THE WORLD OF MOONLIT

By ms_whitecrayon

4.1K 1K 1.1K

Ang Moonlit ay isang Mundo kung saan naninirahan ang iba't ibang uri ng nilalang, na pinamumunuan ng magiting... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1- PAINFUL PAST
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 -WHERE ARE YOU?
CHAPTER 7 - THE HEARTTHROB
CHAPTER 8 -UNFAMILIAR FEELING
CHAPTER 9 -FRIENDS
CHAPTER 10 -GANGSTER
CHAPTER 11 -BLACK TIGER
CHAPTER 12
CHAPTER 13 -MYSTERIOUS GUY
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16 -NEW ELIJAH
AUTHOR' NOTE
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22 -ESKINITA
CHAPTER 23 - PRINSIPE RIOX
CHAPTER 24 - NEW FRIEND
CHAPTER 25
CHAPTER 26 -TRUTH
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34 - REVELATION
CHAPTER 35
CHAPTER 36 -PICTURE
CHAPTER 37 -REVELATION (PART 2)
CHAPTER 38 -REVELATION (PART 3)
CHAPTER 39 -REVELATION (LAST PART)
CHAPTER 40 -PANAGINIP
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43 -ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 44 -MOONLIT
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59 - KING FLEVIOUS
CHAPTER 60
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 69

20 10 3
By ms_whitecrayon


ZIONNE POV.

Kung sa mundo ng mga tao ay mga isang buwan na rin kaming narito sa moonlit, kasama ang mga kaibigan namin. Sobrang bilis ng panahon, parang kailan lang nangangapa pa ang mga kaibigan namin sa mundong 'to.

Nakaupo ako ngayon sa isang malaking bato habang pinagmamasdan si krixi at mga bata na nagkakatuwaan.

Sa halos isang buwan nilang pagsasanay ay talagang ang laki ng improvement nila, lalo na si aliho. Mas lalong gumaling siya sa pakikipaglaban at sanay na sanay na rin siyang pumana.

"Shake it oooff! Shake it ooofff."

Natatawa akong nakatingin kay krixi habang gumigiling sa harapan ng mga bata.

"Hahaha ibang klase talaga. Nagawa niya pang sumayaw ng ganyan." gulat akong napalingon sa gilid ko nang umupo si kenji sa tabi ko.

Napapailing siyang nakatingin sa gawi nina krixi at ng mga batang tinuturuan nitong sumayaw.

"Sanay na sanay na siyang mamuhay dito." nakangiting sabi ko.

"Ganon na nga!" napapailing na aniya.

Napatitig ako kay kenji at iba ang paraan ng titig niya kay krixi. Tumaas ang kilay ko at napailing dahil sa kung anong pumasok sa isip ko.

"Nasaan nga pala si aliho? Hindi ko siya nakikita rito eh." maya maya'y tanong ni kenji sa'kin.

"Ang alam ko ay sumama sila kina hudson at kay tito." sagot ko. Tito na rin ang tawag ko kay haring flevious dahil hindi talaga siya pumapayag na tinatawag ko siyang mahal na hari.

"Saan sila pumunta? At sinong sila?"

"Nanugis. Sumama si zy at aliho, pati na rin si vyn."

"Kailan pa sila nakaalis?"

"Kaninang madaling araw pa."

"Ganon?"

Tumango nalang ako.

Ang panunugis na sinasabi ko ay uri ng paglalakbay sa kagubatan at pumapaslang ng mga masasamang nilalang at mga mababangis na hayop. Lagi namin ginagawa 'yon at nasasanay na rin kaming lahat. Si aliho at zy ay nagkakasundo na uli at sila pa ang madalas na sumasama sa panunugis.

Masasabi ko talagang sobrang laki ng mga pinagbago ng mga kaibigan ko, hindi ko aakalain na gagaling sila sa pakikipaglaban. Si zy na mas napapatunayan na namin ang kakaibang kakayahan niya. Ang pagiging elf niya ay unti unti niya ng nakasanayan, pero hindi pa siya naging wolf, siguro sa tamang panahon saka pa siya magiging wolf.

Half wolf half elf kami ni Zy, kaya hindi niya matatakasan ang pagiging wolf tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan at tuwing nasa labanan kami. Excited na rin ako kung ano ang magiging itsura niya kapag nangyari na 'yon.

"Ohh hiii zionne." napangiti ako nang kumaway si krixi. Kinausap niya muna saglit ang mga bata at saka masayang naglakad palapit sa'min.

"Kumusta ang pagsasayaw niyo?" agad na tanong ni kenji sa tonong nang-aasar.

"Masaya!!" sagot ni krixi.

"Tss, dapat hindi mo tinuturuan ng ganon ang mga bata."

"Bakit? Inlove ka na naman?" asar ni krixi sa kanya. Agad na ngumiwi si kenji at saka umiwas ng tingin. Natawa naman ako dahil sa iniasta niya. "Hehe hi zionne, grabe ah! Ang gwapo mo today." nakangiting baling sa'kin ni krixi.

Natatawa akong tumingin sa kanya. "Ngayon lang ba?" nakangiting tanong ko.

"Syempre always!! Asan nga pala si pres?"

"Sinamahan sina reese at cypher sa bayan."

"Eh? Ano gagawin nila do'n?"

"Inutusan ko silang mamili ng mga prutas. Tsaka inutusan ko na rin silang bumili ng mga maskara." nakangiting sagot ko.

"Maskara? Para saan?" takang tanong niya.

"Mamayang gabi ang salo-salo sa kaharian ng Sykan."

"Oo nga pala!! Shitt."

Nalaman na ng mga kaharian ang tungkol sa pagbabalik ni Zy at ang tungkol sa mga kaibigan namin na nakapasok mula sa mundo ng mga tao. Nagpatawag ng pagtitipon si haring pucini upang makilala ang mga panauhin at lalong lalo na ang prinsesa.

Kailangan naming mag maskara papunta ro'n dahil hindi pwedeng makilala ang mukha namin ng mga normal na romani.

Nakapagtataka nga kung paano nalaman ng lahat ang tungkol sa amin eh, lalong lalo na sa mga kaibigan naming nagmula sa mundo ng mga tao.

"Malayo ba papunta sa sykan?" rinig kong tanong ni kenji.

Tumango ako. "Nasa gitna siya ng moonlit. At mas maraming mga nilalang ang pwede nating makasalubong papunta ro'n." sagot ko.

"Masasamang nilalang?" tanong ni krixi. Tumango uli ako.

"Pero wala pa sina aliho, makakarating kaya sila rito?" tanong ni kenji.

Umiling ako. "Ang alam ko ay doon na tayo sa sykan magkikita. 'Yon din ang bilin ni tito sa'kin." sagot ko. Mukhang natigilan naman sila sa sinabi ko.

"Paano kung marami nga tayong makasalubong na masasamang nilalang?" tanong ni krixi.

"May tiwala naman ako sa mga kasama natin, at tsaka kasama ko kayo." nakangiting sabi ko. Bumuntong hininga si krixi at saka ngumuso pa.

Pati ako natatakot sa pwedeng mangyari patungo sa sykan. Totoong delikado at natatakot akong hindi lang mga halimaw o nilalang ang pwede naming makalaban sa paglalakbay.

Nang makabalik sina pres ica mula sa bayan ng askati ay agad din kaming naghanda sa pag-alis namin. Nang matapos ay nagkita kita kami sa may labas ng kaharian, kung saan mga nag-aabang ang mga mamamayan ng askati.

Mga naka maskara na kaming magkakaibigan at mga nakasuot ng mga magagandang kasuotan.

Agad kaming inalalayan ng mga kawal pasakay sa karuwahe. Magkasama ang mga babae sa isang karuwahe, samantalang kami namang mga lalaki ang sa isa pang karuwahe.

Umalis din naman agad kami at nagsimula ng maglakbay.

Maraming mga kawal na nakasakay ng kabayo sa unahan at mga kawal na naglalakad lang sa likuran namin. Sure akong nagmula pa sa kaharian ng Zlatan ang mga ito, mukhang sinisigurong ligtas kaming makakarating sa pagtitipon.

"Ang astig talaga, sa mga palabas ko lang napapanood 'to eh." ani cypher habang nakatingin sa labas ng karuwahe.

Ang karuwahe ay may tig-dalawang kabayo. Tapos kaming mga nasa loob ay parang mga nakakulong. Kami lang ang nakakakita sa labas pero ang nasa labas ay hindi kami nakikita. Gets niyo ba? Sige wag na.

"Kumusta kaya sina aliho?" maya maya'y tanong ni kenji.

"Sshhhkk! Sila pa talaga inaalala mo dre? Baka nakakalimutan mong mas magaling ang mga 'yon keysa sa atin hahaha." natatawang ani cypher.

Pati ako natawa na rin. Totoo naman ang sinabi niya, lima silang magkakasama at malabong may mangyaring masama sa kanila.

"Pero bakit nga ba kailangan nating magsuot ng maskara dre?" biglang tanong ni cypher sa'kin.

"Para hindi tayo makilala."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit hindi pwedeng makilala kayo ng mga nilalang dito?"

"Hindi ko rin alam eh, basta 'yon ang batas dito."

"Pero paano kung may makatuklas na hari o prinsipe kayo?"

"Edi mas maganda."

"Hindi papatayin ganon?"

"Bakit naman papatayin?" takang tanong ko.

"Ahh, akala ko bawal talagang matuklasan o makita ang mukha ng hari, reyna o prinsipe at prinsesa." kamot ulong ani cypher. Natawa naman ako.

Ang paraan na ganito ay nakasanayan na sa mga kaharian, pero kung may makatuklas sa pagkatao namin ay hindi naman bigdeal 'yon. Atleast, madali nilang nalaman kung sino kami diba?

"Kinakabahan ako dre hahaha." natatawang ani cypher.

"Bakit ka naman kinakabahan?" tanong ni kenji sa kanya.

"Syempre, makakaharap natin ang mga hari at reyna? Malamang dre, maiihi na nga yata ako sa sobrang kaba eh." natatawang sabi ni cypher.

"Kadiri ka! Hahaha."

"Basta magpakatotoo lang kayo, 'yon naman ang gusto ni haring pucini. Magaling siyang bumasa ng reaction ng mga nilalang, kaya nalalaman niya agad kung nagsasabi ba ng totoo ang kausap niya o hindi." paalala ko sa kanila. Tumango naman silang dalawa.

Tumingin na uli kami sa unahan at nakikiramdam sa pwedeng mangyari sa amin.

~*~FAST FORWARD...

Nakarating na kami sa kaharian ng sykan at nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas kaming nakarating kahit may mga mababangis na hayop at iba't ibang nilalang pa kaming nakasalamuha. Mabuti at magagaling ang mga kawal na ipinadala sa amin mula sa kaharian ng  zlatan.

Sinalubong kami ng napakaraming romani, nagkakasiyahan sila palasyo. Gabi na pero parang umaga pa rin dahil sa sobrang liwanag ng kaharian ng sykan.

Agad kaming bumaba sa karuwahe namin kaya pinagtinginan kami ng mga romani, natigilan silang lahat at pinagmamasdan kami.

"Huhu grabe, kinakabahan ako." rinig kong ani krixi, kumapit pa siya sa braso ko kaya natawa ako. "Saan ba Cr dito? Baka pwedeng magbawas muna kami ng kaba bago tayo humarap sa mga hari at reyna?" aniya. Narinig kong natawa rin ang mga kawal na nakarinig sa kanya.

"Ako rin, kinakabahan ako. Cr muna kami, saan ba?" tanong din ni ica.

"Hindi pa tayo dederetso sa pagtitipon. Sa silid muna tayo mag-aantay, aantayin din natin ang iba nating kaibigan." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Yun naman pala eh, tara na." ani krixi. Natawa uli ako, nakakapit pa rin siya sa braso ko.

Habang naglalakad kami papasok sa kaharian, at sinusundan ang kawal na maghahatid sa amin sa silid na para sa aming magkakaibigan ay napansin kong parang balisa si reese. Kahit naka maskara siya ay halatang na hindi siya mapakali. Kumunot ang noo ko dahil do'n.

O baka kinakabahan lang din?

Nang makarating kami sa silid ay agad na tinanggal namin ang mga maskara namin. Binaba namin 'yon sa mesa na nasa gilid.

"Wooohh! Nakahinga ako ng maluwag." mahinang sigaw ni krixi.

Mga naka make-up silang dalawa ni Ica, at nagtataka naman ako kung bakit hindi nagtanggal ng maskara si reese.

"Ayos ka lang?" rinig kong tanong ni cypher kay reese.

"H-Ha?" gulat na tanong ni reese. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa iniasta niya.

Wala siya sa sarili at halatang balisa talaga siya.

"Tinatanong ko kung ayos ka lang." ani cypher.

"A-Ah y-yeah, okay lang ako."

"Para kasing tulala ka jan."

"A-Ano m-may iniisip lang."

"Okay."

Naglakad si cypher papunta sa may bintana at tinanaw ang nasa baba.

"Andaming tao-- elves pala. Grabe, akala ko talaga nasa mundo tayo ng mga tao." di makapaniwalang ani cypher habang nakatanaw sa labas ng bintana.

Naglakad din palapit sa kanya sina kenji at ica at tulad niya ay namangha rin sila.

"Kanina pa siya ganyan."

Gulat akong napalingon sa gilid ko nang magsalita si krixi.

"Ha?" takang tanong ko.

"Si reese, kanina pa siya hindi mapakali. Parang  may hindi magandang nangyari o baka kinakabahan lang din siya." kunot noong aniya. Nakatingin siya kay reese ngayon.

Lumingon din ako kay reese at halata pa ring balisa ito.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

Nagkibit balikat si krixi at nagbuntong hininga pa. "Hindi ko masabi, ang weird lang." aniya. Mas lalong kumunot ang noo ko. "Hahaha hayaan mo na, baka kung ano ano lang naiisip ko dahil sa kaba." biglang bawi niya at naglakad na rin papunta sa mga kaibigan namin.

Muli kong nilingon si reese at ganon pa rin siya. Hindi mapakali at parang balisa. Yung kamay niya parang pinipigilan niyang manginig at pilit pinapakalma.

Lumingon naman ako sa mga kaibigan namin na masayang nakatanaw sa bintana habang pinagmamasdan ang mga nilalang sa baba.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan, parang nakaramdam ako ng kakaiba at natatakot ako dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyari.

Bumuntong hininga rin ako at tumingin uli kay reese pero nagulat ako nang makasalubong ko ang tingin niya. Kahit nakamaskara siya ay alam kong nagkatitigan kami. Ngumiti siya, biglang tumaas ang balahibo ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko.

'Anong nangyayari?'








Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 99.5K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
877K 30.2K 108
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...
212K 9.1K 24
စံကောင်းမွန် + တခေတ်ခွန်း ငယ်ငယ်ကခင်မင်ခဲ့တဲ့ဆက်ဆံရေးကနေအကြောင်းတစ်ခုကြောင့်စိတ်သဘောထားကွဲလွဲပြီး ပြန်တွေ့တဲ့အချိန်မှာသူဌေးနဲ့အလုပ်သမားဆက်ဆံရေးဖြစ်သွ...
181K 4.2K 101
As the Maid of Evil, Y/n sacrifices her life for her twin brother. As the Mist Hashira, Y/n sacrifices her life for humanity. But not anymore will Y...