Sightless Love [COMPLETE]

By QueenV301996

143K 3.3K 618

[ROMANCE/ MYSTERY /THRILLER STORY] An accident change Chloe Nacional's life. It stole something in her. It to... More

Sightless Love
Chapter 1: His Voice
Chapter 2: His Name
Chapter 3: Her Shield
Chapter 4: His Scent
Chapter 5: His Vow
Chapter 7: His Song
Chapter 8: His Gift
Chapter 9: The Call
Chapter 10: Her Value
Chapter 11: His Wish
Chapter 12: The Suspect
Chapter 13: His Silence
Chapter 14: Her Fight
Chapter 15: Her Reason
Chapter 16: Her Fear
Chapter 17: His Girlfriend
Chapter 18: The Voices
Chapter 19: His Story
Chapter 20: His Surprise
Chapter 21: Her Savior
Chapter 22: The Return
Chapter 23: The Confession
Chapter 24: The Evidence
Chapter 25: His Proof
Chapter 26: Her Safety
Chapter 27: Her Superman
Chapter 28: The Voicemail
Chapter 29: The Killer
Chapter 30: Her Plea
Chapter 31: Her Rescue
Chapter 32: His Loss
Chapter 33: Her Trust
Chapter 34: Her Lovers
Chapter 35: Her Challenge
Chapter 36: Her Promise
Chapter 37: His Past
Chapter 38: The Message
Chapter 39: His Proposal
Chapter 40: The Apology
Chapter 41: The Revelation
Chapter 42: The Invitation
Chapter 43: Her Life
Chapter 44: His Life
Epilogue

Chapter 6: His Agenda

4.7K 102 13
By QueenV301996

CHAPTER 6: HIS AGENDA

“Ikaw? Bukambibig ko? Huh! In your dreams. Bakit mo ba sakin sinasabi yan?!”

 

He shrugged. “Ang sarap lang  isiping bukambibig mo ang isang tulad ko.”

 

Egoistic. Imposing. Self-proclaimed. Dangerous. Highly conceited JERK!

“Focus, Chloe. Follow the heat of the light.” rinig kong saway sa akin ng opthalmologist ko, who is Dr. Dominguez, na nagkataong tito pala nung – why do he always springs out in my train of thoughts?! Kaya kahit na dapat nakafocus ako sa check-up ko ngayon, lumilipad ang utak ko sa kung saan-saan. And it’s all because of him!

“Chloe..”

I sighed when I heard, yet again, the commanding voice of Dr. Dominguez. Kasabay nun ay ang paglayo ng mukha ko sa makinaryang ginagamit para obserbahan ang mga mata ko.

“I’m sorry, okay? Ang dami ko lang nasa isip.”

“Like?” Rinig ko ang mala-bakal na paggalaw ng makinarya na nilalayo na sa akin pati na din ang pag-upo niya sa swivel chair. Paniguradong inusog niya iyon hanggang sa harap ng kama kung saan ako nakapwesto.

Iniling-iling ko lang ang ulo ko. Simula nung dinala ko ang kapansanang ito, sa kanya na kami lumalapit. Siya lang yung doktor na komportable ako at pinagkakatiwalaan ko. Alam niya ang mga pinagdaanan ko, ang mga pasakit ko at mga naging kasiyahan ko simula nung napadpad ako sa mundong puno ng kadiliman. Paano ko kaya masasabi sa kanya na may pamangkin siyang ginugulo ang buhay ko?!

“Nagkita na ba kayo ni Martin?”

Agad na napa-angat ang ulo ko sa direksyon niya. Hindi ko na pinansin ang pag-awang ng bibig ko sa sobrang pagkabigla.

“P-paano-?!”

“-so he did introduced himself to you,” Amusement’s evident in his voice. “That kid.” Then he made that “tsking” sound.

“May masama po ba dun?”

“Matagal na niyang gustong magpakilala sa’yo but I always restrain him from doing so.”

My heart automatically caught hold of that fleeting feeling when he said those words ngunit mas nanaig ang kuryosidad ko dun sa dahilan kung bakit niya ito pinipigilan na magpakilala sakin. And before I could ask why, pinagpatuloy na niya ang kanyang sinasabi.

“He’s interested in your case.”

I knew it. Sabi na nga ba’t may hidden agenda yung lalaking yun kaya gustong mapalapit sakin!

“The same case as his late mother’s.”

Magkaparehas kami.. Magkaparehas kami ng sitwasyon ng yumao niyang ina.Yung inis ko, unti-unting natunaw. Kaya pala.. Kaya pala kahit sa nakakairita at napakamahangin niyang ugali ay napakabanayad niya sakin. He’s gentle to me. He’s gentle because I reminded him of his mom.

Nakaramdam ako ng marahan na pagtapik sa kanan kong balikat – hudyat na tapos na ang aking treatment.

“Thank you, Dok. Una na po ako.”

“See you the day after tomorrow.”

Tumango ako’t tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Kinuha ko ang nakatupi ko pang tungkod sa aking bulsa at papakawalan na sana iyon nang marinig ko ulit ang boses niya.

“And Chloe.. don’t worry, he’s a good man, after all.”

Napabuntong – hininga ako pagkalabas ko ng pinto. I put on my shades and started to walk out of this building. Kung ilalagay ako sa sitwasyon niya, siguro gagawin ko din ang inaakto niya ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ngayon ng lungkot. Kanina lang inis na inis ako sa kanya but hearing his story.. parang gusto ko pa siyang alamin. Gusto ko pa siyang makilala.

The vibration of my phone from my pants’ pocket snapped me back from my thoughts.

ANSWER?

 

Hanggang ngayon, natutuwa pa din ako sa nagagawa ng phone ko. Kada pindot ko kasi may nagsasalita, parang nagbibigay muna ng confirmation pagkatapos mong pindutin ng isang beses. Maaactivate lang talaga yung action sa pangalawang pindot. Suitable for the blind (I’m still uneasy saying that word to myself) talaga ang phone na ito.   

“Hello?”

 

“My little sweet, smart, beautiful baby,” I rolled my eyes upon hearing his another endearment to me. “Tapos na check-up mo?”

“Yes. Hula ko, pinapasundo ka sakin ni Mama noh?”

 

“Hindi rin! Napromote ako bilang Department Head of Resource sa kompanya!”

Napatili na lang ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang magandang balita. Napatakip ako ng bibig. Nakalimutan ko atang nasa ospital pa ako’t madami akong mabubulabog na mga pasyente dahil sa paggawa ko ng ingay! I tapped my stick, letting it free, and with long strides I managed to reach my place – the garden.

Dun ko pinagpatuloy ang naudlot kong tili.

“You’ll smash my eardrum, darling sister. Susunduin na kita dyan at baka maubusan ka pa ng mga pagkaing hinanda ni Mama.”

“Nagluto si Tita?!” Si Tita Sunshine kasi nagluluto lang kapag may okasyon at kapag nagluto siya, paniguradong sobrang sulit yun! Minsan lang siya magluto, dahil karaniwan yung katulong ang naghahain sa kanila, pero kapag pinakawalan mo na sa kusina si Tita at natikman mo ang kanyang mga specialties.. Mmm heaven!

“Oo nga. Kaya bago ka pa maubusan nina Joyce at Benny dito, susunduin na kita.”

 

“Osige, osige! Bilisan mo, Harvey ah! Nasa may garden lang ako.” Excited na din kasi ako!

“I know. Wait for me, my little sister.”

 

END CALL?

 

I slid my phone back to my pocket with a big cheshire smile on my face.

“You should do that more often.”

Something inside me leapt backwards, the moment I heard his voice. Bumuhos lahat ng mga naramdaman ko sa kanya kani-kanina lang. Hindi ko nga alam kung ioopen-up ko ba sa kanya yung tungkol dun but on a second thought, I decide not to and just let himself open to me kung kailan man niya gustuhin.

“W-what?”

“You should smile more often.”

“I always smile.” I said matter-of- factly.

“Not when you’re with me.”

I sighed. Nakakailang buntong-hininga na ba ako ngayong araw na ito and guess what? Lahat ng iyon ay siya ang may dahilan. Ugh!

Pero siguro nga tama na ‘tong pagsusungit ko sa kanya. I realized that I’ve become unfair to him. Wala naman siyang ginagawang masama sakin. Hindi niyo naman ako masisisi. I’ve been used on guarding myself from the people who will come into my life. Simula nung iniwan ako ni Carl, natuto akong lagyan ng malaking pader ang sarili ko sa mga taong dadating sa buhay ko.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa direksyon kung saan nandun ang pambatang swing. Nang makapa ko na yun,  komportable akong umupo dito. “Sinong kamukha mo?”

I heard his footsteps coming towards me. Ang pagtunog ng bakal sa aking gilid ang nagpatunay na umupo din siya sa katabing swing na pinag-upuan ko.

“Artista ba?” natatawa niyang tanong.

Tumango ako.

“Hmmm.. Sabi nila... sabi nila ito ah!”

“Oo na. Oo na! Hindi yan self-proclaim kasi sabi NILA. ” I said, jokingly, using my sarcastic tone.

“Yung lalaking nabaliw sa isang palabas? Walang hanggan ata yung pamagat nun? Ewan. Hindi naman ako nanonood ng tv.”

“AH! Yung bida si Coco Yummy!”

“Yummy?”

“Duh? Famous line niya yan sa commercial niyang kape.”

“Like I said, I don’t watch tv.”

Ayan na naman po siya sa pambabara niya sakin.

“Right.” I rolled my eyes beneath my shades. “So.. kamukha mo si Paulo Avelino?”

He chuckled. “Gwapo ba yun? Kasi kung oo, kamukha ko nga yun.”

I mentally face-palmed myself. The ever-conceited Martin!

“Gwapo naman siya.”

“Does that mean you’re admitting that I’m handsome as he is?” Nagulat ako ng maramdaman ko na ang boses niya sa aking harapan. I can feel his breath fanning my face. His cool and mint-like breath touching the skin of my cheeks. I can sense it. I can feel it. I know that he’s now inches from me..

“Just so you know, I c-can’t see.”

“Well,” His breath climbed up to the lobes of my ears. “There are some things that’s more than meets the eye.”

“And what is that?”

“Attraction.”

 

“Attraction to me because I’m ME. Or is it because I reminded you of your mother?!”

Hindi ko na napigilang ilabas sa kanya ang nasa loob ko. He’s playing with me through his words! And I’m afraid that- that I would actually believe to his nonsense sh1ts!

Pinalibutan kami ng katahimikan. Kung kanina ramdam ko ang presensiya niya na malapit lang sakin, ngayon parang mag-isa na lang ulit ako. Akala ko umalis na siya kung hindi lang sa muli niyang pagsasalita.

“Where did you-“

“-goodbye, Martin. Nandyan na ang sundo ko.” I cut him off.

Ayoko nang magpaliwanag sa kanya. What for? Tsaka naiintindihan ko naman ang kalagayan niya eh. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit niya pa kailangang sabihin sakin ang mga bagay na ganun? Like he wants to break down the walls I build around my heart. Like he wants to soften my hardened and cold being. Like he wants me to fall for him.

Na hindi ko hahayaang mangyari.

Napapitlag ako nang may humawak sa braso ko. Marahan at napakalambot ng pagkakahawak niya sakin. Na para bang natatakot siya na mabasag ako.

“Yes, you reminded me of my mom. I’m really curious on your case to the point that I want to find something.. A cure maybe.. that will help you see again. Gusto kong gumawa ng lunas sa kapansanang hindi mapagaling-pagaling ng kahit nino. Yung lunas na hindi man lang natikman ng aking ina. I’m sorry, Chloe.”

And by that, he received a  deafening slap from me.

 

He’s just using me. 

Continue Reading

You'll Also Like

12.8K 5.2K 60
METANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto...
2.7K 226 34
Let's travel Palawan in Douglas' eyes. Douglas Alejandria, a son of Cuyo's Vice Mayor, decided to leave their hometown and live alone and work his as...
87.1K 2.9K 103
A frustrated fantasy writer searching for her perfect alpha character inspo. A guy with weird extraordinary eyes. One accident photo. Will it end u...
4.2M 141K 80
She was raped. She was destroyed. She's always been alone despite the crowd of people surrounding her. A mentally unstable girl who is so close to cu...