Sightless Love [COMPLETE]

By QueenV301996

143K 3.3K 618

[ROMANCE/ MYSTERY /THRILLER STORY] An accident change Chloe Nacional's life. It stole something in her. It to... More

Sightless Love
Chapter 1: His Voice
Chapter 2: His Name
Chapter 3: Her Shield
Chapter 4: His Scent
Chapter 5: His Vow
Chapter 6: His Agenda
Chapter 7: His Song
Chapter 8: His Gift
Chapter 9: The Call
Chapter 10: Her Value
Chapter 11: His Wish
Chapter 12: The Suspect
Chapter 13: His Silence
Chapter 14: Her Fight
Chapter 15: Her Reason
Chapter 16: Her Fear
Chapter 17: His Girlfriend
Chapter 18: The Voices
Chapter 19: His Story
Chapter 20: His Surprise
Chapter 21: Her Savior
Chapter 22: The Return
Chapter 24: The Evidence
Chapter 25: His Proof
Chapter 26: Her Safety
Chapter 27: Her Superman
Chapter 28: The Voicemail
Chapter 29: The Killer
Chapter 30: Her Plea
Chapter 31: Her Rescue
Chapter 32: His Loss
Chapter 33: Her Trust
Chapter 34: Her Lovers
Chapter 35: Her Challenge
Chapter 36: Her Promise
Chapter 37: His Past
Chapter 38: The Message
Chapter 39: His Proposal
Chapter 40: The Apology
Chapter 41: The Revelation
Chapter 42: The Invitation
Chapter 43: Her Life
Chapter 44: His Life
Epilogue

Chapter 23: The Confession

2.1K 70 14
By QueenV301996

 p.s wanna here your feedbacks! <3

CHAPTER 23: THE CONFESSION

It’s like the world stopped rotating; the clock stopped ticking; my pulse momentarily stopped beating. Napahugot ako ng hininga pagkarinig na pagkarinig ko pa lang sa boses niya na nakatatak pa rin sa utak ko. Imposible. Imposibleng nandito siya.

Ayoko na siyang makita, or in my case, figuratively. Ni ayokong maramdaman ni katiting na presensiya niya.

“Are you okay?” That soft, husky yet melancholic voice of Martin brought my soul back to my frailing body. Nanghihina ako ngunit sa boses niya ako nakahanap ng kahit kaonting kapanatagan at katatagan ng loob.

Tumango lang ako sa kanya. Hindi ako makapagsalita. I’m too startled and shocked that even opening my mouth will take a whole lot of effort.

Napansin ko lang na nakahawak na pala ang isa kong kamay sa dibdib ko nang hawakan ni Martin ito at ibinaba ito sa kandungan ko. Medyo bumalik-balik na rin sa dati ang paghugot ko ng hininga.

“Can you just leave me with Chloe for a sec?”

Ayan na naman ang pamilyar niyang punto at gaspang sa kanyang boses. Dahil siguro sa katandaan kaya nagbago ang totoy nitong tono, ngunit nandun pa rin ang pamilyaridad sa bawat pagbagsak niya sa mga salita. Siguro nga, imposible na makalimutan ko ang boses ng lalaking minahal ko talaga ng lubos.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Martin sa gilid ko.

“And what made you think I will hand her to some stranger, huh?”

“I’m not a stranger.” Napalunok ako pagkasabi niya ng mga salitang iyon. Matinding katahimikan din ang namayani ngunit ramdam na ramdam ko ang tensyon na umiikot sa apat na sulok ng kwartong ito. “I’m her first boyfriend. Her first love.”

Napakuyom ako ng kamay. Totoo lahat ng sinasabi niya.

“Her everything.”

Isang matunog na ngiti ang narinig ko dahil galing siguro iyon sa gilid ng bibig. Katahimikan ulit hanggang sa makarinig ako ng mahinang pagtawa. That sarcastic laugh came from Martin. I'm sure of it.

“You WERE her everything.” binigkas ni Martin iyon ng may diin sa bawat salita. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya umakto ngayon pero lihim akong nagpapasalamat sa pagtatama niya sa nararamdaman ko.

“Is that so?” Carl said it will full confidence. Ramdam ko ang pagbaling ng tingin niya sa’kin, and it makes me feel uncomfortable.

“Woah. Woah.” an elderly voice butted in which I recognized as Chief Versoza’s. Base sa tono niya, inaawat na niya ang lumalaking tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki.

Inabot ko na rin sa gilid ko ang kamay ni Martin para sana paupuin siya muli ngunit laking gulat ko nang mahawakan ko ang nakakuyom niyang kamay. Martin’s been so calm in these kind of situations; this is the first time I’ve seen him losing his control.

“Martin..” I manage to speak but it came out, almost a whisper. “Let him be.”

“What?!”

“I said,” huminga muna ako ng malalim bago siya hilahin paupo at ibaling ang mukha ko sa direksyon niya. “Just follow him.”

“BUT – “

Nakarinig ako ng malakas na pagtikhim. “Martin, just go.”

“But Verzosa – “

“He’s my boss, Martin! He’s a commanding officer! Tutulungan niya si Chloe!” Chief Verzosa’s voice thundered inside the office. Paniguradong nagulat si Martin sa narinig niya. Lalo na ako. I never knew that he will be a police, when he dreamt of being a pilot.

“Halika na, Martin.” pagpapatuloy ni Chief Verzosa; now, in his calm voice.

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang pagpatong at pagpulupot ng kamay niya sa mga kamay ko na nasa kandungan ko. “Call me if something happens. I’m just behind the door.”

“Okay.”

My eyelids automatically fell down the moment I felt his soft lips on my forehead. I hate to admit, but it certainly helped in calming my nerves. That kiss warmed my heart.

Naramdaman ko ang paglayo niya sa’kin na siyang lihim kong ikinatakot. For some reason, I don’t want him to go. I don’t want him to be far away from me. Kinakabahan ako. Natatakot na harapin ang lalaking nagbigay sa’kin ng matinding sakit at bangungot.

“I’m watching you.” pahabol niya pa na sa tingin ko’y para kay Carl, bago ko narinig ang pagsarado muli ng pinto.

I closed my eyes, took a deep breath and opened it again. As much as possible, gusto ko lang manahimik. Hindi ko kayang makipag-usap sa kanya. Hindi pa. This is all so sudden to me.

Medyo umusog ako palayo sa kanya nang umupo siya sa dating kinauupuan ni Martin, which is right by my side. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong – hininga. Narinig ko rin ang paggalaw ng upuan, siguro’y pinaharap niya ito sa’kin.

“How are you?”

Hindi ko sana siya sasagutin when my nose caught something strange. “What’s that?”

“Huh? Anong sinasabi mo, Chloe?”

Hindi siya ganung katapang. Actually, hindi talaga mabilis na mahahalata yung amoy na ‘yun ngunit dahil mas naging aktibo na ang parte ng katawan kong ito simula nang mawala ang paningin ko, mas nabibigyan ko na ng pansin ang mga maliliit na bagay.

“The smell..” I sniffed again ngunit nawala na rin ito. Maybe I’m just overreacting. “It’s nothing.”

Nakarinig ako ng pagwisik ngunit alam kong hindi iyon pabango dahil walang umalingasaw na amoy. “It’s gone now?” Nag-aalinlangan na tumango ako.  “Naamoy mo siguro yung pulbura ng baril ko. I’m sorry.”

Siguro nga. Pinanatag ko na lang ang sarili ko. “What do you want?” sabi ko hindi ako magsasalita pero hindi nagpaawat ang makulit kong bibig.

“I want to – “

“ – why do you open my case?”

“Chloe – “

“ – why are you here?! Bakit mo ako kinakamusta?! Bakit ka bumalik?! Bakit..” And all my defenses broke down. Hindi ko rin akalain na mapapaiyak na naman ako ng ganito. All those years, I longed for him – to talk to me, to come back to me, to be by my side.  All those years, I suffered in pain. My physical conditon made me feel bad but what he had done emotionally, just made it worse. At ngayon, bumabalik siya?!

“Ssshh..” Hinawakan niya ang kamay ko ngunit tinabig ko ito.

Pinunasan ko ang basa sa pisngi ko at mariing kinusot ang mga mata ko. My tears won’t stop falling. “I don’t want your help.” matigas kong sabi sa kanya.

Nakarinig ako ng pag-usog ng upuan. Nagulat ako nang hawakan niya muli ang kamay ko. Tatabigin ko ulit sana ‘yun nang ipinatong niya rin ang ulo niya rito. Sa posisyon niya ngayon, alam kong… nakaluhod siya ngayon sa harap ko.

“I’m sorry, Chloe. I’m really sorry.” Nababasag ang boses niya habang sinasabi ang mga katagang unti -  unting nagpapalambot sa puso ko. “I’m a coward. Hindi ko alam kung ano ang pinakawalan ko. Patawarin mo na ako. I’m sorry. I’m so..”

Paulit – ulit niyang sinasabi ang salitang “sorry”. Gustuhin  ko mang iignora siya, tinatraydor naman ako ng puso ko na unti – unting bumibigay sa pagmamakaawa niya.

“Get off me.” I tried to make my voice sturdy but I failed. “Tumayo ka na.”

“I won’t stand unless you forgive me.”

Tinulak ko ang ulo niya palayo sa kamay ko. “Hindi ganun kadaling magpatawad sa isang tulad mo, Carl! You’ve hurt me! SO MUCH! SO BAD! I ALMOST DIED BECAUSE OF YOU!”

Habang sinasabi ko ang mga iyon, naririnig ko ang mahina niyang paghikbi.  Nadudurog ang puso ko ngunit mas nangingibabaw ang poot ko sa kanya. Kaunti na lang rin at aagos na muli ang mga luha ko.

I heard a sniff. Nung nagsalita siya, hindi ko masyadong naintindihan dahil naging parang may nakabara sa ilong niya. “Okay, I understand. Hindi mo man ako mapatawad ngayon, but let me help you. Please. Just this. Gusto kong kahit papano, mabigyan ka ng hustisya. Managot ang kung sino mang naging sanhi ng pagkabulag mo.”

I let out a deep sigh. “I’ll let you help me, Carl. BUT I WILL NEVER TRUST YOU AGAIN.”

“You don’t need to trust me, Chloe.” bulong niya. “I just need to be by your side. Kontento na ako.”

Napapikit ako. Ayoko na ulit maniwala sa mga sinasabi niya. Sinaktan niya ako. SINAKTAN NIYA AKO! Hindi ko na ulit siya hahayaang pumasok sa puso ko.

“I still care for you, Chloe because…”

“I’m going.” Tumayo na ako, kinuha ang folding stick sa bulsa ko at pinakawalan iyon. Ayokong marinig ang sasabihin niya. Kinakabahan ako. 

Tanda ko pa naman kung saan ang pinto kaya dumiretso na ako dun. Pinatigil ako ni Carl na hawak ako ngayon sa braso.

Humarap ako patalikod at binigyan siya ng nakakamatay na tingin. “Let go of me.”

“Makinig ka muna sa’kin.” he said, in his pleading tone.

“LET GO!” Ngunit imposible yatang pakawalan niya ako dahil hindi pa rin siya natinag. Nagulat nalang ako nang may pwersahang umalis ng kamay niya mula sa’kin. Naamoy ko rin ang nakaliliyo niyang amoy.

Martin. His name just popped into my head.

“She said, let her go. Can’t understand, eh?” I heard him smirk. Nagpaubaya na lang ako nang hawakan niya ako sa pulsuhan at hilahin palayo kay Carl.

Makakahinga na sana ako ng maluwag kung hindi ko lang narinig ang pahabol niyang pagsigaw sa’min.

“I STILL LOVE YOU, CHLOE!”

Carl still loves me.

Continue Reading

You'll Also Like

117K 2.8K 52
What will you do if you end up in someone else body?
5.3K 360 29
She will never escape his trap. She'll be forever lured in his new and arrogant ways even if she should stay away. Like glitter, finding the friction...
7.2K 613 26
KEENO'S PRINCESS (2023) Binger S. Princess Quinn Tuazon never had a problem with food allergies. Pero sa tao, mayroon. Anino pa lang ni Keeno Prince...
313K 16.3K 75
Alabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a m...