Ang Manyak kong Asawa

By LadyKazumi

4.5M 52.6K 5.8K

Gwapo, maputi, chinito, hot, kissable lips, matangos na ilong, may magandang katawan, mayaman---paano kung an... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Book 2!!!
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 6

Special Chapter 5

42.8K 731 65
By LadyKazumi

Kazumi's note: Bigla akong sinapak na maggawa ng ganito ngayon. Nakahiga kasi ako eh kaya natripan ko. Lol, ineexpect ko na wala nang magbabasa pa nito pero kung may magcocomment man, THANK YOU. Ang tagal na rin simula nung huli kong update nito mwahaha. Tama na daldal, basa na!

----

Special Chapter 5

Lory's POV

Hindi lahat ng couple, masaya ang kinahahantungan.

Hindi lahat ng nag-aasawa, happy ending na agad.

Hindi lahat ng bagay ay masaya.

Ang buhay, hindi mala-fairytale na halos perfect na.

Nand'yan pa kasi ang mga pagsubok na papasok sa buhay mo...

Ang mga problema na makikisingit pa sa'yo...

At higit sa lahat, hindi mo mararamdaman ang tunay na pag-ibig kung hindi ka pa nasasaktan...

"Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, Honey! Lagi ka na lang nagagalit sa'kin!" 'Yan ang bulyaw sa'kin ni Grey na talagang ikinagulat ko.

Si Grey na mabait, palatawa at mukhang laging walang problema ay nagagalit sa'kin ngayon. Sinigawan ko kasi s'ya kanina. Sinabi ko sa kanya kung bakit may kasama s'yang babae dun sa office n'ya na halos lumuwa na yung kaluluwa. Nakita ko kasi silang nagtatatawanan atsaka iba kasi yung feeling eh, mararamdaman mo naman kapag nilalandi na ng isang babae yung boyfriend/asawa mo.

"Sinasabi ko lang naman na layuan mo s'ya eh kasi nilalandi ka n'ya!"

"What?! How can I do that if she's my secretary?!"

"Basta layuan mo s'ya!"

Napahilamos s'ya sa mukha at sumama lalo ang tingin n'ya sa'kin. Somehow, nasaktan ako sa binibigay n'yang titig sa'kin. "'Yan ang hirap sa'yo Lory eh! Lahat na lang kasi ng makikita mo na may kasama akong babae, sasabihin mo na lang na babae ko s'ya! Napakamalisyosa mo!" Bumilis ang tibok ng puso ko at nararamdaman ko ang pagbigat ng lalamunan ko. I think maiiyak na ako. Narinig ko kasi ang pagtawag n'ya sa'kin ng 'Lory', that means he's serious.

"Hindi ko sinasabing babae mo s'ya! What I'm saying is...he's seducing you!" Bigla ko tuloy naalala kung anong nangyari noong pumunta ako sa office n'ya.

----

It's thursday again. Wala akong magawa sa bahay kaya I decided na puntahan si Grey and now, nasa harap na ako ng pintuan kung saan ko s'ya makikita. Balak ko kasi s'yang surpresahin eh. I'm sure matutuwa 'yun.

"Hey... Pwede ka ba sa saturday? Labas naman tayo. Bored na ako dito atsaka hindi pa tayo kumakain sa labas ng sabay eh." Napatigil ako ng ilang sandali nang makarinig ako ng isang boses ng babae. May nagsasabi sa'king wag kong bubuksan ang pinto pero makulit pa rin ako. Binuksan ko ito at may nakita akong babae na akala mo eh mala-anghel pero nababasa ko naman na mukha s'yang taga-hell. Wala pa akong balak magpakita kasi gusto kong malaman kung ano ang sasabihin ni Grey.

"Saturday? Baka kasi mag-out of town kami ng pamilya ko." Tama 'yan Grey, wag kang sasama sa haliparot na 'yan.

"Oh c'mon, lagi na lang 'yang pamilya mo ang inuuna mo. Hindi ka na nagkaroon ng time sa'min, sa mga kaibigan mo."

"I'm sorry, busy ako eh."

"Please... Sa saturday lang, kahit konting oras lang." Ang kulit naman nitong babaeng 'to!

Sandaling napatahimik si Grey. Mukhang hindi ko magugustuhan ang susunod n'yang sasabihin. "Sige na nga. Baka magalit ka pa sa'kin eh." Napanganga ako at bakas sa mukha ko na gulat na gulat ako. Yung totoo? Mas pinili n'ya pang unahin 'yang babaeng 'yan?!

"Thanks haha!" Then she kissed his cheeks.

Blag. Nilaksan ko talaga ang pagbukas ng pinto at pumeywang ako sa harap nila. Napatingin sila sa'kin at takang-taka ang mukha nung babae samantalang nagulat naman si Grey.

"Oh Honey! Nasurprise mo 'ko ha!" Tumayo s'ya at hahalikan sana ako pero...

"Talaga? O baka ako ang nasurprise mo?"

Sandali s'yang napatigil. Naiinis ako. Nagpapakainosente pa! "Anong ibig mong sabihin?"

"Nagpapahalik ka pa huh? Akala mo 'di ko nakita 'yon?" Sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Kiss? But it was just a friendly kiss."

"Wag mo nga 'kong lokohin Grey." Lumipat ang tingin ko doon aa babae. Nilapitan ko s'ya at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Eto ba ang ipapagpalit mo sa'kin? Mukha namang paa."

"W-what?! How dare you?!" Bigla-bigla ay sinabunutan n'ya ako kaya sinabunutan ko din s'ya.

"Sino ka para landiin ang asawa ko ha?!"

"Hindi ko s'ya nilalandi!"

"Kunwari ka pa!" Tinulak ko s'ya ng malakas kaya napalayo s'ya sa'kin.

"Lory ano ba?!" Pumagitna sa'min si Grey at ang sama ng tingin n'ya sa'kin. "Nakakahiya ka! Wag ka ngang gumawa ng away dito!" Natulala ako dahil doon. Anong sinabi n'ya? "Nasaktan ka ba Bubble?" Bubble?! Ang ganda ng pangalan! Sarap n'yang putukin.

"M-medyo..." Para akong tinusok ng karayom nang makita ng mga mata ko kung paano n'ya tulungan yung babaeng 'yun. 'Yan pa talaga inalala n'ya kaysa sa'kin ha?!

"Pagpasensyahan mo na ang asawa ko ha?" Tumulo na ang luha ko kaya agad akong umalis. Nadapa pa nga ako pagkalabas ko ng pintuan eh.

"Mommy?" Ito ang salubong na tanong sa'kin ng anak ko sa bahay.

"W-wala ito Silver. Teka, m-matutulog muna ako." Ayaw magpaawat ng mga luha ko. Ano ba 'to, nakakainis.

At ayun nga, pagkauwing-pagkauwi ni Grey ay nag-usap kami tungkol doon pero nauwi lang lalo ito sa malaking away.

----

"Seducing?! Ano bang pinagsasasabi mo d'yan ha?!"

"Hindi mo ba napansin ha?! Halos lumuwa na yung harap n'ya dun sa suot n'ya atsaka hinalikan ka pa n'ya na hindi mo naman tinanggihan!"

"Diba sinabi ko nga sa'yo, it's just a friendly kiss! Ang kulit mo naman eh! 'Di ka makaintindi!"

"Anong 'di makaintindi?! Wag mo 'kong gawing tanga Grey! Alam ko ang nangyayari!"

"Then fine! Ikaw na ang nakakaalam! D'yan ka magaling eh! Ikaw lagi ang tama! Ako lagi ang mali! Ako lagi ang may babae! Lahat naman diba sinisisi mo sa'kin?! Okay, kung gusto mo maghiwalay na lang tayo eh!" Nanikip ang dibdib ko sa huli n'yang sinabi. "Sawang-sawa na akong mag-explain sa'yo! Hindi mo alam, napapagod din ako Lory! Hindi ako yung tipong laging iintindi sa kahinaan ng utak mo!" Ikaw ba talaga 'yan Grey? Bakit nasasabi mo na sa'kin ang mga bagay na 'yan? Bakit naging ganito? Dati masaya naman kami ah. Kung mag-aaway man kami, hindi ganito kalala na dadating sa punto na maghihiwalay kami.

"G-grey?" Nang makita ko ang masamang tingin n'ya sa'kin ay hindi ko na napigilang umiyak. "Oh sige! Kung d'yan ka masaya, maghiwalay na lang tayo! Puro na lang yata away ang hahantungan ng relasyon natin eh!"

"Mommy... Dad..." Napatingin kami kay Silver na nakatayo malapit sa pintuan ng kwarto. Malungkot ang kanyang mga mata. Lumapit sa kanya si Grey at niyakap s'ya, yung panlalaking yakap. Wala silang sinabi at pagkatapos ng ilang segundo, umalis na si Grey. Dinaanan n'ya lang ako na parang hangin. Napaupo ako sa sahig dahil sa panlalambot. Pinunasan ko ang luhang kanina pa tumutulo pero may papalit na namang panibago. Masakit---isang word na kayang i-describe ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko noon na kapag nag-asawa ka na ay masaya na ang katapusan. Hindi na kayo maghihiwalay, kayo na talaga ang nakatakda para sa isat-isa. Pero nagkamali ako, dahil kapag nag-asawa ka na ay doon magsisimula ang mga matitinding pagsubok. Dito sinusubukan kung matatag ang relasyon n'yong dalawa. "Mommy..." Naramdaman kong hinaplos ni Silver ang likod ko.

"A-anak pasensya na ha? Pasensya na kung ganito ang ugali ko. Nagseselos lang naman kasi ako eh."

Niyakap n'ya ako kaya lalo akong nakaramdam ng pagkamalungkot. Mas lalo akong naiyak.

"Angel ikuha mo nga muna ng tubig si mommy." Sumunod naman agad si Angel at pagbalik ay may dalang tubig.

"Eto Silver oh." Kinuha ito ni Silver at may kinuha s'ya sa bulsa n'yang isang gamot.

"Mommy inumin mo 'to, gagaan ang pakiramdam mo."

"A-ano ba 'yan?"

"Basta inumin mo na lang po." Kinuha ko ang gamot na ibinibigay n'ya sa'kin. Hindi na ako nagdalawang isip pa na inumin ito. Kung ito ba ang magpapagaan sa pakiramdam ko ay lagi na akong iinom nito.

"Doon muna tayo sa kwarto mo mommy." Inalalayan n'ya akong makatayo papasok ng kwarto at umupo ako sa kama. "Ano na po bang nangyayari?" Naawa lalo ako sa kanya. Wala s'yang kaalam-alam sa nangyayari at wala din naman s'yang kasalanan para maghiwalay kami ni Grey.

Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nakita at narinig ko nang pumunta ako sa office ni Grey. Tuwing maaalala ko 'yon ay naninikip lagi ang dibdib ko at nag-iinit ang mga mata ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi tama naman yung katwiran ko eh. Sino bang tangang asawa ang papayag kapag nakakita ka ng gano'n? Wala naman siguro diba?

"What's your plan mommy?"

"Hindi ko alam pero sabi n'ya gusto n'ya nang makipaghiwalay sa'kin." Sinubukan kong pigilan ang  pag-iyak pero dire-diretso lang itong umaagos sa pisngi ko. Eto na siguro ang pinakamasakit na nangyari sa'kin except na lang nung namatay ang tatay ko.

"Mommy...wag kang pumayag." Pagmamakaawa n'ya. Naisip ko na si Silver ang pinakaunang mahihirapan kapag naghiwalay na kami.

"Hindi ko alam anak..." Naramdaman kong bumibigat ang mga mata ko. Teka, bakit ganito? "A-anong nangyayari?"

"Paggising mo mommy, pag-isipan mo ang gagawin mo."

"A-anong ginawa mo Silver?" Naalala ko bigla ang gamot na ibinigay n'ya sa'kin. "A-anong ipinainom mo?" Inaantok na ako at sigurado akong eto yung epekto ng gamot na nainom ko.

"Magpahinga na muna kayo."

"B-bakit---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tuluyan na akong nakatulog.

----

Angel's POV

"Silver tulog na s'ya?" Nakita ko kasi si Silver na lumabas ng kwarto kaya tinanong ko s'ya.

"Oo." Lumabas s'ya ng bahay. Tutal nakatapos na ako sa gawaing-bahay ay sinundan ko s'ya. Nakaupo s'ya sa ilalim ng puno. Malamig ang simoy ng hangin. Napatingin ako sa orasan ko, 9:33 na ng gabi. Bumalik ako sa bahay at kumuha ng dalawang jacket. Sinuot ko ang isa at pinuntahan ko si Silver. Mukhang hindi n'ya pa ako napapansin. Sobrang lalim ng iniisip n'ya. Ipinatong ko sa kanya ang jacket para kahit papa'no naman ay hindi s'ya sipunin. Doon n'ya lang din ako napansin. "Angel? Ikaw ba 'yan?"

"Oo Silver---" Doon ko lang napansin na punong-puno na ng luha ang mga mata n'ya. 'Yun pala ang dahilan kung bakit hindi n'ya ako kilala, 'yun ay dahil sa nagiging malabo ang mga mata n'ya dahil sa mga naiipong luha. "Silver..." First time ko lang s'yang makitang umiyak. Hindi naman kasi s'ya ganyan eh. Ang totoo nga n'yan eh napaka-masiyahin n'ya. Yung tipong laging nakangiti. Kahit na meron s'yang problema eh tumatawa pa rin s'ya pero iba ngayon...

"Nag-iinom ka ba Angel? Mag-inom naman tayo oh." Nagcrack na ang boses n'ya. Para akong dinudurog kapag nakikita ko s'yang ganito. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na ang isang Silver ko ay umiiyak ngayon. "Haha sorry, niyaya pa kita. Hindi nga pala solusyon ang pag-iinom." Bumibigat na ang paghinga ko. Silver wag kang ganyan. Nahihirapan akong makita ka sa ganyang kalagayan. "Eh kasi naman bakit nangyari pa 'to? Hindi ba pwedeng mag-ayos na lang sila? Hindi ba nila alam na mahihirapan ako kapag naghiwalay sila?" Tumingin s'ya sa langit pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya. "Akala ko masaya na eh. Dati naman kasi hindi sila ganito pero mukhang lagi na yata silang nag-aaway. Bakit ba kailangan pang mangyari 'to? Bakit? Bakit Angel?" Napatakip s'ya sa mukha n'ya at alam kong 'di n'ya na napigilang umiyak.

Lumapit lalo ako sa kanya at inihiga ko ang ulo ko sa balikat n'ya saka ko niyakap ang bewang n'ya. "Silver.. Maaayos din ang lahat, wag kang mag-alala."

"Sana nga..." Makalipas ang ilang minuto ay naging tahimik na s'ya at doon ko lang napansin nanakatulog na s'ya. Hindi na ako nagpasyang gisingin s'ya. Nakisabay na lang ako sa kanya sa pagtulog.

----

Bubble's POV

Maaga akong nagising at pumunta sa building na pinagtatrabahuhan ko. Dumiretso agad ako sa office n'ya, ni Grey. I'm expecting na nakaupo na s'ya sa kanyang swivel chair pero wala s'ya doon.

"He's late or sadyang maaga lang ako?" I was about to go outside nang makita ko ang cellphone n'ya sa kanyang mini table. Kinuha ko ito and buti na lang, walang password. Nainis ako nang makita ko kung ano ang kanyang wallpaper. Ugh. That girl again.

Pinalitan ko ito ng sarili kong picture na ngayon ko lang kinuhanan. And after that, naisipan kong maghalungkat sa contacts n'ya. Nainis lang lalo ako nang makita ko kung ano ang contact name na nakalagay sa'kin---Bubbles. 'Yun lang? Wala man lang call sign or whatever na sweet name na pwedeng itawag sa'kin? Talagang Bubbles lang? Nagscan pa ako and nakaagaw ng atensyon ko ang contact name na 'Honey'. Siguro eto na naman yung babae na nasa wallpaper ni Grey. Eto yata yung Lory.

Tinago ko muna sa pocket ko ang cellphone and nag-asikaso muna ako ng mga dapat kong gawin. After 2 hours, hindi pa din dumadating si Grey. Late na late s'ya and I guess, hindi na s'ya papasok. I bet nasa favorite place n'ya na naman s'ya.

I smirked. I'm so genius, I have a brilliant plan.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko and I texted her---Lory.

To: Honey

~Meet me at the Veiz Garden today.

And message sent. I have to go there immediately. I need to see if Grey is there. I wish Lory would go there too. I have a surprise for her. Haha. I really hope this plan of mine would work.

----

Lory's POV

Ang bigat ng mga mata ko. Ang hirap imulat. Masyado din akong nasisinag sa sikat ng araw. Muli kong naalala ang nangyari kahapon at kagabi. Sumandal ako sa headboard ng kama at ipinikit ko ang mga mata ko. Nakikita ko ang mukha ng babaeng 'yon at pati na rin si Grey. Binuksan ko ulit ang mga mata ko. Pati ba naman sa pagpikit ko? Ayaw nila akong tantanan? Huminga ako ng malalim and again, I slowly closed my eyes at mukha ng anak ko ang nakita ko, ni Silver. Nakangiti s'ya, isang maaliwalas na ngiti. Kasama n'ya si Grey na ginugulo ang buhok n'ya.  Dahil doon ay may isang luha na umalpas sa mata ko. Pinahidan ko ito and for the second time, huminga ulit ako ng malalim.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko, nanginginig ang kamay ko na kinuha ito at bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman ko kung sino ang nagtext---si Honey. I open the message and binasa ko iyon ng paulit-ulit.

"Meet me at the Veiz Garden today."

Parang kabayo na nagkakarerahan ang tibok ng puso ko. Masyadong mabilis, kinakabahan ako. Anong ibig sabihin ng message na 'to? Makikipagbati na ba s'ya? May surprise ba s'ya sa'kin para magkaayos kami?

"Sige. This time, ibababa ko ang pride ko. Maaayos natin 'to." Ginawa ko na ang daily routine ko pero hindi na ako naligo dahil sa sobrang pagmamadali. Nag-ayos ako ng konti at mabilis na lumabas ng bahay. Nakita kong nakasandal sa puno si Angel at Silver pero paglapit ko sa kanila ay tulog pala sila. Hinalikan ko sa pisngi ang anak ko. "Aayusin ko agad ito." After nun, naghanap agad ako ng taxi na masasakyan at nagpahatid ako sa lugar na tinext ni Grey.

Pagkadating ko ay nagandahan ako. Kakaiba ang garden pero nagtataka lang ako kung bakit walang tao. Siguro nga ay naghanda ng surpresa sa'kin si Grey.

"Grey? Nasaan ka Honey?" Ginamit ko na ang malambing kong boses upang tawagin s'ya. Handa na akong makipag-ayos.

----

Grey's POV

Ilang pagbubuntong hininga na ang nagagawa ko. Nakaupo ako sa bench at malalim na nag-iisip. Bakit ko ba nasabi pa kay Lory yung mga bagay na 'yun? Ako nga naman ang may mali. Tsk, nang dahil sa kiss na 'yun nag-away pa kami. It's better kung layuan ko na nga muna si Bubble.

"Grey.." Napatingin ako sa nagsalita. It's her.

"Anong ginagawa mo dito Bubble?"

Tumabi s'ya sa'kin at naging malungkot ang mukha n'ya. "Grey I'm sorry."

"Sorry saan?"

Lalo pa s'yang lumapit. Is she trying to seduce me? "Sorry kasi nag-away pa kayo ng asawa mo kahapon. Dahil sa'kin kaya ka nagkakaganyan. I'm so sorry." Hindi ko maramdaman na sincere s'ya sa sinasabi n'ya pero pinagsawalang bahala ko na lang 'yon.

"Okay lang." Kahit hindi.

"Magkaaway ba kayo ngayon?"

"Oo. And worst, baka maghiwalay pa kami."

Marahan n'yang hinawakan ang kwelyo ko kaya napaharap ako sa kanya. "Nandito naman ako Grey eh."

"Bubble." Inalis ko ang kamay n'ya na nakahawak sa'kin. "I'm sorry to say this pero may asawa na ako."

"Grey please.."

"Stop this Bubble. Walang patutunguhan ang usapan natin." Akala ko pa man din ay kaibigan lang ang turing n'ya sa'kin pero higit pa pala doon. Tumayo ako at maglalakad na sana palayo pero hinigit n'ya ako bigla at hinalikan. Nagulat ako kaya 'di agad ako nakapagreact.

"Friendly kiss pa rin ba?" Tinulak ko si Bubble dahilan upang bumagsak s'ya. Lalapitan ko sana si Lory pero... "Wag na. Wag ka nang lumapit pa. Okay na, naiintindihan ko na. Kung gusto mo, ako na lang ang mag-aasikaso ng mga divorce papers natin eh." Ngumiti pa s'ya sa'kin na parang wala lang s'yang nakita. Nilapitan n'ya si Bubble na kasalukuyang nakatayo na.

"Lory ang sarap palang humalik ng asawa mo---"

Pak. Isang malakas na sampal ang natikman ni Bubble. "Oh ano masarap ba?" Pak. Isang sampal sa kabilang pisngi. "Eh eto masarap?" Isang malakas na tunog na naman ng sampal ang natanggap n'ya. "Eh eto kaya?" Sunod-sunod na ang pagsampal na ginawa ni Lory hanggang sa mamula ng husto ang pisngi ni Bubble. Gulo-gulo din ang buhok n'ya samantalang maayos pa rin ang tindig ni Lory. "Masaya ka na? Naagaw mo na ang asawa ko." Tumingin s'ya sa'kin. "Okay na. Maghalikan na kayo habambuhay. Wala nang kokontra pa sa inyo." Ngumiti ulit s'ya. "Mamaga sana 'yang labi n'yo." After that, naglakad na s'ya palayo pero hinigit ko agad ang kamay n'ya.

"Let me explain."

Hinigit n'ya pabalik ang kamay n'ya. "Explain? Hindi na kailangan. Nakita ko na eh."

I gulp to refrain myself from crying. Hindi pwedeng ito ang maging katapusan. Ayoko, ayokong maging malungkot kami.

Paalis na muli sana s'ya pero dahan-dahan akong lumuhod sa kanya kaya napatigil s'ya.

"Lory maniwala ka sa'kin... Hindi ko gusto ang halik na 'yon, s'ya ang gumawa sa'kin nun at saktong dumating ka." Niyakap ko ang tuhod n'ya at unti-unting pumapatak ang luha ko sa may bandang paa n'ya. "Lory h'wag na tayong maghiwalay. Sorry sa nasabi ko kahapon. Hindi ko pala kakayanin 'pag nawala ka. Please Lory, please. Nagmamakaawa ako sa'yo. Wag mo 'kong hiwalayan. 'Di ko kakayanin, mahal na mahal kita..." Hindi s'ya pumapalag kaya nanatili lang akong nakayakap sa tuhod n'ya. "Lory, nagsasabi ako ng totoo. Please naman, makinig ka sa'kin ngayon. Nagsasabi talaga ako ng totoo. Hindi ako nagsisinungaling promise. Lory, pakinggan mo 'ko."

"Oh really Grey? Bakit puro kasinungalingan ang mga sinasabi mo kay Lory? Diba nga kanina ikaw pa ang naunang humalik sa'kin kasi excited ka? H'wag mo nang ilihim yung relasyon natin kay Lory, I'm sure naman na papayag s'ya." Sabi ni Bubble na puro hindi naman totoo ang mga sinasabi. Hinayaan ko na lang s'yang sabihin ang gusto n'ya. Gusto kong malaman kung sino ang papaniwalaan sa'min ni Lory.

"Grey bitawan mo 'ko." Napatigil ako ng ilang segundo. I-ibig sabihin, mas naniniwala s'ya doon sa secretary ko?

"Lory wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Sabi ko bitawan mo 'ko."

"Please Lory, maaayos pa natin 'to. H'wag ka namang ganyan oh."

"Grey sabi ko bitawan mo 'ko."

"Lory no. Wag kang lumayo sa'kin please."

"Bitaw."

"Lory..."

"Grey. Bitawan mo 'ko." Maawtoridad n'yang sinabi kaya wala na akong nagawa kundi bitawan s'ya. Sumuko na s'ya, ayaw n'ya na sa'kin. Bakit gano'n lang kadali para sa kanya na bitawan ako?

"Oh ano Lory? Hahayaan mo na lang ba kami ni Grey o magtatangahan ka pa rin?" Nilingon ko si Bubble na may ngiting tagumpay. Lumapit sa kanya si Lory, halos 5 inches lang layo nila sa isat-isa.

"Siyempre hindi ako tanga."

"Buti naman kung gano'n. Nakakaawa ka na kasing---" Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na nangyari. Sinuntok ni Lory ng malakas ang mukha ni Bubble kaya bumagsak ito sa sahig. Mayroon pa ngang tumalsik na dugo eh.

"Hindi ako tanga na maniniwala sa'yo at hindi ako ang nakakaawa dito kundi ikaw. Masyado kang desperada."

"Bakit mo 'ko sinuntok?!" Takot na takot s'yang tumingin kay Lory. Kanina ang tapang-tapang n'ya pero ngayon, baliktad na.

"Subukan mo pa kaming guluhin. Babasagin ko na 'yang mukha mo." Bigla-bigla ay tumakbo agad ang sekretarya ko kaya tanging dalawa na lang kami ni Lory ang naiwan dito.

"L-lory..." Napangiti ako. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi na s'ya galit sa'kin. Sa'kin s'ya naniwala. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanya. "Lory naniniwala ka ba sa'kin?"

Bumuntong hininga s'ya. "Sa'yo naman dapat talaga ako maniwala eh. Alam mo Grey, tiwala lang naman ang kulang sa'tin eh. Tiwala lang. Kung meron tayo nun, hindi tayo magkakaganito." Pagkasabing-pagkasabi n'ya niyon ay niyakap ko s'ya ng mahigpit. Naramdaman ko na lang din ang ganting yakap n'ya sa'kin.

"Oo Lory, magtitiwala na ako sa'yo pero gusto ko na sa'kin ka din dapat magtiwala."

"Kaya nga naniwala ako sa'yo ngayon diba?" Napangiti muli ako. "Teka Grey, humiwalay ka muna sa'kin, may gagawin lang ako." Sinunod ko s'ya. Humiwalay ako sa kanya ng yakap.

"Ano ba 'yun?"

"Layo ka ng konti dali." Umatras ako ng dalawang hakbang.

"Ano bang gagawin---" Sa isang iglap lang, bumagsak agad ako sa sahig habang hawak-hawak ang kaliwang pisngi ko. Aray, napakasakit naman nun. "Aw, para saan 'yun?"

"Ikaw kasi eh, pinaiyak mo ako atsaka ganti ko lang 'yan kasi pumayag kang magpahalik kahapon sa cheeks dun sa babaeng 'yun!" Pinunasan n'ya ang luha n'ya na naipon kanina.

"Hindi ko naman ginusto 'yun eh---"

"Magsasalita ka pa?!" Sinamaan n'ya ako ng tingin kaya nanahimik na lang ako. Tumayo ako at hahawakan ko sana yung kamay n'ya pero...

"Isang buwan mong hindi hahawakan ang kamay ko. Isang buwan kang matutulog sa salas. Isang buwan kang hindi makikipag-usap sa ibang babae except kina Angel, sa mga kaibigan ko at sa nanay ko. Isang buwan kang hindi maliligo sa cr, maghanap ka ng poso! Isang buwan kang hindi gagamit ng sasakyan, magcommute ka! Isang buwan kang nakadistansya sa'kin. Isang buwan kang hindi didikit sa'kin!" Napakamot ako sa ulo ko.

"Grabe ka naman magpahirap---"

"May angal ka?!"

"Wala po." Nginitian ko s'ya. Okay lang kahit ganun, isang buwan lang naman eh. Atleast okay na ulit kami.

"Atsaka...isang buwan mong mamasahihin ang likod ko! Basta tuwing gabi!"

"Sabi mo huwag ako didikit sa'yo tapos 'pag tuwing gabi, mamasahihin kita? Ang gulo mo din."

"Wala kang pakialam!" Natahimik ako dahil sa sigaw n'ya. Nakakatakot talaga 'tong babaeng 'to. Hindi dapat 'to minamasama eh. Pero naisip ko lang, imamasahe ko s'ya sa likod at tuwing GABI pa? Ibig sabihin kapag gabi, malamig...kailangang magpainit. Mwahaha! Ang manyak ko pa rin talaga!

"Bakit kaiba 'yang tingin mo huh?! At bakit nakangiti ka?! Sinapok na nga kita eh!"

"Wala haha." Aakbayan ko sana s'ya pero sinamaan n'ya ako ng tingin/ Aray naman, ang hirap naman ng ganito pero kailangang magtiis. "Tara na nga sa bahay. Gusto ko ng gumabi haha!"

----

Silver's POV

"Okay na sila diba?" Tanong sa'kin ni Angel na kasalukuyang pinapanood sila mommy at dad. Lumakad na ako patalikod habang nakalagay ang dalawang kamay ko sa likod ng ulo ko.

Pinalobo ko ang bubblegum ko at pumutok ito. "Oo, okay na sila."

Gamit ang aking peripheral vision ay nakikita ko s'yang nakatingin sa'kin. Isang magandang ngiti ang kanyang ipinapakita. "Uy si SIlver nakasmile na haha."

"Siyempre masaya ako eh."

"Naalala ko tuloy kahapon, patingin-tingin ka pa sa langit habang umiiyak. Haha! Akala ko ba ayaw mo ng drama?" Saka s'ya tumawa ulit ng malakas.

"Sige tawa pa." Note the sarcasm.

"Haha. Ang kengkoy mo kasi kahapon eh!"

Tumaas ang isang sulok ng labi ko. "Hindi ako kengkoy, cool ako."

"Nye, kengkoy ka!"

"Hindi nga sabi!"

"Kengkoy ka nga!"

"Ah ganun?" Niluwa ko ang bubblegum ko. "Patay ka sa'kin!!!" Tumakbo ako papalapit sa kanya pero agad din s'yang nakatakbo palayo.

Haay, ang buhay nga naman talaga. Minsan masaya, minsan malungkot at minsan napaka-complicated pero kahit na ganun, maganda pa rin ang nagiging ending. Minsan nag-eexpect tayo ng mas maganda pero hindi mo alam, may mas maganda pa palang mangyayari sa'yo 'cause God always has a better plan for us. Kahapon lang, akala ko talaga ay mauuwi na sa hiwalayan ang mga magulang ko pero 'di pala kasi nagkaayos sila ngayon. Alam mo yung pakiramdam na para kang lumulutang dahil sa sobrang saya? Gano'n yung nararamdaman ko ngayon. Feeling ko nagcentrum ako---kumbaga complete. Hindi kasi magiging kumpleto ang araw ko kung hindi maayos ang mga magulang ko. 

"Hoy Silver ang bagal mo tumakbo!"

Napailing na lang ako sa isip ko. Masyado akong nag-iisip ng malalim ngayon. Dapat pala ay enjoy-in ko ang araw na 'to. Ang panibagong araw na kasama sila...ng buo at masaya.

"Hoy Angel ng buhay ko, hindi ako mabagal tumakbo noh! Sad'yang pagod lang talaga ako simula kagabi pa!"

"Bakit?! Ano bang ginawa mo kagabi?!"

"Takbo ka kasi ng takbo sa panaginip ko kaya hinabol kita and ayun, pagod tuloy ako ngayon."

"Utot mo Silver! Kadiri 'yang mga lines mo pweh!"

Aba! Hindi man lang kinilig sa sinabi ko! Sinearch ko pa naman 'yun sa internet noong isang araw! Pesteng google 'yan! "Patay ka talaga sa'kin! 'Pag naabutan kita, hahalikan kita!"

"Nyenye! Kung maaabutan mo 'ko! Haha!"

---------------------------------------------------------

Kazumi's note: CUT!!! Haha.. Nadidiri ako sa mga pinagsasabi ni Silver. Pasensya na guys ah? Ayaw kasi sumanib ni SIlver sa'kin kaya trying hard lang yung POV n'ya same with Grey. Nahihirapan talaga ako 'pag sa lalaki, hindi ko naman kasi alam kung ano yung laman ng utak nila. Mahirap silang basahin. Lol. Comments naman d'yan. Hindi ko sure kung may kadugtong pa 'to muahaha. Sinipag lang talaga ako magtype. Napaka-lame ng chapter na 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

286K 863 6
Catriona Elizabeth West, the professor's fiance, needs to face many problems bago pa siya maikasal sa minamahal niyang professor. Hindi niya kasi aas...
70.2K 1.3K 41
"I hide my real identity to determine if you still love me even if I'm living ordinary" - Luke Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE R...
151K 5.6K 75
Inakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa...
156K 2.1K 5
Maniniwala ba kay0ng sa panah0n ngay0n nangyayari pa yung ipagkakasund0 ka ng magulang m0 sa ta0ng di m0 kilala