Super Panget (BXB 2018)

Door Ai_Tenshi

191K 10.3K 1K

Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang n... Meer

NOTE
SP Part 1: Ang Patakaran ni Nai
SP Part 2: Rui
SP Part 3: Patakaran ni Rui
SP Part 4: Katapat
SP Part 5: Amanos
SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa
SP Part 7: Pitik Bulag
SP Part 8: Tatlong Bituin
SP Part 9: Sa Bisig ni Rui
SP Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan
SP Part 11: Natatanging Damdamin
SP Part 12: Magnanakaw
SP Part 13: Mandaragit
SP Part 14: Sikretong Malupit
SP Part 15: Ang Biyaya ni Nai
SP Part 16: Super Beki
SP Part 17: Maskara
SP Part 18: Kalangitan
SP Part 19: Masamang Kagandahan 1
SP Part 20: Masamang Kagandahan 2
S2 NOTE
SP Part 22: Bagong Pag Subok
SP Part 23: Ang Ilog ng Balrik
SP Part 24: White Beki
SP Part 25: Mundo ng Kaligayahan
SP Part 26: Bala
SP Part 27: Ad Molibiria
SP Part 28: Ang Bakal na Anghel
SP Part 29: Labanan ng Kagandahan
SP Part 30: Mahinang Puso
SP Part 31: Ordinaryong Buhay
SP Part 32: Banta
SP Part 33: Ang Koleksyon ni Rui
SP Part 34: Kasunduan
SP Part 35: Guhit
SP Part 36: Hangganan (Season 2 Finale)
S3 NOTE
SP Part 37: Dapit Hapon
SP Part 38: Nag lahong Bayani
SP Part 39: Pag subok at Katatagan
SP Part 40: Tableta
SP Part 41: Ang Luha ni Rui
SP Part 42: Dalawang Mundo
SP Part 43: Troy
SP Part 44: Ang Bagong Panginoon
SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun
SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib
SP Part 47: Mahalagang Pangako
SP Part 48: Super Pogi
SP Part 49: Ikalawang Bahagdan
SP Part 50: Alien Civilization
SP Part 51: Tanging Ala-ala
SP Part 52: Walang Katapusang Dilim
SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal
SP Part 54: Liga ng mga Anghel
SP Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan (WAKAS)

SP Part 21: Mananakop (Season 1 Finale)

3.2K 186 35
Door Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 23, 2018

Unti unting nawala ang liwanag sa kanyang katawan at dito ay maigi kong inaninag kung anong klaseng pag papalit anyo ang kanyang ginawa.

Nanlaki ang aking mata sa nakita..

Hindi ko inaasahan na ganito ang kanyang ikalawang anyo.

Part 21: Mananakop

Unti unting bumulaga ang anyo ni Super Beki sa aking paningin noon mawala ang liwanag na bumabalot sa kanyang katawan.

"Eh bakit ganoon? Akala ko ba mag babago ang anyo niya? Bakit ganon pa rin? Buhok lang ang nabago dahil naging kulot ito." ang tanong ko kay Sin

"Aba e hindi ko alam. Hindi ko pa nakikita ang ikalawang bahagdan ng kapangyarihan niyang si Super Beki." sagot nito.

Habang nasa ganoong pag lipad ako ay siya namang pag tingin ni Super Beki sa akin, hinawi niya ang kanyang kulot na buhok na parang lalaban sa pageant at saka nag pose ala miss universe. "How do i look?" ang tanong niya.

"Edi dati pa rin! Wala namang nabago eh!" ang sagot ko naman. "Chaka ka pa rin!" pang aasar ko pa.

"Nag salita ang hindi chaka." maarte niyang sagot sabay tawag sa kanyang alalay. "Anna! Halika nga dito!"

"Nandyan na po!" ang wika ng alalay. Hawak niya ang dalawang boxing gloves at mabilis itong ikinabit sa kamay ni Super Beki. "Ano naman iyan?" tanong ko

"Edi boxing gloves bobang to!" ang sagot ni Beki sabay kumpas ng kanyang kamay.

Nag liwanag nanaman ang kanyang katawan at dito ay nakita ng aking dalawang mata ang pag laki ng kanyang braso at binti ala Taguro. Sumigaw ito na animo super saiyan habang patuloy na lumalaki ang kanyang balingkitang katawan.

"Hindi talaga nag papalit anyo si Queen Elsa dahil ayaw niyang makita ng lahat ang kanyang lakas bilang ang makasaysayang Beki Boxer na sumira sa mga Planeta ng malayong galaxy." wika ni Anna

"Hindi ako aware sa sinasabi mo!" ang sagot ko naman habang nakatingin kay Beki na noon ay palaki ng palaki ang katawan.

"Okay po. Start na natin ang fight na itey!" ang sagot ni Anna sabay hubad sa kanyang suot na gown. Tumambad sa aking paningin ang kanyang katawan na naka maiksing short na pula at bra na kulay itim. May hawak itong numero sa kamay. "Ano naman iyan?" tanong ko sa kanya.

"Round girl po kuya." ang tugon niya sabay lugay ng buhok at sinuklay suklay pa ito gamit ang kanyang kamay.

"Eh may mga sira naman pala itong dalawang beking alien na ito e!" bulong ko

"Nai, mag ingat ka! Nandyan na siya!" ang sigaw ni Sin at ay bigla na lamang sumulpot ang malaking katawan ni Super Beki sa aking harapan at isang malakas na suntok ang iginawad sa aking mukha.

Kasabay nito ang pag rampa ni Anna hawak ang numero 1. Na ang ibig sabihin ay Round one na..

Isang malakas na suntok pa ang iginawad ni Beki sa aking mukha dahilan para mapasadsad na ako sa lupa. Kakaiba ang kanyang boxing gloves dahil para itong bakal na humahataw sa aking mukha.

Dugo ang aking bibig at naramdam ako ng panlalabo ng aking paningin.

Maigi kong itinukod ang aking kamay sa lupa upang maka bwelo sa pag bangon ngunit hindi ako nakaka porma ay isang malakas na tadyak ang tumama sa aking likuran. Paulit ulit ito hanggang sa masubsob na ako sa lupa.

Nagawa niya pa niyang hawakan ang aking ulo at malakas itong iniumpog sa batuhan dahilan para mag dugo ang aking noo.

Hindi ko akalain na ganoon kalakas at kabilis itong kalaban. Ang akala ko ay mas babagal siyang kumilos dahil lumaki ang kanyang katawan, pero mali ako. Mas lalo pa siyang naging mabilis. "Alam mo ba kung bakit kulot ang buhok ko? Dahil ito ang tinatawag na Beki Boxer with a twist!" ang wika niya at doon ay humaba ang kanyang buhok at mabilis na pumalipit sa aking leeg.

Iniangat niya ako gamit ang kanyang buhok at iwinasiwas sa ere na parang isang laruan. Ilang sandali rin ako sa ganoong pagkawasiwas hanggang sa inihagis niya ako sa mga gusaling nawasak.

Lagapak..

Muling rumampa si Anna dala ang card at kumendeng kendeng pa ito habang ipinapakita sa madlang people ang round 2.

Hinahabol ko ang aking pag hinga, halos mapatid ang ugat sa aking leeg sa tindi ng kanyang pag kakasakal sa akin. Idagdag pa ang kirot ng aking ulo at mula dahil sa paulit ulit niyang pag tapak at pag suntok dito.

Muli kong pinindot ang bola ng enerhiya at inilabas ang sandatang baril mula dito. Noong maramdaman kong tumatakbo na patungo sa akin si Beki ay mabilis akong nag tago sa sirang pader ng gusali. Mahigpit kong hinawakan ang aking baril habang inihintay siyang makalapit.

Pag pasok niya sa loob ng lumang gusali ay agad niya akong hinanap. Lumilinga ito at kung minsan ay inaamoy pa ako kung saan ako nag tatago.

Noong maramdaman kong guard down ang kalaban ay agad akong lumundag sa kanyang kinalalagyan. Mabilis kong itinutok ang baril sa kanyang mukha at..

BANG!!!

Sapul ang kalaban sa kanyang mukha dahilan para tumilapon ito patungo sa kinalalagyan ng round girl na si Anna. "Ay Sis!!" gulat na sigaw nito.

Habang naka handusay sa lupa ang kalaban ay pilit kong iniayos ang aking sarili. Hilong hilo pa ako dulot ng sunod sunod na pag suntok sa aking mukha.

Muli tumayo si Super Beki at mabilis itong sumugod patungo sa akin. Kaya naman mabilis kong inipon ang aking lakas at nag tatakbo rin ako patungo sa kanya. Ang lahat ng pwersa ay inipon ko sa aking kamao dahilan para mag liwanag ito.

Nag abot kami sa gitna at dito ay kapwa namin ginawaran ng suntok sa mukha ang isa't isa.

Sumabog ang liwanag sa buong paligid..

Napaatras kami sa isa't isa dahil sa matinding pwersa. Tila yata nabasag ang aking panga dahil dito tumama ang kanyang suntok. At ako naman ay sinapol ang kanyang ilong dahilan para dumugo ang kanyang mukha.

Nag tatakbo si Anna sa kanyang amo at inalalayan ito "mother, unfair! Masisira ang pez mo! Pero siya kahit bugbugin ay walang epek dahil swanget sya! Feeling ko luge talaga tayo." ang wika nito.

"Papatayin ko ang panget na iyan!" ang galit na wika ni Beki habang ng pupunas ng dugo sa mukha.

Noong maka bangon ay muli kaming nag sagupaan ng kamao sa kamaong lakas. Suntukan sa mukha at upakan ang naganap sa aming mga sarili. Hindi ko akalain na mas matindi pa sa tunay na lalaki itong si Beki kung manutok dahil malakas talaga at maka bali ng buto.

Muling nag liwanag ang aking kamao at inihataw ko ito sa kalaban.. Naka iwas siya!

"Wow! Ang galing mo mother!" ang sigaw ni Anna

Hinataw rin ako ng malakas ng suntok, naka iwas rin ako..

Inipon ko ulit ang lakas sa aking kamao at mabilis akong tumakbo patungo sa kanya. Buong lakas kong hinataw ng malakas na suntok ang kalaban..

Naka iwas nanaman si Super Beki..

Kaya ang aking suntok ay lumagpas at tumama sa mukha ni Anna..

Tumilapon ang katawan nito at sumadsad sa lupa..

"Anna!!" ang sigaw ni Elsa.

"Mother, mukhang nasugatan yata ako ng kaunti." ang boses nito na parang nag hihingalo. Kaunti raw ang kanyang sugat e napisak ang kanyang mukha.

Noong mga sandaling iyon ay bakas na bakas sa mukha ni Elsa ang matinding galit. Humarap ito sa akin at dito ay nanlisik ang kanyang mga mata. "Si Anna lang ang kaibigan ko! Siya lang ang naniniwalang maganda ako!! Mag babayad ka sa ginawa ko sa kanya!!! Panget kaaaaa!!" ang sigaw nito.

Sumiklab ang malakas na liwanag sa kanyang katawan at maya maya mabilis itong lumipad patungo sa akin.

Bago pa ako makaiwas ay agad niyang dinakot ang aking mukha at kinaladkad ito sa lupa, nagawa rin niya akong ihampas ng mga gusali ng paulit ulit..

Maya maya ay ibinalibag niya ako sa lupa at dito ay pinag susuntok niya ako ng malalakas. Walang humpay, galit na galit at tila walang balak na mag bigay sa akin ng pag kakataon.

Nasa ganoong posisyon ako ng pilit kong pinindot ang bola ng enerhiya na nakatago sa aking kamay. Dito at lumalabas ang aking sandatang baril at pilit ko itong pinasabog sa kanyang katawan.

BANG!!

Kapwa kami tumilapon dahil sa lakas ng pwersang pag sabog..

Halos magiba na ang buong paligid. Tumagal ng ilang sandali ang aming pag kakahandusay. Ramdam kong paubo na rin ang aking lakas. Ang aking pag hinga ay hindi maayos at pagod na pagod narin ang aking buong katawan. Malabo ang aking paningin at ang ilang parte ng aking tadyang na tila nabali na rin.

Hinahabol ko ang aking pag hinga..

"Mamatay na yata ako. Lumakas nga aking katawan at hindi ako masyadong nakakaramdam ng sakit ngunit unti unting nauubos ang aking enerhiya." ang bulong ko

"Masyado mong ginamit ang iyong lakas. Ilang bahagdan ang aking lakas ang inilagay mo sa iyong kamao ng paulit ulit. Sa tingin ko ay iyon ang umubos sa iyong enerhiya." wika ni Sin

"Pero kaya ko pa! Isang atake pa." ang wika ko habang pilit na bumabangon..

Habang nasa ganoong posisyon ako ay nakita ko si Super Beki na nakatayo na, tumutulo ang berdeng dugo sa kanyang katawan. Hinahabol niya ang kanyang pag hinga..

"Tapusin na natin ito!! Pangeeet!!!" ang sigaw niya sabay takbo patungo sa akin. Nag liliyab ang kanyang katawan..

Samantalang inipon ko rin ang aking natitirang lakas sa aking kamao at dito ay sinalubong ko siya..

Nag abot kami sa gitna..

Buong lakas kong hinataw ang aking kamao na tumama sa kanyang mukha. Ganoon rin siya sa akin na tumama rin sa aking mukha at dito ng liwanag ng husto ang paligid..

Humangin ng malakas dahil sa pwersa at nag dulot ito ng malakas na pag sabog.

Hindi ko na alam kung anong nangyari, basta naramdaman ko na lamang ang pag tilapon ng aking katawan sa lupa. Ang aking kalasag ay nasira at dito ay bumalik ako sa pagiging si Nai.

Nawala na rin ang tinig ni Sin. Patunay na narating ko na ang rurok ng aking kakayahan..

Tumagal ako ng ilang sandali sa ere bagong tuluyang tumama ang aking katawan sa lupa. Kasabay nito ang pag hupa ng malakas na pag sabog.

Halos naubos na ang aking lakas, wala na rin akong kakayahang igalaw ang aking katawan. Patuloy ko pa ring hinahabol ang aking pag hinga.

Tahimik..

Habang nasa ganoong posisyon ako ay laking gulat ko nang makita si Super Beki. Buhay pa ito! Lumalakad siya patungo sa akin kaya naman tila nawalan na ako ng pag asa. Pilit ko mang igalaw ang aking kalaman ay hindi ko na talaga magawa pa.

"Tatapusin na kita ngayon pangit! Buburahin kita dito sa mundo para mawala na ang asungot na humaharang sa akin." ang wika nito habang patuloy na humahaba ang kanyang buhok. Dito ay nakita kong bumalik na rin sa normal ang kanyang anyo. Mukha paubos na rin ang kanyang lakas.

Samantalang kawalan naman ng pag asa ang aking naramdaman habang nakatanaw sa aking nag babadyang katapusan. Pilit kong iniaatras ang aking katawan ngunit wala talaga. Said na ang aking lakas..

Takot..

Iyan ang namayani sa aking pag katao habang palapit ang aking katunggali.

Habang nasa ganoong pag lalakad si Super Beki ay bigla na lamang may kung anong liwanag ang tumama sa kanyang katawan dahilan para mawala ito sa balanse.

Parang binaril ito na hindi ko malaman..

Inikot ko ang aking mata at dito ay nakita ko si Anna na lumalakad palapit sa sugatang si Beki. "Anna, bakit? Bakit mo ako binaril?" ang wika nito.

Ngumiti si Anna at nag wika "Anna who?" ang tanong niya at dito ay unti unting nag bago ang hugis ng kanyang mukha.

Makalipas ang ilang sandali ay bumulaga sa aming paningin ang imahe ng isang magandang babae. "Hello Beki, nagulat ka ba?" ang tanong niya

"Super Ganda? Bakit? Ano ang ginawa mo kay Anna?" ang tanong niya

"Gaga! Nag panggap akong si Anna. Nag panggap akong pulubing bakla para kaawaan mo at gawing alalay. Hindi mo alam na nag papasok ka ng ahas sa loob ng iyong sasakyan. Alam mo beki hindi ka dapat nag titiwala sa mga nakikita mo lang kung saan. Dahil kung minsan ang pinaka malapit na kaibigan ay siya mo palang kaaway." ang wika nito

Napa atras si Super Beki at panandaliang napako ang kanyang tingin sa lupa..

"Umayon ang lahat sa aking plano. Ayoko naman kasi madumihan ang aking kagandahan dahil lang sa pag patay sa iyo. Kaya naman hinintay kong talunin ka ni Panget at ako na mismo ang mag liligpit sayo para mapasa akin ang planetang ito. Ang sinumulan mo ay tatapusin ko at ang lahat ng hirap mo ay ako ang makikinabang. Poor beki." ang malanding wika niya.

Tila nagalit si Beki sa kanyang narinig. "Traydor ka Anna! Nag tiwala ako sa iyo!! Traydor kaaaa!" sigaw niya at dito ay nag bago ang kanyang anyo. Naging malaki ulit ang kanyang katawan at walang ano ano ay inatake kaibigang nag traydor sa kanya.

"Excuse me, hindi ako nag traydor. Nag taon lang na bobo ka." ang wika nito at doon ay hinawakan niya ang hawak na malaking kanyon sa kamay.

Nag liwanag ang sandatang iyon parang nag iipon ng lakas..

Maya maya sumabog ito sa harapan ni Beki. "Time to shine!!" ang wika ni Ganda.

Kitang kita ng aking dalawang mata kung paano nabura ang katawan ni Beki sa isang atake. Hindi ako makapaniwala na napatay niya ng ganoon kadali ang aking kalaban.

At kasabay ng pag kalaho ng katawan ni Beki ay siya namang pag landing ng isang sasakyang pandigma sa mismong pwesto ng sasakyan ni Super Beki kaya nayupi ito.

Lalong nag kagulo ang mga tao sa paligid..

Maya maya bumukas ang sasakyan ng bagong dating kalaban at dito ay lumabas ang isang babaeng may hawak na sniper gun.

Pumose ito at nag salita "Sniper Ready, Give me a target!"

"Nice one Lesley! Tapusin mo na ang lahat ng tao sa paligid!!" ang utos ni ganda

Pumwesto ang kalaban at isa isa niyang binaril ang mga taong gumagalaw. Walang patawad, bata, matanda o kahit na sino ay tinira niya.

Tumawa ng malakas si Super Ganda at marahan itong lumakad sa aking kinalalagyan.

Ako naman ay nag pumilit bumangon upang lumaban sa mga bagong dating na mananakop. Tila isang bangungot ang nagaganap ngayon sa paligid. Nasusunog ang lahat, gumuguho ang mga gusali at nag kakamatayan ang mga tao.

"Hello Handsome!" ang wika niya sabay tutok ng kanyon sa aking mukha.

Umilaw ang bibig ng kanyang sandata..

At bago pa ako kumurap, mula sa aking mata ay isang nakasisilaw na liwanag ang aking nasaksihan..

Mukhang ito na ang katapusan ng lahat..

Nabigo ba ako?

End of Seson 1

********

Author's note: Full Credits sa Mobile Legends

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
126K 7.3K 49
Tatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto a...
105K 3.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...