THE WORLD OF MOONLIT

By ms_whitecrayon

4.1K 1K 1.1K

Ang Moonlit ay isang Mundo kung saan naninirahan ang iba't ibang uri ng nilalang, na pinamumunuan ng magiting... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1- PAINFUL PAST
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 -WHERE ARE YOU?
CHAPTER 7 - THE HEARTTHROB
CHAPTER 8 -UNFAMILIAR FEELING
CHAPTER 9 -FRIENDS
CHAPTER 10 -GANGSTER
CHAPTER 11 -BLACK TIGER
CHAPTER 12
CHAPTER 13 -MYSTERIOUS GUY
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16 -NEW ELIJAH
AUTHOR' NOTE
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22 -ESKINITA
CHAPTER 23 - PRINSIPE RIOX
CHAPTER 24 - NEW FRIEND
CHAPTER 25
CHAPTER 26 -TRUTH
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34 - REVELATION
CHAPTER 35
CHAPTER 36 -PICTURE
CHAPTER 37 -REVELATION (PART 2)
CHAPTER 38 -REVELATION (PART 3)
CHAPTER 39 -REVELATION (LAST PART)
CHAPTER 40 -PANAGINIP
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43 -ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 44 -MOONLIT
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59 - KING FLEVIOUS
CHAPTER 60
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 63

20 8 2
By ms_whitecrayon

KRIXI'S POV

KINABUKASAN

Maaga kaming nagising dahil maagang bumalik si haring flevious. Kakaiba din talaga ang hari na 'to eh, parang ang kulit ng vibes niya. Kaya siguro ganun nalang ang trato sa kanya ni Elijah. Baka sobrang nakulitan sa kanya.

Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga romani na ngayon ay sarap na sarap sa pagkain nila. Kasabay namin sila kumakain dito sa sala, at gusto ko ring hangaan ang hari dahil nakikisabay talaga siya sa kanila. Sa paraan ng pag trato niya sa'min ay hindi mo talaga ma-iisip na isa siyang hari.

Hindi namin kasabay si Elijah dahil hindi pa rin talaga siya nagigising. Parang sobrang pagod niya at ang hina ng katawan niya.

"Maraming salamat, mahal na hari." nakangiting anang matandang lalaki na may tama ng spada kagabi.

Ang sabi nila sa amin ay muntik na silang patayin ng mga kawal ng Azrya, mabuti daw at dumating sina Elijah at haring flevious. Kaso nasaksak naman ang matanda in order to protect Elijah. Gusto ko tuloy siyang yakapin ng mahigpit dahil sa ginawa niyang pagligtas sa kaibigan ko.

"Sigurado akong babalikan kayo ng aking kapatid na hari." ani haring flevious.

Tama, baka balikan sila tapos tuluyan na silang mapaslang.

"Aalis din po agad kami rito, mahal na hari. Tama po kayo, kailangan naming magpakalayo layo upang hindi nila makita." nakangiting anang isang babae.

Nalungkot naman ako. What if, hindi talaga sila lulubayan? Hari pa naman ang gustong magpapatay sa kanila, malamang ay mas madali silang makita nun.

"Maaari kayong manirahan sa loob ng kaharian ko." biglang sabi ng hari. Sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

'Weh ba?'

"Nasisiguro kong, kahit saan kayo magtago ay matutunton pa rin kayo ng aking kapatid. Ngunit kung sa kaharian ko kayo mananatili ay hindi niya kayo maiisipang hanapin dito." nakangiting dagdag ng hari.

Mukhang nagulat naman ang mga romani at pati na rin kaming magkakaibigan. Ang galing!!!

"Ngunit mahal na hari--"

"Kung inaakala ninyo na kinakalaban ko ang aking kapatid ay nagkakamali kayo. Nais ko lamang kayong tulungan, sapagkat naniniwala akong wala kayong kasalanan." pigil ng hari sa akmang pagsasalita ng matanda, tinawag siyang lolo Otto ni Xyvyn.

Napangiti ako. Ang bait niya, parang perfect na siya jusko!! Ang gwapo niya na ngang nilalang tapos sobrang bait pa?

'Magaling din kaya siya makipaglaban?'

Kung magaling nga siya edi sobrang perfect niya!!! Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit iba ang trato nilang dalawa ni Elijah sa isa't isa. Parang may something, nakakaamoy ako ng bardagulan 101 everytime na nasa iisang lugar lang sila HAHAHAHA.

Sabay kaming napalingon nang pumasok si kuya Hudson, yung pinagkakatiwalaang kawal ni haring flevious. May dala dala siyang mga nasa kahon at nilapag sa may gilid. Sakto naman at matatapos na kaming kumain.

Tumayo kaming magkakaibigan at lumapit sa kanya. Nagtataka naming tiningnan ang mga laman ng kahon at namangha na naman ako sa nakita. Hehe mga kasuotan na parang armor pang kawal.

Lumapit na rin sa amin ang hari at nakangiting tiningnan din ang mga kasuotan.

"Maghanda na kayo. Ngunit ito ay hindi niyo isusuot sa ngayon, patutungo tayo sa ilog upang maligo." nakangiting anang hari.

Wow!!!! Yey exciting.

"Hudson, isama mo muna ang mga romani at dalhin mo sila sa kaharian. Bigyan mo sila ng tirahan at pagkakaabalahan. Simula ngayon ay mga disipulo na sila ng ating kaharian." baling naman ng hari kay kuya hudson na agad namang tumungo as a sign of galang at pagsunod sa hari.

Grabe, sobrang bait niya. At saka hindi mo talaga ma-iisip na isa na siyang hari, lalo na sa itsura niyang sobrang bata. Parang kaedad lang namin siya. Pero tito na sila nina Zy at Zionne.

"Bumalik ka rin agad dito upang samahan kami." pahabol ng hari kay kuya hudson. Tumungo uli si kuya hudson at saka naglakad palapit sa mga romani.

Mukhang nagulat naman sila sa sinabi ni kuya hudson at saka sabay sabay na tumungo sa hari, ramdam ko ang tuwa at pagpapasalamat nila dito.

"Maghanda na kayo. Pagbalik ni hudson ay aalis na agad na tayo." nakangiting sabi sa'min ni haring flevious.

Sabay sabay kaming pumasok sa kwarto at saka nagbihis kami ng mga simple lang na damit, pero parang mga dress pa rin sa haba. Ang simple lang yata dito ay ang mga kasuotan namin sa ilalim, tube at cycling HAHAHA. Naalala ko na naman ang ginawa ni Zionne kagabi kay Elijah, tinanggalan niya ng mga suot. Mabuti at makapal ang mga tela dito, hindi kagaya sa mundo ng mga tao, bakatan.

"Paano nga pala si Elijah? Maiiwan siya rito?" tanong ni Ica.

Sabay kaming tumingin kay Elijah at wala pa rin siyang malay.

"Ayaw din naman ipagising ni kuya, ang sabi niya hayaan daw natin na makabawi ng lakas si Elijah." sumagot si Zy habang nakatingin din kay Elijah.

Oo, sinabi nga ni Zionne yun kagabi at pinaalala niya uli kanina. Nakakatakot naman suwayin dahil seryoso talaga ang mukha ni Zionne, nang subukan ngang hawakan ni kenji ang noo ni Elijah ay ang sama ng tingin ni Zionne eh HAHAHAHA. Gusto ko tuloy tumawa nun, pero effort pa kaya hindi nalang.

"Paano pag nagising siya tas wala tayo? Baka mas lalong iinit ang ulo niya." tanong ko.

Sobrang mainitin kasi talaga ng ulo nito, kunting salita mo lang ng hindi niya gusto ay siguradong tatalsik ka na agad.

"Maiintindihan niya naman siguro." ani reese.

"Papayag kaya si haring flevious kung magpapaiwan nalang ako dito?" tanong ni Zy. Sabay kaming lumingon sa kanya.

"Baka hindi. Lalo na, ikaw ang prinsesa." sagot ni Ica.

Tama, baka mas gusto ng hari na kasama pa rin ang prinsesa.

"Eh ako nalang kaya ang maiiwan?" tanong ko.

Hindi naman siguro mahalaga na kasama ako? Wala naman akong papel sa mundong 'to nohh!!  Taga-sigaw lang kapag may mga halimaw o masasamang nilalang.

Sabay sabay kaming napalingon sa may pinto nang may kumatok dito.

"Lumabas na kayo jan." boses ni Zionne ang narinig namin.

Lumingon pa muna uli kami kay Elijah at saka sabay sabay na lumabas ng kwarto. Pagdating namin sa may sala ay wala na yung mga romani. Pero naiwan yung dalagitang babae, Nami ang name niya.

"Nasaan na yung mga kasama mo?" nakangiting tanong ni Ica nang makalapit kami sa kanya.

"Nagtungo na po sila sa kaharian ng askati forest." magalang na sagot ni Nami.

Sobrang ganda niya, kagaya ni Zy at Zionne ay mahaba rin ang tenga niya. May bangs siya tapos sobrang itim ng buhok niya.

'Elf din kaya siya?'

Malamang. May proweba na, nagtatanong pa! Jusko ka krixi.

"Pero bakit naiwan ka?" nakangiting tanong ni reese. Hindi naman ako sure kung sarcastic ba ang pagkakatanong niya o hindi, baka iba lang pandinig ko. Pero natigilan ang dalagita.

"Nais kong sumama sa inyo. At nangako rin ang mahal na hari na tuturuan niya akong makipaglaban." nakangiting ani nami.

'Ang ganda niya talaga.'

Nababakla yata ako.

Kahit medyo marungis pa ang itsura ni nami, ay hindi maitatago nun ang ganda ng mukha niya. Maputi rin ang balat niya kahit may iilan siyang peklat.

"Magdala pa rin kayo ng pana, hindi natin batid kong may makasalubong tayong mababangis na hayop patungo roon." anang hari. Sabay kaming napalingon sa kanya.

Akala ko naman mag-eenjoy kami!!! Tas baka malapa pa pala kami ng mga hayop. Naalala ko ang sinabi nina Xyvyn at Zionne, puro mga wild animals daw ang nakatira rito sa askati forest. Mas okay kaya yun kesa sa mga mapanlinlang na engkanto at mga halimaw?

"Ngunit nasaan si binibining Aliho? Kanina ko pa siya hindi nakikita." biglang tanong ng hari.

"Nagpapahinga po siya mahal na hari." si Zionne ang sumagot. Natawa naman ang hari na ipinagtaka namin.

"Ikaw ay aking pamangkin. Huwag mo na akong tawaging mahal na hari. Pakiramdam ko tuwing tinatawag ninyo ako ng mahal na hari, ay hindi ako nararapat na sumama sa mga kabataan na kagaya ninyo." natatawang aniya.

Gulat kaming napatingin sa kanya.

Grabe, kakaiba talaga siya.

"Ngunit ano po ang nais ninyong itawag ko sa inyo?" magalang na tanong ni Zionne.

"Ako ay kapatid ng iyong ama. Maaari mo akong tawaging tiyo." nakangiting anang hari.

'Tiyo?'

Dapat tito para mas okay pakinggan. Yung tiyo feeling ko ang tanda niya na hehehe.

"Ngunit mas gusto kong tawagin ninyo ako sa aking pangalan." dagdag niya na nagpatigil na naman sa aming lahat.

Seryoso ba siya?? Baka pag ginawa namin yun, bigla nalang kaming nawalan ng ulo.

"Ngunit--"

"Maganda ang ibinigay na pangalan sa akin ng aming Ina. Nais ko namang maranasan ang tawagin ako sa pangalan ko, hindi bilang hari." nakangiting pigil ng hari kay Zionne. Hindi kami makatingin ng deretso sa kanya.

Pero nadagdagan na naman ang paghanga ko sa kanya, dahil sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko sobrang cool niya at ang astig ng personality niya. Swerte nalang ng babaeng papakasalan niya.

"Maaari ba iyon--" natigilan sa pagsasalita ang hari nang may lumipad na palaso papunta sa kanya, mabuti at agad niya itong nasalo.

Sabay sabay kaming napalingon sa likuran namin at nagulat nang makitang galit na galit si Elijah habang nakatingin sa hari, nakasuot na siya ng simple lang din kagaya namin at nakatutok ang crossbow sa gawi ng hari. Ang sama ng tingin niya rito na parang anytime ay papatayin niya ito.

Agad akong lumapit sa kanya at nakangiting tiningnan siya mula ulo hanggang talampakan.

"Okay ka na?" tanong ko agad sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at nanatiling masama ang tingin niya sa hari.

"Ayaw mong tawagin kang hari? Di naman talaga bagay sayo maging hari!!" galit na sigaw niya.

Hinawakan ko siya sa braso para pigilan pero naglakad lang siya palapit sa hari na mukhang gulat na gulat sa nangyari.

"Ano bang problema mo sa'kin ha??" galit na tanong ni Elijah sa hari.

Nagtataka naman kaming lahat.

"Aliho tama na yan." pigil ni Xyvyn sa kanya.

Huminga ng malalim si Elijah at sandaling pinikit ang mga mata niya na para bang pinapakalma niya ang sarili niya.

Ano kayang nangyari? Bakit galit na naman siya?

Kanina pa kaya siya gising? Hindi man lang namin namalayan ang paglapit niya.

"Hindi ko maintindihan ang mga ginagawa mo sa'kin. Masyado kang papansin!! Isang beses mo pa uling gawin ito, baka makalimutan kong hari ka rito." galit na ani Elijah at saka walang ano ano'y naglakad palabas. Agad naman siyang sinundan ni Xyvyn, mabuti at hindi siya pinigilan ng hari.

Napayuko ang hari at kitang kita sa mukha niyang nagtataka siya, kahit kami ay nagtataka. Hindi kami makapagsalita at nagpakiramdaman lang. Ang daming tanong sa isip ko kung ano ba ang nangyari at galit na galit na naman si Elijah.

Letche!!!

Pero nasagot lahat ng tanong sa isip namin nang maya maya lang ay lumabas ang malaking ahas na puti mula sa loob ng kwarto. Nagulat kami at umiwas sa dadaanan nito, nakakatakot talaga siya. Sobrang laki at ang haba pa. Kumapit pa si nami sa braso ko at saka nagtago sa likuran ko.

"Bakit ka nagmula sa silid?" takang tanong ng hari.

Sabay sabay kaming napalingon sa kanya. Mukhang pati siya nagulat at nagtataka kung bakit galing ang alaga niyang ahas sa kwarto.

"Hindi ba't iniwan kita sa kaharian? Bakit ka narito? At ano ang ginagawa mo sa loob ng silid? Mayroon ka bang ginawa sa binibini?" sunod sunod na tanong ng hari.

Ibig sabihin, hindi siya ang may pakana? Pero bakit nga nandito ang ahas at mukhang may ginawa pa kay Elijah, jusko! Ayaw na ayaw pa naman ni Elijah sa mga ahas, baka kinagat siya? O kaya gumapang ang ahas sa katawan niya?

Eeehhhhhhh!!!! Kinikilabutan ako.






Continue Reading

You'll Also Like

88K 2.5K 19
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
47.5K 1.5K 41
Maenya Targaryen. Born in 96 AC, The first child of Aemma and Viserys Targaryen, All seemed well, Maenya was "The gem of the Kingdoms" her younger si...
28K 455 14
DELULU & GUILT PLEASURE
1.4M 99.6K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...