Nerd noon, Artista ngayon. [U...

By misseysi

9.2M 267K 33.8K

[COMPLETED] Highest Rank : #1 in Teen Fiction Ito ang kwento ni Acee Jade Furukawa, ang slight na malanding... More

Chapter 1 - Who?
Chapter 2 - Arachnophobia
Chapter 3 - Stupid
Chapter 4 - Childhood Friends
Chapter 5 - Selos
Chapter 6 - Specialty
Chapter 7 - Hati
Chapter 8 - Page
Chapter 9 - Canteen
Chapter 10 - Found Out
Chapter 11 - She Failed
Chapter 12 - Comfort
Chapter 13 - Spread Out
Chapter 14 - Ang Katotohanan
Chapter 15 - The Long Lost Friend
Chapter 16 - Scaredy cat
Chapter 17 - Late
Chapter 18 - KISA
Chapter 19 - Interview
Chapter 20 - Burp
Chapter 21 - Skating
Chapter 22 - Bully
Chapter 23 - Flash Back
Chapter 24 - Halloween
Chapter 25 - Halloween Pt. 2
Chapter 26 Halloween pt. 3
Chapter 27 Halloween Pt. 4
Chapter 28 Halloween pt. 5
Chapter 29 - Halloween pt. 6
Chapter 30 Halloween pt. 7
Chapter 31 Halloween pt. 8
Chapter 32 Halloween pt. 9
Chapter 34 - Halloween Part 10
Chapter 35 - Hate messages
Chapter 36 (Contact Lens)
Chapter 37 (Review & Friends)
Chapter 38 - Test
Chapter 39 - Passed or no?
Chapter 40 - Valentines Day
Chapter 41 - Booth.
Chapter 42 - Section A
Chapter 43 - Defensive
Chapter 44 - Someday...
Chapter 45 - Broken Hearted
Chapter 46 - Confrontation
Chapter 47 - War
A/N
Chapter 48 - Rehearsal
Chapter 49 - Performances
Chapter 50 - Just got V
Chapter 51 - Wrong thought
Chapter 52 - Realized
Chapter 53 - Detention
Chapter 54 - Confined
Chapter 55 - Airport
Chapter 56 - Hollywood
Chapter 57 - Exchange
Chapter 58 - Girlfriend
Chapter 59 - Date (AceRiel)
Chapter 60 - Pretending No More?
Chapter 61 - Balut
Chapter 62 - The Reunion
Chapter 63 - Inlove with my bestfriend (Clarize)
Chapter 64 - Bakit ba ikaw?
Chapter 65 - The Revelation
Chapter 66 - Jhaycee or Aceriel?
Chapter 67 - The End?
Chapter 68 - Christmas Eve
Chapter 69 - Happily Ever After (Finale)
Author's Note

Prologue: Nerd Noon, Artista Ngayon

713K 9.9K 2.2K
By misseysi

I wrote this story way back 2013. 12 years old palang po ako noong sinulat ko 'to. Don't you worry it was already edited, pero ang ibang chapters lang. Pero sana intindihin niyo nalang yung mga kabaliwan ko sa pagt-type noon. Hahaha. Thankyouuuu.

NOTE: Before you read this story, I want to tell to you that this is under revision. Kailangan pa pong i-edit at baguhin ang mga ginamit na words sa libro kaya naman baka maguluhan po kayo. Pero kayo bahala kung gusto niyo pa din basahin, haha!

---

Acee's POV

First of all,

I'm not rich

I'm not famous

I'm not beautiful

and,

I'm a commoner,

I'm a nerd,

and

just an ordinary girl.

















"Uy, tignan mo oh." I staggered nang biglang nagsalita ang kaibigan ko na kasama 'kong mag lakad ngayon papunta ng library. "--Yie!" siniko pa ako..

Lumingon ako kung saang direksyon ang itinuturo n'ya and I was really on shocked. "Eeek, si--" Pinagpapalo ko s'ya at hindi na naituloy ang dapat na sasabihin 'ko. Nakita 'ko ang mukha ni Jhay sa isang tarpaulin na nasa bulletin board ng school, ngayon nga pala ang basketball ng mga varsities ng Handford University at ng Warford University. Shocks, I think I'm on cloud nine!

Hinila 'ko na kaagad ang kaibigan 'ko upang makisingit sa loob ng gym. Sakto kakasimula palang ng 2nd Quarter, umupo kami sa bleacher na nasa harap at malapit sa mga players. Mabuti nalang may advantage ang pagiging member 'ko ng Science Club at meron akong I.D para makapasok sa VIP!

Nakalimutan 'ko na ngayon pala ang laro nilam sana pala nakapag handa pa ako ng banner para sa kan'ya.. But I don't have the guts to do that though!

I stared at him with my two hands supporting my head, nanlalambot at kinikilig ako sa tuwing pinagmamasdam 'ko s'ya. He's so cool and his sweats falling from his hair, face and shoulder makes him to look cooler!

Timeout na at naka shoot pa s'ya ng 3 points! Waaaaah. Ofcourse I'm not the only one who's so crazy about him, sobrang dami namin at hanggang ngayon umaasa pa din akong mapapansin n'ya ako.

Uminom s'ya ng tubig nang makaupo s'ya sa bench at pinunasan ang pawis n'ya. O.M.G! I swear, ang bango pa din n'ya kahit tagaktak na ng pawis. And suddenly my mouth fell open when he poured out those water through his body! ANG HOT MGA SIS! Tuluyan nang namula ang pagmumukha 'ko dahil sa ginawa n'yang yun.

And I'm not expecting na ako lang ang nakakita no'n. Nagtilian ang mga babae sa likuran 'ko ngayon. Shooocks, halos lahat sila naka focus lang sa bawat pag kilos ni Jhay!

Out of all the other girls dito sa loob ng University, imposibleng mapansin n'ya pa ako.

Dahil isang hamak na commoner lang ako dito sa Handford University. Scholar ako, kaya nakapasok ako. Almost of all the students here are affluent, presentable and well known. Other students are showing up to any other commercial. Eh, ako? Isang hamak na commoner lang ako dito sa Hanford--- okay, paulit ulit na tayo, haha!

"Acee! Bakit naman bigla kang natulala d'yan?!" Napatigil ako bigla sa pag iisip nang tinawag ako ng babaeng kasama 'ko. Her name is Clarize, she's intelligent and scholar as well. S'ya ang palaging sumusunod sa akin sa honor. We're bestfriends for almost 4 years, palagi kasing magkasunod ang final average namin.

"H-Ha? Hindi ah. Inaantok lang ako." Sinungaling ka talaga Acee, kahit kailan.

"Nako, Acee.. alam 'kong hindi ka aantukin lalo na't kasama si Jhay sa naglalaro ngayon.." Tinignan niya ako habang naka crossed arms.. "palibhasa patay na patay ka d'yan sa lalaking yan." atsaka siya tumawa. "Basta ako, kay Marky lang. Mas gwapo naman yun no?" Inilagay naman n'ya ang dalawa n'yang kamay sa pisngi niya na parang nagd-daydream as what I did earlier.. "Eh, ang tangos naman kasi ng ilong n'yang si Jhay, eh." And then she sat properly.. "..Sa sobrang gwapo, pumapangit na." Bulong n'ya sa'kin. I glared at her.

"Ang sama mo talaga Clarize, hindi naman kaya 'no?" Binalik ko ang pag titig kay Jhay habang busy s'yang naglalaro and here's me.. dreaming. "Eh, anong gusto mo? Pango?" Sabay 'kong tawa. Hindi sa napapangitan na ako sa mga pango, maski ako ay hindi katangusan ang ilong. Pero intindihin n'yo na lamang ako, ganun talaga ang mga standard naming mga babae kung ibabase sa mukha. "Alam mo, 2 years ko na s'yang crush, pero.. hindi pa rin n'ya ako napapansin." I pouted.

Ifa-flashback ko pa ba kung kailan ko naging crush si Jhay? 'Wag na kaya? Nakakatamad, eh. Haha, joke lang. Sige... teeneeeeen..

FLASHBACK

Naglalakad ako paakyat ng hagdan sa building namin.. "Hays!" Napabungtong hininga ako. Paano naman kasi, ni-reject na naman ako ng crush ko..

Sabi ba naman n'ya, "Sino ba magkakagusto sa'yo? Eh, ang pangit mo. Atsaka, ang weeeeird.." Tinignan n'ya pa ako mula ulo hanggang talampakan. "Tingnan mo naman 'yang suot mo. May braces, salamin na makapal, pimples, makapal na bangs, pati yang suot mong damit, halatang luma na." Tinitignan ko lang s'ya habang bahagya akong nakayuko. "Alam mo, uso din gamitin ang suklay. Ang jologs mong tignan. At paano ka ba nakapasok dito?" Tinignan n'ya ako nang halatang may pandidiri sa mukha. "..Mga mayayaman lang ang nakakapasok dito, hindi ka bagay dito." tumalikod na s'ya at bahagyang tumawa habang naglalakad papalayo. Ang yabang ne 'to! Akala mo naman kung sinong gwapo! Maputi ka lang.

If you're all wondering kung bakit meron akong braces kahit commoner lang ako, hinuhulug-hulugan kasi ito ni Mama mula sa mga pinapadala ni Papa mula sa Japan. Kinuha lang naman kasi ako ng school na 'to kaya ako nandito. Hindi ko na pinalagpas pa ano? Bigating school na ito, eh. Anyways..

Pwede n'ya namang sabihing walang chance na magka gusto s'ya sa akin, pero yung lait laitin pa ako? No way. Major.... TURN OFF.

Hays, ang lakas ng loob 'kong mag sabi ng 'major TURN OFF', eh hindi naman ako 'ka turn on TURN ON.'

Wala na nga akong mahanap na maging crush, eh. Soo.. magkakaroon ulit ako ng "OPLAN HANAP CRUSH" Haha! Ayos lang yan. Crush lang naman, eh. Inspirasyon, ganorn!

Okay, dapat.. matangkad, matangos ilong (optional), kissable lips at matalino... Matalino hindi ba? So, nasa Section A ito. Maghahanap ako sa Section A, now na! Dumaan ako sa room ng Section A nang maka akyat ako mula sa ground floor. Sakto, hindi pa nila pasukan. Nakapila palang silang lahat-- lahat ng mga boys ay naka indian sit.

Habang naglalakad ako sa harap ng mga boys. Tinitignan ko sila isa-isa --- mukha na akong baliw dito pero wala na akong pakialam. Alam ko naman na hindi nila ako papansin.

I sighed.. wala ako mahanap sa harap ng pila. Umm, di 'ba matangkad? Malamang, doon sa hulihan ng pila. Naturingan kang 1st Honor Acee, pero bakit ang bagal mong mag isip pag dating sa ganito?

Nakita ko yung nasa pinaka huli *o* --- may kapre.

Hahaha biro lang!

Ang gwapoooo. Nasa kan'ya na lahat ng hinahanap ko. Matangkad, may kissable lips at pointed nose! Is he what we called 'the one'? Oh my goodness! Hihihi.

Nakaharap sa kan'ya yung nasa harapan n'ya sa pila at mukhang busy silang mag kwentuhan. Pero nabigla ako nang magtama ang mga mata namin at siguro mga limang segundo din iyon. Shocks! Na-love at first sight ata ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang anytime sasabog na 'to. Pero bakit ganon? May nakikita ako sa kaniyang dark aura..

..sana naman mabait s'ya, hindi katulad ng mga lalaking nagiging crush ko!

Kaya lang biglang naputol yung titigan namin nang umandar ang pila nila. Pasukan na dahil biglang nag ring ang bell. Inalis ko din agad ang tingin ko sa kaniya at tumakbo papunta sa room namin. When I finally reached our classroom, I ran quickly to Clarize -- just to share my crush experience. Hihi!

END OF FLASHBACK

Inaya na ako ni Clarize na bumalik na sa classroom namin. Tapos na pala ang Lunch Break, pero hindi pa tapos ang game.. hays. Matitigil tuloy ang panonood ko kay Jhay! But it's alright, malaki naman ang lamang nila sa kalaban! "Alam 'kong kaya mong ipanalo 'to Jhay, I believe in you!" I whispered from his back while he is sitting infront of my VIP seat, pinupunasan n'ya ang pawis n'ya habang nakikinig sa coach nila. Mukhang hindi naman n'ya narinig ang sinabi 'ko sa kan'ya but that's okay! Mas mabuti na yun. Nakakahiya, eh!

Umalis na kami sa loob ng GYM nang nagsimula na ang 3rd Quarte at bumalik na sa classroom. Sakto, kararating palang ng professor "Goodmorning, class!" He greeted us as he walk inside of the room. "..Meron kayong magiging bagong classmate." Lumingon s'ya sa pintuan kung na saan na yung tinutukoy n'yang magiging bagong classmate namin. Tumango si sir sa kan'ya na parang sinesenyasan s'ya na pumasok na at magpakilala.

Babae s'ya. Matango ang ilong -- parehas sila ni Jhay. Maganda, matangkad, mag kasing tangkad lang kami.. "Okay, introduce yourself Ms. Martinez." Untag sa kan'ya ni sir. Nasa kan'ya na ang atensyon ng lahat ngayon.

"Hello, I'm Aelijah (Note: 'Aliya' po ang tamang pronunciation.) Pinalipat po ako dito ni Mommy because of her work as a teacher in this University." She smiled sweetly na halata sa mukha n'yang nahihiya s'ya.

Tinitignan lang namin s'ya at hinihintay ang mga susunod n'yang sasabihin.

"Umm.. mahiyain po ako at hindi po ako masyadong friendly. Nahihiya po kasi akong makipag usap." Mukhang mabait at mahinhin naman s'ya base sa nakikita at nararadaman ko ngayon..

Lumingon ako bigla kay Clarize at ganoon din s'ya sa akin at para bang alam na namin ang susunod naming gagawin. "Ah, sige!" Ngumiti sa kaniya si sir. "Umupo ka na. Doon ka sa likod -- doon sa tabi ng may makapal na salamin at bangs at sa payat na babae." Nagulat naman kaming dalawa ni Clarize dahil nakatingin sila samin, tumingin ako kay sir na nakatingin rin sa'min. Alright, sino pa ba ang merong makapal na salamin at bangs dito sa likod? Ako lang naman. Lumapit na sa amin si Aelijah atsaka umupo na sa tabi namin. Hindi siya nag sasalita at naka tingin lang siya sa harapan kung saan nagsasalita na si sir.

Tumingin ako kay Clarize at tumingin din naman siya sa'kin. Pinag gigitnaan namin si Aelijah ngayon. Tumango ako na para bang sinesenyasan s'yang maunang mag salita. Awkward.

"Uy!" Bati ni Clarize, lumingon si Aelijah at mahinhing ngumiti. "H-hello!" Bati ni Aelijah sa kaniya.

"Teacher dito yung mommy mo?" Tanong ni Clarize, mukhang may magiging kaibigan ulit kami, hmmm..

"Uh, oo!" Ngumiti ulit siya nang sinagot ang tanong ni Clarize.

"Ah, eh.. anong subject naman yung tinuturo niya?" Kumportableng tinanong s'ya ni Clarize."English." Sagot ni Aelijah sa kaniya.

"Ah." ..... tahimik lang kaming tatlo. Halatang wala nang maitanong si Clarize, haha! Pinipigilan ko lang ang tawa ko! "Ikaw naman mag tanong Acee." Senyas n'ya sa akin, bahagyang nanlaki naman ang mga mata ko sa sinenyas n'ya.

"Aelijah, meron ka na bang mga kakilala ditoooo?" I raised my eyebrows as I asked her and smiled widely.

"Mmm, oo." She answered confidently at mukhang pinipilit ang kaniyang pag tawa. Ano meron? "Ah, sino naman?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Kayo." Ay wow, grabe. Napaka ayos ng sagot. "Ah, oo nga! Syempre, maliban sa amin?" Natatawa kong tanong sa kan'ya.

"Wala pa." Bahagya din siyang tumawa at tinatakpan pa yung bibig niya. "Anong pangalan n'yo nga pala?" tanong niya sa'min at mas lalong lumapit pa sa amin.

"Ako si Acee (Note: Eysi ang pronunciation ni 'to.), at s'ya naman si Clarize." Atsaka itinuro si Clarize na katabi niya sa kabila, mabilis din namang ngumiti si Clarize. Yep, ganito kami ka-friendly, kasi alam namin ang feeling nang hindi pinapansin at hindi binigyan ng halaga. Haha!

"Ah. It's nice to meet the both of you." She smiled sweetly again at itinaas ang kaniyang kanang kamay para makipag kamay sa aming dalawa ni Clarize.

"Hihihi, nice to meet you as well." Nagshake hands kaming tatlo. "Let's be friends!"

-----

After 6 days since we met Aelijah... Naging close na rin agad kami, madali lang naman s'ya pakisamahan..

"So, sino ngang crush mo dito?" kinikilig niyang tanong sa'kin habang naglalakad kaming tatlo sa hallway ng building.

"Si Jhay Daniel Santos." Kinikilig kong sagot. "Kilala mo ba yun?" Kumunot ng bahagya ang mga kilay ko habang nagtatanong sa kaniya. Malamang hindi n'ya kilala 'yun, transferee lang naman s'ya, hindi ba?

"Hmm, familiar. Pero, hindi ko maalala." Nakataas na ngayon yung kanang kilay ko, familliar? "Ikaw naman Clarize, who's your crush here?" Binalingan naman n'ya ng tingin si Clarize atsaka nagtanong.

"Ha? Ah, si Mark Reyes." Sagot niya habang nakangiti. Marky and Mark is the same person she's talking about. Sobrang tagal na n'yang patay na patay kay Mark! "Ah, hindi ko yun kilala." Natatawa saad ni Aelijah, patuloy pa din kami sa paglalakad.

"Hmm, gusto ko sa'yo ipakita si Jhaaay!" Masaya at excited kong sabi sa kan'ya, tumalon talon pa ako as we walk. "Sige sige! Pakita mo naman sa'kin, para makita ko yung mukha niya." she smiled.

"Oo, agad agad. 'Pag nakita natin s'ya!" nakangiti kong sabi sa kan'ya.








Pumasok na kami sa klase namin na Physical Science, umupo na din agad kami atsaka nag behave.

"Class, listen.. magkakaroon tayo ng Science Exhibit sa loob ng library ngayon." Nabigla ako sa sinambit ni Ma'am. Science Exhibit!? Excited na ako! Sino kaya yung mga mag tuturo sa'min? Mga science teachers kaya namin or yung mga professionals?

"Nandoon ang Section A at sila ang magtuturo sa inyo for this day." SECTION A?! Waaaaah.. Ibig sabihin, nandoon si Jhay? Waaaah.. sabay kaming napalingon ni Clarize sa isa't isa. At muntik na ako tumili pero, syempre... pinigilan ko yun kung hindi malalagot ako. Pinagtatadyak ko nalang yung paa ko habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig para mexpress yung kilig ko at para hindi maingay.

"Ano ba nangyayari sa inyo? Meron ba akong hindi alam?" Tanong sa'min ni Aelijah, s'ya lang kasi hindi nagdiriwang sa aming tatlo, it seems like she's out of place. Hindi n'ya pa pala alam.

"Ano ka ba naman? Section A kaya si Jhay!" Saad ko, mapupunit na ang mukha ko dahil sa ngiti kong abot hanggang tenga.

"Whaaat? Talaga? Excited na akong makita s'ya!" Mukhang mas excited pa ngayon sa'kin si Aelijah.

"Hahaha, Oo nga eh. Hoy! 'Wag mo kong agawan don!" Hindi siya nagsalita. At lumabas na para pumila.




















S C I E N C E E X H I B I T.

Nandito kami sa labas at muling naghihintay. Hindi pa kasi ata tapos yung ibang section doon sa loob ng exhibit. Hays, nakaka bored naman dito. Binuklat ko nalang ulit yung libro ko at nagbasa habang nag hihintay sa labas. Si Aelijah kasi gamit yung phone n'ya at hindi ko alam kung ano yung kinukulikot n'ya doon, habang si Clarize naman ay nag susulat ng kung ano sa papel, assignment ata iyon.

After 25 minutes..

"Lima-lima lang po muna ang papasok." Pasigaw na sabi nung babae na galing ata sa Section A. Pumasok na yung lima naming classmates na nauuna sa pila. Napa face palm nalang ako sa narinig ko. Lima-lima lang? Kung sa bagay, para hindi crowded.. pero... okay fine.

Bumuntong hininga ako "Ano ba yan, maghihintay na naman tayo." Pinaka huli pa naman kami. Muli akong umupo sa isang gilid, nawala tuloy ang pagiging excited ko.

After 25 minutes ulit..

Bigla ba naman akong napatayo at nag ningning ang mga mata dahil kami na ang susunod! "Pwede na po kayong pumasok!" nakangiting sabi ng babae as she welcomed us inside.

"Oki." bulong ko sa sarili ko. Pumasok na kami nila Clarize at Aelijah na sobrang excited at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil baka magakagawa ako ng hindi maganda sa loob, huhu. 'Wag naman sana...

Nakita ko si Jhay doon sa mga telescope, siya ata yung magtuturo tungkol sa telescope. Edi doon muna kami sa Telescope. HAHAHA!

Naglakad na kami papalapit sa mga telescope. Siniko ko naman si Clarize habang nakatingin pa din kay Jhay dahil nga syempre kinikilig ako kasi nasa harap namin s'ya. Nagulat ako ng bigla akong tinulak ni Clarize, hindi ko inaakalang mabubunggo ko yung lamesa na kung saan nakalagay ang mga telescope. Muntik na mahulog ang mga ito, buti nalang mabilis ang response ko at nasalo ko kaagad lahat. iaangat ko na sana ang ulo ko kayalang biglang may nag salita--

He chuckled. "Psh! Paki ayos nalang po yung paglalakad niyo please lang. 'Wag kasing malandi." O.O Napalunok nalang ako ng sarili kong laway.. Aaaalright, si Jhay ang.. nagsalita. 'Pano na 'to.. Parang ayoko na tuloy iangat ang ulo ko. Ayoko na! Nahihiya na ako... But still, malamang inangat ko na. Ano, buong araw akong nakayuko at hawak hawak ang telescope na 'to? It's a big no! Haha! Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ko si Jhay na masama ang tingin sa akin. That death glare.. I don't know if it's a death glare or what..

"H-Hi?" Maarti kong pag bati.

"Ano ba? Habang buhay ka na ba diyan? Pwede ka nang umalis sa table na 'to." Pang susuplado niya sa akin. Mabilis din naman akong umalis sa desk na yun.

Inayos ko yung damit ko, pati buhok ko. Narinig ko yung mga pagbubulungan ng mga tao sa loob at pagtatawanan nila dahil sa ginawa ko. Hindi ko nalang sila pinansin, dahil baka kung ano pa ang mangyari.

Nakatayo lang kami doon habang nakatingin kay Jhay na sa ngayon ay nag aayos ng desk. Binalingan ko ng masamang tingin si Clarize. "Oy! Ano ba namang ginawa mo?! Bakit mo ako tinulak?" pasigaw pero pabulong kong sabi sa kan'ya.

"Hihihihihi. Eh, bakit ba? Okay lang yun. Nakakakilig nga kayo eh!" Eto talaga si Clarize, palibhasa hindi s'ya yung sumubsob. "Nakakakilig ba yun para sa'yo?" I chuckled at umiling. Hayaan na nga lang natin.

"S-s'ya ba... si Jhay?" Tanong sa'kin ni Aelijah habang hindi binabaling ang tingin niya sa'kin, patuloy pa din ang pag titig n'ya sa mukha ni Jhay. I feel.. there's something.. but I hope there's not.. "Ay, oo. Bakit?" Nakakunot ng bahagya ulit ang kilay ko habang nagtatanong.

"Nevermind." Nakatitig lang siya na para bang may malalim na iniisip. Nac-curious ako.. what is she thinking? Hmm? Bumulong ako, "Ang gwapo no?!" sabay ngiti sa kan'ya.

"Hihihi, oo nga eh." Unti-unting nawala yung ngiti sa labi ko.. the tone of her voice as she answered my question really left me hanging.. anong ibig sabihin n'ya sa sagot n'ya?

"Ano ba yang pinaguusapan n'yo? Bilis, pumunta na kayo dito. Magsisimula na tayo.." Mabilis naman kaming nag lakad papunta doon. Lumakas na naman ang tibok nang puso ko! Sa tuwing lumalapit ako sa kaniya ganito ang nararamdaman ko.

"A telescope is an optical instrument designed to make distant objects appear nearer, containing an arrangement of lenses, or of curved mirrors and lenses.." Aniya habang pinapakita ang mga parte ng isang telescope. "..by which rays of light are collected and focused and the resulting image magnified." Na speechless ako at natulala sa kan'ya habang nag tuturo.. "Blah blah blah." Nakatitig lang ako sa kan'ya at hindi ko na pinapakinggan ang mga sinasabi n'ya. Well, I already read that thing about the telescopes so there's no need to listen pa.. Ang cute n'ya talaga! Namumula na ata yung mukha ko ngayoooon.

Pakiramdam ko nga biglang huminto ang oras sa paligid 'ko at yung kabog lang ng dibdib ko ang naririnig 'ko at s'ya lang ang nakikita ng mga mata 'ko, bulaklak naman ang nakikita 'ko sa paligid n'ya..























H A L L W A Y

Noong natapos na yung Science Exhibit.. eh malamang lumabas na kami. Haha! Paglabas namin, tumili kami! --- Syempre, charing lang. Bawal yun, malalagot kami.

Pinag usapan lang namin si Jhay.. "Oh, hindi ba, sabi sa'yo 'eh! Ang gwapo talaga non!" Confident 'kong sabi kay Aelijah habang naglalakad kaming tatlo pabalik ng classroom. Nasa gitna ulit namin s'ya ni Clarize.

"Oo nga eh, ang gwapo n'ya." nakatingin s'ya sa malayo habang nakangiti. Hays, kung pwede ko lang mabasa yung iniisip n'ya ngayon eh, kanina pa ako nac-curious kaya. "Mas gwapo si Marky!" Singit na natatawang sagot ni Clarize kaya naman napalingon kaming dalawa sa kan'ya.

"Haha, hindi. Para sa'kin mas gwapo si Jhay." Sabi naman ni Aelijah. Aba! Baka agawan pa ako ng babaeng 'to ah? Mahirap nang maagawan lalo na kung mas maganda sa akin 'yung aagaw!

"Yup!" with popping 'p' na untag ko. "--at akin lang s'ya." Nakangiti 'kong sabi sa kan'ya.

"No. Akin na siya!" Sabi ni Aelijah. ABA.

"What? No!" pagdadabog 'kong sabi. Humanap s'ya ng pwede niyang maging inspirasyon at crush sa campus, 'wag lang yung inspirasyon at crush ko ngayon.

"Mas nauna kaya ako sa'yo!" Saad ni Aelijah habang hindi pa din nakatingin sa'kin.

I chuckled. "Anong nauna?! Eh, mas nauna ako? Duh, 'pano mo naman nasabing mas nauna ka, aber?! Eh, bagong lipat ka lang naman dito 'di ba?" Tanong ko sa kan'ya. 'Di ba? Kita n'yo naman, na mas nauna ako kay Aelijah! Bakit naman n'ya sinabing s'ya ang nauna?! That's unfair.

"Basta! Mas nauna ako!" Pang aasar n'ya pang sabi at biglang takbo papalayo. "Hoy!" sigaw ko. Mabuti nalang at wala pang nagk-klase ngayon dito. "Saglit nga!" Sigaw naming dalawa ni Clarize atsaka hinabol siya.

















SA BAHAY

Nasa bahay na 'ko. Nandito pala si Tita Kacey -- ang amiga ni Mama. "Hi po!" Nakangiti 'kong bati sa kan'ya nang pagpasok ko sa bahay at napansin ko s'yang nakaupo sa sofa namin.

"Hello hija." Nakangiti n'ya 'ding bati sa'kin. "Kamusta na?" Nakangiti n'ya 'ding tanong sa akin, parang ngayon nalang din n'ya ulit ako nakita ah?

"A-ayos lang naman po." I chuckled at lumapit pa sa kan'ya. "Kayo po, kamusta na?" Nasaan ba si Mama at bakit hindi n'ya kausapin si Tita Kacey dito sa sala! Well, mukhang busy si Mama sa pagluluto n'ya sa kusina.

"Ayos lang naman din, humihinga pa naman." Natatawa niyang sabi sa akin. Napangiti nalang din ako. Tumabi na muna ako sa kan'ya sa sofa, partida naka uniform pa ako hanggang ngayon at wala pang bihis bihis.

"Bakit nga po pala kayo nandito?" tanong 'ko nang tumabi ako sa kan'ya.

"Kinamusta ko lang naman ang mama mo. Aalis muna kami maya-maya at may pupuntahan sana." Sagot n'ya, tumango lang ako.

So.. maiiwan ako dito mag isa?! Ano gagawin ko dito?! Mag bibilang ng buhok 'ko? Paghihiwalayin yung butil ng asukal at kape sa 3in1 coffee? O kaya naman tatanggalin isa isa yung buto ng strawberry? Ay wala nga pala kaming strawberry sa bahay... oops!

"Ay, oo nga pala Acee hija. May ibibigay ako sa'yo!" Excited n'yang sabi nang kinuha ang isang bag mula sa likuran n'ya. "Ah, ano naman po 'yun?" Kumunot ng bahagya ang noo ko at na curious sa ibibigay n'ya.. ano naman kaya 'yun?

"Eto." Meron s'yang inilabas sa bag n'ya. Nabigla at bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.. isang l-l-laptop?! Huwaaaat?! "Y-yan po?" I sarcastically chuckled a bit. "Ano naman po ang gagawin ko dyan?" napalunok ako ng laway sa natanong ko. Eh, wala nga ako ng tinatawag nilang Facebook, eh!

"Edi libangan, whenever na wala kami dito. Yan nalang pag libangan mo para may magawa ka naman kahit papaano!" nakangiting sabi n'ya sa'kin. Hindi ko talaga pinangarap na magkaroon ng mga ganito dahil nga wala kaming pera pang bili. Pero ang bigyan ng ganitong bagay ay napaka laki na para sa akin!

Woooz, ang bait naman ni Tita Kacey! Yey! Mabuti kakakabit lang ng wi-fi namin dito sa bahay. "Talaga po?!" nanlaki ng bahagya ang mga mata ko at napaayo sa galak. "Salamat po! Salamat po talaga!" Excited 'kong sagot sa kan'ya. Excited na akong gamitin 'to!

"O's'ya, sige na. Mag bihis ka na at dalhin mo na rin 'yan sa kwarto mo." Aniya atsaka na ako dumiretsyo sa kwarto upang mag bihis.

Hindi ko naman talaga Tita si Tita Kacey. Tawag ko lang talaga ay 'tita'. Wala lang, sabi kasi ni mama, tita daw ang itawag 'ko sa kanya. Si Tita Kacey kasi at si Mama ay mag kaibigan mula noong highschool sila.

Nandito na ako sa kwarto at inilapag ko muna ang laptop sa higaan ko. Ang bait talaga ni Tita! Grabe! Hindi ako maka move on, masyadong mabilis ang pangyayari kanina!

Anyways, ginamit ko muna yung natitira 'kong oras para mag internet since wala naman akong importanteng gagawin. Atsaka excited na akong gamitin 'tong laptop! Eeeeek! Syempre, binuksan 'ko na muna ang Facebook ko, though I'm more on reading a book but ofcourse I still want to be in! Ginawan na nga pala ako ng Facebook ni Aelijah.

Inadd na pala ako ni Aelijah. Hinanap ko yung facebook account ni Jhay! Eeeek! Gusto kong makita mga pictures n'ya sa Facebook n'ya! Search... search.. search..

Nakita ko na, ayun! Binigyan ko na s'ya ng friend request! Maya maya lang.... he already confirmed my friend request at naka online din s'ya! Kyaa~ is this my moment to shine into his life? Haha kidding!

Bigla siyang nag chat! O.M.G! Bumilis na naman bigla yung tibok ng puso ko ngayon. Kinakabahan ako! Gusto 'kong tumili pero hindi ko magawa dahil nag uusap na sila mama at tita sa sala.





NAG CHAT SIYA SA AKIN! Pag tingin ko ng message niya...

J: pa like

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=397290033670016&set=a.389197784479241.84610.100001670689164&type=1&theater salamat ;)

Ay, ang saklap.. may pinapa-like lang pala. Pero, shooocks! Oh my! May pakindat effect pa siya! Hindi ko na to kaya!

A: Hello po.

J: Hi.

A: Kilala nyo daw po ba si aelijah? sabi po kasi nya tanong ko daw sayo kung kilala mo sya.

(Pinapatanong talaga niya yun)

J: Oo.

Bakit?

A: Pero sa facebook pangalan nya aja halsey martinez

Crush ka kasi non eh.

J: Ok

A: Hahaha, kinikilig yun 'pag nakikita ka!

Hindi na siya nag reply pa ulit. For your information, totoo pong chat namin yan ni Jay. Haha! Epic no? Based on a true story, haha!

Okaaay, ouch lang. So, kilala pala n'ya si Aelijah? What about me? Hindi pa nga sila nagkakausap tapos kilala na agad n'ya? Ano ba yan, that's unfair!

Continue Reading

You'll Also Like

155K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
3.1M 11.6K 8
NOW AVAILABLE UNDER DREAME. Annie and Thalia holds the Gangster Princesses title now. Their separation from Chael and Luke turned them into a complet...
3.7M 50.8K 116
(PUBLISHED BOOK: MAY 2014 *OUT OF STOCK* PERO NANDITO PA SIYA SA WATTPAD. MAS NA-REVISED NA KAYSA SA NASABING HARD COPY) Paghihiganti ang kadalasang...