Ang Manyak kong Asawa

By LadyKazumi

4.5M 52.6K 5.8K

Gwapo, maputi, chinito, hot, kissable lips, matangos na ilong, may magandang katawan, mayaman---paano kung an... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Book 2!!!
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5
Special Chapter 6

Chapter 31

71.7K 970 259
By LadyKazumi

a/n: sorry for late ud. Nabura kc bgla ni kuya ung tinatype ko eh kaya ayun, kailangan ko ulit isipin ung mga tinype ko. Anyways, nagustuhan nyo ba ung new cover? Si sis Pamchi ko ang gumawa nyan. Ganda no? (*u*)

----

Chapter 31

Grey's POV

Anong ginawa ko?! Anong katangahan ang ginawa ko?!

Y-yung baby namin... Y-yung baby namin...

Ako na ang pinakawalanghiyang lalaki sa buong mundo.

Pero yung anak namin at...si Lory. Hindi ko alam ang gagawin ko 'pag nawala sila sa'kin.

Kanina pa sila nakaalis at wala akong nagawa nang makita kong puro dugo na si Lory.

I'm useless! I'm very very useless! Ako ang asawa pero wala man lang akong nagawa!

"G-grey."

Saka lang nagising ang diwa ko nang magsalita si Malan. Naalala ko tuloy na katabi ko pa nga pala s'ya. May nangyari ba talaga sa'min? B-bakit...wala akong maramdaman? Lalaki ako at alam ko kung anong pakiramdam pero bakit ganito? Wala talaga pero paano naman mae-explain na wala kaming suot at magkatabi pa kami sa kama? Ano nga naman ang iisipin ng iba kung nasa ganitong sitwasyon sila?

"G-grey..." Tawag n'yang muli pero this time, hinawakan n'ya na ang kamay ko.

Inalis ko 'yon at diretsahan s'yang tinanong. "May nangyari ba talaga sa'tin?!"

Umiwas s'ya ng tingin nang may malungkot na expression ng mukha.

So I guess, meron nga.

Bullsh*t! I'm so stupid!

"Sorry...hindi ko na---"

"Magbihis ka na." Inis kong sinabi.

"H-ha? Pero---"

"Magbihis ka na!" Hindi ako pumapatol sa babae kaya pinipigilan ko ang galit ko. Atsaka hindi ko naman s'ya masisisi, kasalanan ko din naman 'to.

----

Pagkatapos n'yang magbihis ay nagbihis na din ako.

Kailangan kong pumunta sa ospital ngayon. Aalamin ko kung ano na ang kalagayan ni Lory.

"S-saan ka pupunta?"

Hindi ko s'ya pinansin. Lumabas na 'ko ng bahay at hinanap ang kotse ko.

Hindi ako sure kung saan s'ya dinala. Kailangan ko pa tuloy isa-isahin ang mga malalapit na ospital.

"Lory Montenegro po? Sa fourth floor po, 403 po yung number ng room n'ya." Sa wakas. Sa panglimang ospital ko nalaman kung nasaan s'ya.

"Salamat." Agad akong tumakbo paakyat sa second floor. Sana walang nangyaring masama baby namin.

Nasa harap na 'ko ng room 403. Bago ako pumasok ay huminga ako ng malalim.

"H-honey..." Napatingin silang lahat sa'kin. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin si Lory.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Honey sorry...sorry---"

"Magagawa ba ng sorry mo na ibalik yung oras?! Magagawa ba ng lintek na sorry na 'yan na pawalain yung nangyari sa inyo ni Malan?!"

Ayokong makitang nasasaktan s'ya ng ganito dahil nasasaktan din ako. "Hindi ko sinasadya iyon Lory. Lasing na lasing lang---"

"Wag ka na ngang magdahilan Grey! Dahil kahit ano pang sabihin mo, hinding-hindi na kita papakinggan! Galit na galit ako sa'yo! Nang dahil sa'yo wala na ang baby natin!"

Nandilat ang mga mata ko. "W-wala na ang b-baby natin?"

"Oh ano masaya ka na?!" Pinunasan n'ya yung luha n'ya. "Sabagay, bakit ka nga naman malulungkot kung magbubunga din naman yung nangyari sa inyo ni Malan!"

Ang baby namin...wala na... Hindi ako makapaniwala.

"Hindi ako masaya sa nangyari Lory. At hindi din ako matutuwa kung sakaling magkaanak kami ni Malan." Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Hindi ako magiging masaya kung sa iba ako magkakaroon ng anak. Hinding-hindi mangyayari 'yun. Gusto ko sa'yo lang Lory, sa'yo lang...wala ng iba."

"Tumigil ka na! Ayaw ko nang pakinggan ang kasinungalingan mo!"

Lumuhod ako at sinabing..."Patawarin mo 'ko Lory. Gagawin ko lahat, patawarin mo lang ako."

"Kahit ano?"

"Oo, kahit ano. Patawarin mo lang ako."

Huminga s'ya ng malalim. "Gusto kong...layuan mo na ako at wag na wag ka nang magpapakita sa'kin."

"A-ano? Pero Lory hindi ko 'yun kaya! Hindi ko matitiis na malayo sa'yo."

"Ayaw mong patawarin kita?"

Bumuntong hininga ako. Mas maganda na nga sigurong lumayo ako sa kanya para hindi na s'ya masaktan. "Okay, kung para sa kasiyahan mo 'to, gagawin ko." Tumayo na 'ko mula sa pagkakaluhod. "Pero tandaan mo, mahal na mahal kita." Ngumiti ako ng malungkot sa kanya. "Goodbye...and be happy." Pagkatapos nun ay tumalikod na 'ko at lumabas. Umalis na din ako ng ospital.

----

Lory's POV

"Bakit ka nagsinungaling sa kanya Lory? Bakit 'di mo sinabing ligtas ang baby n'yo?" Tanong agad ni Emerald.

"Para saan pa?! Para balikan n'ya 'ko at lokohin?"

"Lory..."

"Ayoko na ulit masaktan..."

"Pero paano kapag nanganak ka na at lumaki na yung bata? Sinong tatay n'ya ang sasabihin mo?" Worried na tanong ni Hannah.

Napatungo ako at humawak sa tiyan ko. "H-hindi ko alam."

Ibinaon ni Violet ang ulo ko sa dibdib n'ya saka pinulupot ang braso n'ya sa'kin. "Wag n'yo munang tanungin si Lory ng mga ganyan, diba bawal s'yang ma-stress sabi ng doktor?" Sabi n'ya kina Emerald at Hannah. "Tumahan ka na Lory. Kailangan mo munang magpahinga."

Humiwalay ako sa yakap n'ya at tiningnan ko silang lahat. "Salamat. Salamat sa inyong lahat. Siguro kung wala kayo, hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Ayos lang 'yun Lory. Friends nga tayo diba?"

"Oo nga naman. Basta kung kailangan mo kami, wag kang mahihiya."

"Lory!!!" Biglang pumasok si mama at nagtatakbo papalapit sa'kin. Nagulat ako nang bigla n'ya 'kong yakapin.

"M-mama?"

"Sorry anak. I'm so sorry. Kung alam ko lang sana na gan'on ang ugali ni Malan, hindi ko na sana s'ya kinuhang kasambahay. Anak, sorry talaga."

For the first time, tinawag n'ya akong anak at umiiyak s'ya ngayon dahil sa'kin.

"M-mama..."

"Iiwan ka muna namin Lory. Nasa labas lang naman kami." Lumabas na ang mga kaibigan ko.

"Ang sama ko namang tao kung hindi ko kayo papatawarin."

Napahiwalay s'ya ng yakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "H-hindi ka na galit?"

"Hindi naman po ako galit mama." Hinawakan ko ang kamay n'ya. "Sorry din po sa ugali ko sa inyo."

"Wala na 'yun. Basta, let's forget the past between the two of us, okay?" I nodded. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"Y-your baby? Okay lang ba s'ya?"

"Opo, ligtas naman po."

"Mabuti naman."

----

Malan's POV

Nandito pa rin ako sa bahay ni Lory. Para akong nababaliw na ewan dahil kanina pa ako umiiyak. Mixed emotion ang nararamdaman ko ngayon.

Bakit ba ngayon lang ako nagising sa katotohanan?! Yung katotohanan na...wala naman talaga akong pag-asa kay Grey?!

Naiinis ako sa sarili ko---no, galit na galit ako.

Alam kong wala nang magagawa ang sorry ko at alam kong hindi na din ako papakinggan ni Grey at Lory.

----

"A-anong ginagawa mo dito Malan?"

"Ayoko na Sei. Suko na ako."

"H-ha? Anong sinasabi mo"

"Nakita na ni Grey yung mga picture at nag-away na din sila ni Lory." Napangiti s'ya nang sabihin ko 'yon. "At pagkatapos ay nagpanggap din akong may nangyari sa'min ni Grey. Nang makita kami ni Lory, sobrang galit na galit s'ya. At ang mas malala pa doon, dinugo na s'ya." Nawala ang ngiti ni Sei. Napaupo ako dahil parang pag umuulit sa utak ko ang pangyayaring 'yon ay nanlalambot ako. "Pati baby nila dinamay ko. Nakakainis! Ang sama-sama kong tao! Napakasama ko! Hindi ko inakalang dadating sa ganitong punto. Kung alam ko lang, sana matagal ko nang itinigil ang mga kalokohan natin! I'm so selfish! I hate myself!" Niyakap ko ang mga tuhod ko at umiyak ako nang umiyak.

Naramdaman kong tumabi s'ya sa'kin at hinaplos ang ulo ko. "Hindi ka masama. Sumobra ka lang sa pagmamahal...gaya ko.. Naging obsess na 'ko kay Lory. Kung hindi lang sana ako ganito, hindi ko magagawa 'yun sa kanya."

Napatingin ako sa kanya at nakita kong may tumulong luha sa mata n'ya pero agad n'yang pinunasan 'yon. "Sobrang sakit pala kapag hindi naging sa'yo ang mahal mo noh?"

"O-oo naman... Siyempre s'ya yung happiness mo eh."

He sighed. "Alam kong hindi na nila tatanggapin yung sorry natin. Kaya ano pang magagawa natin?"

"H-ha?" Nang magsink-in sa utak ko ay may nagform na ngiti sa labi ko. "Akala ko, hindi ka pa rin willing na itigil 'to. Pero may magagawa pa naman tayong paraan para mapatawad nila tayo."

"Ano?"

"'Yun ang kailangan nating isipin tsaka pagtulungan."

----

Third Person's POV

Pumunta si Grey sa lugar kung saan naghoneymoon sila ni Lory. Pagpasok n'ya sa bahay ay medyo napapangiti s'ya sa mga naaalala n'yang memories nila ng asawa n'ya. Pagkatapos ay sunod n'ya namang pinuntahan ang ice cream parlor shop. Bumili s'ya ng ice cream para may mapaglibangang kainin habang naglalakad. Dumaan s'ya sa flower shop at bumili ng isang boquet ng sunflower.

"Ikaw yung gwapong bumili din dito dati diba?" Tanong sa kanya ng tindera.

"Naaalala n'yo pa po pala ako?"

"Oo naman. Siyempre pati na rin yung asawa mong maganda. Nga pala, bakit 'di mo s'ya kasama?"

Ngumiti lang s'ya dito at nag-abot ng pera. "Eto na po yung bayad ko." Umalis na s'ya doon habang naiwang nagtataka ang tindera.

Pumunta s'ya sa sementeryo na dating pinuntahan nila ni Lory. Hinanap n'ya agad ang tomb ng kanyang mommy.

"Hi mommy. How are you?" Inilagay n'ya ang bulaklak dito at umupo.

----

Grey's POV

"Mommy pasensya na kung 'di ko kasama si Lory ah? Galit na galit kasi s'ya sa'kin eh." Humiga s'ya sa damuhan at tumingin sa langit. "May nangyari po kasing 'di maganda.." Sumalubong sa mukha n'ya ang malakas na hangin. "Mommy, gusto n'ya 'kong lumayo sa kanya. At halata na din naman sa kanya na ayaw n'ya na 'kong makita." Humiga na 'ko, wala akong pakialam kung sakaling may makakita sa'kin. "Wala na akong magagawa. Mas mukhang magiging masaya naman s'ya eh. Siguro nga hindi s'ya yung babae para sa'kin." Pinatong ko ang braso sa noo ko at nagsimulang tumulo ang luha ko. "Ang sakit sakit. Mas matindi pa sa salitang sakit." Pinilit ko pa ding ngumiti. Makaraan ang ilang minuto ay nagsalita ulit ako. "Aalis na nga pala ako mommy. Pupunta .na akong ibang bansa pero hindi pa naman ngayon. Siguro after 2 weeks. Gusto ko munang libutin yung mga lugar na gusto kong puntahan bago ako umalis." Naramdaman kong medyo humangin ng malakas. "Pinipigilan mo ba 'ko mommy? Haaay, para rin naman 'to sakin at kay Lory." 

Nagkwento pa ako kay mommy ng kung anu-ano hanggang sa abutin na ako ng dilim.

"Haay, sige na mommy. Kailangan ko nang umalis. Salamat sa pakikinig ah? I love you." Umalis na ako at bumalik sa bahay. Dito na lang ako magpapalipas ng mga natitira kong araw.

---------------------------------------------------------------------------

a/n: like it? :D Hindi ako marunong magpaiyak, sorry XD.

-LadyKazumi

Continue Reading

You'll Also Like

7.7K 3.5K 26
Cordova Series #1 Palagi na lang sinusunod ni Akira ang mga magulang niya kahit hindi ito ang kasiyahan na gusto niya, pero darating sa punto na hand...
70.4K 1.3K 41
"I hide my real identity to determine if you still love me even if I'm living ordinary" - Luke Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE R...
156K 4.8K 23
Nahulog ang puso ni Chynna sa campus heartthrob-slash-singer guitarist na si Sandro Emir, boses pa lang nito ay nabihag na agad ang puso niya, hindi...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...