THE WORLD OF MOONLIT

By ms_whitecrayon

4.1K 1K 1.1K

Ang Moonlit ay isang Mundo kung saan naninirahan ang iba't ibang uri ng nilalang, na pinamumunuan ng magiting... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1- PAINFUL PAST
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 -WHERE ARE YOU?
CHAPTER 7 - THE HEARTTHROB
CHAPTER 8 -UNFAMILIAR FEELING
CHAPTER 9 -FRIENDS
CHAPTER 10 -GANGSTER
CHAPTER 11 -BLACK TIGER
CHAPTER 12
CHAPTER 13 -MYSTERIOUS GUY
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16 -NEW ELIJAH
AUTHOR' NOTE
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22 -ESKINITA
CHAPTER 23 - PRINSIPE RIOX
CHAPTER 24 - NEW FRIEND
CHAPTER 25
CHAPTER 26 -TRUTH
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34 - REVELATION
CHAPTER 35
CHAPTER 36 -PICTURE
CHAPTER 37 -REVELATION (PART 2)
CHAPTER 38 -REVELATION (PART 3)
CHAPTER 39 -REVELATION (LAST PART)
CHAPTER 40 -PANAGINIP
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43 -ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 44 -MOONLIT
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59 - KING FLEVIOUS
CHAPTER 60
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 71

22 11 2
By ms_whitecrayon


ZYLEIGH'S POV

Sinundo kami ng maraming kawal ng kaharian ng sykan dito sa hotel na tinuluyan namin sa bayan.

Muli kong tiningnan si elijah na nanghihina pa rin, kahit nagamot ko na siya ay hindi pa rin talaga bumalik ang lakas niya, nahihirapan pa rin siyang kumilos. Mabuti nalang at todo alalay naman sa kanya si xyvyn na mukhang gustong gusto pa ang ginagawa niya.

Napabuntong hininga nalang ako, kung ano ano na naman naiisip ko.

Nang matapos kaming mag prepare at nasuot na namin ang mga kasuotan namin at maskara ay agad din kaming nagtungo sa kaharian ng sykan, kung saan gaganapin ang pagtitipon.

As usual, diko na naman napigilan ang mamangha nang makarating kami sa kaharian. Sobrang ganda ng palasyo at ang liwanag, maingay dahil sa kung anong musika na hindi familiar sa'kin at ang daming romani peoples na nakikisaya. Parang mga nasa diskohan ang mga romani, at ang sarap din sa pakiramdam habang pinagmamasdan silang nagsasaya.

Agad naming naagaw ang attention nilang lahat nang maglakad kami, at nakakamanghang sabay sabay silang tumungo. Mukhang kilala na nila si haring flevious dahil may naririnig akong humahanga pa rin sa hari kahit naka maskara ito.

"Alin kaya sa dalawang babaeng iyan ang prinsesa."  rinig kong tanong ng isang lalaking elf.

Parang bigla akong kinabahan, pakiramdam ko maiihi ako sa kaba. Juskopo!!!!

Bigla nalang may humawak sa kamay ko kaya nagulat akong napa-angat ng tingin. Pero mas lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mapagtanto ko kung sino.

"Huwag mong ipahalatang kinakabahan ka." nakangiting ani xyvyn.

Agad kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at mas binilisan ang paglalakad para makasabay kay elijah. Nagtataka naman akong nilingon ni elijah nang humawak ako sa braso niya.

"Okay ka lang?" ramdam kong nag-aalala siya.

Tumango ako. "Oo, kinakabahan lang."

Kahit naka maskara ay nakita kong ngumiti siya. "Kalma ka lang, magiging maayos lang ang lahat." pag ko-comfort niya sa'kin. Ngumuso ako at tumango kahit ang totoo ay sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.

Tapos hinawakan pa ako ni xyvyn? Aaaccccckkkk nakakainis!!!!!

"Ayun na yata ang mga kaibigan natin." ani elijah habang nakatingin sa malayo. Tiningnan ko rin ang tinitingnan niya at nakitang kumakaway ang mga kaibigan namin.

Napangiti ako nang makita ang kasuotan nila, sobrang bumagay sa kanila ang mga suot nila, lalong lalo na ang maskara. Para lang kaming nasa party sa mundo ng mga tao, ang kaibahan lang ay hindi mga tao ang kasama namin dito. Mukha man silang tao pero hindi sila kagaya ng mga kaibigan ko na nagmula sa mundo ng mga tao. Kagaya ni xyvyn, mukha siyang tao kumpara sa aming dalawa ni kuya zionne, pero wolf pala siya na pwedeng mag-anyong tao.

Teka, bakit napunta kay xyvyn ang usapan? Tsk tsk.

"Aaaaahhhh buti nakarating kayo, akala namin may masama ng nangyari sa inyo." agad na ani krixi nang makalapit kami sa kanila. Natawa naman kami ni aliho.

"Wag ka ngang maingay, wala tayo sa mundo natin." natatawang saway sa kanya ni kenji.

"Psh, pake mo ba? Bakit ba ako nalang palagi ang nakikita mo ha?" agad na pagtataray ni krixi. Napapailing nalang sa kanya ni kenji.

Bumaling ako kay reese at agad na nagtaka nang makitang tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa. Para bang may chineck siya sa amin.

"Reese, bagay sayo ang suot mo." agaw pansin ko sa kanya. Halata namang nagulat siya at nagpilit ng ngiti sa'kin. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa iniasta niya.

"Salamat, sayo rin." hindi ko ramdam ang pagiging sincere niya o baka dala lang ng kaba ko ito kaya kung ano ano nalang naiisip ko.

"Maupo na tayo." rinig naming ani kuya zionne. Agad kaming sumunod sa kanya.

Dito sa pagtitipon ay hindi kami mga naka upuan, nakaupo kami sa lapag na may unan at naka red carpet pa. Merong mga mababang table sa harapan namin. Hindi kami magkatabing magkakaibigan, mga kalahating dipa pa ang layo namin sa bawat isa. At pinagitnaan pa ako nina kuya zionne at xyvyn. Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong kinakabahan.

Sabay sabay kaming napatayo nang magsidatingan ang iba pa. Hindi ko maalis ang paningin ko sa lalaking nasa pinakaharapan ng lahat, sa tingin ko ay siya ang hari ng sykan na si haring pucini at trono niya ang inuupuan niya ngayon. Lumingon din siya sa gawi ko kaya agad akong tumungo upang magbigay ng galang.

"Masaya akong makita kang muli, mahal na prinsesa." anang hari. Nag-angat ako ng tingin kahit alam kong kabastusan ang gagawin ko.

Muli ko na namang nasalubong ang tingin niya. Kahit nakamaskara ay alam kong nakangiti siya sa'kin.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ako mapakali sa pwesto ko. Lalo na't nararamdaman ko ang bawat titig ng mga bagong dating sa'kin.

"Maupo na kayo." anunsyo ng hari kaya sabay sabay din kaming umupo.

Ngayon ko nalibot ang paningin ko. Pero dahil nga mga naka-maskara kaming lahat kaya hindi ko makita ang mga mukha nila. Pero sigurado akong ang aming inang reyna ang nag-iisang babae na nasa may tabi ni haring pucini.

"Ngayon ay narito tayong lahat upang ipagdiwang ang pagbabalik ng nag-iisang prinsesa ng kaharian ng Zlatan." umpisa ni haring pucini. "Ganoon na rin ang pagsama ng kanyang mga kaibigan na nagmula sa mundo ng mga tao." sabay sabay kaming natigilan nang sabihin niya iyon.

Halatang mga nagulat din ang ibang mga narito sa loob ng malaking silid.

"Nais kong pasalamatan ang mga panauhin natin na nagmula pa sa mundo ng mga tao, sapagkat hindi nila pinabayaan ang prinsesa." ramdam kong nakangiti ang hari nang sabihin niya iyon.

"Ngunit mahal na hari, batid nating lahat na ipinagbabawal ang magsama ng mga nilalang na nagmumula sa ibang mundo." agad na anang isang lalaki.

"Batid ko, ngunit ang mga taong ito ay hindi naiiba sa prinsesa. Mga kaibigan niya ang mga ito at tinuturing na pamilya."

Sobrang sarap sa pakiramdam ngvsinabing iyon ni haring pucini. Nagsalubong ang paningin namin ni haring pucini at alam kong nakangiti siya. Ramdam kong sobrang sincere ng mga tingin niya sa'kin.

"Tayo lamang ang narito ngayon. Nais kong tanggalin ang mga takip ng mga mukha natin, nang sa ganon ay masilayan nating lahat ang mga mukha ng bawat isa." anang hari.

Natigilan kaming lahat, at sobrang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Parang sasabog at lalabas ang puso ko dahil sa kaba.

Ito na!!! Ito na yata ang bitay, jusko!!!

"Maaari mo bang lagyan ng pananggalang ang silid na ito, mahal na haring phoebus? Nang sa gano'y hindi makikita ng mga panauhin natin sa labas ang ating mga mukha." baling ni haring pucini sa lalaking nasa tabi ni reynang lylanne.

Parang sumikip ang dibdib ko.

'Siya ang aming ama.'

Biglang uminit ang mga mata ko at anumang sandali ay mag-uunahan na ang mga luha palabas sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Nang matapos lagyan ng pananggalang ang silid ay inutusan kaming lahat ni haring pucini na tanggalin ang mga mask namin.

Parang slowmo ang nangyayari, at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Juiceco!!!

Nang matanggal ang mga maskara naming lahat, ay nagulat ako nang makitang ang nasa may harapan namin ni zionne ay yung lalaking nakita ko sa rooftop ng hartshorn hospital. Nagkasalubong ang tingin namin, ngumisi siya sa'kin dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko. Kinilabutan ako bigla.

"Nais kong isa isang ipakilala sa inyong lahat ang mga narito sa silid." anang haring pucini.

Halatang mga nagkagulatan pa kaming magkakaibigan, napansin ko rin ang matalim na tingin kay xyvyn ng isang lalaki na sa tingin ko ay hari rin, diko lang sure kung sino siya.

"Itong katabi ko ay ang reyna ng Zlatan na si reyna lylanne. Katabi niya ang kanyang asawang hari at anak ko rin, na si haring phoebus. Sila ang ama at ina ninyo ni prinsipe mharv, mahal na prinsesa." nakangiting pagpapakilala ni haring pucini sa mga magulang namin ni zionne.

Tumungo ako bilang pagbibigay ng galang, nasalubong ko ang tingin ni haring phoebus at nakakatuwang nararamdaman ko ang pangungulila niya sa'kin. Hindi ko napigilan ang mga luha ko at ayon na, sunod sunod silang nagbagsakan. Agad akong umiwas ng tingin at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko.

"Itong nasa kaliwa ko naman ay si haring Nocter, ang panganay kong anak. Siya ang hari ng Azrya, itong katabi naman niya ay ang tagapagmana niyang si prinsipe Riox." nakangiting pakilala uli ni haring pucini doon sa katabi niya.

Siya yung tinutukoy kong hari na masamang nakatingin kay xyvyn. At yung katabi niyang si prinsipe riox daw ay siya yung lalaki sa rooftop, at kung hindi ako nagkakamali, siya rin yung special guest sa acquaintance party no'n sa school.

Paanong nangyaring prinsipe siya rito at pinsan ko pa?

'Kaya pala, kaya pala sobrang misteryoso niya noong nakilala ko siya sa rooftop.'

"Siya naman ang pangatlo kong anak na si haring Tyler. Siya ang hari ng Goetia, at wala siyang tagapagmana dahil nagsasaya lang siya sa buhay niya." tinuro naman ni haring pucini ang isang lalaking napakagwapo at batang bata ang itsura. Mahaba ang buhok niya at parang babae pa ang pagkakatali.

'Wew, tito mo yan Zy.'

Wala siyang tagapagmana, ibig sabihin ay single si lolo tyler. Hahahaha!!! Irereto ko siya sa mga kaibigan ko. Charot!!!

"Hindi ko na siguro ipapakilala sa inyo ang bunso kong anak, batid kong siya ang nag-aalaga sa inyo noong mga panahong hindi pa namin batid ang tungkol sa inyo." anang hari. Napansin kong tumalim ang tingin ni haring nocter kay haring flevious, na katabi ni zionne.

Parang biglang lumamig ang paligid, o baka dahil gumagabi na.

"At siya naman ang prinsesa at ang mga panauhin natin na nagmula pa sa mundo mga mga tao." rinig kong ani haring pucini kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa'kin at kahit kinakabahan ay ngumiti rin ako pabalik.

'Hoooooo!!!'

Sobrang kabado ko jusmeyo marimar!!!

"Ngunit ang pagkaka-alam ko ay hindi nagmula sa mundo ng mga tao ang isang ito." ani haring nocter, napatingin kami sa kanya at natigilan ako nang ang paningin niya ay nakay xyvyn.

Mas lalo akong kinakabahan nang makitang nag-igting ang panga ni xyvyn at kumuyom ang mga kamao niya na nasa ilalim ng mesa.

"Ano ang nais mong sabihin?" lalaking lalaki ang boses ng aming ama nang magsalita siya.

"Hindi ba't taga rito rin siya?" nakangiting tanong ni haring nocter pero ramdam kong sarcastic lang iyon.

"Tama ka." natigilan kami nang sumagot si reyna lylanne, ang aking ina.

'Ina pala namin ni zionne. Nang-aangkin lang?'

"Sapagkat siya ang pangunahing kawal sa kaharian namin. Kasama siya ni prinsipe mharv na nagtungo sa mundo ng mga tao, upang pangalagaan ang anak kong prinsesa, laban sa mga nilalang na ninanais siyang paslangin." ramdam kong may halong sarcastic din ang sagot ni inang lylanne. Ngumiti ako, sobrang palaban ng dating niya. Ang ganda niya pa at batang bata pa ang itsura.

"Ano ang nais mong iparating, mahal na reyna?" tanong ni haring nocter.

Sarcastic na tumawa ang reyna. "Wala naman akong nais iparating, mahal na hari. Sinagot ko lamang ang iyong katanungan." nakangiting anang reyna.

Halatang pinipigilan ni haring nocter ang wag magsimula ng away. Aware rin naman kaming magkakaibigan na siya ang hari ng kasamaan dito sa mundo ng moonlit, nakakapagtaka lang at nakikisama pa rin sa kanya ang mga narito.

At hindi ko alam kung bakit parang ang laking galit ni haring nocter kay xyvyn, sa paraan ng pagtingin niya rito ay masasabi ko talagang may pinagmulan ang galit niya.

Napansin kong palihim na nakatingin si haring tyler sa gawi ng mga kaibigan ko. Kung sino man ang tinitingnan niya ng palihim ay hindi ko alam.










Continue Reading

You'll Also Like

87K 2.4K 26
"๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ข'๐ฏ๐ž ๐ก๐š๐ ๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ , ๐›๐ฎ๐ญ ๐ง๐จ ๐จ๐ง๐ž'๐ฌ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ง๐ข๐ง๐ , ๐š๐ง๐...
8.4M 502K 64
The fiery sequel to Death Is My BFF Rewritten and 2016 WATTY AWARDS winner... The book you should read before this one is "Death is My BFF Rewritten...
16.9K 719 8
Oc female Jackson x Hermes x Apollo x Ares
46.2K 3K 17
Till yesterday she was marring her brother's friend but suddenly ended up marring his college owner and a cold hearted person