Paano malalampasan nina zael at mavi ang pagsubok na mararanasan nila? Ating tuklasin ang istorya nilang magkapatid at ang mga b...