His Broken-hearted Girl

By athreena

629K 15.5K 1.7K

Buong pusong tinanggap ni Grace ang lahat ng masasamang opinyon tungkol sa kanya ng ina ng kanyang boyfriend... More

His Broken-hearted Girl
Prologue
1. Matitigas
2. Paintings
3. Athena Grace
4. Sobra
5. Wet Kiss
6. Talk about age
7. Inhibitions, Control and Consequence
8. Your man
9. Where to kiss
10. Wounded
11. Ibang tao
12. The broken-hearted girl
13. Cause
14. Hug
15. The boy
16. Multiple
17. Disappointing
18. So bad
19. Three years
20. Which is which
21. Difference
22. Decision
23. Blurred and Impossible
24. Filthy pretty mouth
25. Unang Gabi
26. Aangkinin
27. Blue Balls
28. V neck
29. Okay
30. Stop chasing
31. More and more
32. Piece of
33. Anong nangyari?
34. I'm aware
35. Mama
36. Double Kill
37. Marry
38. Realization
39. We both are
40. Take me
41. F up
42. F u, too
43. Au Naturel
44. You know that
45. Wish You
47. Stay away
48. Dapat
49. The casualty
50. Not Again
51. His Thoughts
52. Masterpiece
53. Deference
54. Surreal
55. Most Painful
56. Unforgivable
57. Georgia
58. Maria
59. Wait
60. Done
Epilogue
Final Epilogue

46. Don't tell me...

6.7K 181 15
By athreena

Hinila na ni Fray ang aking kamay bago pa ako dagsain ng media dahil sa ginawa kong eksena. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I used to be a loving person! I didn't mean to wish someone dead right now!

"You know what is fucking wrong with you, Grace?!" Padarag akong binitawan ni Fray nang makarating kami sa basement ng complex. Nagpupuyos sa galit ang kanyang mata. Nag iwas ako ng tingin. "You only think of yourself! You only think of your pain you're feeling! Makasarili ka at hindi mo iniisip na nasasaktan din ang iba dahil sa ginawa mo! Just dammit, Grace! You're not like that."

Napatalon ako ng hampasin ni Fray ang kotse. Umiling siya na para bang dismayado siya sa aking ginawa. Nanginginig ako sa hindi ko alam na dahilan. My heart was hardly pulsating inside my chest. Para bang nasasaktan ako dahil sa aking binitawan na salita kay Willard.

"Pasok, Grace. We're going to meet your father. Now." Ma awtoridad ang boses ni Fray. Pinagbuksan niya ako at inilahad ang kotse. Napatingin ako sa kanya dahil rumagasa ang panibugho sa aking dibdib.

"I can't." Umiling ako. This is not the right time!

"Hop the fuck in, Athena Grace Van Haughes!" Mariin na sinabi ni Fray. Umigting ng husto ang kanyang panga dahil sa galit. Matalim ang titig niya sa akin na para bang pati sya ay nauubusan na din ng pasensya sa akin.

Pumatak ang luha ko. Agad ko itong pinunasan at sumakay sa kotse. Nanginginig ang tuhod ko. Kumikirot ang puso ko. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. I am going to meet my father tonight! Right at this moment that my heart is a mess.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang nagmamaneho si Fray. Katulad kanina ay galit pa rin ang namumutawi sa kanyang mata. Hindi ko maintindihan. Magkakilala ba si Will at Fray? Why is he suddenly concerned about Willard? And hell, I'm going to meet my father!

Nang pumasok kami sa eksklusibong subdibisyon ay tuluyan ng lumipad sa aking isip ang nangyari kanina sa complex at napalitan iyon ng sari saring emosyon para sa aking ama. Eight years ago, my father left us with a reason that he has another family. Pinong galit at panibugho ang naramdaman ko. Sa bawat ala ala ni Papa ay namumutawi sa aking isip ang kasalanan niya sa amin.

Why is it so easy for him to leave us like that? He used to tell us that he loved us! Ganoon na ba ngayon ang ibig sabihin ng pagmamahal? Dadating lang para iwan ka? I don't understand.

"We're here." Anunsyo ni Fray.

Bumusina siya ng tatlong beses sa harap ng matayog na pulang gate. Bumukas iyon at pinaharurot niya ulit ang kanyang sasakyan papasok.

Dumagundong ang dibdib ko, may bumibikig sa aking lalamunan. Is this my dad's house? Or a mansion? Sa tingin ko ay dalawang palapag ito ngunit matayog ang architectural facade nito. It has glass windows and swanky combination of a classic and modern exterior design. Sa harap ng matayog na bahay ay may fountain.

Sa gitna ng masiglang fountain ay isang rebulto ng dyosa.

Napaiyak ako.

"Athena..." Napahagulhol ako. My father has given me a name after the goddess of wisdom. And I can't believe that I'm seeing it in front of me!

"Athena was standing there for almost nine years." Sambit ni Fray.

Kinalas niya ang kanyang seatbelts at lumabas. Umikot sya para pagbuksan ako.

"Athena, your father is inside. He's waiting for you to come home." Iniangat ni Fray ang aking baba at naramdaman ko ang lamig ng kanyang kamay. Blanko ang kanyang mata. "Come."

Tumango ako at pinunasan ang aking luha. Binigyan ako ng espasyo ni Fray upang makalabas sa kotse. Iginala ko ang aking mata. Sa garahe ay may anim na sasakyan ang nakaparada.

Lumunok ako nang makita ang lumabas na babae. Nakasuot siya ng floral na flowy dress. Her smile is inviting and she has foreign features. Her eyes and lips are familiar. Para kong nakikita ang aking mata at labi sa kanya!

"Athena..." iyon ang namutawi sa kanyang bibig.

Ngumiti siya ng malapad at kita ko ang luha sa gilid ng kanyang mata. Para bang sabik na sabik siya.

"She's home, mom." Humalik si Fray sa matanda. I think she's in mid 60's but her posture is still lively and young.

Suminghap siya at lumapit sa akin. Hindi maalis ang kanyang tingin sa aking mukha. Nag init ang pisngi ko. Para bang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako.

"I'm Ferlin, Athena. C-Can I hug you?" Pakilala niya sa kanyang sarili. Nabasag ang kanyang boses at parang may humawak na kamay sa aking puso nang tumulo ang kanyang luha. "I-I'm your aunt. I'm your dad's sister."

Nalaglag ang panga ko nang yakapin niya ako. Humagulhol siya at humigpit ang hawak niya sa akin. What should I do? Im feeling numb right now!

Lumunok ako at hinanap ang mata ni Fray, humihingi ng tulong. He genuinely smiled at me as if encouraging me. Parang nagkaroon ng sariling buhay ang aking mga kamay at niyakap pabalik si Tita Ferlin. Napapikit ako dahil sa pamilyar na init dala ng lukso ng dugo. She's my aunt!

Lumaki akong si Papa at Mama lang ang kilala kong kamag anak ko. Nang umalis si Papa ay umikot kay Mama ang atensyon ko. Nag iisang anak si Mama at ang kanyang mga magulang ay namatay noong bata pa siya dahil sa aksidente. Hindi ko alam ang pakiramdam ng magkaroon ng maraming kapamilya. Until Fray comes in, he made me feel like I have a cousin. Another relative, indeed.

"I'm sorry I got carried away."

Kumalas si Tita Ferlin sa yakap. Hinawakan niya ang aking pisngi at inayos ang aking buhok na para bang sinusuri kung ako ba talaga si Athena, ang anak ng kanyang kapatid. Dama ko ang tunay na pagkasabik at pagmamahal sa kanyang galaw.

"You exactly look like your father. Well, you has Anna's glorious hair." Tumabang ang kanyang boses nang banggitin ang pangalan ni mama.

"Asan po siya?" Kinabahan ako nang tanungin ko iyon.

Hindi ko alam kung nasasabik ba akong makita ulit si Papa. I was mad at him! Narito din ba ang una niyang pamilya? May pait akong nararamdaman sa aking dibdib! I don't know if this is the right time.

"You wanna see him, Athena?" Si Fray. Umigting ang kanyang panga at matalim akong tinignan na para bang may gagawin o sasabihin na naman akong hindi maganda kapag pumayag ako sa tanong niya.

Tumango ako.

Ngumiti si Tita Ferlin at kinuha ang kamay ko. Pumasok kami sa loob ng bahay at sumunod naman si Fray. Iginala ko ang aking mata sa loob ng maluwang na bahay. Tahimik ang buong lugar. Pinaghalong kayumanggi at puti ang pangunahing kulay ng bahay. Ang bawat sulok ng pader ay mga paintings ng iba't ibang trademarks sa London. Ang mga sofa, couch at iba pang furnitures ay marangyang nakapuwesto sa living room. Ang center table ay puno ng magazines.

Nang paakyat kami sa second floor ng bahay ay may nakasalubong kaming nurse. Kumunot ang noo ko. Siya iyong nurse na nakita ko kanina sa complex. Naglakbay ang isip ko. Is it possible?

"He's in the library, madam." Anito kay Tita Ferlin.

"Did he took his meds?"

"Yes, madam."

Ngumiti si tita. Nagpatuloy kami sa pag akyat ngunit hindi maalis ang tingin ko sa nurse.

Tumikhim si Fray. Napatingin ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay na tila ba alam niya kung ano ang tumatakbong tanong sa isip ko. Kinagat niya ang kanyang labi, nagpipigil ng ngiti.

"Damn girl." Bulong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Fuck! Si Papa ang matandang nasa complex kanina! Iyong kausap ni Willard. Ang sinabi niyang isa sa mga stockholder ng Au Naturel! Is he? Fuck. Nalulusaw ang puso ko. But the old man awhile ago was fragile! Imposible. Nang iwan niya kami ay malakas siya! But then, that was eight years ago. Siguro ay iniwan din siya ng una niyang pamilya kaya siya nagkasakit.

"Stop over thinking, Grace." Bulong muli ni Fray.

"Hija, what can you say about that painting?"

Napatingin ako kay tita nang hawakan niya ang siko ko. Itinuro niya sa akin ang painting na nasa dulo ng hallway. Nanlaki ang mata ko.

In the painting was me and dad! I was leaning on his chest.

Kinukurot ang puso ko. That was me and him on my 16th birthday! Nag iwas ako ng tingin. Mataas ang tingin ko sa aking ama nang panahong iyan. Ngunit bumaba ito kasama ng aking respeto nang sabihin niyang may ibang pamilya siya.

"Let's go and see him, tita. I want this done." Mariin kong sinabi at nag iwas ng tingin sa painting na iyon.

Tinikom ni tita ang bibig niya na para bang napahiya sa aking sinabi. Dammit! Pakiramdam ko ay lahat na lang ng sasabihin ko ay mali.

"Don't be so harsh, Grace." Madiin ang boses ni Fray.

Bumagsak sa sahig ang mata ko. I am not a bitch. I am not harsh. The wounded Athena Grace is speaking for me!

"It's okay, son." Nginitian ako ni tita at hinila na ulit ang kamay ko.

Umirap si Fray sa akin at humalikipkip. Kinagat ko ang labi ko.

"I'm sorry, tita."

Mahinang tumawa si tita. Uminit ang pisngi ko. Tumigil siya sa tapat ng isang pintuan at hinarap ako. Naramdaman ko ang presensya ni Fray sa gilid ko.

Hinaplos ni tita ang aking pisngi. Nanlambot ang aking binti nang ngitian niya ako. "Please, listen to your father first-"

"Mom, we can't just leave the two of them there. Grace... she's..." tumingin sa akin si Fray. "Her words are like a knife when she's hurting. Tss." Inirapan niya ako.

Damn you, Fray Arkhim!

"I trust you, Athena. You are kind. I know. Anak ka ng tatay mo kaya alam ko." Nginitian niya muli ako, hindi pinansin ang sinabi ni Fray.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kay tita. Para bang malaki ang tiwala niya sa akin. She wants me to listen to my father. Fray doesn't trust me because he already knew my morbid words when I'm hurting.

Why? Ano ang sasabihin ni Papa? Will he explain to me why he left us? Will it change the way I feel for him? Handa na ba akong marinig siya? Na makita siya?

Bago pa magbago ang desisyon ko ay kinatok na ni tita ang pintuan. Kumalabog ang dibdib ko nang may nagsalita sa loob. Mahina ngunit baritono ang boses. His hard British accent gives me sense of longing.

"Please, come in."

Napatingin ako kay tita. Ngumiti siya at ipinihit ang seradura ng pinto. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung handa na ba ako ngunit sabik na din akong makita si Papa! Ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi pa din nagbabago kahit na galit ako sa kanyang ginawa.

Hindi pa din pumapayag si Fray sa gusto ng kanyang ina na magsolo kami ni Papa sa loob. "Mom, I will go with her-"

"You go away, Fray Arkhim." Sinamaan ng tingin ni tita ang anak. Lumambot ang ekspresyon nang kanyang mukha nang ilahad niya ang bukas ng pintuan.

Huminga ako ng malalim. It's now or never. Narito na ako at hindi na uurong pa.

Nanginginig ang tuhod kong humakbang papasok. Naririnig ko sa aking likod ang pag aalinlangan ni Fray. He wants to join me to protect his uncle! Ganoon na ba ako kasama?

Nang makapasok ako sa loob ay humarap ako sa mag ina, hinawakan ang pintuan. Ngumiti ako ng pilit. I will listen to my father first. Even if it means hurting on his explanations or whatsoever.

"If something happened to uncle after your talk with him, Grace, I'm warning you." Banta ni Fray.

I made a face.

Tumawa si tita ng mahina atsaka hinila na paalis si Fray. I heaved a silent sigh and closed the door. Humarap ako sa library. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at kita ko agad ang malapad na likod ni Papa. Nakaupo siya sa wheelchair sa tapat ng bookshelve. I guess he was scanning books to read. Naninikip ang dibdib ko. I have the urge of burying my head on his shoulders and hug him. I was one hell of a papa's girl! But the situation is different now.

Tumikhim ako at batid kong naramdaman niya ang presensya ko dahil sa pagbalik niya ng isang libro sa shelve.

"Do you think my daughter is still hurting, Ferlin?" He said in a hushed tone.

Maybe he's referring to his other daughter? My heart aches. Damn!

Umiling siya na para bang walang silbi ang pagtatanong niya non. "Is Fray doing his job? Is he always looking after her? Damn it, Fer. I can't do anything for my daughter. I feel u-useless." Nabasag ang boses niya.

Lumunok muli ako.

"Why is it so easy for you to leave us, Mr. Van Haughes?" Madiin kong itinanong.

Nanigas ang kanyang likod ngunit hindi siya lumingon. Alam niya agad na ako iyong nagsalita at hindi si tita. Dama ko sa kanyang iginalaw ang gulat.

Naglakad ako palapit sa kanya. Pumwesto ako sa harap niya. He was wearing an all white ensemble night clothes. Nang mag angat siya ng tingin sa akin ay agad na pumatak ang luha sa kanyang mata. Dammit! My father didn't even blink. I can see longing and regret on his pale blue eyes!

"My princess..." iniangat niya ang kanyang kamay upang hawakan ako. Tinignan ko lang iyon.

"I was miserable when you left, Papa."

Tumango siya na para bang naiintindihan ang nararamdaman ko. Ibinaba niya ang kanyang kamay at inalis ang salamin sa kanyang mata. Pinunasan niya ang gilid ng kanyang mata at lumunok ng mariin.

"And I hate myself for that, baby."

Dammit! I will always be a Papa's girl! After everything that had happened? Really, Grace?!

"I need to leave you two. Not because I had another family..."

Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan ang magsalita dahil alam kong masakit na salita ang lalabas sa aking bibig! Hindi ko maiwasan ang magalit. Another lie? But I need to listen. I will listen.

"Your mom and I were in chaos that time. Not because I had an affair with other woman. Baby, I love your mom so much. I can't do that to her." Suminghap siya at hinilot ang dibdib. Huminga siya ng malalim. "My heart is still beating for her. It was still beating even if it's already fragile." Ngumisi siya at kita ko agad ang pagkakapareho ng aming labi!

His are full and pale red because of... I don't know.

"If you loved her, then why did you left her?!" Nagtataas baba ang aking dibdib. I need the answer.

Kung hindi para sa ibang pamilya, para saan?!

"I have rheumatic heart disease, baby. And I will be a burden if I will stay with you. You see, we have no money that time. My parents disowned me when I chose your mother. When I chose the both of you. And I will gladly choose you over and over again if only I have a strong heart."

Matabang siyang ngumiti at hinilot muli ang kanyang dibdib. Huminga siya ng malalim, tila ba paraan niya iyon upang lumuwag ang naninikip niyang dibdib.

Kinagat ko ang aking labi. Unti unting nanlalambot ang puso ko. Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan. Hinawakan ko ang malayang kamay ni Papa. It was cold. I enveloped his hand on my cheek.

"We'll fight, Papa, if you only chose us again!" Tumulo ang luha ko. Hindi ko pa din maiwasan ang tabang sa boses ko. "We long for you, Papa. We loved you and you will never be a burden for us, P-papa!"

"We both know that we can't fight this heart failure, my princess. I don't want you to worry about my condition so I chose to lie. I chose to tell you that I had another family. It was suicidal, baby. Lying that I had another family is suicidal because I was lying to the only family I h-have." Nabasag ang boses ni Papa.

Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko. Namumula ang kulay asul niyang mata. Lalo akong napahagulhol! Kinukurot ako ng aking konsensya dahil sa dami ng masasamang salitang binitawan ko sa kanya noon. I called him worst names I can't imagine saying and thinking right now.

"I'm s-sorry, Papa!" I cried and hugged him.

Niyakap niya ako pabalik at alam ko sa aking sarili na maayos na muli ako. I can't wait to tell this to Mama!

Kumalas ako kay Papa nang kumalabog ang pintuan dahil sa marahas na pagbukas nito.

"Grace!"

Napatingin kami ni Papa kay Fray, humahangos siyang lumapit sa amin. Ang kanyang mukha ay walang kulay. Batid ko sa kanyang postura ang panghihina. Marahas akong tumayo at doon ko naramdaman ang paglusaw ng aking binti dahil sa nag-aalalang reaksyon ng mukha ni Fray. Bigla akong nahintakutan.

No don't tell me...

"Si Tita Anna..."

Continue Reading

You'll Also Like

40.1K 888 90
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...
112K 1.5K 51
๐ˆ๐ญ๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐๐š๐ฒ ๐›๐š๐œ๐ค ๐ญ๐จ ๐ฌ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ , ๐€๐š๐ฅ๐ข๐ฒ๐š๐ก ๐ข๐ฌ ๐ง๐จ๐ฐ ๐ข๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐ ๐ซ๐š๐๐ž, ๐ฐ๐ก๐ข๐ฅ๐ž ๐ฌ๐ก๐ž๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ž ๐ฌ๐ก...
220K 11K 90
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
29.1K 436 44
ๅƒ•ใ‚‰ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ต ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ไปŠๅคœ ไธ–็•ŒใŒ็ต‚ใ‚ใฃใฆใ‚‚ ๅคงไบ‹ใซใ—ใŸใ„ใฎใฏ ๅƒ•ใ‚‰ใฎใ€ŒไปŠใ€ (๐˜–๐˜ถ๐˜ณ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ต ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜Œ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ช๏ฟฝ...