Ang Manyak kong Asawa

By LadyKazumi

4.5M 52.6K 5.8K

Gwapo, maputi, chinito, hot, kissable lips, matangos na ilong, may magandang katawan, mayaman---paano kung an... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Book 2!!!
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5
Special Chapter 6

Chapter 5

151K 1.6K 102
By LadyKazumi

Chapter 5

"Binitin mo 'ko." Sabi ko kahit tulog na s'ya. Kinuha ko na lang yung kumot n'ya at itinaklob sa katawan n'ya. Pumunta ako sa salas at doon na lang nahiga sa couch.

----

Lory's POV

Kinabukasan ay tanghali na 'kong nagising. Argh! Bakit napakasakit ng ulo ko?!

Habang hinihilot 'ko ang ulo ko, bigla kong naalala ang nangyari.kahapon.

Si Grey! A-anong ginawa ni Grey sa'kin?! 

Napatingin ako sa suot ko, nakadamit pa naman ako eh. Haaay, buti naman.. Akala ko nirape na 'ko ng lalaking 'yon! Next time talaga hindi na 'ko iinom ng madami!

Muli akong napatingin sa damit ko. Teka, eto nga pala yung dress na suot ko nung nagpunta kaming bar ah!

Biglang kumulo ang tyan ko. Nagugutom na ako. Hindi nga pala ako nakapagtanghalian at nakapaghapunan kahapon. Makaligo nga muna. Grabe, napakasakit talaga ng ulo ko! 

Pagkatapos kong maligo. Dumiretso na ako sa kusina para makapagluto sana ng breakfast kaso nakita ko s'yang nakasuot ng apron.

"Good morning." Bati nya sakin habang nagluluto s'ya.

"Tss! Masipag ka yata ngayon?!" Umupo ako dun sa upuan. Ano 'to himala?

  

Ngumiti lang s'ya sa'kin. Naiirita ako sa ngiti n'ya, ang manyak kasi. "Ipinagtimpla kita ng kape. Inumin mo 'yan, makakabawas 'yan sa sakit ng ulo mo."

Napatingin ako sa kapeng nasa harap ko. Kinuha ko 'yon. "S-salamat.." Nahihiyang sinabi ko sa kanya. 'Di ako sanay magpasalamat.

Ngumiti lang ulit s'ya. Maya-maya ay tapos na s'yang magluto. Tutulungan ko sana s'yang maghain kaso sabi n'ya, s'ya na lang daw. Scrambled eggs ang niluto n'ya at sinangag na kanin.

"Saan ka bumili ng itlog?"

"Nagpabili ako sa mga tauhan ni dad sa grocery. Bumili na rin ako ng iba pang kakailanganin kasi wala ka ng stock eh."

Napapangiti naman ako ng wala sa oras dahil sa ginawa n'ya. May kabaitan din palang tinataglay itong lalaking 'to noh? Akala ko puro kamanyakan lang.

"Mas maganda ka pala kapag nakangiti ka." Ramdam kong nag-init ang dalawang pisngi ko. "You're blushing." Sabi n'ya habang natatawa-tawa.

"Che!"

Nang maihain n'ya na ang pagkain ay nagstart na kaming kumain. Grabe, sobrang daldal n'ya pala.

"Grey.."

"Hmm?"

"Bakit ka nga pala pumayag sa offer ng nanay ko?"

Napatingin naman s'ya sa'kin at biglang sumeryoso ang muka n'ya. Bigla naman akong kinabahan. 

Halos atakihin ako sa sagot n'ya. "Secret."

Naknang pupu!

----

Napakabilis nga naman talaga ng panahon. Parang kailan lang, minamanyak ako ni Grey pero eto ngayon, lumipas na agad ang dalawang buwan at ikakasal na kami!
 

Nakakainis naman eh, pero hindi pala ako naiinis. Basta ayokong magpakasal, pero gusto ko palang magpakasal. Haay, nasisiraan na 'ko ng ulo! Siguro kaya lang gusto kong magpakasal ay dahil sa nagiging mabait na sa'kin si Grey!

Waahh! Matatae pa yata ako!

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang mayroong nagdoorbell. Ayan na yata sila mama!

Binuksan ko na yung pinto at nakita ko si mama kasama ang barkada ko.

Sina Scarlet at Violet ay kambal. Parehas matapang at malandi. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko sila eh. Basta malandi sila period.

Si Mae naman ay kilala n'yo na. S'ya 'yung kasama ko dati sa bar. Obvious naman na mahilig 'yan uminom. Marami 'yang problema sa buhay kaya lasenggera ang peg.

Ang sumunod naman ay si Trisha, s'ya ang pinakaweird sa mga kaibigan ko. Nakatago kasi yung mukha n'ya gamit ang mahabang bangs n'ya. And I swear, bihira lang talaga s'yang magsalita. Wala akong nalalaman about sa kanya, sobrang napakalihim ng babaeng 'yan. Bihirang-bihira lang din s'ya magsalita.

Sunod naman ay si Emerald, masyado ding malihim at mapride. Nalaman ko na lang bigla noong isang araw na nagnakaw s'ya ng bag sa kakilala n'ya. Grabe 'yang babaeng 'yan. Walang sinasanto. Hilig magnakaw ng kung anu-ano pero hindi naman s'ya ganun katindi magnakaw ng mga gamit. Basta kapag kailangan n'ya lang.

Ang last naman ay si Hannah, masasabi kong s'ya na ang pinakapanget pumorma sa'min. Dahil sa way ng pananamit n'ya, nagmumuka na s'yang losyang at dahil doon, maraming nagsasabi sa kanya na panget s'ya pero kapag inayusan 'yan, 100% sure na maganda 'yan.

"You look goddess in that wedding dress Lory!" Sabi ni Scarlet.

"Tss!" Goddess?

"Tara na sa simbahan!" Sabi ni mama.

"Okay."

----

Nang makarating kami sa simbahan, bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Baka mamatay na ako.

"Goodluck Lory!" Pang-aasar ni Violet.

"I'm so happy for you!" Sabi naman ni Mae.

Nga pala, tama nga yung sinabi ni Mae na parang kakilala n'ya si Grey. Naconfirm n'ya kasi noong isang araw dahil nagpunta s'ya sa bahay ko.

"Pasok na kami sa loob ha?" Sabi ni Hannah. Tumango lang ako at naiwan dito sa labas ng pintuan ng simbahan. Feeling ko mauutot akong ewan. Gusto kong umurong.

Narinig kong tumugtog na yung 'here comes the bride', sign na 'yun na maglalakad na 'ko sa aisle. Wala nga akong kasabay na maglakad na lalaki dahil nga sa wala na 'kong tatay at wala naman akong kaibigang lalaki.

Bumukas na ang pinto. Nagstart na 'kong maglakad. Kinakabahan talaga ako! Hindi ko talaga alam kung bakit!

----

"I now pronounced you, man and wife." Nagpalakpakan ang lahat. "You may now kiss the bride."

Bakit may ganun pa?! Ayoko!!!

Ayan na, tinaas n'ya na 'yung belo ko! Nilalapit n'ya na yung labi n'ya sa'kin! Teka! Ano bang gagawin ko?! Ingunguso ko ba 'yung bibig ko?!

Wag kang mag-inarte Lory, nagkaroon na kayo ng 1st kiss ni Grey noon.

Tss, eto na talaga! Pipikit na nga lang ako!!!

Makaraan ang ilang segundo, naramdaman ko ang labi n'ya sa tip ng nose ko.

Oh bakit parang nadismaya ako?! 

"Bakit?" Mahina n'yang sinabi sa'kin.

"Anong bakit?!"

"Bakit nakabusangot ang mukha mo?"

"Ha?! H-hindi ah!"

"Nadismaya ka ba kasi hindi kita sa lips hinalikan?"

Nanlaki ang mga mata ko. "K-kapal mo!" Pwe! Ibalik ko pa yung kiss n'ya eh pero joke lang 'yun.

"Hahaha." Halatang inaasar n'ya ko.  "Tara na. Kakain pa tayo. Gutom na 'ko eh."

"Tss!"

Pumunta na kami sa mansion ng dad ni Grey. Dito daw kasi gaganapin ang reception sabi ni tito Lance (dad ni Grey).

Maya-maya din, dumating na rin sila mama at ang mga kaibigan ko pati na rin ang mga kaibigan ni Grey. They congratulate me and then, konting kwentuhan tapos kainan na! 

"Excited na 'ko mamaya." Sabi n'ya sa'kin.

Napakunot ang noo ko. "Anong meron mamaya?"

He smirk. "Matitikman mo na 'ko mamaya."

Pakiramdam ko ay umusok ang ilong ko dahil sa sinabi n'ya. Binatukan ko s'ya ng malakas at napa-aray s'ya. "Bastos!"

"Anong bastos? Kasal na naman tayo eh! Haha!"

Eh tae! Gagawin ba talaga namin 'yon?! Hindi ako papayag! NO WAY!!!

----

Gabi na ngayon at unti-unti na ding nag-uuwian ang mga bisita.

"Goodluck mamaya Lory!" Nakangising sinabi ni Scarlet.

"Galingan mo mamaya ha?" Nakangiti ng nakakaloko si Hannah.

Tapos yung iba ko namang barkada nakangisi lang except kay Trisha. Diba nga weird s'ya?

"Ewan ko sa inyo!" Sigaw ko.

Lumapit na sa'kin si Grey. "Let's go?" Tumango lang ako. Siguro uuwi na kami. Nagpaalam muna kami sa dad n'ya pati na rin sa mama ko. Sumakay na kami sa kotse n'ya. Habang nasa biyahe, nakatulog ako.

----

"Wake up honey, we're here." Nagising ako dahil sa pangangalbit ni Grey. Napatingin ako sa lugar. Hindi ito yung bahay namin! Tapos napatingin ako sa ibang direksyon, may beach. Teka, nasaan ba kami?!

"Hoy naliligaw yata tayo!" Medyo kinakabahan kong sinabi.

"No. Tama lang yung pinuntahan natin." Ngumiti s'ya saakin. Bumaba s'ya ng sasakyan at inalalayan n'ya din ako sa pagbaba dahil baka matapakan ko yung wedding dress ko.

"Tama? Eh hindi naman ito yung bahay ko eh!"

"You're right."

"Eh ano palang gagawin natin dito?!" Lumuwag kaya yung utak ni Grey? Hindi ko kasi s'ya maintindihan eh.

"Dito?.. 

dito tayo magho-honeymoon."

Continue Reading

You'll Also Like

151K 5.6K 75
Inakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa...
7.7K 3.5K 26
Cordova Series #1 Palagi na lang sinusunod ni Akira ang mga magulang niya kahit hindi ito ang kasiyahan na gusto niya, pero darating sa punto na hand...
36.3K 771 36
Behind her smile is a hurting heart. Behind her laugh she's falling apart. Copyright © 2018
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...