His Broken-hearted Girl

By athreena

629K 15.5K 1.7K

Buong pusong tinanggap ni Grace ang lahat ng masasamang opinyon tungkol sa kanya ng ina ng kanyang boyfriend... More

His Broken-hearted Girl
Prologue
1. Matitigas
2. Paintings
3. Athena Grace
4. Sobra
5. Wet Kiss
6. Talk about age
7. Inhibitions, Control and Consequence
8. Your man
9. Where to kiss
10. Wounded
11. Ibang tao
12. The broken-hearted girl
13. Cause
14. Hug
15. The boy
16. Multiple
17. Disappointing
18. So bad
19. Three years
20. Which is which
21. Difference
22. Decision
23. Blurred and Impossible
24. Filthy pretty mouth
25. Unang Gabi
26. Aangkinin
27. Blue Balls
28. V neck
29. Okay
30. Stop chasing
31. More and more
32. Piece of
33. Anong nangyari?
34. I'm aware
35. Mama
36. Double Kill
37. Marry
38. Realization
39. We both are
40. Take me
41. F up
42. F u, too
43. Au Naturel
44. You know that
45. Wish You
46. Don't tell me...
48. Dapat
49. The casualty
50. Not Again
51. His Thoughts
52. Masterpiece
53. Deference
54. Surreal
55. Most Painful
56. Unforgivable
57. Georgia
58. Maria
59. Wait
60. Done
Epilogue
Final Epilogue

47. Stay away

6K 172 16
By athreena

"Ano'ng nangyari kay Mama, Fray?!" Frantic na ang sigaw ko.

Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa bawat minutong lumipas habang binabagtas namin nila Papa at Fray ang daan kung saan.

"Just calm down..." hindi na masukat ang kaba ni Fray dahil sa boses niyang mahina. Dahil doon ay lalo akong kinakabahan.

"Tsk!" Hinampas ko ang dashboard ng kotse ni Fray at ginulo ang buhok ko. Ayaw sabihin ni Fray kung saan kami pupunta at lalo akong naiinis sa kanya!

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. I am frustrated, worried and my heart is aching!

"Calm down, princess..." sabi ni Papa sa likod ko.

Kasama niya ang kanyang nurse roon. Si Tita Mildred ay naiwan sa bahay. Hinawakan ni papa ang balikat ko at marahang tinapik. Napapikit ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay naririnig ko na sa aking tenga. Lord, please, let my Mama safe.

Matapos ang higit tatlumpong minutong byahe ay inihimpil ni Fray ang sasakyan sa tapat ng matayog na ospital.

"Oh my God!" I exclaimed. Inalis ko agad ang seatbelts ko at binuksan ang kotse ni Fray.

Tumakbo ako papasok sa ospital. Hindi ko na pinansin ang boses ni Papa na tinatawag ako. Ang makita lang si mama na maayos at walang galos ang magpapakalma sa akin. Masama ang impresyon ko sa ospital na ito. I hope nothing happened!

Damn. I can't convince myself that nothing happened!

"Marianna Quijano, please..." nanginginig ang boses ko habang sinasabi ang pangalan ni Mama sa babaeng nasa front desk.

"Check ko po, ma'am." At hinalungkat ang makapal na logbook sa kanyang harapan.

Marami ang mga nurse at doctor na nagmamadali sa paglalakad. Gusto ko silang sundan ngunit pilit ko pa ding kinukumbinsi ang sarili ko na walang nangyari kay Mama.

"Miss, pakibilisan naman oh!" Sigaw ko na sa babae.

"Athena..."

Humarap ako nang marinig ko ang aking pangalan. Nagulat ako nang makita ang mommy ni Willard. Pansin kong katatapos lang niyang umiyak dahil sa mapupula niyang mata. Nakasuot siya ng floral dress at flats.

"Si Willard..." aniya at humagulhol.

Kumunot ang noo ko. What the hell is happening?! Sari-saring emosyon na ang bumubundol sa aking puso. Hindi ko na alam ang nangyayari. Naninikip na ang dibdib ko at pakiramdam ko ay matutunaw na ang aking tuhod sa labis na panghihina.

I opened my mouth to mutter a word but Tito Dan butted in. Nakasuot siya ng itim na slacks at puting long sleeves polo na natupi hanggang sa kanyang siko.

"Hazel!" Nakita kong humahangos si Mr. Tuazon papalapit sa asawa. "Please, don't do anything stupid." Marahan ang boses ni Tito Dan sa asawa ngunit naroon ang galit sa tinig nito.

"I won't do anything, Daniel!" Ani Tita Hazel at yumakap sa asawa. Parang kinukurot ang puso ko. Kitang kita ko sa postura ni Tita ang pagiging mahina at wasak ngayon. Humagulhol siya sa dibdib ng asawa. "My son... please, do everything to save him... Daniel... my Willard needs me."

Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin. Humapdi ang sulok ng mata ko. Pakiramdam ko ay napagtagpi tagpi ko na ang lahat. Ayokong aminin sa sarili ko ito. Someting happened to Willard. Pakiramdam ko ay hindi iyon simpleng nangyari lang!

"Ma'am, kasalukuyang nasa ER po ang pasyente."

Napatingin ako sa babae. "What?" Pakiramdam ko ay nabibingi na ako dahil sa kabog ng dibdib ko.

"Marianna Quijano is at the ER, ma'am." Ulit nito.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa aking narinig. Hindi ako makagalaw sa labis na gulat. Pumatak ang luha ko. Si Mama? Nasa ER? What the hell!

"Mom... dad... how is kuya?"

Suminghap ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Kim. Lumunok ako at sinikop ang buong lakas ko upang makaalis doon. Sa paglakad ko paalis doon ay nakita ko si Jervis sa likod ni Kim. Nagtama ang paningin namin at kita ko ang pag aalala sa kanyang mata. Hindi ko alam kung dahil sa akin o dahil sa mga hagulhol ni Kim.

Yumuko ako at tuluyan ng naglakad papunta sa ER.

"Grace!" Boses ni Fray.

Inisang hakbang niya ang pagitan namin. Nakita ko si papa na nakaupo sa sa wheelchair at ang kanyang nurse sa likod.

"Are you alright?" Tanong ni Fray. Umigting ang kanyang panga nang makita ang luha sa aking pisngi. "Damn. Come here, baby." Aniya at niyakap ako.

Humagulhol ako sa bisig ni Fray. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng sandalan. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Nasa ER si mama.

"Si Mama, Fray..."

"Hush. I know, Grace. I know."

Lumapit si dad sa amin at hinawakan ang kamay ko. "Everything's gonna be all right, princess..." aniya, namumula ang mata.

Nakaramdam ako ng awa kay papa. Alam ko na ngayon kung gaano niya kamahal si mama ngunit nangyari pa ito.

Nang mahimasmasan na ako ay naglakad na kami papunta sa ER. Sabi ng nurse na kinausap ni Fray ay kasalukuyang sinusuri pa ng mga doktor ang kalagayan ni Mama.

"Ano po ba ang nangyari?" Hindi ko na maiwasan ang pagtatanong.

Fray tapped my shoulder. Para bang pinapahiwatig niya sa akin na wag na lang magtanong.

"Willard is here, too." Aniya na parang nagbibigay lang ng walang kwentang impormasyon. "I heard he got minor injuries while your mom--"

"Is critical." I continued. Ikinuyom ko ang mga kamao ko at suminghap. "What the hell happened, Fray?! Nagkataon lang ba itong nangyari sa kanila? Please, let me know!" I am damn frustrated!

"Princess... please calm down. We will do anything to make your mom safe." Sabi ni Papa sa aking tabi.

Umiling ako at tumungo kay Papa. Halata na sa kanyang itsura ang pagod ngunit nilalabanan niya ito para may makasama ako.

"Please, pa. You can go home now. You need to rest." Binalingan ko ang kanyang nurse at tinanguan ito.

"Please, assure me that you are fine, Athena."

Huminga ako ng malalim. "I am fine po." I lied. "Please, pa. Rest." Sabi ko at hinalikan si dad sa pisngi.

Binalingan ko si Fray. "Ihatid mo sila, please."

"No way." He said, indignant. "I already called the driver. I won't let you be alone this time, Athena Grace."

Tumango ako sa sinabi ni Fray. Sa tingin ko ay hindi ko rin kayang mag isa ngayon. I don't know if I can handle this. After almost fifteen minutes ay tumawag ang driver nila Fray at sinabing naroon na siya sa labas at naghihintay.

Hinawakan muli ni dad ang kamay ko, para bang ayaw niyang umalis sa tabi ko. Kinukurot ang puso ko. I've been so bad when he left. I called him worst names I can't imagine. Ngayon ay narito na siya, tulay ko na sana ito upang maging masaya kahit masakit pa din ang nangyari sa amin ni Willard. Pero nangyari ito kay mama. Is this what people call a karma? Cause right now, I can feel it on my system. I am indeed facing a karma.

"I love you, princess." Ani Papa.

Lumuhod ako upang makapantay ko siya. Ngumuso ako. "I love you, too. Pa, I am sorry."

Ginulo ni Papa ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Huminga siya ng malalim at ngumiti sa akin. He muttered bye. Itinulak ng nurse ang wheelchair ni papa palapit sa kay Fray.

"Keep an eye on her, Arkhim." Bilin nito.

Ngumisi si Fray kay papa. "Yes, sir. I got her. I will keep my both eyes on her." Aniya at tumingin sa akin. He wiggled his thick eyebrows.

Matalim ko siyang tinignan pabalik. Nang makaalis na ng tuluyan sila papa ay umupo ulit ako malapit kay Fray.

"Tell me what happened." I demanded.

He took a deep breath. "Tita Anna bumped in a car because she saved Willard."

Kumunot ang noo ko. Tinignan ko si Fray. Nagbibiro ba siya? Bakit naman gagawin iyon ni mama? Saan?

"Damn. Don't kid like that!" I gritted my teeth in annoyance.

Umirap si Fray. "I am not kidding! Putangina! What you said to Will Almante got him right in the gut. You wished him dead and that is exactly what he'll do to make it up to you. Too bad, Tita Anna was there to save him--"

"Napuruhan si Tita dahil nakita niyang dumaan si Will Almante sa harap niya mismo." Napatingin ako sa nagsalita.

Si Jervis, nakatayo habang ang dalawang kamay ay nakabulsa. His face was unreadable. His eyes nonchalant, almost blank, even.

"Pupuntahan ka dapat ni Will sa bahay niyo. Tita Anna was just around the area where Will got hit, almost. Almost because Tita got him in an instant, itinulak siya nito. Tita Anna got hit by that car and Will got hit by another car."

Bumukal ang masaganang luha sa aking mata. This is all my fault! Paanong... oh my God! Nilapitan ako ni Fray at niyakap. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa nalaman ko. Pakiramdam ko ay sa akin lahat ng sisi!

"He only got minor injuries though."

"Can't you see, mom?! Kasalanan ng babaeng iyon ang lahat ng ito!"

Umalingawngaw ang malakas na boses ni Kim. Nag angat ako ng tingin. Kasama niya ang kanyang magulang. Binuksan ni Tito Dan ang isang pinto ng hospital suite. Lumapit si Jervis sa kanila dahilan iyon upang mapansin kami ni Tito Dan. Nilapitan agad ni Jervis si Kim at kinalma.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanila ngunit pinigilan ako ni Fray. Iwinaksi ko ang kamay niya ngunit hinigpitan lang niya ang hawak sa akin.

"Fray, ano ba!" Sigaw ko.

"Kung hindi dahil sa kanya, hindi mangyayari ito! Oh, how I hate that girl!" Gigil niyang saad at bumaling sa direksyon namin.

Lumiit ang kanyang mata. Para akong nakakita ng apoy ng galit sa kanyang mata.

"Tangina!" Malutong ang mura ni Kim.

Hindi sapat ang pagpigil ni Jervis at ng kanyang ama upang sumugod sa akin. Isinangga ni Fray ang kanyang likod upang proteksyunan ako ngunit mabilis ang kamay ni Kim para abutin ang aking buhok. Napadaing ako nang maramdaman ko agad ang hapdi sa aking ulo.

"Maria Kimberly!" Saway ni Tito Dan.

"No, dad! This is all her fault! Hiniling niya na sana mamatay na lang si kuya! Walang utang na loob ang babaeng ito!" Sigaw niya at hinila pa ang buhok ko.

Wala akong magawa kung hindi damhin ang sakit sa aking ulo. Pumatak ang luha sa aking mata dala ng hapdi at sakit. Wala akong maisumbat dahil totoo ang lahat ng iyon.

"Kim, stop it!"

Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa nang mawala ang kamay ni Kim sa ulo ko. Itinulak ni Jervis si Kim palayo sa akin. Napanganga ako nang sampalin ni Tita Hazel si Kim.

"Hazel!" Pagpigil ni Tito Dan.

Hindi agad nakahuma si Kim sa ginawa ng kanyang ina.

"Her mom is critical because she saved your brother, Kim! Walang may gusto ng lahat ng ito. Please, understand!" Iyak ni Tita Hazel.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha. Hindi ko pa din makumbinsi ang sarili ko na wala akong kasalanan dito.

Idinuro ako ni Kim na para bang isa akong kriminal. "Meron, mom! That girl wants it! Hindi ba ay gusto niyang mamatay si kuya? You watched the video, right? Nakita mo ba ang reaksyon ni kuya doon? He was so hurt, mom!"

Lumunok ako at hinarap si Kim. Hawak ni Fray ang aking siko.

"Nasaktan din ako, Kim. Hindi mo ba iyon makita? Sinabi ko iyon dahil nasaktan ako ngunit hindi ibig sabihin noon ay gusto kong mangyari iyon." Mahinahon kong sinabi.

Lumipad ang tingin ni Tito Dan at Tita Hazel sa akin. Kita ko ang galit sa kanilang mata ngunit namutawi doon ang pag iintindi. Sa mga mata ni Kim ay purong galit ang aking nahihinuha.

"Damn excuses! Sinabi mo iyon dahil gusto mo iyong mangyari. Ang pagligtas ng mama mo sa kapatid ko ay dapat lan-"

"No! Walang kasalanan ang mama ko dito!" Sigaw ko. Ang manipis na pag iintindi ko kay Kim ay naglaho.

"Dapat lang iyon dahil sa sinabi mo! Face your karma, Grace. I wish your mom dead right no--"

Lalapit na sana ako upang patigilin si Kim sa kanyang sinasabi ngunit naunahan ako ng kanyang ama. Lahat kami ay nagulat dahil sa pagdapo ng palad ni Tito Dan sa kaliwang pisngi ni Kim.

"Hindi kita pinalaki ng ganyan, Kimberly." Mariing sinabi ni Mr. Tuazon.

"Daniel..." umiyak si Tita Hazel sa likod ng asawa.

Humagulhol si Kim at sinapo ang pisngi.

"I hate you, dad." Aniya at tumakbo paalis. Hindi nagdalawang isip si Jervis upang sundan si Kim.

Dumaan ang sakit ng salita ni Kim sa mga mata ni Mr. Tuazon. Tumalikod siya at pumasok sa hospital suite na sa palagay ko ay pag aari ni Willard. Naiwan si Tita Hazel. Pinunasan niya ang kanyang pisngi at lumapit sa akin. Namumungay ang kanyang mata dahil sa labis na pag iyak. Hinawakan niya ang kamay ko. Muling tumulo ang luha niya. Parang libo libong karayom ang tumutusok sa puso ko dahil sa maaari niyang sabihin sa akin.

"You tamed him, Grace. I liked you for that. But please, I beg you, stay away from him once he get healed." She said and it pierced my heart. I know. I felt it intensely.

Umalis siya at pumasok sa hospital suite na iyon. Sa pagsara ng pinto ng suite ni Willard ay bumukas naman ang ER. Lumabas ang doktor habang inaalis ang white mask sa kanyang bibig para magsalita.

"The patient is suffering from coma. We need to wait until she wakes up for further tests. Ms. Quijano, I'm afraid to say this but she needs to wake up after 48 hours. If not... I am sorry." Aniya at dismayadong umiling.

"Mama..." tinakpan ko ang bibig ko at hinayaang pumatak ang aking luha. I need you, Ma.

Continue Reading

You'll Also Like

141K 3.7K 55
[ A Y E A R A F T E R H I S G O D C O M P L E X ] Gayle Lovegrove is starting over. The wayward waitress has given up her high-profile life an...
2.1K 94 5
This is the Remastered edition of "Forsakened, yet Awoken" Feel free to check out the Original!
459K 10.7K 33
"𝐜𝐡𝐢𝐧 𝐮𝐩 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐭𝐢𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐥𝐢𝐩𝐩𝐞𝐬" Handmade bracelets on her wrist, freckles on her face and paint on her hands...
24.3K 376 20
Katherina..she is a commoner woman but with a high honor .. prince aegon always escapes to see his lover kath..but will the queen and the console acc...