Sightless Love [COMPLETE]

By QueenV301996

143K 3.3K 618

[ROMANCE/ MYSTERY /THRILLER STORY] An accident change Chloe Nacional's life. It stole something in her. It to... More

Sightless Love
Chapter 1: His Voice
Chapter 2: His Name
Chapter 3: Her Shield
Chapter 4: His Scent
Chapter 5: His Vow
Chapter 6: His Agenda
Chapter 7: His Song
Chapter 8: His Gift
Chapter 9: The Call
Chapter 10: Her Value
Chapter 11: His Wish
Chapter 12: The Suspect
Chapter 13: His Silence
Chapter 14: Her Fight
Chapter 15: Her Reason
Chapter 17: His Girlfriend
Chapter 18: The Voices
Chapter 19: His Story
Chapter 20: His Surprise
Chapter 21: Her Savior
Chapter 22: The Return
Chapter 23: The Confession
Chapter 24: The Evidence
Chapter 25: His Proof
Chapter 26: Her Safety
Chapter 27: Her Superman
Chapter 28: The Voicemail
Chapter 29: The Killer
Chapter 30: Her Plea
Chapter 31: Her Rescue
Chapter 32: His Loss
Chapter 33: Her Trust
Chapter 34: Her Lovers
Chapter 35: Her Challenge
Chapter 36: Her Promise
Chapter 37: His Past
Chapter 38: The Message
Chapter 39: His Proposal
Chapter 40: The Apology
Chapter 41: The Revelation
Chapter 42: The Invitation
Chapter 43: Her Life
Chapter 44: His Life
Epilogue

Chapter 16: Her Fear

3.1K 65 16
By QueenV301996

CHAPTER 16: HER FEAR

“Balak mo talagang magkulong dyan?” I heard his rough yet sexy-ish kind of voice from across the room. Hindi ba niya maintindihan ang gusto kong mangyari?! I want to be alone! Ano ba kasing nasa isip niya at may pa-date date pa siyang nalalaman? To think that we’re in the middle of this.. this terrifying and unpredictable situation. Hindi man lang niya naisip ang nararamdaman ko.

I’m a mess.

I’m scared.

I feel so alone.

Kung sana nandito si Harv- Okay, stop. Stop thinking about him. Siguro nga baliw na ako, yung dapat na taong kinamumuhian ko eh hinahanap-hanap ko pa. Nakakainis! Nakakasira ng ulo. Tama nga sila.. The person closest to you is the one who will hurt you the most.

“I’m the owner of the house, Chloe. I have the keys.”

“ARGH!” I forced myself to stand and walked through that door. Sobra siyang mapilit! I said “No” to his invitation but look! Heto’t nangungulit pa rin siya. Is my response that difficult to understand?!

“LEAVE ME ALONE OR I’LL LEAVE THIS HOUSE!” sigaw ko sa pintuan. Ba’t ko ba sinasayang ang boses ko sa lalaking ito?! Walang kwenta.

“ARAY!” Napahawak ako sa noo ko nang may matigas na kahoy na bumangga dito. What the f-

“You can’t leave here because you’re the one who wants to be with me in the first place.”

I scoffed. Ano ako? Desperada? “Oo, tinawagan kita. I called you because I’m hopeless. I chose to trust you. I thought you’ll understand.” Naiirita ako sa mga pinagsasasabi niya! Following the path of his voice, I glared at his direction. “Guess what I found out, this whole thing was a huge mistake.”

Sinimulan kong paganahin ang aking mga tuhod at palakarin ang mga paa ko patungo sa direksyong magpapalabas sakin sa kwartong ito. Hindi nga ako nagkamaling nasa bukana lang siya dahil nahagip ko pa ang amoy niyang nakakapaghipnotismo ng utak.

“Aalis ka talaga?” He's so serious. Dead serious.

“Oo, ano naman sa’yo?” Napatigil ako sa paglalakad. “Ah oo nga pala. Mahalaga ako sa’yo.” I’m just a mere experiment to him. An obsession.

“You’re in danger, Chloe. You know that. So please stop acting like a child.”

Bakit ba ang kalmado niya lagi? He’s really good in controlling his emotions. Nakakaasar. Kung ikukumpara kami ngayon, mas mukha pa akong pathetic sa kanya.

Humarap ulit ako sa likuran ko. “Then stop bugging me about that STUPID DATE!”

“Okay then, fine. Just stay here. Don’t leave this house. And please, don’t do something foolish that will make your life at stake.”

Hindi ko na siya pinansin. Gusto ko sana talagang lumabas eh.. Magpahangin man lang. But I guess, tama siya. Nasa panganib ako ngayon at kung sino man ang naghahanap sakin… paniguradong hindi siya basta basta. Because this man who is hunting me is crazy.. Yeah, a lunatic and dangerous person. Ayokong aminin sa sarili ko na si Harvey yun dahil imposible. Or is it really impossible?

Naramdaman ko ang paghawak niya sa siko ko na nagpaigtad sa akin. “Tulungan na kitang bumalik ulit sa kwarto mo.”

“I-I can manage.” Ngunit nagkamali ako, hindi ko pa nga pala kabisado ang bahay niya. Paano ako makakabalik sa kwarto ko? Eto ang mahirap kapag naninibago ako sa isang lugar eh. Wala akong alam. Nangangapa ako.

“Chloe, hindi lahat kaya mo. Kaya nga nandito ako eh.”

I felt his warm hand on the curve of my waist as he led me, probably, to my room. I shoved his hand away. Hindi ko siya kailangan!

That’s what I thought.

“SH*T!” Pang-ilang umpog ko na ba ‘to?! NAKAKAASAR!

Pumailanlang ang tawa niya sa tenga ko. Oo na.. oo na! Ako na ang matigas. Ako na ang mapride! Ayoko naman kasing magmukhang mahina sa kanya. Ayokong dumepende sa kanya.

And how is it possible that his laugh can be as sexy as his voice?

“Told you, you need me.. Always.”

May nahawakan akong malamig na metal at nang makilala ko ang pintuan ng kwarto ko, pumasok na ulit ako roon at walang pasubaling sinaraduhan siya ng pinto.

THAT EGOISTIC BASTARD!

*** 

Buong araw, wala akong ginawa kundi magbasa ng libro. Yes, fortunately, I can read books. Hindi ko alam kung sino nagpasimuno o unang lumikha ng mga ganitong klaseng libro but either ways I’m grateful for them. Sa kalagayan kong ito, akala ko kakalimutan ko na ang pagbabasa. Not when I caught hold of these books with braille letterings.

Tuesdays with Morrie.

Napatigil ako sa pagbabasa…

“Sometimes you cannot believe what you see, you have to believe what you feel. And if you are ever going to have other people trust you, you must feel that you can trust them too-even when you are in the dark. Even when you're falling.”

Inulit ko pa ang mga linyang iyon. Trying to digest it. To absorb it. Like it’s a ray of light from the darkness that I’m into.

You have to believe what you feel.

Ano bang nararamdaman ko? Galit ako sa mundo. Galit ako dahil pakiramdam ko lahat na lang ng bagay ay inaagaw niya sakin. Lahat ay inaalis niya sakin. Sinisisi ko ito ngunit hindi ko makayanang sisihin ang taong gumawa sakin nito.

I was about to turn the page of the book when I heard the grumbling sound coming from my pitiful stomach. Hindi pa nga pala ako nakakakain ng maayos. Nawalan agad ako ng gana nung umaga pa lang dahil sa pangungulit niya. Now look at what I’ve done! Ngayon ko nararamdaman yung gutom. Hindi pa naman siguro ako huli sa tanghalian diba?

Binuksan ko ang kanina pa nakasaradong pinto. Bahala na. Kakapa-kapa na lang muna ako hanggang sa marating ko yung kusina.

Pagkalabas na pagkalabas ko, pumailanlang kaagad ang mabagal at mahinang musika galing sa.. Wait.. It’s playing right infront of me!

“Now I can take the time,
I can see my life
As it comes up shining now..”


“Thought you wouldn’t come out.” His voice.. so husky that it can give tingling feels from something inside me.

I ignored him at ipinagpatuloy ang pagkapa-kapa sa pader.

“Ano ba!” Hinatak niya ang kamay ko kaya napakapit ako sa mga balikat niya. Ang tigas ng balikat niya. Gosh! Ba’t ko ba napapansin yun?! Hinampas ko nga yung matitigas niyang balikat. My defense mechanism para pagtakpan yung bwiset na pagkabog ng puso ko.

“As it comes up shining now
Reachin' out to touch you,
I can feel so much,
Since I've found you
Lookin' through the eyes of love.”

“Do you know what they say?” he whispered. Nilayo ko mula sa direksyon ng mainit niyang hininga ang mukha ko. Naghaharumentado na talaga ako. Bakit kailangan naming maging ganito kalapit?!

“There’s a thin line between love and hate.” Pagpapatuloy niya kasabay ng paghapit niya pa sa katawan ko palapit sa kanya.

“W-why are you doing this?” I hissed. “Are you seducing me?!”

“And what if, I am? What will you do?”

Hinampas ko ulit ng mas malakas ang katawan niya. Ano ba ‘tong ginagawa niya? Ang dami ko na ngang iniisip, dumadagdag pa siya. Ang gulo niya. Hindi ko malaman kung anong nasa isip niya.

Kumawala ako sa pagkakakapit niya ngunit mas hinigpitan niya pa ang pagpulupot ng kamay niya sa akin.

“Let go or else-“

“Or else what? Aalis ka? Aminin mo na kasi, Chloe..”

“And now, I do believe,
That even in a storm, we'll find some light
Knowin' you're beside me, I'm alright.”

 

“…aminin mong kailangan mo ako.”

With all the strength that I can manage, I pushed his body away from me. Nahihirapan akong huminga. Hindi ko alam kung dahil sa lapit namin sa isa’t-isa o dahil sa mga pinagsasasabi niya.

“Ano ba talagang ginagawa mo?” nanghihina kong sabi.

“You don’t wanna go out for a date kaya dinala ko na lang dito.”

Magsasalita pa sana ako nang bigla niya na lang hinila muli ang kamay ko. Automatically, my nose caught the aroma of the different delicacies that’s coming surely from the kitchen.

Inalalayan niya ako sa pag-upo at naramdaman ko na lang ang presensya ng katawan niya sa tabi ko.

“This is the spoon.. the fork.” I felt his warm hands guiding my fingers upang mahawakan ko ang mga pinaglalalagay niya sa kamay ko. “What do you want? Meron ditong fish fillet, marinated pork chop-“

“Ano ba talagang ginagawa mo?” matigas kong sabi na nagpatigil sa kanya.

“I just want to see you smile.” I heard him sigh. “Isn’t that reason enough?”

Parang may humaplos sa puso ko sa paraan ng pagsasalita niya but no, I can’t be persuaded. Pinatatag ko pa ang boses ko. “Why do you want to make me happy? May kailangan ka ba?” Then an idea passed through my mind that literally made me laugh. “Or do you actually see me now as a romantic prospective?"

“Well Chloe, do you want to be my romantic prospective?”

Napatigil ang pagtawa ko sa sinabi niya. I didn’t expect that response. Bakit nanginginig ang tuhod ko?! Mas tumindi pa ang kabang nararamdaman ko nang lumapat ang mainit niyang hininga sa kurba ng leeg ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakatingala for him to have a wide access on my neck.

“Just say it, Chloe. Papayag ka ba? Gusto mo ba?”

I-I can say anything. Lalo na at nararamdaman ko ang pagtaas pa ng naglalagablab niyang hininga patungo sa aking baba. It’s like my breath will be forever stuck from my throat.

“Your heart is beating fast. Natutuwa ako dahil ako ang may kagagawan niyan.” I heard his sexy chuckle. Mas lalo akong hindi nakapagsalita when his breath lingers on my mouth.

“P-please.. stop.” I managed to say.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. Lumayo siya sakin na nagpaluwag ng paghinga ko. “Kain na tayo.”

And for the first time, I obeyed him. Nahihirapan man ako nung una dahil sa panginginig ng kamay ko, nagawa ko pa ring kumain ng tahimik at matiwasay. Pinabayaan ko lang siyang maglagay ng kung ano-anong pagkain sa plato ko habang kain lang ako ng kain. Parang pinagtatakpan ko sa pagkain ang kahihiyan ko kanina. Bakit ko hinayaang gawin niya sakin yun?! How can I be so vulnerable! I can slap his face hard from molesting me (if that’s the right term for it!) right there and then but what did I do?! Pinabayaan ko lang siya.

“Dahan-dahan lang. Baka mabulunan ka.”

Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Kasalanan ko rin eh. I added fuel to the fire. D*mn!

“Think about it, Chloe.”

Muntik na akong mabulunan sa pag-inom ko ng tubig nang bigla siyang magsalita.

“Think ‘bout what I said.”

“I don’t get it.” I used my cold tone so as not to be persuaded by his husky voice.

“Romantic prospective.”

S-SERYOSO SIYA DUN?! Napatayo agad ako sa kinauupuan ko. “Thank you for the food. I really appreciate it.” Hindi ko na napigilang lagyan ng sarcasm ang pananalita ko.

“Chloe-“

“MARTIN!”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Naging alerto pa ako nang marinig ang bakas ng pag-aalala at taranta sa boses ng bagong dating pagkabanggit niya sa pangalan ng lalaking katabi ko.

“Chief Verzosa.” I mouthed.

“Nawawala si Harvey Angeles.” ma-awtoridad niyang sabi na nagpabangon ng kaba sa loob ko. “Hindi namin siya makita sa bahay niya. Nag-resign na rin daw siya sa kompanyang pinagtatrabahuan niya.”

“B-bakit? Bakit niya pa kailangang gawin yun?” I blurted out. Milagro na nasabi ko pa ang mga salitang iyon ng may katatagan ‘cause I’m really dying inside.

“It only means one thing, Ms. Nacional.”Gusto ko mang takpan ang tenga ko upang hindi marinig ang sasabihin niya ngunit hindi ko magawa. I must know.. Kailangan kong malaman ang katotohanan at tanggapin ito. “He’s guilty.”

Ang mga susunod niyang sinabi ang mas nagpagimbal pa sa kalagayan ko ngayon.

“And Ms. Nacional, I recommend that you assign more “trusted” people for your security. Your life is in danger.”

“What do you mean, Chief?” sumingit na siya sa’min na lihim kong pinasalamat dahil hindi na talaga ako makapagsalita.

“May pinabalik ulit ako sa apartment mo para mag-investigate at magtanong-tanong sa kapitbahay mo. Hindi inaasahan ng kasamahan ko ang makikita niya.”

Walang nagsalita sa’min. It’s like we’re both dumbfounded and impatient para makisali pa.

“Isang duguan at ginahasang babae ang nakita namin sa may paanan ng pinto ng apartment mo.”

Nanghihina na ang tuhod ko. Kung hindi lang sa kamay niya na pumipisil-pisil sa nanlalamig kong kamay, baka bumigay na ako.

“May nakasulat na naman ba?”

“Yes, Martin. And it’s more horrible this time.”

Hindi na niya dinugtungan ang sasabihin niya dahil ayaw niya sigurong marinig ko pa. Huminga muna ako ng malalim bago ko ilabas ang tanong na alam kong pagsisisihan kong ilabas pa.

“A-anong nakasulat?”

Nakabibinging katahimikan. Ngunit parang bomba naman ang sumabog sa loob ko nang magsalita muli si Chief Verzosa.

“Araw-araw akong papatay hangga’t hindi niyo siya pinapakita sa akin.”

“Excuse us first, Chief.” He held my wrist and pulled me away. Para akong nabato. Ayoko mang aminin ngunit.. takot na ako. Takot na takot. Kung pwede lang.. kung pwede lang na takasan lang lahat. Pero hindi.. hindi ko kaya. Dahil ako mismo ang gusto niya.

Kahit ang simoy ng panghapong hangin sa labas ay hindi ko man lang mabigyan ng pansin dahil sa mga bagay na gumugulo hindi lang sa utak ko kundi sa aking puso.

“I want to be alone.” I blurted out na nagpatigil sa paghila niya sakin. Alam kong nakalabas na kami ng bahay at makakatulong kung iiwanan niya muna ako. I jerked my hand away from his grip at sinimulang tumakbo.

“CHLOE!”

Naririnig ko ang pagtawag niya sakin.. ang pagsigaw niya sa pangalan ko pero gusto kong tumakas. Kahit na hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng mga paa ko. Takbo lang ako ng takbo upang walang makahanap sakin. Ayokong may makahanap sakin. Ayokong mahanap niya ako.

Tumigil ako ng nakaramdam ako ng pagod. Sumalampak na lang ako sa damong nasa paanan ko. I let out a laugh sa isipang milagro na hindi ako nasagasaan ng kung ano mang sasakyan. Ni hindi man lang ako nabangga ng kung ano.

Hinawakan ko ang mukha ko.. basa. Baliw na nga talaga ako. I’m laughing but I’m crying at the same time. Nasisiraan na ako ng bait.

“Sa wakas, nakita din kita.”

Nababaliw na nga siguro ako. Nakakarinig na ako ng mga boses sa isipan ko. Ang pamilyar niyang boses. Or is it only inside my head?

Bigla akong ginapangan ng kaba.

“I miss you so much, my little sister.”

“H-harvey..”

***

SORRY FOR THE LONG WAIT! Nakabawi na rin ako! Btw, what do you think now sa flow ng story? BLURT OUT YOUR THOUGHTS! :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 121 19
"Once upon a time we were bestfriends, but He left me." -Praia Villafuerte Galit ang naramdaman ni Praia nang iwan siya ng pinakamatalik na kaibigan...
619K 22.8K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
49.3K 1.2K 37
Britany Madrigal was surprised when she discover that she'll be marrying the man she love--Landon Parker. But then, shits happen. The next thing she...